Di siya yung tipo ng tao na takot tumawid di kagaya nitong kasama ko.
"Hoy Sitti, di pa kaya pwede may sasakyan pa o!" malakas na sita nito sa akin na nginisihan ko lang.
"Hoy babae kung hihintayin natin na maubos ang sasakyan. Baka puti na ang buhok mo sa kili kili mo ay di pa tayo makakatawid!" tumatawang sabi ko dito. Pag lingon ko ay karay karay na ito ni Crisologo.
"Ilang ulit na kitang sinabihan na mag practice kang tumawid. Para ka talagang bata tss!" sabi ng lalaki bago kami iniwan sa kabilang bahagi. Kita niya ang pamumula ng mga pisngi nito. Parang nakikita ko na ang ending ng buhay pag ibig nito sa nakikita niya kasi mukhang may amats din ang lalaki.
"Ayie kinikilig siya!" tukso niya dito.
"Kikiligin na sana ako kaya lang may kasamang sermon e." nakangusong reklamo nito.
"Sus kunwari di pa kinikilig sa lagay na yan. Samantalang mukhang maiihi ka na nga sa kilig e." tukso ko dito.
"Haist kung sa kilig lang Sitti sagana ako niyan pero di nga kasi kami pwede. Sa kanila nagtatrabaho ang mga magulang ko at sila ang nagpapaaral sa akin." sabi nito.
"Hirap naman niyan masyadong komplekado ang sitwasyon mo. Mas komplekado pa sa buhok mong tila noodles, ikain nalang natin ng isaw yan." sabi ko dito sabay hila dito papunta sa food stall na nasa kanto sa labas ng kanilang school.
"Diba may klase ka?" tanong nito sa akin.
"Nakalimutan kung one hour lang ang klase ni Miss Doromal ngayon. At mamaya pa ang vacant ni Bakla." sabi ko dito.
"Nakakapagod talaga ang mag aral." sabi nito kapagkuwan.
"Mas nakakapagod magtrabaho ng magtrabaho tapos wala namang napupunta sayo sa sinasahod mo." sabi ko dito.
"Alam mo kasi palayasin mo na kaya yang tiyahin mo. Para di kana mahirapan pa bahay nyo naman yun." sabi nito na humanap ng pwesto na mauupoan naming dalawa. Kung alam lang nito kung gaano niya hiniling at ninanais na mawala na sa landas nila ang tiyahin nila. Di lang niya magawa sa ngayon dahil nga di pa niya maaring kunin ang kapatid dahil wala pa siyang sapat na kakayahan upang buhayin at alagaan ang kapatid.
"Hayaan mo konting tiis nalang mapapalayas ko din yun." sabi ko habang kumukuha ng isaw na nasa harap. Dahil limited lang ang pera nilang dalawa ay nagkasya nalang sila sa tig dadalawang stick ng isaw at uminom ng baon nilang tubig.
"Ang hirap maging mahirap no? yung tipong gusto mo pang kumain ngunit wala ka namang pambili ng pagkain." sabi nito pabalik na kami sa loob ng school may isa pa siyang subject bago umuwe. Napagpasyahan niyang di muna papasok sa trabaho natatamad siyang magpakapagod ngayong araw. Siguro naman deserve din naman niyang magpahinga lalo pa nga dahil halos patayin na niya ang kanyang katawan sa kakatrabaho. Kayod dito kayod doon kaya naman siguro chill muna siya ngayon. Di rin kasi siya komportable sa kanyang damit.
"Sinabi mo pa! samantala ang mga kaklase natin, di pa nangangalahati ay sa basurahan na ang lagpak ng kinakain. Masyado silang aksayado sa grasya ang hirap kumita sa ng pera." sabi ko dito.
"Alam mo balang araw magtatayo ako ng sarili kung negosyo. Tapos di na ako magugutom at di na kami maninilbihan pa sa mansyon ng mga Crisologo." sabi nito.
"Claim mo yan, sige lalayas na ako baka umpisa na nv klase ko." paalam ko dito.
Dali dali kung binagtas ang daan papunta sa room kung saan ang kanyang sunod na subject. Sa corridor ay nakatambay na naman ang mga lalaking engineering student na mga mayayabang.
"Hi Sitty!" bati ng isa sa mga ito.
Walang imik kung nilagpasan ang mga ito.
"Sitty hatid kita mamaya." sabi ng team captain ng basketball team sa kanya. Pero maski sulyap ay di ko ginawa. Ayaw niya sa attention na binibigay ng mga ito sa kanya. Di naman niya kasi ikakayaman ang mga ganyan baka ikalugmok niya pa ng tuloyan. Kaya naman habang maaga pa ay iwasan na ang mga ito dahil di niya kailangan ng mga sagabal sa kanyang pag aaral.
"Ang suplada naman talaga, kaya lalo akong na cha challenge e." sabi ni Ramil. Isa ito sa pinakaiiwasan niyang lalaki sa campus. Nilampasan niya ang mga ito at tumuloy sa kanyang klase.
Alas kwatro na nang matapos ang kanyang huling klase. Kung ibang araw ay umaabot ng alas sais sa kanyang klase ngayon maaga siyang makakauwe dalawang prof ang absent dahil may meeting. Nagmamadali siyang lumabas at nagbalak nang umuwe ng maaga. Gustong gusto niyang matolog bawi sa ilang araw na pagpupuyat niya para sa research paper niya na required para sa kanyang graduation.
Paliko na siya sa may sunod na corridor ng mamataan niya ang magbabarkadang anak mayaman na nakatambay. Kaya naman binilisan niya ang hakbang niya. Nagpaalam na siya kay Rio na uuna na siyang umuwe dito kaya wala siyang kasama. May mga mangilan ngilan na mga estudyante na nasa paligid. Sumabay siya sa isa niyang kaklase na dumaan.
"Hi Kaye!" bati niya.
"Hi Sitti, kumusta yung research paper mo?" tanong agad nito. Iniexpect na niya na iyon ang itatanong nito. Kilala ito sa boung klase na ayaw masapawan sa mga kung ano ano sa school. Kaya naman masarap na asarin lalo dahil medyo may pagkapikon ito.
"Naipasa ko na kahapon nag okay na naman si Sir." sagot ko dito, ang totoo kanina niya lang naman ipinasa gusto niya lang asarin ito. Kita niya ang inis na bumalatay sa mukha nito.
"Akin kakapasa ko lang kanina mahirap na mahuli sa deadline." sabi nito na ikinatawa niya. Kung alam lang nito halos magkasunod lang silang nagpasa nauna lang siya ng ilang minuto dito. Siya ang pinakaunang nagpasa nun. Which make her exempted sa exam next next week sa isang major subject nila.
"Oo sayang din kasi ang exemption ng exam." sabi ko dito. Malamang ay nalaman na nito na siya ang pinakaunang nagpasa sa boung klase nila.
"Sige una na ako." sabi nito bigla as usual ay nagalit na naman ito dahil nalamangan niya. Hinatid niya ng
tanaw ang papalayong bulto ng babae.