CHAPTER SEVEN

2569 Words
“If you want my forgiveness, then you must earn it,” wika ni Dylan na animo nasa gitna ito ng isang business transaction. “At paano ko naman gagawin `yon?” Kumibit-balikat ito. “It’s up to you. You can use your body if you like.” Nag-echo sa isip ni Rika ang katagang iyon. Kaagad niyang niyakap ang sarili at sinamaan ng tingin ang lalaki. “Hoy! Kung ayaw mo akong patawarin, edi wag! Hindi ko ipagkakaloob ang katawan ko sayo para lang sa kapatawaran mo `no! Hah! Nevah!”  Sandaling napakunot ang noo ni Dylan bago naintindihan ang ibig niyang sabihin. “Oh! You mean ‘s*x’? Why, I am not asking that from you.” “You won’t?” She felt relieved and a little embarrassed.. “I would never.” Mas lumapad ang mga ngiti nito. “Unless you offer.” “W-Why would I?!” “Don’t you like the idea?” “You wish!” “Think about it.” Nag-isang linya ang mga kilay ni Rika saka mabilis na ibinato niya kay Dylan ang nadampot niyang piraso ng cookie. “Bastos!” “Hey! Hey! I’m just kidding! Relax!” Tatawa-tawang sinalag lang ni Dylan ang ginawa niya. The sound of his laughter took Rika aback. Kung nakakatawa na ito ngayon, ibig sabihin ay hindi na nito ipinagdaramdam ang katotohanang missing-in-action ngayon ang nobya. Or so she thought.  “Ang ibig kong sabihin, habang wala si Riza, pwede mo pa rin naman ituloy ang pabor na hiningi niya sayo…” sabi nito pagkuwan habang pinupulot ang piraso ng cookie na bumagsak sa damit nito. “Gusto mong ituloy ko ang pagpapanggap kong jowa mo?!Adik ka ba?!  Ayoko nga!” “Not really. You just have to accompany me habang hindi pa bumabalik si Riza.” “You mean, gusto mo kong maging julalay. Ganoon?” “That’s degrading.  Like I said, ‘companion’.”  “Ganoon na rin `yon. In-English mo lang eh.” “That’s not the Filipino term of what I said. And I don’t even think there is such a word in a dictionary.” “Meron. Sa beki dictionary.” “Beki?” “As in gay. Bakla. Sirena. Kapederasyon. Limang taon ka na kasing wala sa Pinas kaya di mo alam ang uso!” natigilan siya pagkuwan. “Oh bakit ganyan ka na naman makatingin?” “I didn’t know you are this talkative,” anito habang nakatingin sa kanya. Muli niyang pinigilan ang mailang. What for? Hindi naman na siya nagpapanggap ngayon. “I’m not talkative. I’m just making a point. Ayaw kong maging ‘companion’ mo.”  “Why not? Afterall… meron naman na tayong pinagsamahan noon. Magka-classmate tayo noong college diba? At ikaw ang umeestima sa akin noon kapag dinadalaw ko si Riza.” “Kahit na, hindi naman tayo close `no!” “Paano naman tayo magiging close eh napaka-aloof mo. Seriously, you’re such an introvert back then.” Kinagat nito ang cookie na ibinato niya rito kanina. “Ayaw ko lang ng masyadong maraming tao. Apparently, ganoon ang sirkulong meron kayo ng kakambal ko, kaya as much as possible lumalayo ako.” “Well, don’t you think it’s time for us to get close? It’s better late than never!” Tinimbang ni Rika ang sinseridad sa sinabi ni Dylan. Hindi niya kasi sukat akalain na gugustohin nitong maging ‘close’ sa kanya. Unless… “What are you up to?” she asked suspiciously. “What do you mean?” “Bakit bigla mong gustong makipaglapit sa akin? Ng ganoon-ganoon lang?” “Anong masama? I just realized, we’ve known each other long enough. Pero hindi natin kilala masyado ang isa’t isa. To think na girlfriend ko ang kakambal mo.” “Baka nakakalimutan mong naikuwento mo na sa akin ang talangbuhay mo kahapon. Kilala na kita, Dylan Delavine.” “Then, it’s time for you to tell me yours. You know para fair.” Hindi na nakapagsalita si Rika. Dylan took her silence as an agreement . “Well then that settles it. I’ll just call you.” Tumayo na ito saka isa-isang pinagdadampot ang mga cookie na nasa platito nito. Nagkasya ang mga iyon sa malaki nitong palad. “Libre mo naman `to diba? Ite-take home ko na!” Gamit ang isang kamay ay kinawayan siya nito bago nagsimulang maglakad. Ngunit nakakailang hakbang palang ito nang tila may bigla itong naalala kaya mabilis itong huminto at nilingon siya. “By the way! Next time we see each other, I want you to be yourself. No lies.  Whatsoever.  You don’t need to pretend as Riza, anymore. Stop trying.” “Bakit? Dahil kahit anong gawin ko, hindi ako aabot sa kalingkingan niya?” Umiling si Dylan. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin.” “Kung ganoon, ano?” “Saka ko na ipapaliwanag!” Nakaramdam siya ng inis. Indirect na nga nitong ipinamukha sa kanya ang pagiging second rate niya sa kakambal niya, pagkatapos hihiritan pa siya nito ng pahayag na hindi niya maarok. Badtrip!   Ngunit bago pa lumala ang inis niya ay napansin niya ang muling pagngiti ni Dylan. Kanina, hindi maipinta ang mukha nito dahil sa pagsimangot, ngayon naman bigla-bigla nalang itong ngingiti ng walang dahilan! “Ano pang nginingiti-ngiti  mo riyan? Aalis ka na diba?” “Just so you know, I like talking to you. I’ll see you next time, Rika!” Muli siyang tinalikuran ng lalaki, pagkatapos ay tuloy-tuloy na lumabas ng café. Walang nagawa si Rika kundi ang habulin ng tangin ang papalayong sasakyan nito mula sa salaming dingding na nasa tabi niya. This is the second time that he called her ‘Rika’. At sa pagkakataong ito, wala na iyong halong pangongondena hindi katulad kanina. Bigla niya tuloy naisip ang kagustuhan nitong makipaglapit sa kanya. Deep inside, she wanted that too. Anong masama kung makipaglapit siya rito? “Alam mo kung anong masama? Iyong pantasyahin mo ang boyfriend ng kakambal mo,” anang konsensya niya. Sus! Problema ba `yon? Edi hindi niya papantasyahin si Dylan! Afterall, matagal na panahon naman na niyang ibinasura ang infatuation niya sa binata. “Pinapaalalahanan lang kita,” dagdag pa ng konsensya niya. “Yeah, yeah. I remembered,” wika ni Rika sa konsensya  niya. Ngunit si Dylan ang tumugon sa kabilang linya. “Can we meet?” tanong ng binata. “Why?” “I just want to hang out.” “Don’t you have anything to do?” “Nasa Australia ang trabaho ko. I’m free for leisure.” “Yeah right! And since, Riza is not here, now I have to put up with you.” “If you’re busy, it doesn’t matter. You don’t need to change your schedule for me.” “Nagdrama ka na naman!” “Hindi ako nagdadrama.” “Dalawang araw lang akong nagpanggap na nobya mo, Dylan. But  believe me, I know already when you’re trying to pull that ‘trick’.” Narinig niya itong tumawa sa kabilang linya. Damn! Bakit maganda pa rin ang tunog ng tawa niya sa telepono? “So is it working? Can we meet then?” Umikot ang mga mata niya. “I can’t. I have to go to my art gallery today.” “Wait, you have your own art gallery?! Seriously?!” “Yes, seriously. Hindi lang si Riza ang nag-succeed sa pinili niyang larangan `no.” “I can see that.”                            “Hindi mo pa nakikita ang gallery ko, Mister. Kaya huwag mo munang sabihin `yan.” “Are you inviting me to come see it?” “Huh?” “I can’t say for sure if I hadn’t seen it with my own eyes, right?” “Exactly.” “Okay! If you insist! I’ll come over!” Then she realized what just happened. He practically manipulated their conversation on his own accord. Makulit na nga, mautak pa! napabutong-hininga nalang siya. “Fine. Pumunta ka kung gusto mo.” “I want to!” excited na wika nito.  “Just tell me the address and I ‘ll be right there. I can’t wait to see you!” She ought to tell him the address right away. Although she was a little distracted to his latter statement. He can’t wait to see me daw? Dylan is gone from the the other line before she could ever confirm what he said. Kaya wala nang nagawa si Rika kundi isiping guni-guni lang niya ang kanyang narinig.   “PIGILAN NIYO AKO! Nagkakasala ang mga mata `ko! Loyal ako sa boyfriend ko, hindi na ako dapat tumitingin sa ibang gwapo!” Iyon ang ungot ng kaibigan at co-owner din nilang si Vina habang nakatanaw sa bulto ni Dylan.      Mas naunang dumating si Dylan sa GALLERIA kaysa sa kanya. Mabuti nalang at naabisuhan na niya sila Yuri at Vina kaya ang mga ito ang umestima sa binata. Naglilibot-libot na ito sa gallery nang dumating siya. Hindi na niya ito nalapitan dahil mabilis na siyang hinila ng mga kaibigan na nag-uumpukan sa reception desk.      “Hindi naman gwapo si Noah. Maganda `yon! Tinalo ka pa nga sa kagandahan!” natatawang wika ni Rika na ang tinutukoy ay ang nobyo nitong miyembro ng sikat na bandang Luna’sCape na siya ring latest endorser ng isang fastfood chain.      “Sa bagay  may point ka. Nakakainis naman kasi, sa sobrang kagwapuhan ng isang `yon, nagmumukha nang babae! Badtrip!”      “Insecure ka? Hiwalayan mo! Hanap ka uli ng bago!” buska ni Yuri. Aware kasi sila sa ugali nitong maki-pagreak sa nakakarelasyon nito sa tuwing may ‘hindi tama’ itong nakikita sa lalaki. Naging libangan nalang nila ang gawin iyong pag-asar kay Vina.      “No way! Forever na ang lovestory namin ni Noah `no!” “Walang forever!” ungot niya. “Sinong may sabi?” Pagkuwan ay itinaas ni Vina ang kaliwang kamay nito at iginalaw-galaw ang daliri sa harapan nila. Nanlalaki ang mga matang nag-unahan si Yuri at Rika sa pagkuha sa kamay ni Vina upang titigan ng malapitan ang nangingintab na singsing na nakasuot sa palasinsingan nito! “You’re engaged?!” “Kelan pa?!” “Just last night. He proposed to me in Rockets—you know the bar they do their usual gig? Ayun! Maraming gerlalu ang umuwing luhaan matapos ipagsigawan ni Noah-bebe-ko ang pagmamahal niya sa akin! Ang haba-haba ng heyr ko, mga kapatid!” Ilang buwan palang magmula nang maging magnobyo ang dalawa. Ngunit sa pagkakaalam ni Rika, matagal nang may lihim na pagtingin ang drummer ng Luna’s Cape sa kaibigan niya. Tinaamaan lang talaga ng matinding katorpehan kaya hindi nakapagtapat ng mas maaga. In short, this is long over due for the two. Nangalumbaba siya at tinitigan ang glow sa mukha ni Vina. “Congratulations, girl! Sa wakas, matatapos na ang hobby mong magpalit ng lalaki, minsan sa isang taon.” Binalingan siya ni Vina na may sarkastikong ngiti. “Pasalamat ka’t good mood ako ngayon, Erika. Hindi ko papatulan ang pang-aasar mo.” “Hayaan mo na `yan, palibhasa tuyot ang lovelife kaya ganyan `yan,” wika pagkuwan ni Yuri. Asar na binato niya ito ng nadampot niyang basahan. “Nagsalita ang hindi tuyot ang lovelife! Tsaka hindi naman ako naghahanap ng jowa `no! Kaya tantanan mo ako Yurika!” “Talaga? E anong tawag mo `dun sa mala-prince-charming na isang `yon? Hindi mo `yon jowa?” usisa  ni Vina sa kanya. “Hindi,” sagot niya. “Anyare?” tanong ni Yuri. “Akala ko ba ‘kayo’?” Kumibit-balikat siya. “Nabisto niya ako kahapon. So ‘break’ na kami.” “Eh bakit nandito `yan kung ‘break’ na kayo?” “Gusto niya daw makita ang gallery natin.” “Kalokohan! Bakit ikaw ang una niyang hinanap?” nakataas ang kilay na sabi n Yuri. Natigilan ng bahagya si Rika lalo ng maalala ang sinabi ni Dylan kanina. ‘I can’t wait to see you!’  “Duh! Ako lang naman ang kilala niya sa ating tatlo.” “Ahm, excuse me? Hello! Nandito ako. Baka gusto niyong ishare sa akin ang pinag-uusapan niyo diba? Para may maicontribute ako sa palitan niyo ng linya.” singit ni Vina. Ikinuwento naman ni Rika ang ‘lahat’ sa  mga ito. Hindi naging mahirap sa kanya ang pagkuwento dahil pareho namang naiintidihan ng  mga ito ang sitwasyon niya kay Riza. In fact, kapareho ni Yuri ay  may itinatago ring disgusto si Vina sa kakambal niya. “Don’t get us wrong, girl. Not that we hate your twin. We just…well, don’t like her. Especially how she treats you like you’re her own personal—” “Troubleshooter? Pinaganda ko lang ang tawag para hindi masakit pakinggan,” wika ni Rika. “Oo na. Ganoon na nga ang papel ko kay Riza. But what can I do? We’re twins so I need to help her whether I like it or not.” “Hindi sa lahat ng pagkakataon, dapat mo siyang tulungan.” “True. Lalo na kung nakasalalay don ang sarili mong kaligayahan.”      Nahulog sa malalim na pag-iisip si Rika matapos ang sinabi ng dalawa. Hindi niya tuloy napansin ang paglapit ni Dylan sa kanila. “Hi! Nandito ka na pala!” Biglang nagkasala-salabat ang paghinga ni Rika nang masilayan niya ang magandang ngiti ng binata. Ikatlong araw na niya itong nakikita ngunit magpahanggang ngayon namamangha pa rin siyang makita ang kagwapuhan nito. Tama si Vina, mala-prince charming talaga ang datingan mo! “Hi! I’m Vina! And this si Yuri! We met, a while ago,” mabilis na saad ni Vina nang mapansin nito ang pagiging ‘speechless’ niya. Agad dumako rito ang pansin ni Dylan.  Magkasunod na nakipagkamay ito sa dalawa. “Yeah! Thank you for having me. And nice to meet you both…” “The pleasure is ours. So how do find our artworks?” tanong ni Yuri. “Well, all your artworks here are really nice. I was amazed that these were made by up and coming artists such as yourselves.” “Thank you! Did you find anything that interests you, Mr. Delavine? Some of our artworks here are meant for display, but if you will insist, we could put it on sale for you.” Sa kanilang tatlo, si Yuri ang pinakamalakas ang PR! Matindi rin ang sales-instinct nito kaya hindi na sila makapagsalita kapag nagsimula na itong ‘magbenta’. Asa ka pa, Yurika! Negosyante rin ang isang `yan! Alam niyan kung kelan siya ginugulangan! “Actually I want to buy a particular artwork. I hope it’s for sale.” Bumagsak ang mga panga ni Rika. Sabay naman na pumalakpak sila Yuri at Vina. “Perfect!” “What artwork are you referring to?” “Wala kasing title eh. So I just took a picture of it.” Ipinakita ni Dylan ang cellphone nito kung nasaan ang larawan ng artwork na nagustuhan.   “WHY WON’T YOU SELL that to me?” magkahalong pagtataka at pangangastigo na tanong ni Dylan kay Rika.  Naroon na sila sa second floor ng gallery kung saan niya nakita ang artwork na gusto niyang bilhin.      Batid niyang hindi na iyon kabilang sa mga ibinebentang sining gaya ng nasa ibaba, ngunit sa partikular na larawan lang talaga tumutok ang interes niya. Kung larawan ngang maituturing iyon dahil wala namang ibang makikita sa canvass kundi puro linya at magkakahalong matitingkad na kulay.      “Why would you want to buy it, anyway?” nakahalukipip na balik-tanong ni Rika. Apparently, ang babae ang may gawa noon kaya ito ang may ‘say’ kung ipagbibili nito ang artwork o hindi.      “Because I found it interesting.” “Elaborate.” “Somehow it calms me when I look at those lines and colors…” aniya saka binalingan ang canvass na nakasandig sa dingding.      “Calms you? That’s not the reaction I usually get on my works though. Especially this one. Even Yuri told me, masakit daw sa mata ang kulay na ginamit ko rito.”      “That’s the beauty of an abstract painting. It all depends on whoever is looking. As for me, I like it. No, actually I loved it! I can’t help looking at it. It gives me a strong feeling of assurance…”      “Assurance of what?”      “I  don’t know. Maybe you could tell me.”      Bumaling si Dylan sa dalaga. Their gazes met and locked in an instant. Simula nang dumating siya sa Pilipinas ay aminado siyang naging hobby na niya ang titigan ito. But that was before he found out that she is just portraying as Riza. Ngayon na nalaman na niyang hindi ito ang nobya, bakit hindi pa rin niya mapigilan ang titigan ito? “I can’t tell you anything…” maya-maya ay wika ni Rika. Ito ang unang pumutol sa titigan nila. “What you see, is what you get.”      “Let me decode the message all by myself then. Pumayag ka nang ipagbili sa akin `yan. Magbabayad ako kahit magkano.”      Bakas pa rin ang pag-aatubili ng dalaga. “It’s not about the price, Dylan. This artwork… it’s different from other art pieces I made. That’s why I keep it locked up here. You’re not even supposed to see it.”      Ramdam ni Dylan ang attachment ni Rika sa nasabing artwork kaya hindi niya ito masisisi kung hindi nito iyon kayang ipagbili. But he cannot also deny the fact that he is also feeling an ‘attachement’ towards it. Weird. Dahil ngayon lang naman niya iyon nakita.      “How about this. You let me have that art piece. And I will let you off the hook.”      Napatingin sa kanya si Rika. “What do you mean?”      “Kalilimutan ko na ang ginawa mong pagsisinungaling sa akin. You’re forgiven.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD