Kabanata 7

1032 Words
NAKAGAANAN ko ng loob si Shanta kahit pa sabihin na halos labing anim na taon ang tanda ko sa kanya. Nakakatuwa siya at sa edad niyang iyon ay seryoso na siya sa buhay. Pangarap nito na makapagtapos ng pag-aaral upang masuklian ang taong nagpapaaral dito. Gusto kong tuluran ang pagiging determinado sa buhay. Hindi din ako p'wedeng panghinaan ng loob. Nandito ako ngayon sa Alizares Company para simulan ang duty ko. Asukal ang pangunahing produkto ng kompanya. Kikita ako ng isang libong piso kada duty ko sa loob ng isang araw. Malaking tulong iyon para tustusan ang mga gamot na kailangan pa ni Ate Letty. Halos araw-araw ay kausap ko na ring kausap si Shanta at nami-miss ko siya kapag hindi ko naririnig ang boses niya. ARAW ng linggo, day of ko sa trabaho. Uuwi sana ako ng Manila ngunit ipinadala ko na lamang sa aking Tita Lorna ang pera na kinita ko sa loob ng isang linggo. May mga overtime din ako kaya nakapagpadala ako ng halos siyam na libong piso. May kaunti pa akong pera na natira at pagkakasyahin ko iyon sa loob ng isang linggo. Habang nasa mall ako at nagpapalamig ay nakita ko si Shanta. Patungo ito sa kinatatayuan ko. "Warren, ano ang ginagawa mo rito? Mag-isa ka lang ba?" sunod-sunod nitong tanong sa akin. Nagkamot ako ng ulo. "Ah, oo, galing ako sa bangko at nagpadala ako ng pera para sa kapatid ko. Ikaw?" Tumingin ako sa hawak nitong plastic bag na may laman na cartolina at colored papers. "Bumili ako ng gagamitin ko para sa gagawin naming group presentation. Nasa bookstore pa ang mga kaibigan ko." Itinuro ni Shanta ang mga kasama nitong estudyante na karamihan ay puro mga lalaki. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Sila ba ang kasama mo para gumawa ng group presentation ninyo?" "Oo e. Huwag kang mag-alala matitino naman silang lahat." Tinawag ng isang lalaki si Shanta. "Sige, ha. Text-text na lang or tawag," nakangiting sabi niya sa akin. "Shanta..." Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko naman magawa. "Bakit?" nagtatakang lumingon siya sa akin. "Ahm, wala. Ingat kayo. Tumawag ka na lang kapag hindi ka busy." "Salamat." Tuluyan na ngang naglakad palayo sa akin si Shanta. Inakbayan pa ng isang lalaki sa balikat si Shanta na hinayaan lang nito. Mas lalong nagngitngit ang kalooban ko sa aking nakita. Bumuga ako nang malalim at tinungo na ang escalator. Kailangan ko na ring umuwi para maglaba ng marurumi kong mga damit. KINAGABIHAN hindi ako dalawin ng antok alas dose na ng hating gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala sa isip ko ang aking nakita kanina. Sinubukan ko na tawagan si Shanta ngunit naka-off ang cellphone niya. Lumabas ako ng boarding house at sinubukan na puntahan ang address na sinabi sa akin ni Shanta. Humiram lang ako ng motor sa kasama kong security guard. Pamilyar sa akin ang bahay na nasa harapan ko, hindi ko lang matandaan kung saan ko huling nakita. Nasa labas lamang ako ng gate at nakaupo sa motorsiklo. Muli kong idinayal ang number ni Shanta at hindi pa rin siya matawagan. Sa tingin ko walang tao sa loob ng bahay nito dahil sarado ang mga bintana maging ang pintuan ng bahay. Siguro nga kasama pa rin nito ang mga kaibigan. Malungkot akong umalis at pinaandar ang aking motorsiklo. Habang binabaybay ko ang kanto patungo sa boarding house ko ay nakita ko si Shanta na nakatayo sa may waiting shed at mukhang nag-aabang ng masasakyan. May iilan na tricycle na nagdaraan pero may mga sakay na. Huminto ako sa tapat ni Shanta. Nakahinga ako nang maluwag dahil nakita ko siya. "Ikaw pala, Warren. Eksakto ang dating mo, hindi na ako mahihiya sa iyo dahil kailangan ko talaga ng tulong mo. Siguro may isang oras na akong nag-aabang ng tricycle kaso walang humihinto para isakay ako. Natatakot pa naman ako dahil may mga umaaligid na lalaki kanina." Gusto kong sabihin sa kanya na sobra din akong nag-alala pero hindi ko nagawa. Ayoko naman na isipin niya na pinag-isipan ko pa siya ng masama. "Sige ihahatid na kita sa inyo," sabi ko na lamang sa kanya. "Pero bago kita ihatid p'wede bang kumain muna tayo ng Mami sa kanto?" "Sige... pero sandali lang ha? Maaga pa kasi ang pasok ko bukas. Darating na din kasi ang Tita Cora ko." Todo ang naging ngiti ko sa pagpayag ni Shanta na samahan akong kumain. Sa kanto na malapit sa may boarding house namin dinala ko si Shanta. Nag-order ako ng dalawang special beef mami na sinamahan ng nilagang itlog at toasted garlic. May mga toppings pa na chitcharon. "Eksakto, medyo malamig ang panahon," nakangiting sabi ko sa kanya. Nakangiti sa akin si Shanta ngunit parang may malalim siyang iniisip. "Kung hinahanap ka na sa inyo, ihahatid na kita," biglang bawi ko sa pag-aalok ko sa kanya. Tumingin sa akin si Shanta at saka bumuga nang malalim. "Isang linggo din si Tita Cora sa Cebu pero hanggang ngayon hindi pa rin niya nahanap ang asawa niya. Nalulungkot ako para sa kanya dahil alam ko na mahal na mahal ni tita ang asawa niya." "Kaya ka pala biglang nalungkot dahil iniisip mo ang tita mo. Huwag mo siyang alalahanin, Shanta. Baka may problema lang silang pinagdadaanan ng asawa niya." "Napaka-iresponsable ng asawa ni Tita Cora. Naiinis ako sa kanya! Mananagot siya sa akin kapag nakilala ko siya Warren." Nanggigigil pa na sabi nito sa akin. "Sige na, kumain na tayo. Hindi magandang pag-usapan ang mga ganoong klase ng lalaki sa lamesa. Nakakapag-init nga naman ng dugo. Sino ba siya at hahanapin ko!" Natuwa si Shanta sa naging kilos ko. "Kumain na nga tayo. Salamat sa libreng mami at syempre sa pagpayag mo na ihatid ako. Sa may bake shop ako nakatira, ikalawang kanto nitong eskinita." Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. Nagtaka din si Shanta sa naging reaksyon ko. "I-Ibig mong sabihin sa Martin's Bakeshop ka---" Ngumiti sa akin ng matamis si Shanta. "Tita ko ang may-ari, doon ako tumutuloy kapag galing ako sa University. Teka, kilala mo ba ang Tita Cora ko?" Biglang tumindig ang aking mga balahibo sa aking natuklasan. Pamangkin ni Cora ang babaeng lihim kong minamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD