“WHAT DO YOU MEAN HINDI KA PA MAKAKABALIK?!” halos maputol ang litid ni Rika nang ulitin niya ang sinabi ng kanyang kakambal. Inilipat niya sa kabilang tenga niya ang cellphone. “Tell me, nagkamali lang ako ng dinig.”
“I’m so sorry, sis! Nagkaroon kasi ng problema sa venue ng photoshoot kaya na-cancel ang pictorial. We are still waiting for the go signal of the creative team bago magresume…”
“So matatagalan ka pa diyan sa New York?”
“With the situation right now, I guess ilang araw pa kaming mags-stay rito.”
“Can’t you give an exact day?”
“I wish I could, sis.”
Nahilot ni Rika ang kanyang sintido. She suddenly became restless. At bakit naman hindi? Ibig sabihin nito ay ma-e-extend pa ang pagpapanggap niyang maging nobya ni Dylan ng ‘ilang araw’ pa!
“Sis, are you still there?”
“Oo. Iniisip ko lang kung paano ko ikokondisyon ang sarili ko na maging ikaw sa susunod na mga araw. Ang usapan natin, weekend lang ang pagpapanggap kong `to.”
“Sorry talaga sis.”
She sighed. Kahit naman kondenahin niya ang nangyayari ay hindi pa rin noon mababago ang katotohanan—she is stuck pretending to be her twin sister a bit longer. Okay lang naman iyon sa kanya kundi lang sa nakakadistruct na pakiramdam na meron siya towards the subject matter—si Dylan.
Pero alangan namang sabihin niya kay Riza na ayaw na niyang ituloy ang pagpapanggap na iyon dahil apektado ni Dylan ang sistema niya? Siguradong bukas na bukas din ay nasa pintuan na niya ang kapatid niya, upang usigin siya. And the least thing she wanted is to have that kind of drama with her sister.
Kumbakit ba kasi pumayag-payag pa ako sa pabor na ito! Ungot niya sa kanyang isip.
Kasi nga, hindi mo mapahindian ang kakambal mo. Ganyan ka eh! anang kanyang konsensya.
“By the way, how’s Dylan?” tanong ni Riza. “Still dashing, I assume?”
“Well, he’s totally different from how I remembered him the last time I saw him.”
“Na-shock ka siguro dahil ibang-iba na siya ngayon. I mean, gwapo na siya dati, pero mas gumuwapo pa siya ngayon diba? At hindi lang siya sa ‘looks department’ nag-excel, he is one of the well-acclaimed businessman in Australia now!”
Ramdam ni Rika ang pagmamalaki sa tono ng boses ni Riza. Siyempre, sinong nobya ang hindi magiging proud sa magandang estadong meron ang nobyo nito?
“You said it right. Dylan’s a complete package. He is indeed a good catch for you.”
“You’re right. He really is,” sang-ayon naman ni Riza. Subalit bakit tila biglang nagkulang sa konbiksyon ang tono nito?
Or was it just her imagination? A part of her ay gustong mag-usisa. Ngunit minabuti nalang niyang ipagsawalang-bahala iyon. Of course Riza would be delighted to have Dylan. There’s no doubt about it!
Napakibot si Rika nang may pumasok na incoming call sa cellphone niya. Her hand almost trembled upon seeing Dylan’s name flashing on screen. Isinave na niya ang pangalan nito matapos sagutin ni Yuri ang tawag nito kaninang umaga.
“Dylan’s calling,” she muttered to herself, but her twin heard her still.
“Oh! You have to take that! I bet he’s arranged a date for the both of you.”
“For ‘you’ and him, you mean,” pagtatama niya.
Riza chuckled. “Yeah, yeah! It’s just the same thing! I am not there for him, so please do the honors, dear sister.”
Umikot ang mga mata ni Rika. Heto siya’t diskumpiyado na sa pinasok niyang kalokohan, samantalang ang kakambal niya ay tila wala man lang anumang bahid ng pag-aalala. But that’s exactly Riza. Very unsuspective and outward naïve. Unlike her, who is always sceptic and often times, paranoid.
Your sister trusts you. That’s why.
With that in her mind, she collects herself at once. She’ll not lose Riza’s trust just because of her unexplained reaction towards Dylan.
Don’t get personal. Don’t get attached! Paalala ni Rika sa sarili.
“Sige na, sasagutin ko na muna ang tawag niya. I missed his call early this morning already. Baka magalit na `yon ‘sayo’ kapag hindi ko na naman masagot ang tawag niya.”
Natawa si Riza. “Right! May pagkamatampuhin pa naman ang isang `yon!”
Sinabi mo pa! “I’ll talk to you later, sis. Ingat ka diyan.”
“I will. And oh! Rika?”
“Yep?”
“Ikaw na munang bahala kay Dylan.”
Yun na nga ang problema eh. Masyado mo siyang ipinagkakatiwala sa akin… “Sige. Basta’t bilisan mong bumalik.”
“I’ll try! Love you, sis!”
Tinapos na ni Riza ang tawag bago siya makasalita. Tuloy, sa kabilang linya na niya nasabi ang sagot niya para sa kakambal niya.
“I love you…”
“Woa! What a way to answer my call!” Dylan’s lively voice came upon her ear. “I’m starting to get impatient waiting for you to pick up, but with those words… I say, you just made my day, babe!”
Napangiwi si Rika. Hindi nalang niya sinabi dito na hindi naman para dito ang ‘I love you’ na iyon. Besides, she liked the sound of him appreciating what she said. And she really likes the sound of his voice over the phone. So baritonic. So hunky!
“Can you come over? I’ve arranged a lunch date for both of us,” ani Dylan.
Riza’s right! “Sure. I’ll be on my way.”
“Great! And oh! Just so you know?”
“Huh?”
“I love you more,” he said in an assured gentle tone.
Unti-unting lumapad ang mga ngiti ni Rika. “Yeah. I know.”
Nakapagdesisyon na siya! Mula ngayon hanggang sa makabalik si Riza, isasantabi na muna niya ang anumang tensyong nararamdaman niya patungkol kay Dylan. Hahayaan niya ang sariling ma-excite at kiligin sa mga salitang mamumutawi sa bibig ng kanyang ‘nobyo’.
“YOU LOOK…” Dylan paused for a moment as if contemplating on the perfect adjective he’ll use to describe her.
Kaagad tumayo ang lalaki mula sa kinuupuan nito nang makita ang paglapit niya kasama ang maître ng five star-restaurant na nasa loob ng EMERALD hotel. His mouth a bit parted as he continues to look at her in admiration.
Bago magtungo sa EMERALD, siniguro ni Rika na mag-aayos na siya ng kagaya ni Riza—with all the sophisticated outfit and feminine make up. Dressing up may not be her cup of tea, but she knows a thing or two about it.
Pinili niya ang isang puting knee-length sleeveless free flowing dress na tinernohan niya ng beige open-toe two-inched stilettoe. Hindi man alaga sa salon ang buhok niya kagaya ng kay Riza, she still has those beautiful curls of hair to be proud of—salamat sa palagian niyang pagpupulupot noon gamit ang anomang patusok na bagay sa tuwing nagpipinta siya—nagmukha na tuloy natural ang kulot ng buhok niya. And being someone who is very much-acquainted with the color palette, hindi naging problema sa kanya ang pagpili ng kulay na nararapat sa kompleksyon niya nang mag-apply siya ng kolorete sa kanyang mukha. Kahit ang kuko niya ay kinulayan na rin niya para lang maitago ang bakas ng pintura na sumiksik doon dahil sa ginawa niyang pagpipinta kagabi.
Nang tumingin siya sa kanyang repleksyon sa salamin kanina, si Riza ang nakita niya, at hindi si Rika. And judging from Dylan’s gawking expression right now, she must say; she’s more than satisfied to the outcome of her make-over.
Pero hindi ikaw `yan. Si Riza `yan, untag ng konsesnya niya.
Iyon naman talaga ang goal diba? Maging ako si Riza.
Sa kabila ng humahangang-tingin na ibinibigay sa kanya ni Dylan ay tila nakadama si Rika ng kalungkutan.
“Wow,” sa wakas ay nawika ni Dylan.
“Ang tagal mo `kong tinitigan, and all you can say is ‘wow’?”
“You’re so mesmerizing; I can barely say a thing. I have a goddess for a girlfriend!”
“Well, you don’t look shabby yourself, Mister Dylan Delavine,” she giggled as she assess his looks from head to toe.
He is clad in a simple Polo and denim trousers matched with a decent pair of black shoes, and yet it still looks expensive on him! Not to mention, he became even more attractive because of the simplicity of his attire. He’s like a Hollywood British actor hanging out amidst the public.
“I wonder, how many women in this restaurant has been ogling over you habang hindi pa ako dumarating?”
Pasimpleng iniligid ni Rika ang kanyang mga mata sa paligid. Hindi nakaligtas sa kanyang pansin ang panaka-nakang pagtataas ng mga mamahaling camera phones ng mga parokyano ng sosyaling restaurant na iyon at nakatutok sa direksyon nila ni Dylan.
“Why you just made these rich people turned into a group of Paparazzi. Humanda ka na, siguardong magte-trend ang mukha mo sa Social Media…” biro pa niya sa lalaki.
Dylan chuckled, and by then seemed to return to his wits. Nagtungo ito sa tabi niya upang ipaghila siya ng upuan—just like a true gentleman does.
“Don’t be ridiculous. Hindi ako ang ini-stalk nila kundi ikaw. It’s not everyday that they’ll see a super model such as yourself in the peak of daylight, babe. So ikaw ang magte-trend sa social media at hindi ako…”
Doon lang tila natauhan si Rika. Noon lang din niya napagtanto na hindi kay Dylan, kundi para sa kanya nga ang mga humahangang tingin ng madla! Parang unti-unting sinisimento ang kanyang pakiramdam habang nare-realize niyang siya na ngayon ang sentro ng atensyon ng mga tao sa restaurant na iyon!
A surge of tremor started to engulf her system, little by little…
“Babe, what’s wrong?” untag pagkuwan ni Dylan.
“I uh…” She tried to ease the tremble on her voice but did not last too long. “D-Dylan… c-can we…” Hindi niya na napigilan at bigla niyang itinaas ang isa niyang kamay at bahagyang tumungo upang itago ang kanyang mukha. “C-Can we leave… p-please?”
Saglit lang na tila naguluhan ang lalaki sa biglang ikinilos niya. Namalayan nalang niya na nasa tabi na niya ito at nakapalibot sa kanya ang mapagprotektang braso nito.
“Okay, let’s get out of here,” anito bago siya iginiya patungo sa may pintuan ng restaurant.
“Anything wrong, Sir? Are you alright, Ma’am?” magkasunod na tanong ng maître.
“She’s not feeling well,” sagot ni Dylan na bagaman may tono ng pag-aalala ay nananatili ang composure. “Tell Chef Nathan we’ll come back for that special course I’ve requested. And I apologize for leaving urgently.”
“Apology accepted.”
Mula sa pagkakayuko ay napatingin si Rika sa lalaking pinagmulan ng baritonong boses na iyon. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na chef uniform na hindi nakabutones sa bandang itaas ang naglalakad palapit sa kanila. His hair is too long to stop it from sliding down to his face so he tied it with a black rubber band; but also too short to keep it altogether, that’s why some strands are still dangling beside his face.
Hindi pa nakakita si Rika ng totoong chef maliban sa mga napapanuod niya sa TV, pero kung ang lalaking ito ang Chef Nathan na tinutukoy ni Dylan, then she suddenly know why there are a lot of female patriots in this restaurant—hindi lang kasi ang pagkain ang masarap, kundi pati `yung mismong kusinero ay yummy!
Hey, may mas yummy kang katabi. Huwag ka ngang taksil! Saway niya sa kanyang sarili. And you’re having your panic-attack, kaya umayos ka diyan!
Dala pa rin ng tensyong nararamdaman ni Rika kaya hindi na niya nagawang sundan ang naging usapan ng dalawang lalaki. Namalayan nalang niya na muli siyang iginigiya ni Dylan patungo sa salaming pinto.
“Let’s go,” mahinang untag nito sa kanya.
“I’m sorry… Nagpa-reserve ka pa naman—”
“Don’t worry about it.”
Sa labas ay iginiya siya ni Dylan sa nakaparadang itim na BMW convertible. “Let’s go somewhere less crowded.”
Tumango lang si Rika. Nang makaupo silang pareho ay pinindot ni Dylan ang silver na button sa dashboard upang bumukas ang bubong ng sasakyan. Pagkuwan ay isinuksok nito ang susi sa ignition.
“I told the maître to get the pictures taken by those people in the restaurant. Kaya makakaasa kang walang magli-leak na larawan mo sa kahit na saang social media platform.”
Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan si Rika dahil sa sinabi nito. “Salamat naman. Hindi ako pwedeng magtrend sa social media.” Not with Riza’s face! Nor with my own face!
“The Riza I know would never mind having her pictures all over social media… She would even gladly wave and give her biggest smile to flashing cameras. Never she will hide her face and tremble like a cold kitten.”
Humawak muna si Dylan sa manibela at inirebolusyon ang makina ng sasakyan bago ito bumaling sa kanya. His bluish eyes look at her as if he could see through her. And clearly he could now!
“Unless you are not Riza?”
Bumagsak ang mga panga ni Rika kasabay ng pagbagsak ng kalooban niya nang maulinigan ang ‘lamig’ sa tono ng lalaki.
He knew!