SA ISANG COFFEE-CON-PASTRY SHOP na kung tawagin ay Café Ruca nagtungo sila Dylan pagkagaling nila sa Emerald. Doon nagpahatid ang babae matapos niya itong mabisto sa pagpapanggap nito.
That’s why everything about her is different…
Paulit-ulit na umiikot sa isip ni Dylan ang mga senyales na kahapon pa niya nahalata. Magmula sa pananamit at ayos nito, sa amoy ng shampoo nito, sa paraan nito ng pagsasalita, sa pagiging inosente nito sa maraming bagay na may kinalaman sa ‘relasyon’ nila at lalong-lalo na sa pakiramdam ng mga labi nito nang ilang beses niya itong hagkan kagabi.
Those lips…
Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi or rather, hindi talaga siya nakatulog dahil sa alaala ng namagitan sa kanilang halik ng babae.
Nakakaadik ang mga labi nito, at wala pang sinomang babae ang nahalikan niya na nakaapekto sa kanya ng gaya noon. Magpahanggang ngayon nga, nararamdaman niya ang unti-unting pag-init ng kanyang katawan, isipin palang ng halik na namagitan sa kanila ng nobya.
What the heck are you thinking, Dylan?! She’s not your girlfriend! She’s not Riza! Halos batukan niya ang sarili upang mawala ang agiw sa isip niya at matauhan siya.
“Heto… uminom ka muna.”
Napatingin siya sa babaeng kiming naglapag ng isang tray na may dalawang tasa ng kape at dalawang platitong assorted cookies. Hindi ito makatingin ng deretso sa kanya.
Palibhasa guilty.
“Isang cube lang ng asukal ang inilagay ko. I hope, yun pa rin ang timpla mo.”
“Didn’t Riza tell you I don’t drink coffee anymore? In fact, I don’t really drink coffee at all.”
“Pero bakit dati—?”
“Iniinom ko ang mga kapeng tinitimpla mo para sakin?” siya ang tumapos sa tanong nito. She used to serve her a cup of coffee when he visits their house back in college. “Well what do you expect me to do? I do it out of courtesy,” mapaklang wika niya.
Normal lang naman na magalit siya, diba? Kundi pa niya ito nabisto sa restaurant ay hinding-hindi niya iisiping nagpapanggap lang ito. Why, when she showed up in the entrance of that restaurant dressed like an enchantress, he really thought she is Riza!
He needed to avert his eyes when she bit her lower lips.
“Sige, ibabalik ko nalang…”
Aktong kukunin ng babae ang tasa mula sa harapan niya kaya mabilis pinigilan ni Dylan ang kamay nito. A faint surge of electric current suddenly erupted from their skin. Ngunit kung gaano niya iyon kabilis na naramdaman ay ganoon din iyon kabilis nawala.
“Don’t waste time doing that. Take a seat and let’s talk.”
“Pero…”
“Just sit down, Rika.”
She must have recognized the authority in his voice kaya mabilis itong sumunod. Tahimik itong naupo sa ibayo ng lamesa paharap sa kanya. Dahil doon ay mas malaya niyang nabibistahan ang hitsura nito, particulary her beautiful face.
Yes. Rika is really beautiful just like her sister. Well, of course, dahil identical twins ang mga ito! Noon pa man ay batid niyang may magkaibang ganda ang mga ito. While Riza has the out-going and glamorous kind of splendour, Rika has the quirky yet very endearing kind of beauty.
Noong mga college sila, madalas niya itong hinahabol ng tingin sa tuwing namamataan niya ito. Ewan ba niya, something about her intrigues him.
Wala sa loob na inabot ni Dylan ang kapeng tinangkang kunin ni Rika, saka walang sabi-sabing humigop doon upang sa ganoon ay madivert ang isipan niya. But it is not the bitter taste of the coffee that diverted his thought at once but rather the distint sweetness it has. It has been five years since he had that familiar taste in his mouth. And he would not mind tasting it again.
Out of courtesy?
He could easily said ‘yes’ to his conscience, but oddly couldn’t. That’s because deep down, he knew, that he did not drink all those coffees that she offered to him eversince out of politeness. But simply because he had grown to like—no actually love its taste.
“HE CALLED MY NAME!”
Hindi magawang ikatuwa ni Rika ang ginawang pagtawag sa kanya ni Dylan sa kanyang totoong pangalan dahil batid niya ang sarkasmong kalakip noon. Kung kelan naman kasi napaniwala na niya ang binata na siya si Riza, saka naman umatake ang panic-attack niya. Her long time crowd-anxiety gave her away just like that.
“Tell me, where is my ‘real’ girlfriend and why the heck are you portraying as her?”
“Eh…”
“If you’re thinking on lying to me again, then think twice. Malalaman ko rin ang totoo kaya kung ako sayo, huwag ka nang mag-abalang magsinungaling sa akin. Ulit.”
Tapos na ang pagpapanggap mo, girl. Hindi ka na si Riza. Hindi na ikaw ang girlfriend niya. Huwag ka nang umasang magiging malambing siya sayo…
Sinabi niya kay Dylan ang totoo. Mula sa pabor na hiningi ni Riza hanggang sa extended na pananatili nito sa New York.
“So, she did it again huh? She chose her work, over me…again.”
Napansin ni Rika ang unti-unting pagbabago sa gwapong ekapresyon ni Dylan. Kung sa bagay, sino ba namang hindi sasama ang loob? Iniwan nito ang trabaho nito sa Australia upang makasama ang nobya nitong isang taon na nitong hindi nakikita.
“Iyan ang dahilan kung bakit gusto niyang magpanggap ako bilang siya.”
Napatingin sa kanya si Dylan na tila naguguluhan. “What do you mean?”
“Alam niyang magtatampo ka ng ganyan. If she doesn’t care about you, dapat sa umpisa palang sinabi na niya sayo na may working commitment siya. Pero hindi niya ginawa, diba? Because she still wants you to come here and see her.”
“Apparently, I didn’t see ‘her’.”
“Fine, see ‘me’ for that matter. Alam kong hindi tama na pumayag akong magpanggap bilang siya. But you see, the cat is already out of the box, so now I can give you a piece of my mind…”
She sighed.
“Isang taon mong natiis na hindi makita si Riza. You even said, nagkasya ka sa pagtingin sa picture niya. Ano nalang ba ang ilang araw na dagdag pagtitiis? Gusto mo, bigyan pa kita ng poster niya. Para mas malaki ang picture na tititigan mo habang hinihintay mo siya.”
“I don’t need her poster. Her picture in my wallet is enough.”
“Edi wag!”
Mabilis na kumuha si Rika ng piraso ng cookie at kinagat iyon. Bilang artist, hindi siya sanay na ivino-voice out ang nararamdaman niya. Because her art pieces speaks for her. But this time, she just felt the urge to speak up.
Kasi hindi mo maatim na nakikita siyang masama ang loob?
Oo.
Eh ano naman sayo kung sumama ang loob niya? Di naman ikaw ang girlfriend niya?
Kakambal ako ng girlfriend niya.
So? Hindi pa rin ikaw ang girlfriend niya.
Nahinto si Rika sa pagngata ng cookie. Kahit pagbali-baliktarin niya ang dahilan niya, sa huli’y tama pa rin ang intrimidita niyang konsensya. Hindi siya ang girlfriend ni Dylan, kaya anong keber niya sa nararamdaman nito?
Wala sa loob na napatingin siya kay Dylan. At ganon nalang ang gulat niya dahil natuklasan niyang nakatingin din pala ito sa kanya!
“What now?”
“Sa haba ng sinabi mo, I didn’t hear you say ‘sorry’.”
“Sorry for what?”
“For lying to me.”
“I just did what I did, for the sake of Riza. Kung gusto mo ng apology, sa kanya ka humingi.”
“But you said, may ilang araw pa bago siya makabalik from New York.”
“So? Edi hintayin mo.” Dun ka naman magaling!
“I need that apology, now. You owe me that as well.”
Hay! Galing mangonsensya ng mokong na `to! Pumalatak si Rika. “Fine! I’m sorry if I lied to you. It’s not intentional. And you’re not supposed to know about it in the first place.”
“So talagang magpapanggap kang si ‘Riza’ hanggang makabalik siya, is that it?”
“`Yun ang usapan.”
“And what will you get in return? What’s the catch? I’m sure alam mong hindi biro ang gagawin mong pagappanggap. You, being my ‘girlfriend’. It’s not as simple as that. But still, pumayag ka pa rin. I wonder why?”
“Hah! Kung alam mo lang, binalak kong magbackout!”
“Then why didn’t you?”
“Because that’s what sisters do. Help each other out in times of need. In our case, we’re not just sisters. We’re ‘twin’ sisters.”
“Kung ganoon, lahat ng pabor na hihingin niya sayo, ibibigay mo? Is that it?”
“Hangga’t kaya ko. Why not? Madalas na kaming magpalitan ni Riza noon pa man. At wala naman kaming nagiging problema.”
“Until now. Dahil nabisto kita.”
“Unfortunately.”
“Hmm.”
Kumunot-noo si Rika. Hindi niya malaman kung ikaiinis niya ang ginawang iyon ng lalaki o pupurihin. Idagdag pang tila may pinag-iisipan ito ng malalim kaya tuloy mas nagmukha itong intelehente sa kanyang paningin.
“So, ngayong naipaliwanag ko na ang side ko, malinis na ang konsensya ko. Can we just forget all about this and move on?”
“That’s easy for you to say. We both know we can’t just forget ‘all’ that happened between us, Rika.”
Biglang nahirinan si Rika dahil sa sinabi ni Dylan. Kaagad siyang uminom ng kape. Hindi niya alintana kung mainit pa iyon, ang mahalaga ay maitulak niya ang bumarang pagkain sa lalamunan niya. Ngunit kahit pa nakainom na siya, hindi pa rin huminto ang pagtahip ng dibdib niya!
“N-Nothing happened between us, Dylan…”
“Oh come on! Do not play innocent. You know what I mean… And I highly doubt you will easily forget about it. In fact, I still can’t get over it until now.”
Dumukwang si Dylan at itinaas ang isang kamay. Hindi na nakagalaw si Rika nang maramdaman niya ang marahang pagdampi ng hinlalaki nito sa gilid ng labi niya kung saan inalis nito ang dumikit na piraso ng cookie na pinapak niya kanina.
A familiar bolt of electricity immediately flow into Rika’s nerves as she felt him slowly yet intentionally brushed his thumb to her lower lips. Memories of ‘what happened’ last night suddenly flashed to her mind like a lightning strike.
“It only happened…because you thought… I am Riza,” she tried her best to speak as casual as she can. “Would you kiss me, if you know I am…me?”
Hindi nakasagot si Dylan. Agad siyang lumayo mula sa pagkakahawak nito.
“See what I mean? So let’s not make a big deal out of it, Dylan.”
Tila natauhan rin ang binata sa sinabi niya. “If that’s what you want.”
“Hindi na kailangang malaman ni Riza ang tungkol `don,” dagdag pa niya.
“Are you going to lie to your sister, too?”
“There’s no need to lie about things that ‘never’ happened.” She bravely met his tantalizing and inquisitive eyes. Alam niyang naiintindihan nito ang ibig niyang sabihin.
“Agreed. But don’t think you are already off the hook. I’m not forgiving you just yet.”
“But you already said—”
“I know what I said. It’s a mutual mistake that we both had so we better not talk about that kiss anymore…”
Parang may sumipang kayo sa dibdib ni Rika. Sang-ayon siya sa sinabi nito pero bakit parang mabigat iyon sa loob niya?
“It’s all in the past now. Unfortunately, lying to me is a completely different matter.”
“I already apologized about it.”
“Did you hear me accept it?”
“What do you want me to do then?”
Biglang humalukipkip si Dylan saka kumportableng sumandal sa kinauupuan at walang pag-iimbot na ipinakita sa kanya ang mala-Tom Cruise na ngiti! Thin. And Sexy.
Then she knew she’s in it for another kind of trouble!
“`ELLOOOW?” Paungol na sagot ni Rika nang maitapat niya sa kanyang tenga ang nag-iigay niyang cellphone. Alam niyang umaga na, ngunit bigat na bigat pa rin ang talukap ng mga mata niya.
“Rika?”
“Sino ka?”
“It’s me, Dylan.”
Ah… right! Baritone voice as always! “Oh bhaket?”
“What happened to your voice?”
“Ganito talaga ang boses ko kapag bagong gising…”
“It’s almost 10 in the morning. Aren’t you a little late?”
“For a businessman like you, ‘yes’. But not for an artist like me. I painted `til four AM so it’s natural to wake up late…” Umungol siya ng sinubukan niyang bumangon. Sa sahig na naman pala siya nakatulog kaya tuloy masakit na naman ang balakang niya.
“You painted?” tila nagulat na tanong nito.
“I’m an abstract painter,” sarkastikong wika niya.
“Really?!”
Hindi alam ni Rika kung saan siya maiinis—sa panggagambala nito sa tulog niya o sa katotohanang wala itong kaide-ideya sa kung ano nang narating niya sa buhay.
Palibhasa puro nalang si Riza ang inaatupag!
“Now you know. Ten o’clock is actually too early for me. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin at nang makabalik na ko sa pagtulog.”
“Gusto ko lang sanang ipaalala ang usapan natin.”
Bigla niyang inalala ang ‘usapan’ na namagitan sa kanila ng binata kahapon.