NAKAPANGALUMBABA SI RIKA sa paborito niyang pwesto sa Café Ruca. Naisipan niyang tumambay muna roon habang pinag-iisipan kung ano na ang lagay ng kakambal niya.
Noong isang araw pa kasi niya sinusubukang tawagan ito upang kamustahin at ipaalam na rin dito ang ‘pagkakabisto’ niya, subalit mapahanggang ngayon ay out of reach pa rin ang cellphone nito.
Hayan ka na naman. Worrying about your sister. You know she’ll be just fine. Sarili mo ang problemahin mo, wika ng kanyang konsensya.
Palibhasa ilang araw na ring wala sa tamang takbo ang kanyang pag-iisip magmula nang huli nilang pag-uusap ni Dylan. She admits she was totally affected by their stare-down moment. Para kasing nanghihipnotismo ang mga mata nito sa tuwing tumututok sa kanya. Kaya nga siguro hindi na niya nagawang tumanggi rito nang baguhin nito ang ‘offer’ para lang mapasakamay nito ang artwork niya.
“Don’t worry. Hindi ko naman ito aangkinin. Let’s just say, I will keep it for the time being. Gaya ng sinabi ko kanina, I want to decode the message hidden behind those streaks of colors…”
Iyon ang pahayag ni Dylan sa kanya. Wala naman siyang makitang dahilan upang kumontra lalo pa’t ipinangako nitong patatawarin na siya nito sa ‘kasalanan’ niya. Magmula nga noon ay hindi na uli siya ginambala ng binata.
Miss mo na? Tanong ng konsensya niya.
Pagkuwan ay uminom siya ng kape. Subalit hindi pa man dumadampi sa labi niya ang tasa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Kamuntik pa siyang mapaso nang makita niya kung sino ang tumatawag.
Si Dylan!
Kaagad niyang initse-pwera ang iniinom at sinagot ang tawag. “Hello?”
“Hi. Are you okay?” came the familiar baritone voice that she learned to endear.
“I’m fine. Why did you ask?” nagtatakang tanong niya.
“Hindi ka ba napaso? Dahan-dahan lang kasi sa pag-inom.”
“How did you know I’m—” Hindi na natapos ni Rika ang tanong dahil nang itaas niya ang kanyang paningin ay agad niyang nakita ang lalaking laman ng isipan niya sa nakalipas na mga araw.
Dylan is standing by the entrance of the coffee shop, looking as dashing as ever while holding up his hand and waving at her. Gaya ng dati, hindi na naman nito alintana ang mga humahangang tingin na ipinupukol dito ng mga taong nandoon din sa shop. May kung anong pagbubunyi sa kalooban niya sa isiping wala itong ibang pinansin kundi siya!
“I see you…” wika ni Dylan sa kabilang linya.
“Y-Yeah, m-me too. What are you doing here? ”
“I came to buy cookies. You?”
Cookies lang pala ang habol niya rito. Akala ko naman ako!
Ano namang habol niya sayo? Wala ka naman nang atraso sa kanya, anang konsensya niya. Biglang prumeno ang kaligayahan niya.
“Nagkakape,” itinaas pa niya ang tasa ng kapeng iniinom niya kanina.
“Wait, o-order lang ako. Puntahan kita diyan ha? You won’t mind, do you?”
“Okay lang.”
“You want me to buy you anything?” Pagkuwan ay naglakad na ito patungo sa serving counter.
“Ah… choco-hazelnut cookie.”
Agad niyang narinig na ipinadagdag nito sa server ang order niya. Ang buong akala ni Rika ay tatapusin na rin ni Dylan ang tawag ngunit hindi nito ginawa. Her eyes silently followed him as he started placing his orders—with his cellphone still close to his ear.
“What else?” tanong pagkuwan ni Dylan mula sa kabilang linya.
“`Yun lang.”
“Okay.” She heard finishing his transaction with the cashier.
“Ahm, Dylan?”
“Hmm?”
“Ibababa ko na ha?”
“No, stay on the line. I want to hear your voice.”
“Huh?”
“Ah nevermind. It’s done. I’m coming!”
Bumaling si Dylan sa kanya matapos nitong makuha ang paperbag na pinaglalagyan ng in-order nito. He walked towards her, briskly.
“Thanks,” kiming sabi ni Rika nang ibigay nito sa kanya ang in-order niya.
“May bayad `yan.”
“Magkano?”
“I don’t need money. Mayaman na ako.”
“What do you want then?”
“A kiss will suffice.”
Napamaang siya. “What?!”
Para siyang na-engkanto nang bigla nalang itong ngumiti. Kitang-kita sa mga mata nito ang kapilyuhan na una niyang nakita magmula ng sunduin niya ito sa airport. His mischievous and flirtatious way of looking at her makes her feel butterflies in her stomach.
“I’m just kidding. Relax!” wika ni Dylan saka binuntutan ng mahinang tawa.
Bumuntong-hininga si Rika saka napasimagot. “Bwisit ka! Hindi magandang biro `yon ah! ”
“What? Gusto mo totohanin ko?”
“Bakit, kaya mo?”
“Are you challenging me, Erika Martinez?”
“Are you flirting with me, Dylan Delavine?”
“Why, is it working?”
“Not a chance, Mister,” kalmanteng sabi niya kahit na nagtititili na siya sa isip niya.
“Hmm…” He crossed his arms and rested his back on the chair. Lantaran siya nitong pinagmasdan like she is a specimen under a microscope. “So, what are you up to these past few days, Rika? I never heard from you, magmula nang ‘patawarin’ kita.”
That’s true. Matapos kasi niyang ibigay rito ang artpiece niya bilang kapalit ng ‘kapatawaran’ nito ay hindi na rin nagpatuloy ang pagkikipag-ugnayan niya sa binata.
“I’ve been busy…”
“With your artworks?”
No. Thinking about… you.
Yes. She must admit Dylan has been occupying her mind these past few days. But of course, she cannot let him know that!
“Yep. But I’m having a break so… nandito ako ngayon. Nakatambay. Nagkakape.”
“So you’re not that busy? Gusto mong sumama sa akin?”
“Saan?”
“I’d like to show you my project.”
Napakunot-noo siya. “Akala ko ba, nandito ka sa Pinas para magpahinga, anong ‘project’ na naman `yan?”
“You have to come with me, and see it for yourself.”
“Ayoko nga. Corporate stuffs bore me, Dylan…”
“It’s nothing related to my business, Rika. I promise, hindi ka mabo-bore!”
Diskumpiyado pa rin Rika, ngunit hindi naman niya maatim na makita ang disappointment sa mukha ng binata.
Bakit ba palagi ka nalang nagpapaapekto sa pagpapaawa ng isang `yan? Ano bang mapapala mo? tanong niya sa kanyang sarili.
You just want to spend longer time with him, that’s why…
Pero bakit?
Because you’re still attracted to him. Duh!
Parang hinulugan ng malaking tipak ng bato ang ulo ni Rika matapos ang pahayg na iyon ng kanyag konsensya.
“Sumama ka na. Please?” untag ni Dylan sa kanya.
Napakibot siya nang mapagtantong napakalapit kesa sa normal na distansya ang pagitan ng mga mukha nila. Nangungusap ang mga mata nito habang nakatunghay sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. “Okay! Fine.”
“Parang napilitan ka lang.”
“Ay buti naman nahalata mo!” She opted to give him a sarcastic smile that made him burst into laughter.
Pagkuwan ay bigla nalang nitong pinisil ang tungki ng ilong niya. “Mag-eenjoy ka don, Rika. Don’t worry!”
Oh! I’m not worried about that! Itong puso ko ang inaalala ko, baka kasi mahulog sayo, hindi mo masalo!
“PWEDENG TUMABI?” napatingin si Rika sa babaeng lumapit sa kanya.
Nakaupo siya sa isang wooden bleacher habang tahimik na pinanonood ang masayang paglalaro ng mga batang kinukupkop sa H.O.P.E— ang childcare institution na pinuntahan nila ni Dylan sa Silang, Cavite. Para sa mga batang iyon ang sandamakmak na cookies na binili nito kanina sa Café Ruca.
“Sure! Upo ka!” Umusod siya ng konti upang magkaroon ng espasyo ang bagong dating. “Uhm, Candice, right?”
Pinsan ito ni Dylan sa mother-side. Ipinakilala siya dito ng lalaki sampu ng iba pang vonlunteer staffs na kasamang tumutulong sa pagrerehabilitate at pag-aalaga sa mga batang nandoon. Si Candice ang tumatayong directress ng childcare institution na iyon.
“Yep. Candelaria for long. Kanina pa kita nakikitang nakaupo lang rito. Don’t you want to join the kids?”
“I’m fine. Mas gusto kong nanonood lang. Isa pa, mukhang pre-occupied naman sila kay Dylan.”
Tinanaw niya ang grupo ng mga batang masayang naglalaro ng basketball sa outdoor court na nasa di kalayuan. Si Dylan ang tumatayong referee-con-coach ng mga ito.
“Oh Dylan’s giving them a blast, alright! Ilang linggo palang magmula nang mag-sign siya ng sponsorship niya rito, pero napalapit na agad sa kanya ang mga bata.”
“I can see that...” Ang totoo, magmula ng dumating sila doon ay hindi na natapos ang obserbasyon niya sa binata.
Napag-alaman niyang isa ang H.O.P.E. sa naikwento nitong ‘project’ na gusto nitong gawin sa Pilipinas. Hindi niya alam na may pagkapilantropo ang lalaki, ngunit hindi na siya nabigla pa. A man as rich as Dylan Delavine has all the money to dispense in all kinds of charity works such as sponsoring a private child–care institution.
Natutuwa si Rika na isinama siya doon ni Dylan dahil nakita niya ang isa pang bahagi ng katauhan nito. He’s not just about looks and popularity. Actually, he has more depth than that! Napatunayan niya iyon noong dumalaw ito sa gallery nila. He practically speaks like he really understood what he is saying! And there’s no doubt he is!
Nangalumbaba siya at pinagmasdan si Dylan.
So, he has an outstanding looks and a top-notch businessman. Plus a silent-philantopist with a lot of sensibility! Jusko Lord, talaga palang nagmamanufacture pa Kayo ng ganitong lalaki?
“I hope we’re not boring you,” pukaw ni Candice sa biglang pananahimik niya.
“Huh?” Agad siyang umayos ng upo at umiling. “Of course not! Hindi lang halata pero nag-eenjoy ako! Promise!”
“Enjoying watching Dylan, you mean?”
Bahagyang nag-init ang pisngi ni Rika. Am I that obvious? Umisip agad siya ng palusot. “No. Hindi lang talaga ako mabilis makisalamuha sa tao… Pasensya na…”
Ngumiti si Candice saka marahang tinapik ang balikat niya. “You don’t need to explain yourself. Ganyan talaga ang mga artist, mas in-tune kayo sa sarili niyo. Madalas.”
“Paano mo nalamang artist ako?”
“Dylan told me. Nakabakasyon kasi ang isa sa Art teacher namin kaya kailangan namin ng pansamantalang magtuturo. Ang sabi niya isasama ka niya para makatulong… Well, I think it’s a great opportunity to finally meet the woman whom my cousin keeps on talking about since he came back.”
Napamaang si Rika. “He’s talking… about me?”
“Yep. The infamous Erika Martinez. His substitute ‘girlfriend’. Am I right?”
“Well…”
“You really look like your sister. As in carbon copy!”
“Have you met Riza?”
“Not personally. Sa picture ko palang siya nakikita. At kung hindi ko alam na kambal kayo, iisipin kong ikaw `yung nandon sa picture na palaging dala ng pinsan ko.”
“Well, what can you expect? We’re identical twins,” she said half-heartedly. Nahalata marahil ni Candice ang biglang kawalan niya ng gana kaya bigla nitong binago ang usapan.
“Anyway, it’s great to have you here, Rika. We could use some help!” Tumayo na si Candice at hinawakan ang kamay niya. “Let’s go! Ihanda na natin ang Art room!”
TAHIMIK NA SUMILIP SI Dylan sa salaming bintana ng Art room. Agad niyang nakita ang mga munting batang nasa edad lima hanggang walo na nakapalibot sa babaeng may tangan ng malaking drawing board.
Rika seemed to be having fun as she demonstrates to the kids how to make use of different colors and turn it into an amazing piece of art. Napaka-animated nitong magsalita kaya naman kuhang-kuha nito ang interes ng mga bata. Maging siya ay nahahalinang panuorin ito.
Hindi niya naririnig ang mga sinasabi ni Rika kaya itinuon niya ang kanyang paningin sa pagbuka ng bibig nito. Ngunit habang tumatagal, imbis na mag-lip-read ay nauwi siya sa simpleng pagtitig sa mga labi ng dalaga.
Ilang gabi na siyang hindi makatulog ng matino dahil tila manstang hindi mabura sa kanyang isipan ang mga halik na pinagsaluhan nila ni Rika. Yes, hanggang ngayon ay iyon pa rin ang dilemma niya sa gabi!
Kahit ilang beses niyang pagsabihan ang sarili niya na tumigil na sa pag-iisip tungkol doon ay nauuwi pa rin siya sa pag-alala noon. In fact, sa tuwing tumititig siya sa kisame ng kanyang silid ay tila nagkakaroon ng instant projection doon ang matamis na tagpong pinagsaluhan nila ni Rika.
But this time, he knew it’s not just lust he is feeling. He felt so much longing to the point that all he wanted to do is to jump out of his bed and look for Rika. Kahit marinig man lang ang boses nito ay ayos lang sa kanya.
“She’s not Riza,” wika ni Candice na nasa tabi niya. Nakatingin din ito sa kaganapan sa loob ng Art room.
“Yeah. I know.”
“Then why are you oglig her?”
“I’m not ogling her.”
Candice turned to him with a knowing look. “I’ve seen that look before, pinsan. Ganyang-ganyan ka rin makatingin sa picture niyo ni Riza noong mga bata pa tayo. She’s your first love, right?”
Napakibot si Dylan. Bigla niya kasing narealize ang katotohanang sinabi ng pinsan niya. That picture has the very same effect on him just like Rika.
Sa totoo lang, bata palang sila nang una niyang makilala ang magkapatid na Riza at Rika. Nagbabakasyon siya noon sa puder nila Candice nang maimbitahan itong dumalo sa children’s party nila Rika at Riza na anak ng co-member ng mommy ni Candice sa pinupuntahan nitong beauty spa. Medyo bagsak ang pagkatao niya noon dahil kamamatay lang ng kanyang ama kaya para malibang ay isinama siya sa party. Doon niya nakilala si Riza.
They clicked right away and before he knew it, she was able to erase the sadness that a little boy like him has back then.
“Nung sinabi mong uuwi ka at ipapakilala mo ang girlfriend mo, I really thought you will bring Riza. But why Rika?”
“May trabaho pa kasi si Riza.” Hindi alam ni Dylan, ngunit tila mabigat sa loob niyang sabihin iyon. “And you’re in need of an Art teacher so I brought Rika.”
“Ginawa mo pang excuse ang kawalan ko ng Art teacher para lang masolo mo siya…”
Pumalatak si Candice pagkuwan ay iginalaw-galaw ang hintuturo nito sa harap ng mukha niya.
“Masama `yang ginagawa mo pinsan. Namamangka ka sa dalawang ilog. Ingat ka. Kapag nahulog ka, baka malunod ka!”
Kumunot ang noo niya. “Are you insinuating that I feel ‘something’ towards Rika?”
“Bakit, wala ba?”
“She’s my girlfriend’s twin sister, for Pete’s sake!” naeeskadalong sabi niya. “I can’t possibly have feelings for Rika!”
“I’m just saying…”
“Riza’s my girlfriend. And I love her.”
“Well, you must really love her that much. Dahil nandyan ka pa rin para sa kanya kahit palagi ka niyang iniiwan sa ere.”
Natigilan si Dylan. Hindi niya alam kung ang pinupunto ng pinsan niya. But that conversation got him thinking about his relationship towards Riza and his feelings towards her as well.
Are you really fine with that Dylan?
“Excuse me, nasaan ang CR?”
Sabay silang napalingon kay Rika. Nakatayo ito sa may pintuan at tila atubiling nakatingin sa kanila ni Candice. Biglang nakadama ng panic si Dylan. Kanina pa doon ang babae? Narinig ba nito ang pinag-uusapan nila ng mahadera niyang pinsan?
Shit!
“Ah, liko ka lang sa kaliwa pagdating mo sa dulo nitong hallway,” sagot ni Candice.
“Sasamahan na kita,” wala sa loob na prisinta niya. Mabilis siyang binatukan ng pinsan niya. “Aray! What’s that for?”
“Magsi-CR siya. Sasama ka? Konting-hiya naman pinsan. Baka isipin niya Rika, may itinatago kang kamanyakan.”
“Dylan’s a gentleman, Candice. I had the previledge to witness that.”
Napatingin si Dylan kay Rika. He should be proud of hearing her say that, but it only made him more worried.
“Oh, you don’t need to defend this cousin of mine. Nasa loob ang kulo ng isang `to!” tinapik-tapik ni Candice and balikat niya. “Anyway, gusto mo, ako nalang ang sumama sayo?”
“Don’t bother about me. Ang mabuti pa, pakitingnan nalang `yung mga ginagawa ng mga bata sa loob,” wika ni Rika bago nagpasintabi.
Hinatid ni Dylan ng tingin ang babae. Sa hindi malamang dahilan, para bang mabigat sa dibdib niyang panuoorin itong lumalayo. As if she’s not going to turn back and look at him ever again…
Sa CR lang naman siya pupunta. Ang drama mo talaga kahit kelan, Dylan!
KAAGAD ISINARA NI RIKA ang pinto ng CR pagkatapos ay padausdos na sumandal doon. Kanina pa niya pilit pinatatatag ang kanyang mga tuhod matapos niyang marinig ang pinag-uusapan ng magpinsan sa labas ng Art Room.
Narinig niya ang lahat ng pinaguusapan ng mga ito, mula simula hanggang dulo. Nalaman tuloy niya ang kwento sa likod ng larawang ipinagmalaki nito sa kanya. He’s been in love with her sister ever since childhood!
Unti-unting bumagal ang pagririgudon ng kanyang puso hanggang sa tuluyan na iyong huminto nang marinig niya ang malakas na sinabi ng binata.
“Riza’s my girlfriend. And I love her,” Dylan said definitely.
“Well, you must really love her that much. Dahil nandyan ka pa rin para sa kanya kahit palagi ka niyang iniiwan sa ere,” Segunda ni Candice.
Para sinamapal ng katotohanan si Rika. And it tears her heart just by hearing it. Alam niyang simula’t sapol ay wala siyang panama kumpara sa kakambal niya. Ngunit masakit palang marinig iyon mismo mula sa bibig ng lalaking nagugustuhan niya.
Oh yes! Totoong gusto niya si Dylan. Mula noon hanggang iyon, ito pa rin ang lalaking pinakatatangi niya. But what can she do? He’s already in love with her twin—his first ever first love—according to what she heard.
Kung ako sayo, itigil mo na `yan hanggat kaya mo pa! Huwag kang pumasok sa laban kung alam mong ikaw ang uuwing luhaan.
Umayos siya ng tayo at pinagmasdan ang sarling repleksyon sa salamin. Kaagad niyang pinalis ang namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata. Walang saysay ang pag-iyak! Ang mahalaga ngayon, mapigilan niya ang puso niya na mawasak.
Lulugo-lugo ang pakiramdam niya habang naghihilamos nag biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang sinagot iyon nang makita niya kung sino ang tumatawag.
“Mariza, where the hell have you been?!”
“Don’t worry, sis. I’m coming home…”