Kabanata 10

2499 Words
"Kumusta ang training mo bilang IT specialist sa Octa?" Nilingon ko ang nagsalita mula sa may terrace. Si Tita Cora ang nakatayo roon at nakangiti sa akin. "Tita? Kailan pa po kayo bumalik? Kumusta na po?" sunod-sunod kong tanong. Niyakap ko nang mahigpit ang aking Tita Cora. "Kani-kanina lang, hindi ko na ipinaalam pa sa iyo dahil alam ko na busy ka." "Sana po sinabi ninyo para naman natulungan ko kayo sa mga gamit ninyo." Kinuha ko ang maleta ni Tita Cora at ipinasok sa loob ng bahay. "Kaya pala dito ako dumiretso at hindi sa bakeshop dahil naramdaman ko na may naghihintay sa akin." "Hindi na ako aalis, Shanta." "Totoo, Tita Cora? Kumusta na ang paghahanap ninyo kay Tito Bernard?" Malungkot na umiling ito. "Hindi ko na siya hahanapin pa Shanta. Wala naman akong kasalanan sa kanya at saka napapagod na rin ako. Naging maganda naman ang buhay ko sa nakalipas na isang taon." Isinara ko ang pinto ng bahay at nagtungo kami sa may sala. Isa-isang inilabas ni Tita Cora ang laman ng eco bag na dala nito. "Mga lutong ulam ni Ate Carol at ang pabirito mo raw na minamatamis na saging." "Wow, si Tita Carol talaga hindi halata na paborito niya akong pamangkin." Binuksan ko ang tupperware at kaagad na kumuha ng kutsara at mangkok. "Ikaw lang naman ang nag-iisa niyang pamangkin kaya hindi nagkapagtataka na ikaw ang pinakapaborito niyang pamangkin." Kinuha ni Tita Cora sa isang plastic ang mga prutas at gulay. Inilagay nito sa refrigerator ang mga ito bago nagtungo sa aking tabi. "Masaya ako dahil nakikita ko na pursigido ka sa pag-aaral. Salamat din dahil tinulungan mo si Shanta." Hinawi ni Tita Cora ang aking buhok na nakatakip sa pisngi ko. "Bilang gantimpala mo, isasama kita sa mall sa Sunday. Bibili tayo ng bago mong damit at sapatos para may magamit ka sa pag-aaral mo." "Tita, hindi na po kailangan dahil okay pa naman po ang mga sapatos ko at hindi ko naman po kailangan ng ibang mga damit. Ipinangako ko po sa inyo na mag-aaral akong mabuti para matupad ninyo ang pangako ninyo kay Nanay. Sisikapin ko po na suklian ang lahat ng mga kabutihan ninyo sa akin, Tita Cora." "Salamat, Shanta. Alam mo ikaw na lang ngayon ang pinaghuhugutan ko ng lakas. Ikaw na ang magiging liwanag sa malungkot kong buhay. Sana tapusin mo ang pag-aaral mo bago ka magkipagrelasyon. At kung balang araw ay makapag-asawa ka sana responsable at mahal na mahal ka." Tumayo ako at kumuha ng isa pang mangkok at kutsara. Iniabot ko iyon kay Tita Cora at saka nilagyan ng minatamis na saging. "Kainin mo iyan tita para hindi kung ano-ano ang iniisip mo." "Ikaw talagang bata ka." "Ipinapangako ko po na study first before anything else. Gusto ko po na magtapos ng pag-aaral at maging isang IT Specialist ng malaking kompanya. Pagkatapos magtra-travel ako sa ibang bansa kasama kayo. Lilibutin natin ang buong mundo para maghanap ng prince charming." Sa sinabi ko ay tumawa nang malakas si Tita Cora. Ngayon ko lang siya ulit narinig na humalakhak. "Salamat dahil pinapahalagahan mo ang pagsisikap ko, Shanta." "Mahal ko po kayo tita at pati na rin si Tita Carol. Lahat ng pangangaral ninyo sa akin ay susundin ko." "Mahal ka rin namin, Shanta. Ikaw lang ang inaalala ko noong nasa Maynila ako. Kaya hindi na ako nagtagal pa doon at umuwi na din dito kaagad." "Aminin mo tita, hindi mo natitiis ang malakas na boses ni Tita Carol, no?" Muli itong humalakhak at tumango sa akin. "Umaga, tanghali at gabi hindi siya tumitigil." "Ganoon po talaga kapag maraming mga bata sa loob ng bahay." Hindi kumibo si Tita Cora. Nilingon ko siya dahil bigla na lamang siyang natahimik sa sinabi ko. "Tita? P'wede ko bang malaman kung ano ang itsura ni Tito Bernard?" "Huwag na natin siyang pag-usapan, Shanta. Simula ngayon hindi ko na maririnig ang pangalan niya." Siguro gusto na talagang kalimutan ni Tita Cora ang asawa niya. Inirespeto ko na lamang ang sinabi ni tita, ngunit curious lang talaga ako kung ano ang itsura niya, kung ako ang buo niyang pangalan at kung sino talaga siya. Malay ko ba kung isang araw may makilala akong detective at maipahanap ko si Tito Bernard. Gusto kong itanong sa kanya kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit niya iniwan ang aking Tita Cora. "Ikaw na bahala rito, Shanta. Iligpit mo na lang ang lahat ng ito at matulog ka na rin. May training ka pa bukas." "Tita, pagkatapos ng training namin magpapaalam sana ako sa iyo. Gusto ng mga kaibigan ko na pumunta ng resort sa La Union. Isinasama nila ako at overnight lang naman daw pero two days kami doon tapos sa gabi uuwi na rin kami. P'wede po kaya akong sumama?" "Nineteen ka na at hindi naman siguro masama kung papayagan kita. Ngunit sa isang kundisyon lang, Shanta. Kailangan mong mag-update sa akin palagi, maliwanag ba?" Sa sobrang tuwa ko niyakap ko siya nang mahigpit. "Salamat talaga, Tita Cora! Ikaw talaga ang pinaka the best tita sa buong mundo." Hinagkan ko pa siya sa pisngi sa sobrang saya ko. "Oo na, huwag mo na akong binobola. Basta sa palagi kang mag-iingat at hangga't maari huwag kang iinom ng alak pati na ang pagsisigarilyo. Huwag mong babanggitin kay Ate Carol na pinayagan kita, okay?" "Opo, istrikto kasi masiyado si Tita Carol." "Gusto lang namin na mapabuti ka dahil mahal ka namin. Sige na, matulog ka na para maaga kang makapagpahinga. Huwag mong ubusin itong minatamis na saging. Bibigyan ko bukas si Audrey. May allowance ka pa ba? Dadagdagan ko na lang para---" Akmang kukunin ni Tita Cora ang bag niya pero pinigilan ko siya. "Hindi na po kailangan dahil may pera pa po ako. At libre naman po ang accomodation namin pati na ang mga foods. Itabi na lang ninyo iyan, Tita." "Pero kung kailangan mo pa sabihin mo lang, okay?" Tumango ako nang marahan sa kanya. "Opo." Pumasok na ito sa kuwarto nito at naiwan ako sa sala. Masaya ako na makakasama ako sa outing namin nina Rosie. Tiyak ako na sasama sina Vlad pero wala naman akong magagawa dahil magpinsan ang mga ito. "GOOD MORNING, Love!" bati sa akin ni Vlad. Malayo pa lamang ako ay abot-tanaw ko na si Vlad na nakasandal sa isang itim na van. "Sina Rosie at Gyneth, nasaan?" nagtatakang tanong ko dito at nilinga ang paligid. Kinuha ni Vlad ang bag pack na dala ko at saka inilagay sa loob ng van. "Naroon sa loob ng grocery at may mga bibibiling snacks. Mabuti na lang talaga pinayagan ka ng tiyahin mo. Magiging masaya ang celebration at outing natin dahil nandito ka." Kinindatan pa ako ni Vlad. Naka-maong pants ito at white na sando. Mapayat si Vlad ngunit matangkad. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Mahilig ito na magsuot ng kuwintas na stainless na may pendant na cross. Guwapo si Vlad dahil isa rin siya sa varsity player ng university namin. "Kanina pa ba sila?" naiinip kong tanong sa kanya. "Hindi naman masiyado, siguro nasa fifteen minutes na." "Kanino nga pala itong van?" Sumandal si Vlad sa likod ng van at itinuro ang sarili. "Sa pamilya ko... hindi ko ipinagyayabang." Tumaas ang gilid ng aking labi sa sinabi nito. Mukha nga namang hindi talaga niya ipinagyayabang. Si Vlad lang naman kasi ang anak ng isa sa nagmamay-ari sa Alizares Sugar Company kung saan nagtratrabaho si Warren bilang security guard. Nalaman ko lang kay Rosie