D6

1010 Words
Halos masubsob siya pagkababa mula sa jeep na kanyang sinakyan papasok sa eskwelahan nila. Hirap na hirap siyang magkilos kilos sa kanyang dress na suot. Maya maya ang hila niya sa laylayan nito lalo na nga dahil napaka iksi ng naturang damit. Hula niya ay kunting tuwad lang e makikita na ang pwet niya. Mabilis siyang naglakad papasok sa malaking gate ng kanyang Unibersidad na pinapasokan. Wala siyang iintindihin na trabàho ngayon dahil sarado ang cafe na kanyang pinapasokan. Pabor naman sa kanya iyon lalo na dahil may sahod parin naman siya kahit na sarado. Nang mapadaan siya sa engineering department ay halos kalalakihan ang nakatambay sa may corridor. Nakita niya ang lalaking nagpunta sa kanyang klase kahapon. Nagkunwari siyang di ito nakita mahirap na lalo at mukha itong mayabang. "Hi Sitty!" bati ni Billy, mabait ito sa kanya at tila tropa na niya. Anak ito ng amo ng isa sa mga kaklase nila kaya madalas na nakakasalamuha nila ang lalaki. "Hi Billy!" bati din niya. Bago mabilis na kumaripas matapos marinig ang bell. Hudyat upang magsimula na ang unang klase niya sa araw na iyon. "Ingat!" pahabol nalang nito. Lumingon siya at ngumiti dito. Gwapo si Billy at parang kuya na niya ito. Masteral na ang kinukuha ni Billy kaya naman ay bihira itong pumasok unlike sa kanya na araw araw talaga. Pag bungad palang niya sa pinto ay nasa likod na niya ang terror na professor nila. Kaya naman dali dali siyang naupo sa upoan na kanyang inuukupa. "Sexy mo ngayon Sitty!" puna ni Tina. Siya ang lagi na katabi ko, naging kaklase niya ito sa tatlong subject last semester at ngayon naman sa isang subject sila magkaklase. Isa itong marketing major siya sa banking and finance. "Kuh tigil tigilan mo ko, inis na inis kaya ako. Kung alam ko lang na ganito kahirap magsuot ng ganito di sana naghubad nalang ako." himutok ko. "Sus ayos lang yan, bagay na bagay nga sayo friend!" sabi nito. "Shhh baka marinig ka ni Ms. mi ultimo adios!" sawata ko dito. Tiyak kasi malilintikan kaming dalawa pag nahuli kaming nag uusap baka mas malala pa ang mangyari. Madalas kasing mamahiya ang walang hiyang professor na ito. Nung nakaraan pinag memorize lang naman kami ng Mi ultimo adios. Kaya naman yun ang ibinansag ko dito, wag na wag mong malalait lait si Rizal sa harap niya dahil malalagot ang boung semester mo. Katakot takot na pang bubully ang natanggap ng dati nitong estudyante matapos nitong alipustahin si Rizal. Ang dami dami nilang nagsisitulog sa subject nito gayumpaman ayos lang iyon dito basta papasok ka lang. Tsaka basta ma memorize mo lang ang mga pangalan ng ka love affair ni Rizal. "Class dismissed!" iyon yata ang pinaka paborito niyang sinasabi ng mga professor nila lalo na kung ganitong kulang na kulang ang kanyang tolog. "Hayy sa wakas natapos din ang kanyang sermon. Ipaliwanag mo nga Crisologo kung bakit kailangan nating pag aralan ang mga Rizal?" si Tina. Na bumaling sa lalaking seryuso na nasa kanilang likuran lamang. "Try to ask yourself." masungit na sagot nito. "To naman ang seryuso sa buhay, chill lang masyado kang high blood sayang ka kung maaga kang matsugi." sabat naman ni Tina na ikinatawa ko. "Una na ako sayo Tina dadaanan ko pa si Rio sa kabilang ibayo." paalam ko dito. "Okay bye! sanay naman akong laging iniiwan! walang nagmamahal!" kunwari ay pagdadrama nito. "Tsss, Keep quiet nakakabulahaw ka." sabi ni Crisologo sa babae. "Tss makasabay na nga lang palabas sayo Inday Sitti!" sabi ni Tina sabay kuha ng bag nito. Magkasabay na kaming tumayo upang lumabas, kunti nalang naman ang natira sa loob ng room nila. Hindi naman niya kailangan na magmadali lalo at maaga pa para sa susunod niyang klase. Dapat kasi two hours iyon ngunit sa group chat nila kanina nagsabi ang kanilang prof na isang oras lang ang kaklasehan nito dahil may meeting ito. Which is pabor sa kanya dahil inaantok siya. "Crush mo ba yun si Crisologo?" tanong ko dito. "Ay di no! pangit pangit nya e eww. Taga engineering ang type ko." sabi nito. Pero di siya naniniwala dito babae din siya e alam kung may something ang kaibigan dun sa lalaki. Minsan magkausap pa yun na dalawahan lang sila kung minsan naman ay binibigyan ng mga ito ang isat isa ng kung ano ang meron. Mahirap lang din kasi si Tina at kilala ang mga crisologo na mayayaman sa lugar kaya alam kung umiiwas si Tina. "Sus kunwari naniniwala ako." nakangising tukso ko dito. "Alam mo grabe ka sa akin, para kang di friend." nakaingos nitong sabi sa akin. "Deny kapa ng deny halata ka naman." sabi ko dito. "Ay halata mo?" mahina nitong bulong. "Hoy bakla halata ka naman kasi, lalo pag may kausap siyang iba para kang nereregla na may pms." sabi ko dito, nasa malapit na kami sa may department nila Rio. "Di kasi pwede, kaya pilit kung pinapatay yung feelings ko hanggat di pa ganun kalalim." sabi nito. "Paano ba ang ma in love?" curious kung tanong dito. Siya kasi di pa niya ma consider na love yung pagpapa cute niya sa Kuya ni Rio. Lalo pa nga at medyo mataas na uri ng tao ito. Meaning professional na habang siya e nag aaral pa. Saka wala pa naman sa isip niya ang mga love love na yan. "Paano ba? Masaya ka pag kasama mo siya, kinakabahan ka palagi pag nasa paligid siya. Tapos konting anik anik niya e kinikilig ka kahit wala namang kakaiba sa ginawa niya sayo binibigyan mo ng meaning. In short nakakapraning te." tumatawang sabi nito. "Halata nga sayo." biro ko, which is nakikita ko na naman sa kanya na nahihirapan siya sa kasalukuyan nitong sitwasyon. Parang hirap itong itago sa lalaki ang nararamdaman nito. "Last na to talaga sinusulit ko na ang aming pinagsasamahan. Next semester naman ay gagraduate na ako siya naman alam ko na ipapadala sa US upang mag masteral." malungkot na sabi nito. "So bokya forever ang love team nyo nyan?" tanong ko dito na huminto saglit upang tumawid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD