CHAPTER NINE

2132 Words
“AY MAY PANGIT!” Sinimangutan lang ni Rika si Vina. Ito ang naabutan niyang tumatao sa GALLERIA nang araw na iyon. “Huwag mo muna akong biruin, Divina. Wala ako sa mood.” “Halata nga. Ilang araw ka nang hindi nagpapaikita rito. Ano ba kasing nangyari sayo, bruha ka? Bakit bigla kang naghybernate sa apartment mo ng walang pasabi?” “Busy lang ako.” “Busy saan?” “Painting.” “Isang linggo ka nang nagpe-paint?!” “Oo. Nagpunta lang ako dito dahil naubusan na ako ng pinturang kailangan ko.” Tumaas ang kilay ni Vina. “Sigurado ka bang `yang pag-aadik mo sa pagpipinta ang dahilan kung bakit namumugto `yang mga mata mo, ha Erika?” “Eyebags `yan.” “Hmm…” Kesa makipagdiskusyon ay dumeretso na si Rika sa second floor kung saan niya naiwan ang pinturang ginamit niya sa huling abstract painting na ginawa niya roon. Speaking of which… Napatingin siya sa dingding na dating sinasandalan ng malaking canvass niya. “If your looking for your painting, nakuha na iyon ni Mr. Delavine. Kunin mo nalang daw sa kanya ang bayad kapag nagkita uli kayo…” Kaagad nakagat ni Rika ang kanyang ibabang labi. Alam kasi niyang double meaning ang sinabi ng lalaki. Hindi na kasi niya nagawang magpaalam rito matapos niyang matanggap ang tawag ni Riza. Basta nalang siya umalis at nag-iwan ng note sa reception lobby ng H.O.P.E. Ilang beses siyang tinawagan ni Dylan ngunit minabuti niyang huwag na iyong sagutin. What’s the point? Bumalik na ang totoong nobya nito kaya wala nang dahilan para bulabugin pa siya nito.  As per Riza, alam niyang may malaking nagbago sa kakambal niya magmula nang bumalik ito. No, actually dati na niyang napansing may kakaiba sa ikinikilos nito bago pa man ito tumulak papuntang New York noon.      She tried asking her twin, but it didn’t go well in the end…      “Kung may problema ka, sabihin mo sa akin… baka matulungan kita.” “You can help me in anything, but not this one.” “Why not? Try me…” “Will you stop acting like you are my keeper?!” paangil na sabi nito na ikinagulat niya. “That’s your problem, you know? You are always there for me! Willing to help me! To back me up! To the point that I can’t possibly do anything on my own!” Hindi malaman ni Rika ang gagawin lalo nang makita niyang umiiyak ang kakambal niya. Ano kayang hugot nito at umiiyak na ito ng ganoon? “I was just trying to help.” “Then I don’t need your help! Go get your own life! Leave me alone!” Parang hinulugan ng isang toneladang bato and dibdib ni Rika nang marinig ang sinabi ng kapatid. Matapos ang lahat ng ginawa niyang pabor at pagpapaubaya, ganoon nalang kung ipagtabuyan siya nito?! Unti-unting tumigas ang ekspresyon ng mukha niya. Kung tutuusin, sawang-sawa na rin siya na siya palagi ang umiintindi rito. “You’re pushing me away now? That’s fine. I’ll leave. But let me just make it clear. I’ve been trying to have my own life. But everytime you get in the picture, I have no choice but to accommodate you ‘first’. Mas inuuna kita kesa sa sarili kong kapakanan, alam mo ba `yon?” Natigilan si Riza. Subalit mas matindi ang kinikimkikm nitong litanya kaya hindi ito nagpadaig sa sinabi niya. “Kung ganoon, magmula ngayon, itigil mo na! I don’t need you anymore!” That was the final blow Rika could ever take. Dahan-dahan niyang ibinagsak ang mga balikat niya pagkuwan ay niyakap niya ng mahigpit ang kakambal niya. “If that’s what you want, then so be it. Take care of yourself, sis.” Rika lost two of the most important person in her life in that very same day. Her beloved twin sister. And the man she had grown loving through the years. Wait, kelan pa napalitan ng ‘love’ ang description ko kay Dylan? Magmula nang magkulong ka sa apartment mo at magpinta ng walang patid as if wala nang bukas, sagot ng konsensya niya. “Rika, are you okay?” Pukaw ni Vina sa kanya. “Natutulala ka na. Iyan na ang epekto sayo ng kaasinghot mo ng pintura.” “I’m…fine…” Pinilit niyang patatagin ang boses niya. “I am just trying to finish a new project of mine.” “Sigurado ka bang bagong project `yan? O continuation lang ng ‘dati’  mo nang project?” Kumpara kay Yuri ay mas matagal niyang nakasama si Vina dahil nasa kolehiyo palang sila ay madalas na silang magkita nito sa tuwing  may art collaboration na ginagawa ang mga schools nila. Mas alam nito ang art style niya, maging ang ‘dati’ niyang  project na five-long-years in the making na. “Tama ako `no?” Pumalatak si Divina. “When I heard the name ‘Dylan’, I knew that sounds familiar. Now I remember where I heard that. Or should I say, ‘saw’ that.” “Stop judging me!” mabilis na wika niya. “May narinig ka ba? Artist din ako, remember? So I understand you. We need our muse to create a master piece. I found mine many years ago. Pero ngayon ko lang `yon napagtanto. In your case, matagal mo na siyang nahanap, bigla nga lang umalis. Good thing, bumalik. Because finally, maitutuloy mo na rin ang nakapending mong project. Siguradong magkakagulo ang mga parokyano mo kapag nalaman nilang may bagong art collection ka.” “I’m not planning to display it in public, Vina…” In their language, kapag hindi inilabas ng artist for public viewing ang isang art collection, ibig sabihin lang noon ay may specific na tao lang itong pinaghahandugan `non. “I see… Ang swerte niya! Siya lang ang may karapatang makakita ng obra mo! Kung sa bagay, sa kanya mo ibinigay `yung WYSIWYG.” “WYSIWYG?” “Isn’t that the title of your abstract painting?” “Wala pang title `yon.” “But that’s what he said. It means ‘What you see, is what you get’. Teka, ibig sabihin, pauso niya lang `yon? In fairness ha! Witty siya `don!” Witty nga. Pero sa akin din naman nanggaling `yon. “So kelan mo naman balak ipakita sa kanya ang ‘art collection’ mo?” “Wala rin akong planong ipakita sa kanya…” “Why not? He needs to see that para magkaalaman na!” “Kung hindi niya maiintindihan ang nakatagong meaning sa WYSIWYG, wala na ring dahilan para makita niya ang ‘art collection’ na iyon.” Nagulat si Rika nang bigla siyang niyakap ni Vina. “If there’s one thing I learned from the roller coaster kind of lovestory such as mine, iyon ang huwag mawalan ng pananalig kay Kupido. Oo nga’t madalas siyang sablay sa simula, pero malay mo… in the end, maka-bullseye din ang pana niya with your name written on it. At matamaan ang puso ng Dylan na `yon.” Matagal nang natamaan ang puso ni Dylan. Yun nga lang hindi pangalan ko ang nakasulat sa pana kundi pangalan ni Riza. Sa isip-isip ni Rika. Nakauwi na siya sa apartment niya ngunit umiikot pa rin sa isip niya ang napag-usapan nila ni Vina. Masaya siyang pinagagaan nito ang loob niya, dahil sa totoo lang, ilang araw na ring tila pinagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam niya. Pagkuwan ay napatingin si Rika sa silid kung saan siya naglagi ng maraming araw. Tumambad sa kanya ang magkakaibang sizes ng canvass na pawang may mga bahid ng pintura. Ngunit di gaya ng nakagawian niyang gawin, this particular art project isn’t an Abstract collection.   Most of the canvasses are painted with facial profiles in different angle, emotion and view. Some are finished. Some are drafts. But mostly are still wet. Kapag nasa rurok kasi siya ng pagpipinta, hindi lang basta isang obra ang ginagawa niya. She always turned into new one; lalo’t may darating na bagong ideya sa isip niya. Iisang tao lang ang subject niya sa mga iyon—si Dylan. Kung hindi ‘love’ ang tawag diyan, e ano? Anang konsensya niya. Nilapitan niya ang latest na ipininta niya—she painted it the way she remembered seeing it. His fingers are combing his curly hair. His lips are pursed but still curvy. Underneath those strand of hairs that fall down to his face is those dreamy bluish eyes directly staring at her… Puno siya ng emosyon habang ipinipinta niya iyon dahil sa puntong iyon naisipan ni Rika na magbalik-loob sa portrait painting. Hindi kasi kagaya sa abstract, direkta niyang naipapahayag ang damdaming gusto niyang iparating. I’m in love with you, Dylan.   “HI MOMMY, HI DADDY… kamusta naman kayo diyan? Kami ni Riza? Well as you can see, okay lang naman. Career-wise, I mean…”      Naka-injan-seat si Rika habang kinakausap ang magkatabing lapida ng mga magulang niya. Naunang mamatay ang daddy nila noong high school sila. Sumunod ang mommy nila ilang buwan matapos niyang magtapos sa kolehiyo. Bago ito mawala ay inihabilin nito sa kanya si Riza.      Noon pa man, batid na niyang si Riza talaga ang paborito nito. Hindi niya iyon alintana dahil alam niyang sa kanya naman nakapanig ang daddy niya. Quits lang kumbaga. Pero minsan naiisip niya, kanino kaya siya inihabilin ng daddy niya bago ito mamatay?      Wala siguro. Strong independent woman ako eh. “Sorry nga pala mommy. I wasn’t able to take care of Riza, the way I promised.” “But you did. You took care of me, more than you have promised.” Mabilis na napalingon si Rika nang marinig ang boses ng kakambal niya. Di gaya ng huli niya itong nakita, maaliwalas na ang magandang mukha nito bagaman bakas pa rin doon ang kalungkutan. “Riza…” Ngumiti ito ng bahagya. Nangingilid ang mga luha sa mata nito. “I’m glad you’re here. Gusto kong marinig mo ang sasabihin ko kila mommy at daddy.” Hinayaan ni Rika na makalapit ang kakambal niya. Tinitimbang niya ang ikinikilos nito. She was torn between staying or going. Finally, she chose the first. “Sorry, mommy and daddy for being such a bad daughter. I know I’ve been a huge brat ever since but you keep on putting up with me. Especially Rika. It may not be obvious but I’ve always been jealous of her that’s why I’ve tried everything to keep her the second best…” Napamaang si Rika. Totoo ba ang naririnig niya? “Riza… what are you talking about?” Binalingan siya nito. “That’s true, sis. Matagal na akong nagseselos. No, actually naiinggit ako sayo. Nasa iyo ang atensyon ng lahat kahit wala kang gawin. Ikaw lagi ang pinupuri kahit na hindi ka naman gumagawa ng effort sa studies natin even sa practical things. Ako, puro ganda lang. Walang kwenta sa ibang bagay.” “Don’t say that, Riza!” Ngumiti ito ng kimi. “Don’t worry, totoo naman eh. At tanggap ko na iyon ngayon. Noong nasa New York ako, may taong nagpaintindi sa akin na hindi sa lahat ng pagkakataon, ako ang bida. Hindi sa akin umiikot ang mundo kaya dapat matuto akong lumugar sa kung saan ako nararapat. Bigla ko kayong naalala si Dylan…” “Kami ni Dylan? Bakit?” “Dahil namagitan ako sa inyong dalawa, Rika.”   HAPONG-HAPO SI RIKA nang makauwi siya sa kanyang apartment ng gabing iyon. Nadrain ng husto ang pakiramdam niya matapos aminin ni Riza ang kinikimkim nitong inggit sa kanya. Ngunit ang lalong nagpalugmok sa kanya ay ang isa pang katotohanang inamin nito sa kanya.      “Dati ko nang napansin na interesado sayo si Dylan. Lalo akong nagselos dahil hindi ko lubos akalaing pati ba naman ang pinakasikat na lalaki noon sa school natin, ikaw pa rin ang tinitingnan. So I tried very hard to get you out of the picture. It worked when we moved to Australia. He became so nice and so supportive of me. Wala na akong hahanapin pa sa isang lalaki dahil nasa kanya na ang lahat. Pero hindi nagtagal, nakonsensya ako. Dahil alam ko sa loob kong hindi naman dapat ako ang inaasikaso niya ng ganoon. Hindi ko kayang aminin sa kanya ang totoo kaya sinubukan kong iparamdam nalang sa kanya. Mas nag-focus ako sa work ko para isipin niyang nine-neglect ko siya. But he still supported me no matter what.”      “Kung ganoon sinadya mong huwag magpakita sa kanya sa loob ng isang taon?!”      “I was hoping he would finally give up, and broke up with me.”      “But he didn’t. In fact he remained loyal to you.”      “Sa akin nga ba siya naging loyal? O sayo?”      Unti-unting kumunot ang noo ni Rika. “Ano bang sinasabi mo? Siya mismo ang  nagsabing tanging sa picture mo nalang siya tumitingin kapag name-miss ka niya.”      “Have you seen that picture?”      “N-Not yet.”      May kinuha si Riza mula sa bulsa nito. “Binuklat ko ang lumang photo album natin because I knew he looks familiar. Then I see this…” Napasinghap ng malakas si Rika nang makita niya ang larawan. It was a picture taken during their fairy tail-themed seventh birthday party. Tandang-tanda niya iyon dahil doon nagsimula ang ‘switching’ nila ni Riza. Paano’y siya ang nagsuot ng blue dress na dapat sana’y para kay Riza, samantalang ito ang nagsuot ng pink dress na para sa kanya. Tuloy, ipinakilala sila ng mommy nila sa magkaibang pangalan. But she barely had the memory of that photo she is holding. She seating on a swing  while being kissed by a little boy who is wearing a royal-red prince on her cheek! “Is this…?!” “Dylan.” Nakingiting itinuro ni Riza ang larawan. “Hindi mo na siguro maalala `yan, dahil bigla kang nagtatakbo papasok ng bahay nang mapansin mong maraming bisita ang nakatingin sa inyo ni Dylan. I think that was your first ever panic-attack.” “I can’t believe this…”  So she is the frist love that Dylan is talking about!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD