Nasa school grounds siya ngayon, katatapos lang ng huli niyang klase sa umaga, muntik pa siyang masubsob ng gulatin siya ng kanyang kaibigan.
"Panu ba yan Sitty, kailangan mo na eenroll ang PE mo", talak agad ni Rio, ang best friend kung kalahating tao kalahating tikbalang chooss.
Gwapo si Rio, o macario sa tunay na buhay at Ria sa gabi anak siya ni chief, kaya di pwede ang magladlad, lagi kaming napagkakamalan na mag jowa, at tinatawanan ko na lamang yun, mas type ko si Morres ang kuya ni Rio na isang pulis din.
"Lakas maka major kasi ng PE na yan." palatak ko na binalingan ito.
"Sabi ko na kasi sayo na PE is the most important subject in college, kasi kahit gaano ka katalino, di ka gagraduate ng hindi nag PE"sabi nito na boses malamya.
Napahagalpak ako, kasi nagpapacute pala sa lalaki sa likod, mga fifth year na architecture ang sa likod namin, at kilala ang mga ito bilang mga nag gagandahang kalalakihan sa school, malayo palang ay agaw pansin ang mga ito, lalo at nagmula sa mga kilalang angkan ang mga ito, semi private kasi at kilala ang school sa pag produce ng mga quality graduates kaya naman ay mahal din ang tuition, kung di lang siya schoolar malamang matagal na siyang tsugi arabelski sa school na ito.
"Naks, ipit na ipit Mars, kilig na kilig at pulang pula ang hasang mo."
bulong ko.
"Gaga, wag kang ngumiti, alam mo namang type ka ni Iñigo,gumaganda ka pag nakangiti kaya itigil mo yan kung ayaw mong dakutin ko yang dimples mo,susumbong kita kay kuya."banta nito na ikinatawa ko lalo.
"Naks, baka ikaw ang may crush sa akin, ayeee yee" panunukso ko dito.
"Eewww, di tayo talo no, kadiri ka talaga, kilabutan ka nga." tila diring diri naman ang bakla.
"Sus, gwapo ka naman, pag di kami nagka foreber ni Kuya mo, pwede namang ikaw nalang." pang aalaska ko dito.
"Filicity Marie ah, sasamain ka talaga sa akin," halatang pikon na naman ito, sinundot ko ang beywang nito, na muntik nang mapatili kung di lang lumapit si Iñigo.
"Hi Sitty,"kaway ni iñigo sa akin, at nang tumingin ako kay bakla pinan dilatan naman ako ng hitad kung bestfriend.
"Hi, sige una na kami," di naman sa takot ako sa banta niya, kaya lang hanggat maari ay iwasan natin ang mga tukso, sa lagay ko ngayon, di pwede ang puso na makisabay delikado at baka malugmok ako ng bonggang bongga, tsaka na yan si forever.
"Halika na bakla."hila ko dito, parang gusto pa nitong magpaiwan at magpacute, pero hinigpitan niya ang paghawak sa kamay nito.
"Ay makahila ka naman parang di dilag ang hinihila mo, mashukut ang aking makinis na balat, namumula o."reklamo nito, ang braso nito ay namumula nga.
"Feeling dilag naman to, dalag kamo."pang aasar ko.
"Alalahanin mo sitty ah, after graduation maglaladlad na aketch at magpapa thailanders ako day."tila proud na sabi nito.
"So, eh di mag thailanders ka, anong konek ko dun, paki ko."sabi ko na iniinom ang softdrinks na libre ni Madam Rio.
"Ay shunga shunga to mag papa transplant ako, and viola, si Ria na ako Inday Sitty, isang ganap na babae na ang lola mo." pumilantik pa ang mga kamay nito.
"Haha, mag papa matress ka din ba?, kuh big time kana bakla" puri ko dito.
Matagal nang pangarap ni Rio ang makapag papa transwoman, kaya alam niyang gagawa at gagawa ito ng paraan para matupad ang pangarap nito, lalo at may napupusoan na ito.
"Syempre hindi, pero at least diba, gusto ko kahit papaano ay maging true sa aking self Hay."sabi nito.
"Naku sayang naman yang lawit mo."biro ko, na agad akong binatukan.
"Hoy babae, bakit type mo ang lawit ko?, omg don't me",
mulagat ang mata ng bakla.
"Like duhh anong gagawin ko jan sa lawit mo?, nakakain ba yan"sabi ko, medyo huminto pa ng matanggal ang sentas ng kanyang rubber shoes.
"Hay naku ening, ang lawit na tinatawag, yan ang kaligayahan nating mga babae." nakangising pagpapaliwanag nito na kumukumpas kumpas pa.
"Hala anong mayroon ba jan sa lawit na yan, may ginto ba, naglalabas ng ginto?", pamimilosopo ko.
"Gggr, bat ba kita naging bestfriend ang talino mo, bakit ba napaka slow mo sa mga ganitong bagay, bakiiit?"kunwari nasasaktan pa ang mukha nito, kinutusan ko naman agad.
"Ang oa nman ng iba sa lawit na yan." sabi ko na nagpatiuna nang maglakad.
"Alam mo te pag natikman mo na itech na lawit hahanap hanapin mo, at magiging all time favorite mo na." sabi nito, an tila ini imagine ang sinasabi nito.
"O akina at iluluto ko, para matikman na." sabi ko naman dito.
"Kaloka, virgin mary pa talaga." sabi nalang nito.
"At ikaw manyak." singhal ko dito.
"Hija di na uso ang gaya mo no."irap ng hitad.
"Uso, pa nandito pa ako e", pag kukulitan namin.
"O siya shoo layas na at baka masakal na kita, nakakabanas ang kainusentihan mo nakakastress."sabi nito na nakasimangot, bumeso ako at akmang sasakay na ng jeep pauwe.
"Ay hala shunga baka di pa ako pauwe, papasakayin mo na ako."nakangisi ko pang sabi.
"Kaloka, saan ba ang mga papable na yan, di pa naipakita ang lawit nila sayo" anito na tila nag iisip pa.
"Ay solohin mo te, not interested, iyong iyo na ang lahat ng papable sa mundo, di nila ako mapapakain sa ganyan." sabi ko dito.
"Di daw sus, baka malalaman laman ko lang e, ikaw pa ang magyaya, naku te, a year or two makakatikim kana." sabi nito.
"Gusto mo ipatikim ko to sayo?", sabay amba sa kamao.
"Ayy loka loka, para kang lalaki diyan, hmmp" irap nito na ikinatawa ko.
"At least diba may tagapagtanggol ka, nagmana yata ako sa kuya mo." biro ko pa.
"Asa pa more, naku ikàw mahirap kaya ang maging asawa ni kuya, isipin mo matagal kayo kung magkita, tapos lagi pang nasa bingit ng kamatayan, at baka mamatay ka sa kakaselos kasi habolin ng kababaehan." sabi nito.
Lagi ko namang naririnig yun sa kanya, kahit sa nanay ng mga ito, pero nanatiling loyal ako.