Di ko pa magawang lumayas Dito, gawa ng kapatid kung si Fiona, dalawa lang kaming magkapatid, at sa ngayon nandito din siya kay tiyang at sinisikmura ang buhay na kasama namin ang pasakit sa aming dalawa.
Nag aaral ang kapatid ko, at sinisikap kung matustosan siya sa kanyang pag aaral gusto niyang makapagtapos ito, kaya kahit hirap e tiis tiis kahit pa noong una ayaw sana ng tiyahin na pag aralin ang kapatid ay pinakausap ko sa mga kapitbahay, at napilitan ito dahil pwede itong makasuhan oras na di nito pinag aral si Fiona.
"Ate, mukhang papatalo na naman yang sinahod mo," sabi ni fiona na di ko namalayang nasa tabi ko, medyo natatakot din siya para dito, napakabata pa nito, para danasin ang ganitong buhay, kung tutuosin ay maalwan sana silang magkapatid kung silang dalawa lang, kaya lang may kontrabida sa kwento ko, kaya naman walang choice.
"Hayaan mo na, basta wag niya lang tayo sasaktan, at kumakain ka lang ng maayos ay okay na sa akin."sagot ko dito.
Inakay ko na ang kapatid ko, para makakain na din kami, gusto ko nang ilayo ang kapatid ko dito, pero sa ngayon di ko pa kaya na mangupahan habang nag aaral.
Palihim kung iniabot ang two hundred sa kapatid ko, pambaon niya, kasi wala laging binibigay si tiyang, di naman kami ginugutom, pero minsan bata, may mga pagkakataon na may gustong kainin at bilhin, kada sahod tinatabi niya ang pambaon sa kapatid na lingid sa kaalaman ni tyang, mahirap na baka makarating pa sa kaalaman ng tiyahin nila e maging puhunan pa sa sugal niya.
"Ate, di kaba nahihirapan sa buhay natin, hanggang kailan tayo magtitiis sa piling ni Tiyang?" sabi nito na nakapangalumbaba.
"Hirap na hirap din, pero ayos lang basta kasama ka, hayaan mo kunting kunting tiis tiis pa, ilalayo kita dito." sabi ko dito, kumain na silang dalawa bahala na ang tiyahin nila na kumain total ay di naman ito imabalido, masakit pa hanggang sa ngayon ang sampal nito kanina.
Maya maya pa ay maririnig ang sigawan at iyakan, kasi nag away na si tiyang at ang lalaki, malamang ang next na scenario ay ang pag hihiwalay na naman, normal scenario na sa bahay na ito ang ganung bagay. bukas mag eexam na kami, nakabayad na ako, mula sa paglalabada ko ng ilang gabi ay mairaraos ko na ang exam.
Nakapasa naman siya sa exam niya, ngunit kinakailangan niyang mag summer class para makasama siya sa mga gagraduate, may dalawang subject na kailangang pasukan para makapag apply for graduation, kailangan niyang makagraduate, oras na makapagtapos siya ay kukunin niya ang kapatid uupa sila ng malayo sa lugar ng tiyahin, magsisimula silang muli.
Sa ngayon e gulong gulo ang isip nya, sa mga susunod na araw pa sa kanilang buhay, parang sasabog na ang utak niya sa pagkukwenta ng mga parating pang gastosin, at mga bayarin niya, nai apply niya ng schoolarship, pero dahil nga sa time management ay natanggal din ang halos kalahating porsyento ng kanyang sideline.
kung sana ay naging mayaman lang kami, at kung sana ay buhay pa ang mga magulang nila di nila dadanasin ang ganitong hirap.at kung sana mabait ang tiyahin nila di sana ay di ganito ang lahat.
Sa araw araw nalang, para siyang hinahabol ng sampong kabayo, at ang hectic ng kanyang schedule, nakikipagbuno siya sa buhay na puno ng tinik, naks lalim, pero alam niya na ang lahat ng pinaghirapan niya ay makakamtan niya din ang ginhawa, sa ngayon ay kinakailangan na muna niyang mag tiis.
Ilang bata ang kanyang tinututor sayang din kasi ang per hour na binabayad sa kanya, masaya siya na kahit paano ay biniyayaan siya ng konting konti na katalinohan, kasi kung hindi, ano nalang ang magagawa niya diba.
Alas tres palang ng madaling araw gising na siya, upang sumasama siyang mamalengke sa nanay ng kaibigan nyang si cloud o claudia sa gabi, best friend nila ni Rio, at pag kauwe ng mga alas singko,tutulong siya sa paghihiwa ng mga gulay gulay at karne na iluluto nito sa karenderya ng mga ito. bibigyan siya nito ng 150 after mga alas syete na halos kung matapos, maliligo at papasok sa cafe na malapit sa pinapasukang unibersidad. after lunch mag out sya ng 12:30 at papasok sa eskwela nya, hanggang alas sais ng gabi pag martes at huwebes pag lunes at byernes hanggang alas singko lang ang pasok nya, at bumabawi nalang siya pag myerkules at maghapon ang klase nya simula 8:30 hanggang 5:00 ng hapon, sa gabi lang ang sideline job nya, kung minsan bantay sa computer shop, o kaya naman ay tutor,pag sabado naman yun ang time nya para sa mga projects at ang sideline job nya bilang bantay sa computer shop ay pang araw siya nag duty lalo at day off ng kapalitan niya.
Pag linggo naman ay sa pag lalabada naman nya inuukol ang kanyang oras, at pag hapon dinadalaw nya ang kapatid sa bahay nila, at ang pag surrender na rin sa kanyang pay slip sa kanyang tiyahin.
At ngayong araw ng linggo ito na naman siya, kung ipon ang pag uusapan, meron siya niyan, di lang niya alam kung hanggang kailan ang itatagal nun sa kanya, lalo pa at nagtatabi siya ng pera para makalayas na silang magkapatid sa kamay ng tiyahin nila, ayaw niyang dumating ang araw na mamatay na sila ng kapatid niya sa kakatrabaho, na di naman sila makaayos ng kain, ay may nananakit pa sa kanila.
At alam niyang kunting kembot nalang makaka graduate na siya, balak niyang kumuha ng mga typing jobs, para pag oras ng duty niya sa computee shop e may kita pa siyang iba, ganun dapat resourceful tayo, wag tayong aasa asa sa iba, kasi wala namang mag aahon sa atin kundi tayo din, tamang sikap para makasurvive sa laban para sa buhay.
May mga pagkakataon na ninanais niyang sumuko nalang, pero sa tuwing mangyayari yun ay, sumasagi sa isipan niya ang kanyang kapatid na siya ang inaasahan, lalo at silang dalawa nalang, paano ito kung maging siya sa susuko na din.