na mayaman nga talaga ang pamilya ni Vlad. Ngunit hindi mo makikita kay Vlad na anak siya ng mayaman dahil madali siyang makihabulilo sa iba at simple lang ang porma niya. Sa akin lang siya nagmamayabang dahil gusto niya ako. Hindi ko man pinapansin ang panliligaw niya sa akin ay patuloy pa rin si Vlad sa panliligaw. Hindi ko sinabi kay Tita Cora ang tungkol kay Vlad dahil tiyak ako na pagagalitan niya ako kapag nagkataon. Ilang sandali pa ay dumating na sina Rosie at Gyneth. May mga bitbit ang mga ito na plastic bags na may lamang mga snackers na iba't ibang klase at mga soft drinks na nasa bottle na. "Nakakapagod, mahaba kasi ang pila sa grocery," ani Rosie sa akin. "Akala ko ba libre nag foods natin bakit pa kayo bumili?" Heto na naman ako at umiral ang pagiging kuripot. "Shanta, puro lamang dagat at mga isda ang pagkain natin doon. Hindi ako mabubuhay na walang dinudutdot," sabi pa nito sa akin. "Halina kayo naghihintay na ang iba nating kasama sa La Union. Nauna na sila na dumating sa resort," pagbibigay alam naman ni Gyneth. Binuksan ni Vlad ang pinto ng van at saka kami sumakay ni Rosie. Isinara rin nito iyon at nagtungo naman sa tabi ng driver's seat. "Let's go!" masayang sigaw ni Gyneth. "Nagdala ba kayo ng swimsuit ninyo?" pang-aasar na tanong ni Vlad. Masama akong tumingin sa kanya. "Sirau---" Hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil nakita ko si Warren na nakaupo sa driver's seat. "Shanta, okay ka lang ba?" nagtatakang tanong ni Vlad na tumingin din kay Warren. "Magkakilala ba kayong dalawa ni Kuya Warren? Sinabi ko kay dad na kailangan natin ng driver kaya sinabihan siya ni dad na ipagmaneho tayo." "Ganoon ba. Siya iyong security guard sa university noon kaya siguro pamilyar sa akin ang mukha niya." Hindi nakangiti sa sinabi ko si Warren. Alam kong galit siya sa akin dahil sa sinabi ko. Kung alam ko lang na siya ang driver at makakasama namin sa La Union, hindi na lang sana ako sumama. Ilang araw ko na siyang iniiwasan dahil alam ko na mali kung patuloy lang akong mahuhulog sa kanya. Malayo ang agwat naming dalawa, at ayokong buksan ang puso ko para magmahal. "I see. Magpahinga ka muna, Love. Ipapasyal kita mamaya sa resort. Palagi akong pumupunta doon kaya kabisado ko na ang mga magagandang destination. Susulitin ko talaga ang araw na kasama kita, Shanta." "Nakakakilig naman," kinikilig na sabi ni Rosie. "Sagutin mo na kasi si Vlad, Shanta. Matagal ka na niyang nililigawan, e. Kawawa naman ang pinsan ko kung patuloy mong didedmahin." "Sinabi ko na kay Vlad na kapag nahintay niya ako sa araw ng graduation namin, sasagutin ko na siya. Sa ngayon, focus muna tayo sa pag-aaral natin. Hindi naman mawawala si Vlad at hindi rin naman ako mawawala." Iniwasan ko ang mga tingin sa akin ni Warren. "Hihintayin kita, my love." Nag-flying kiss pa si Vlad sa akin. Mas lalong tumindi ang pang-aasar ni Rosie at panay sambit ng "uy" sa aming dalawa ni Vlad. Tahimik naman si Warren na nakikinig sa mga asaran ng mga kaibigan ko. Nahuhuli ko siya na nakatingin sa akin pero patuloy kong iniiwasan. NANG makarating kami sa La Union ay kaagad na hinila ni Vlad ang kamay ko patungo sa loob ng resort kung saan kami mag-stay ng dalawang araw. Ipinakilala ako ni Vlad sa mga staff ng resort. Kubo sa may Dagat ang pangalan ng resort. Ako, si Rosie at Gyneth ang magkakasama sa isang kubo. Habang si Vlad at mga kasama naman nito ang uukupa sa isang malaking cottage sa tapat ng cottage namin. Hiwalay ang girls sa boys. Nakita ko si Warren na ibinababa ang mga gamit namin sa van. Tinulungan din siya ni Vlad ngunit sandali lang dahil tinawag ito ng mga kaibigan. Linapitan ko si Warren at kinuha dito ang bagpack ko. Mahigpit na hinawakan iyon ni Warren at walang balak na ibigay sa akin. "Bakit ka sumama sa kanila? Hindi mo ba alam na maraming p'wedeng gawin na kalokohan ang mga iyan? Paano kung lasingin ka nila at---" Hinatak ko nang malakas ang bagpack kong hawak ni Warren. "Hindi kita kaano-ano at hindi rin kita boyfriend. Wala kang karapatan para pangaralan ako. Ano bang alam mo sa bawal at hindi, ha? Gusto ko lang ipaalala sa iyo na magkaibigan lang tayong dalawa at wala ng higit pa roon. Sana maintindihan mo, Warren." Kita ko sa mga mata ni Warren na nasaktan siya sa mga sinabi ko. "Pasensiya ka na kung concern lang ako sa iyo. Ayoko lang na mapahamak ka. Hayaan mo hindi na kita papakialaman pa. Mag-enjoy kayo sa outing ninyong magkakaibigan. Driver lang naman ako dito at utusan ni Vlad. Kung may gusto kang ipag-utos, sabihin mo na," malamig na sabi nito sa akin. "May problema ba?" tanong ni Rosie sa akin nang lumapit din ito sa amin ni Warren. "Nag-aaway ba kayong dalawa?" Umiling ako dito at kinuha ang ibang mga gamit. "Hindi naman, Rosie. Halika na. Gusto kong maglakad-lakad sa dagat." Nauna akong naglakad kay Rosie patungo sa cottage namin. Maluwang ang bahay-kubo may tatlong kuwarto sa loob niyon. Maaliwalas nag loob ng bahay-kubo. Inilapag ko ang bag ko at saka kumuha ng maiinom na juice sa dalang pagkain nila Gyneth. "Shanta, gusto kong itanong sa iyo kung ano iyong narinig ko kanina. Bakit concern sa iyo si Kuya Warren? May relasyon ka ba sa kanya?" mahinang tanong sa akin ni Rosie. "Saan mo naman nakuha ang tanong mong iyan? Magkakilala lang kaming dalawa at nasabi ko nga na dati siyang security sa campus. Siguro dahil naging magkaibigan kaming dalawa kaya ganoon na lang ang sinabi niya kanina sa akin. Alam mo naman kapag mature mag-isip akala mo sila ang tatay natin 'di ba. May kasabihan pa nga sila na pabalik na sila tapos tayo pauwi pa lang," paliwanag ko sa aking kaibigan. Mukha namang sunang-ayon si Rosie dahil s paliwanag ko. "Kaya pala, kunsabagay kahit si Manong Loy ay ganoon din sa atin." Tinutukoy nito ang janitor sa Octa. "Concern din siya kapag hindi pa tayo kumakain at kung bakit late na tayo nakakauwi. Close na nga rin kami dahil madalas na sabihin ko sa kanya ang mga problema ko... para ko na rin siyang tatay." Mabuti na lang at mayroon si Manong Loy na p'wedeng ihalintulad kay Warren. "Halika na nga sa labas, tignan natin sila kung ano ang mga ginagawa nila. Naamoy ko na ang mga inihaw na isda, e." "Hindi ba lumaki ka sa Maynila, Shanta? Ibig sabihin madalas na may nakikita kang mga artista?" tanong ni Rosie habang naglalakad kami. Nakahinga ako nang maluwag dahil iba na ang aming topic. "Oo naman lalo na kapag may mga parada. Alam mo ang guwapo-guwapo ni Richard Gomez," Kinikilig kong sabi dito. "Hindi ba mas guwapo si Ian Veneracion?" tanong naman ni Rosie. "Syempre tisoy si Ian Veneracion at si Richard Gomez hindi. Kung papipiliin ako syempre doon na ako sa Pinoy na Pinoy talaga." "Ayaw mo ba ng ibang lahi?" sabat naman ni Gyneth sa aming usapan ni Rosie. "Kung may pera, bakit hindi?" nakangising sagot ko sa kanya. "Ikaw talaga, Shanta! Iba talaga ang gusto mo, no? Mayaman talaga ang type mo," sabi naman ni Rosie na natatawa pa. "Gusto kong maging donya ako, Rosie. Mahirap kayang maging IT Specialist," natatawa din na sagot ko dito. "Ay, huwag mo na iyang ipaalala dahil puro na lang URL ang nakikita ko kapag pumipikit ako." Muli kaming nagkatawanan ni Rosie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD