1

1024 Words
Babala: Ang story na ito ay naglalaman ng SPG... kaya kung ayaw nyo ng ganun ngayon palang tigil nyo na hanap na ng iba..?? Tigbi tigbi ang pawis niya, pauwe na siya sa bahay nila, kailangan na niyang mag surrender ng kanyang kaperahan sa kanyang swapang na tiyahin, at hinahanda na niya ang walang katapusang pag bubunganga sa kanya, baka with matching sampal at sabunot pa, that's her life. "Mama, bayad po, makikiabot po," sabi ko sa katabi ko sa jeep, gabi na kaya naman ay rush hour,saktong uwian ng mga nagtatrabaho na gaya niya, at siksikan sila sa loob ng jeep. Ang jeep na ten lang ang capacity nag evolved siya naging fifteen ata, at medyo di kontento si manong na di talaga pak na pak sa pasahero ang kakaragkarag na jeep niya, dapat nga kalahati lang ang bayad niya e, kalahati lang ng pwet niya ang nakaupo e, at kung swertehin kapa at may mahabang buhok sa unahan, makakain mo pa, tapos pag mag preno bigla bigla, kaya dapat kapit mga kaibigan, mahirap nang tumilapon sa labas. Nagpalinga linga siya malapit na pala siya sa kanila. " Tabi po manong, para!" sigaw ko, kasi nga baka lumagpas pa siya, pero lumagpas pa din naman. Nang makababa ay inis na inis siya, mukhang sira ang preno ni Manong, ayan tuloy isang kanto pa ang dadaanan niya bago ang kanila. "Wui Sitty, tagay ka muna," tawag ng kapitbahay nila, sanay na siya sa ganun, gilid lang naman kasi ng kalsada ang bahay nila, kaya lang sa bait ng jeep na nasakyan kanina ay kinailangan niya pang maglakad. "Sige lang po, pass" nakangiti kung tanggi. "Kuuu talo na naman Kanina si Mayeth, kaya mainit ang ulo, ingat ingat ka." si Aling goring. "Sige ho, salamat sa info." biro ko nalang, as expected ay galit na naman ang lola nyo, hayyst kailan kaya siya magbabago, o tamang tanong ay may pag asa pa kaya itong magbago. Pumasok siya sa may bakod nila, pagka kita ng tiyahin sa kanya ay mabilis na iniwan nito ang ginagawa at sumalubong sa kanya. "Tiyang," bati ko. "O Asan na?", sabay lahad ng kamay nito, malamang ang sahod niya ang kailangan nito. "Ito na po ang sahod ko tiyang, dalawang linggo yan, ito ang pay slip ko." sabi ko na dinukot ito mula sa backpack ko, sabay abot dito, nangunot ang noo nito bago. "Bakit ito lang ang sahod mo?putang *na ka talagang bata ka."sabay sampal ni Tiyang sa akin. Matagal na akong nagbabalak lumayas pero ba't ako lalayas e pag aari ng magulang ko ang bahay na ito. At gaya ng nakahiligan na ng mga teleserye syempre ang bida kinakawawa at ako ang bida na iyon. Ako lang naman si Filicity Marie Emperial,o si Sitty ang babaeng nagtatalak ang malayong pinsan ng nanay ko. Simula ng namatay ang mga magulang ko ay ito na ang nag astang may ari ng bahay namin, di naman ako makapalag gawa nga ng ako ay bata pa noon sa edad na kensi ay ulila na ako, nag lalabada ako para makakain kami, pati ang mga lalaki niya na paiba iba lagi. Maraming nakarelasyon na ito, pero laging palpak, kung di manggagantso, magnanakaw, e m******s at marami pang iba, in short di siya maselan sa paglalandi kung sino ang available yan na ang pinapatos, at ako syempre ingat na ingat, ayokong mabiktima ng mga lalaki ni tyang, sa tuwing nasa bahay ang mga ito, at todo ang kandado ko. At nitong huli, paunti unti ay nag tatabi ako ng pera mula sa pag tatrabaho ko bilang sales lady sa isang mall, ang overtime pay ko ay iniipon ko, para makalayas na din mula sa kuko ni drakula, aba eh matagal nang patay ang mga marter. "Tiyang, kung kwentahin nyo pamasahe ko pa po araw araw."pangangatwiran ko. "E di sana nag one two tree ka nalang,"sabi nito, nakaipit ang sigarilyo sa nguso nito naka short ito na kita na ang kasingit singitan at tila ba ay kasera niya lang, kinikwenta ang aking iniabot na pera. Sa ngayon nag aaral ako ng palihim, sa edad kung 24 nasa 4th year college palang ako, dahil marso na papalapit na naman ang finals, irregular student ako, kaya inabot ng ilang taon ang dapat sana na apat na taon lang sa kursong business administration. Nung una, alangan pa akong mag enroll, gawa nga ng ayaw ni Tiyang na mag aral ako, pag graduate ko ng high school ay pinahinto na ako ni tiyang, muntik pa nga ako ipasok sa beerhouse kung di ako tinulongan ni Chief, ang kapitbahay namin na pulis. Pero nong ikalawang taon ko na pagtatatrabaho bilang crew sa fast food e, naisipan kung mag apply nang schoolarship sa isang universidad, mahirap kahit free ang tuition gawa ng maraming bayarin, plus, nauubosan ako ng alibi kung bat di ako umuuwe, dun ako sa kaibigan ko nakikitolog para makapag aral, umuuwe lang ako pag sahod ko para iabot ang pera ko sa balyena kung Tiyahin na napaka sigurista pa siya, pati payslip surrendered rin. kaya ang naiipupuslit ko lang ang mga sideline jobs ko pag day off, mga tips at overtime pay nairaos ko ang mga nakalipas na taon subalit nitong huli, hindi gawa nang bumaba ang mga marka ko nung last sem, kaya bumaba sa seventyfive percent ang scholarship ko, ang ending kailangan kung bayaran ang twentyfive percent ng tuition fee ko, maliit lang naman sana kung tutuosin kaya lang sa katulad nilang isang kahig isang tuka ay di niya mabayadan gawa ng wala siyang pera lalo ay puro surrendered ang kanyang kinikita. "o magsaing ka diyan at gutom na si Romio ko."sabi nito na sinisilip ang nagmamadyong na butiti sa labas, ang bagong m******s niyang asawa asawa. Sawang sawa na siya sa buhay nilang magkapatid, kaya lang ay wala silang magagawa lalo at wala silang ibang mga kamag anak. Sa ngayon titiisin na lang muna niya ang buhay na kinakaharap, mas pinili nalang niyang magkunwaring kontento siya sa nangyayari, pero sa kaloob looban niya, alam niya na darating ang araw na magkakaroon siya ng sapat na lakas ng loob para makawala sa kamay ng gahaman nilang tiyahin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD