D4

1212 Words
Nasa labas na kami ng campus ng sumagot ako. "Basta ako naniniwala parin ako na balang araw, may future din kami ng Kuya mo. Dahil close naman tayo wag ka nang mag aalala pa dahil di ko ipapaalam sa mga magiging anak namin na mahaba ang lawit ng Tita nila!" pang aasar ko dito. "Naku wala kang patunay! anyway papatikim ko sayo yang mga papa na yan. Hahanap hanapin mo yan pag natikman mo." sabi nito. "Baka naubos na ang lahi ng papa na yan."baliwalang sabi ko kinuha ko ang hawak niyang burger na di pa nakalahati at kinagat. "kadiri to! may laway ko na yun ano ba yan? para kang grr..kagigil."inis na sabi nito na sinamaan ako ng tingin. Medyo maselan kasi ito sa mga ganun kaya naman yun ang lagi namin pinag aawayan kasi lalo ko naman itong inaasar. "Yan kasi bagal mong kumain, puro ka kasi lawit. Pakalandi mo siguro kung naging babae ka. Baka wala kapang kinse e laspag kana." pang aasar ko pa. "Pag dumating ang araw na makatikim kana, naku mams, baka mag kulong nalang kayo sa kwarto at mag unli lawit mams. Tsaka di landi ang tawag dun, normal human beings!"sabi nito na tinikwas pa ang kilay. "E di ako na ang hindi normal. Sus ginoo kung yun lang pala ang pamantayan ng pagiging normal e ayaw ko nang maging normal. And swear di mangyayari yun, di ako interested sa lawit eww." sabi ko although nababasa ko yun sa mga kalokang novels na erotic ng isa naming m******s na kaibigan si Hera. Ngunit di padin ako naniniwala sa ganun. "Ay gaga to kung gusto mong maselo si Kuya ngayon palang masanay kana. Kasi papakita din naman ni Kuya yung lawit niya sayo." sabi nito na ikinangiwi niya. Oo nga pinagpapantasyahan niya ang kuya nito ngunit di niya ma imagine ang kanyang sarili na makakita ng ganun. Live man o hindi nakakasuka lalo na sa tuwing iniisip niya ang sa mga kalalakihang dumaan sa buhay ng kanyang tiyang. "Bakit si Tiyang Mayeth, nakailang lawit na. Bakit di padin nahinto sa pagpapalit palit dapat kung nasarapan yun di sana umuulit ulit nalang. Di yung palit ng palit." Balewalang katwiran ko. Ang burger na kanina ay hawak nito ay pag aari na niya ngayon. O diba sabi sayo di siya masiba medyo lang wala pa kasi siyang kain mula umaga. Tanging kape na malamig pa sa pagmamahal ni Rio ang laman ng kanyang sikmura. "E kasi naman inday Sitti no ang mga jowa ni Tiyang mo mga kulang sa maraming ligo, maraming maraming ligo ang kailangan nila na may kasamang holy water mga ganern. At Inday Sitti swear di sila yummy, yucky sila yucky kaya papalitan talaga." sabi nito seriuosly ang lawit talaga ang topic namin nitong baklitang ito. "Okay a tatandaan ko yan. Mauna na ako sayo at hanap muna akong lawit hehe!" sabay halik sa pisngi nito bago kumaripas ng takbo. Tatawa tawa ako ng makita kung paano nito inihilamos ang baon na tubig. Tila diring diri sa halik niya lagi niya iyong pang asar dito. Nagmamadali na akong tumawid at baka malate na naman ako sa susunod kung klase. Sa tawid kasi ang building na pinagkaklasehan nila ng tatlo niyang major subject. Yung filipino, PE, at rizal o diba sila ang mga feeling major subject na pakalat kalat sa curriculum nila. At di niya maisip kung ano ba ang ambag nun sa kanya oras na makagraduate siya. Pag magpasa ba siya ng business proposal e itatanong ba ng kliyente nila kung ilan ang asawa ni Rizal? kung ilang set ang larong badminton, volleyball at kung ano ano pang sports. Magagamit ba ang pambalana at panipi sa proposal kung english naman ang gagamitin language. Haist what is wrong men? Maaga pa siya sa kanyang klase ng sampung minuto kaya naman ay humanap siya ng upoan. Pinili niyang mag review para sa quiz niya sa susunod na subject. Nangangalahati na siya ng maramdaman niyang may tumabi sa kanya. "Hi Sitti!" bati nito na ikinalingon ko. Kaklase ko ito sa english ngunit di ko maalalang kaklase ko rin siya sa rizal. "Po? bakit?" taka kung tanong dito, di niya maalala ang pangalan nito. Ngunit alam niyang mayaman ito at ito ang isa sa mga sikat sa school na ito. Pero wala namang appeal sa kanya ang sobrang kinis at linis nitong mukha. Mukha pa itong gwapong gwapo sa sarili nito. "Pwede ba kitang ihatid later?" tanong nito. Napa double look ako dito kasi di naman siya sa nang aano ngunit di niya ito kilala in person maski pangalan. "Ngee ni hindi nga kita kilala e tapos tingin mo papahatid ako?" pang babara ko dito. Kilala itong mayabang kaya alam niyang malaking sampal iyon para sa lalaki. "Come on Sitti wag na tayong pakipot, ang swerte mo nga dahil sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa akin ikaw ang napili kung ihatid." sabi nito na tila inis na. Syempre papayag ba siyang andaran ng kayabangan nito ng hindi niya naisasampal sa pagmumukha nitong kasing kapal ng kalyo ng kamay niya ang mga kahambogan nito. "Alam mo, nagsasayang ka lang ng laway mo dito. Di ako interesado sa kung anuman yang hatid hatid mo na yan. Gaya ng sinabi ko sayo wala akong pakialam kung ano ang mga pinaggagawa nyo sa buhay nyo. Nag aaral ako dito at nakakaesturbo ka, kita mo to? ayan may quiz ako mamaya kaya pwede layas na! singhal ko dito. Di naman siya suplada ayaw niya lang ay ang naabala ang pag aaral niya. "May araw ka rin sa akin. Luluhod ka at magmamakaawa na pansinin ko man lang! ang arte mo!" sabi nito bago tumalikod bago tuluyang lumabas na ng kanilang room. Pag lingon niya sa mga kaklase ay pawang nakamata ang mga ito sa kanya. "Sitti si Jupith yun, malupit yun sa babae." si Joana kaklase nyang maarte ngunit mababait naman ang mga ito sa kanya kahit na alam ng mga ito na mahirap lang siya. "Sino naman yun?"tanong ko dito. "Gaga kilala kaya yun at mayaman girl." sabi ni Pau. Bakla niyang kaklase. "Hayaan nyo na di ko naman siya ka close para pahatid hatid diba? tsaka di ko kasi kilala." kibit balikat ko. "Grabe naman tong babaeta na to, malapit na akong sumamba sayo grabe ang dedication mo sa pag aaral mo." puri ni Marion na nakamata sa kanya. Nginitian niya lang ito at muling binalikan ang nirereview niya kanina. Maya maya pa ay tumunog na ang bell. Hudyat upang maghanda na sila para sa kanilang susunod na klase. Bagama't di naman ganun kahirap ang quiz ay medyo di padin siya naging confident sa mga naging sagot niya. Gayunpaman ay dalawa lang ang naging mali niya kaya naman ay masaya narin siya. Naghanda naman siya na pumasok sa kanyang trabaho bilang isang waitress sa isang cafe sa di kalayuan ng kanilang paaralan. Balewala ang pagod sa kanyang mga trabaho kumpara sa kagustohan niyang makapagtapos ng kanyang trabaho. Masaya siya na nakakaya niyang pagsabay sabayin ang lahat ng mga ito. Patuloy lang ang buhay sa kabila ng mga kinakaharap na mga suliranin niya. Sa ngayon yun ang kanyang focus, kaya naman iwas na iwas siya sa mga lalaki. Kasi alam niyang magiging hadlang lamang ang mga ito sa kanyang mga pangarap sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD