Nagpalingalinga siya ngunit natanawan niya sa di kalayuan ang mga lalaki sa kabilang department.
Kilala itong mga adik at mahilig mang trip sa mga estudyante. Kaya naman ay iniiwasan nila ang mga ito ayaw niyang maging biktima ng mga ito. Ilang araw na niyang napupuna ang pasimple na pagsunod sunod ng mga ito sa kanya. Nung una medyo duda pa siya na siya nga ang target ng mga ito. Matapos siyang balaan ng isa sa mga kaklase ng mga ito ay na confirm niyang siya nga ang target na biktimahin ng mga ito. Kaya kontodo iwas siya ayaw niyang mabiktima ng mga ito.
Lumiko siya sa kabilang bahagi ng isang gusali na halos tago na. Ngunit lihim siyang napamura ng makitang sumunod din ang dalawa sa mga kasamahan nito. Mas lalong tumindi ang kabang kanyang nararamdaman lalo pa nga at walong lalaki.
Lihim siyang napamura sa suot niyang damit lalo at di naman siya makakilos ng maayos. Masyadong maiksi at fitted pa kaya naman di siya makakatakbo. Kasalanan to nang baklitang si Cloud ito kasi ang nagpilit na mag suot siya ng dress ngayong araw na hapit na hapit, bigay daw yun ng pinsan nitong mula sa America aayaw sana siya kaya lang nang ang nanay na nito ang nagpilit eh wala na siyang nagawa pa. Ayaw naman niyang masabihan na maarte kaya pikit mata niyang isinuot ang damit.
Ayon kay Rio kanina ng makita siya ay naging mas katakam takam nga daw siya sa paningin ng mga lalaki sa campus. Kasi di naman sa pagmamayabang ay madami ang umaaligid aligid sa kanya upang ligawan siya. Ngunit sadyang hindi niya iyon binibigyan ng pansin.
Muli siyang kumanan at nang makita na bukas ang garage ng isang kompanya ay doon niya napiling pumasok upang magtago. Nag palinga linga siya sa mga hilira ng mga mamahaling sasakyan liko dito lusot doon. Hanggang sa mapunta siya sa likod ng isang Ferrari na sports car. Alam niyang kahit magkanda kuba siya sa pagtatrabaho ay di niya makakayang bayaran ang presyo ng sasakyan. Nanginginig siya sa lamig at takot lalo at may kadiliman sa bahaging iyon. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng kanyang locker na may gunting na maliit na palawit. Pang self defense kung saka sakali na magpang abot sila ng mga ito.
Nang makita ang dalawang schoolmate na member ng gang ay agad siyang umuklo at nagtago sa isang magarang sports car at dahil biglaan ang ikot niya nasagi niya ito at agad na tumunog ang alarm.
Gimbal na gimbal siya sa bilis ng mga pangyayari. Nakita niya ang agad na nagpulasan ang dalawang lalaki. Ngunit mas lalong nadagdagan ang kanyang pagkagimbal niya ng makita ang pagguhit ng dala niyang gunting sa kaliwang bahagi ng sasakyan. Tila sinulatan ang sasakyan na kasing haba ng apat o limang pulgada di niya matiyak. Alam niyang putlang putla siya lalo na at alam niyang hindi biro ang halaga ng sasakyan.
"Oh pareng mustang sorry!" naiiyak niyang usal at ngayon nga ay parang nais na niyang maglaho nalang. Alam niyang kasunod nito ay ang tuloyang pag guho ng mundo niya. Gusto niyang tumakbo ngunit tila ba ay ipinako ang kanyang mga paa.
Maya maya ay isang gwapong lalaki ang naglakad palapit sa kanya at dalawang gwardya. Mas lalo naman na nanginig siya sa takot. Kasi alam niyang sa hitsura palang ng mukha ng lalaki na para siyang kakatayin ay nahihinuha na niyang ito marahil ang nagmamay ari ng mustang na nasa harap niya.
"What have you done?" galit na bulyaw nito na ikinaigtad ko. Nakita nito ang damage na nagawa niya sa sasakyan.
"S-sorry sir, di ko naman po sinasadya napasandal lang po ako sa sasakyan nyo."tangi kung nasabi. Alam niyang tila papel ang kanyang mukha sa putla. Kita niya ang lalong pagbagsik ng mukha nito ng titigan ang nangyari sa sasakyan nito.
"Damputin nyo yan!"sabi nito. agad naman siyang hinawakan ng dalawang gwardya.
"Sir babayaran ko naman po ang damage!" pakiusap ko dito. Na pilit kumakawala mula sa pagkakahawak ng dalawang gwardya. Ngunit ganun nalang ang gulat niya ng hinablot ang braso nya dun sa isang guard. May malisya kasi ang tingin nung guard sa kanya titig na titig ito sa kanyang hita. Kaya naman ay ipinagpasalamat ko na din na ito na ang humawak sa kanya.
Sapilitan siya nitong isinakay sa kotse nito na nagasgasan niya. Bago mabilis na umikot at pinaharurot ang sasakyan nito.
Tama nga ang sinabi nila when it rains it pours and viola its true. Ito na ang katapusan niya. Marahil ay salvage na siya bukas ng umaga di man lang siya nakakain ng maghapon. Tanging isaw na dalawang piraso ang laman ng sikmura niya. Paano ang kapatid niya? Saan ito pupunta oras na mawala siya? Paano kung ibenta ito ng tiyahin? Ano ang mangyayari sa kanya ngayon?
"You'll gonna pay for this!"
galit na sigaw ng lalaki sa kanya. Gwapo pa naman sana ito kaya lang as of now ay nakakatakot ang itsura nito. Salubong ang kilay nitong tila ginuhit ng isang magaling na pintor. Magagandang mga mata na pinarisan ng matangos na ilong. Walang panama ang mukha ng mga artista sa mukha ng lalaki. Kung nasa ibang pagkakataon sila marahil ay nakanganga na siya sa taglay nitong kagwapohan.
"S-sir sorry na po pagtatrabahoan ko nalang po yung damage." pakiusap ko dito.
"Sa akala mo ba ay madadala mo ako sa arte mo? Miss alam kung modus mo to. Anong sindikato ka nabibilang?" tanong nito.
"Sindikato? di po ako myembro ng anumang sindikato estudyante pa po ako." nanginginig na paliwanag ko dito. Tila lalapain ako sa galit na nakabalatay sa mukha nito. Sabagay ma gasgasan ko ba naman ang mamahalin niyang sasakyan ay mali di ko sinasadyang magasgasan ang kotse niya. At ngayon gumuhit pa ang daladala kung gunting sa gilid na malapit sa salamin nito. Sa isip niya ini imagine niya ang halaga ng damage na kinakailangan niyang pagbayaran sa lalaki.
"Sooory po Sir! wag nyo po akong ipapapatay bata pa po ako Sir, gusto ko pa pong makagraduate!" nanginginig kung pakiusap dito. Nagbabaka sakali akong maawa ito sa akin. Maya maya pa ay naramdaman niya ang paghinto ng kotse. Nang luminga siya ay nasa harap sila ng presento. Tumulo na talaga ang luha niya.
Kasalanan ito ng mga lalaking iyon. Kung sana ay di siya pinagbalakan ng masama ng mga ito sana ay di siya makukulong ngayon.
"Baba!" sabi nito kahit nanginginig ay nagawa niyang bumaba sa sasakyan. Nang makababa ng sasakyan nasa harap kami ng isang police station. Naiiyak na ako syempre lalo at ang mga mukhang manyak na pulis panay ang hagod ng tingin sa naka exposed kung hita. Halos maglaway ang mga ito sa katawan niya. Alam niyang maaring ma r**e siya ngayong gabi. Sana ipinaanod nalang siya nito sa ilog pasig mas gugustohin pa niya iyon kaysa mag gang r**e.
"What is your name?"tanong ng lalaki sa kanya.
"Filicity Marie Emperial po!" sagot ko na medyo pinagsisihan ko din na binigay ko ang tunay kung pangalan. Baka madamay ang kanyang kapatid ngunit alam niyang huli na upang bawiin pa ang kanyang nasabi.
"Sir ano po ang problema?" tanong ng police na nakatuka sa may information desk.
"Sige ikulong nyo yan! she damage my car." sabi ng lalaki na tumalikod na.
Nanlumo ako sa nirinig. Kasabay niyon ang muling pagbalong ng kanyang mga luha gusto niyang humingi ng tulong mula sa mga kaibigan. Ngunit kasabay niyon ay ang takot na maaring mapahamak maging ang mga ito. Gusto niyang pumalahaw ng iyak sa kamalasang nangyayari sa buhay niya.
"Di man lang tinuboan ng konsensya." himutok ko na nakatanaw sa likod nito. Pag baling niya sa mga pulis na nakaduty ng mga sandaling iyon ay kita niya ang pagnanasa sa tingin ng mga ito.
"Sayang ka ang ganda mo pa naman, mukhang himas rehas ka." sabi ng isang pulis na iiling iling.
"Ang kinis Pre!"sabi ng isang balbas sarado na pulis malaki ang tiyan nito. Mukha itong buwaya sa paningin niya malamang ay lumaki ang tiyan nito sa kakalaklak ng alak. At mukhang m******s na nakangisi.
"Sige po Sir, kami na ang bahala kay Miss beautiful!" pahabol na sabi ng isa na sumaludo pa sa nakatalikod na lalaki.
Wala na naman siyang magagawa kundi ang umiyak. Lalo na ng maisip niya ang kapatid pero mas worried siya sa puri niya ngayon. Alam niyang di siya sasantohin ng mga ito marami ng napabalita na mga preso na na r**e sa loob ng kulungan. Di man lahat ng presento ganito ngunit mukhang minalas talaga siya ngayon.
"Sulat mo yung pangalan mo address at edad mo." sabi ng isa. Nakapalibot ang mga ito sa kanya.
"Para niyo nang awa mamang pulis ayoko pong makulong." pakiusap ko sa mga ito.
"Miss beautiful pwede naman namin pag ambagan ang piyansa mo. Ngunit syempre wala ng libre sa mundo malamang e may kapalit diba chief?" baling ng isa sa hepe nito na kulang nalang ay dakmain siya. Nangilabot siya lalo na nang ngumisi naman ang tinawag na chief ng mga ito. Akmang kukunin na niya ang ballpen na iniabot ng pulis sa kanya.
Nagulat nalang siya ng may humablot sa braso nya mula sa pagkakahawak ng isang pulis. At ganun nalang ang pasasalamat niya sa isip niya nang makita na ang may ari ng kotse ang humawak sa kanya. Kaya naman ay agad siyang kumapit dito. Mas gugustohin niya pang ito nalang ang humalay sa kanya kaysa sa mga pulis na nandon.
"I change my mind." sabi nito sa pulis na bakas ang panghihinayang.
"Di nyo na kakasohan si Ma'am?" tanong ng isa.
"Nope, ako na ang bahala." sabi ng lalaki.
"Pag may sala po Sir. Kailangan nyo pong pagbayarin at baka umulit." sabi ng isa.
'Diyos ko po wag naman po ninyo ipahintulot na pumayag ang lalaki na muli akong iwanan dito.' pipi niyang dasal.
"Sorry for the inconvenience. I will just deal with it." sabi nito sa mga pulis bago ako kinakaladkad papunta sa labas hanggang sa kotse nito.
Ayaw niyang magsalita baka magbago ang isip nito at muli siyang ibalik sa loob ng presento.
Takot na takot siya kanina habang nasa loob ng presinto lalo na ng makita niya ang mga pulis na m******s. Alam niyang di naman lahat ng pulis doon ay masasama sadyang na tyempo lang na mga hayok sa laman ang naka duty sa gabing ito.