CHAPTER TEN

3606 Words
NAGISING KINABUKASAN SI RIKA nang hindi nananakit ang katawan. Mukhang sa kabila ng pagod niya kagabi ay nakaabot pa rin siya sa kanyang silid at sa kama nakatulog. Hindi na kasing bigat ng dati ang kanyang nararamdaman lalo pa’t ipinagtapat na ni Riza sa kanya ang katotohanan tungkol kay Dylan. Magkagayunman, naroon pa rin ang nadarama niyang kahungkagan. Gaya ng palagi niyang ginagawa pagkagising ay dumeretso agad siya sa silid kung saan siya nagpipinta. Nanunuot sa ilong niya ang magkakahalong amoy ng pintura at terpentinang ginagamit niya. Subalit hindi iyon ang biglang nagpagising ng diwa niya kundi ang isang pigura! “W-W-What are you… d-doing here?!” She felt the sudden rush of emotion that engulfed her system when she finally had the full view of the man who managed to get into her aloof heart and apartment-studio, literally! “Hi.” That one word is enough for Rika to step back and slowly retreat. Why, she isn’t prepared for this! Hindi siya handang marinig muli ang baritonong tinig ni Dylan! At mas lalong hindi siya handang humarap dito gayong mukha siyang basahan habang ito ay naghuhumiyaw ang kagwapuhan! Shit! s**t! s**t! “Where do you think you’re going?” Literal na napatalon si Rika nang maramdaman niya ang malaboltaheng nanulay sa ugat niya nang pigilan nito ang braso niya. “L-Let me go, Dylan…” “What if I don’t?” “Y-You’re not supposed to be here. T-Tresspassing ka!” “Then, sue me. That is, kung pakakawalan kita.” “S-S-Sigaw ako…” Umukit ang manipis ngunit mapang-udyok na ngiti sa labi ng binata. “Let me hear you scream then…” Pinaglapit nito ang distansya nila at unti-unting inilapit ang mukha nito sa kanya. Humakbang siya patalikod. Ngunit natigilan siya nang maramdamang dumikit na ang likod niya sa pinto. “You are not going anywhere, Erika Martinez.” Pagkuwan ay itinukod ni Dylan ang dalawa nitong mga palad sa pinto kaya mas lalong naging maliit ang espasyo ni Rika upang makagalaw. Para siyang daga na nasukol ng isang pusa at handa siyang kainin ng buo! Pilit man niyang salubungin ang  mga tingin nito ay hindi niya magawa. Nanginginig ang mga tuhod niya sa presensya palang ng binata. “A-Ano ba kasing ginagawa mo rito? P-Paano mo nalaman ang apartment unit ko?” “Riza told me.” Kahit papaano ay tila nabuhusan ng malamig ang pakiramdam ni Rika nang banggitin nito ang pangalan ng kapatid. “So nakapagkita na ulit kayo. M-Mabuti naman… Y-You two have a lot of catching ups to do kaya—” “We broke up.” Gulat na napatingin siya kay Dylan. “You broke up?! B-But why?!” “Hindi na daw niya ako mahal. Nope, actually. Hindi naman daw niya talaga ako minahal…” Kitang-kita niya ang paglatay ng kalungkutan sa mga mata ni Dylan. Kung nalulungkot ito ngayon, ibigsabihin, may pagtingin din ito sa kapatid niya sa kabila ng sinabi sa kanya ni Riza. “Magmula nang pumayag kang magpanggap bilang si Riza, nagkagulo na ang takbo ng lahat. It’s your fault…” Parang may sumaksak sa puso ni Rika. Hindi pa ba kulang na nakokonsensya siya, talagang ipinagdiinan pa nito sa kanya ang kasalanan niya? “Pinagbigyan ko lang naman ang kapritso ng puso kong kiligin habang ikaw ang kasama. Alam kong mali, kaya itinigil ko na hangga’t maaga pa. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko si Riza.” “What’s that supposed to mean?” Iniwas niya ang kanyang tingin upang hindi nito mapansin ang pangingilid ng luha niya.  “Limang taon rin kayong nagkasama, sayang `yon kung itatapon niyo lang…”  “Are you giving me away to your sister, again?” mapaklang tanong ni Dylan. “I’m not giving you away. You belong to her.” “I think I am the only one who has the ‘say’ about that.” “You don’t need to say anything though.” Dahil alam ko na! “Actually I should. So could you please hear me out?” Nag-iwas siya ng tingin. “I’m not in the mood to be your ‘companion’ now, Dylan. Umalis ka na.” “Why so cold, Rika? And here I thought, you love me.” Gulat na napatingin siya sa binata. “How did you know that—” “You love me?” Ito ang tumapos sa tanong niya. “I wasn’t sure until I saw these…” Inalis nito ang isang kamay nito sa pagkakatukod sa pinto upang imuwestra ang mga larawang ipininta niya. “I didn’t know you have been painting me, Rika.” Biglang naging malumanay ang dating ng boses nito. “Kung alam ko lang…” “Wala ng mababago sa nakaraan, Dylan.” Nakapagtatakang bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita. Maybe because she was too fed up by her own unspoken feelings towards him. “Totoo namang mas naging malapit ka kay Riza noon kesa sa akin. E ano kung malaman mong pini-paint kita? Would you bother looking at me, then?” “Yes.” Mariing wika nito. “I have my eyes always following you back then. But you were too busy hiding yourself you can’t even see me looking.”  Parang nasamid si Rika. Kung ganoon totoo nga ang sinabi ni Riza sa kanya. Dati nang interesado sa kanya ang binata. But hearing it coming from Dylan himself is like a dream come true! “I didn’t know—” “Marami kang hindi nalalaman. At iisa-isahin ko `yon sayo lahat. Pero bago `yan…” Nagulantang nalang si Rika nang walang sabi-sabing sinakop ni Dylan ang mga labi niya! Para siyang mapuputulan ng ulirat nang maramdaman niya ang pamilyar  na init na hatid ng malambot at mapangahas na labi ng binata! “Uhhhm! Uhhm!” Sinubukan niyang itulak ito palayo ngunit kinuha lang nito ang magkabila niyang kamay at walang kahirap-hirap na ipinako ang mga iyon sa pintong kanyang sinasandalan! He is literally pinning her to that door so she cannot move or fight at all! Ano na nga `yung sabi ng konsensya niya? Huwag siyang papasok sa laban kung alam niyang siya rin ang uuwing talunan? Or something like that. Well, applicable `yon sa sitwasyon niya ngayon diba? Hindi niya napigilan ang pag-alpas ng ungol sa bibig niya nang maramdaman niya ang unti-unting pagpasok ng dila ni Dylan sa pagitan ng kanyang mga labi. The taste of his own mouth completely dissolved her remaining inhibitions. Hindi man siya kasing husay nito pagdating sa ganoong tagpo ay sinigurado niyang matatapatan niya ang kapangahasang sinimulan nito. Talo-talo na, Erika! Bahala na si Darna! Binitawan ni Dylan ang mga kamay niya nang maramdaman nitong wala na siyang ibang gustong gawin kundi ipulupot iyon sa leeg ng binata. Pagkuwan ay inilipat nito ang mga kamay nito sa likod niya at lalo siyang kinabig palapit sa matipunong katawan nito. Para siyang sinisilaban na hindi niya mawari habang nararamdaman niya ang bawat paghagod ng palad nito hindi lang sa damit kundi sa balat niya mismo. Paano’y halos tumaas na ang laylayan ng suot niyang T-shirt dahil sa ginagawa nitong pag yapos sa  kanya. “This is what I’ve been missing for the past five years…” paanas na wika ni Dylan habang pinapadaanan ng halik ang panga at leeg niya. Nahihilo pa rin si Rika, hindi na dahil sa amoy ng terpentina at pintura kundi dahil sa apoy ng pagnanasang una nang sinilaban ni Dylan. Muli siyang napaungol nang maramdaman niya ang dampi ng mapupusok nitong halik mula sa leeg niya pababa collar bone niya. At pababa pa!      “Oh my God!” Napaliyad ng matindi si Rika kasabay ng pag-ungol niya ng mahaba nang maramdaman niya ang pagtutok ng basang bibig ng binata sa umbok ng kanyang dibdib! Mamamatay na ata siya sa estrangherog sensyasong dulot noon sa kanyang buong katawan! May damit pa siyang suot ng lagay na `yan, paano nalang kung—      Wait a minute!  Biglang nagdilat ng mga mata si Rika saka napatingin kay Dylan. Hayun at nakayuko na ito sa harapan niya habang pilit itinataas ang T-shirt niya!      Para siyang binuhusan ng isang drum ng nagyeyelong tubig. She summoned all her remaining sanity and pushed Dylan away from her—er half nakedness! Tila ikinabigla ng lalaki ang ginawa niya kaya mabilis itong tumalsik palayo sa kanya. The shadow of desire never leaves his eyes as he looked at her with confusion. “W-We cannot do this…” she stattered as she tried to pick up her shattered wits. Mabilis niyang inayos ang damit niya. Ngunit kahit anong gawing hila niya sa laylayan ng suot niya, pakiramdam niya ay nakahantad pa rin ang kahubdan niya sa binata! Paano ba naman, para siya nitong hinuhubaran sa paraan nito ng pagtitig sa kanya! This is crazy! “Do you love me, Rika?” “W-What?” “Yes or no.”  “Y-Yes…” Parang robot na turan niya. “B-But it doesn’t mean w-we could do—” “Your ‘yes’ is enough for now.”   UMAYOS NG TAYO SI DYLAN mula sa sahig na kinabagsakan niya. He should be thankful to Rika dahil kung hindi siya  nito unang itinulak, malamang tuluyan na siyang nilamon ng halimaw ng pagnanasang matagal nang naninirahan sa kalooban niya.      He can still feel the heat emanating from his entire body. It was a good thing that he chose to wear loose pants when he went to see Rika, because he can feel the sleeping beast slowly rising from its deep sleep.      “Could you excuse me for a moment?” tanong niya pagkuwan.      Mabilis siyang tumalikod sa dalaga at tumalon-talon. Sinamahan na rin niya iyon ng jog-in-place at push ups upang matagtag ang katawan niya. Humihingal at pinagpapawisan na siya nang muli siyang humarap kay Rika.      Hayun at nakatingin lang ito sa kanya habang nakahawak sa damit nitong pilit nitong ibinababa kanina. She is completely dressed dahil hindi nito nagawang magpalit ng damit magmula nang dumating ito kagabi. Matapos nilang magkaliwanagan ni Riza ay itinuro nito sa kanya kung saan nakatira si Rika. Inabangan niyang makarating ang dalaga at sinundan ito sa apartment unit nito. Nang madiskubre niyang hindi nito na-i-lock ang pinto ay lakas-loob siyang pumasok.  Doon niya nadiskubreng natutulog na pala sa sahig ang babae kaya binuhat niya ito patungo sa kumportable nitong kama. Magdamag  pinagmasdan ni Dylan si Rika kagaya nang ginawa niya noong nakatulog ito sa suite niya. Kahit pa halata ang pagkapagal sa hitsura nito ay hindi pa rin nababago ang kagandahan nitong hinangaan niya. Nang mag-umaga ay lumabas si Dylan upang maghilamos. Doon niya napansin ang isang silid na kanugnog ng kwarto ni Rika. Daig pa niya ang nabatubalani sa tumambad sa kanya sa loob noon. Why, he just saw a timeline of his face painted realistically to every canvass! “Explain yourself, why are you here?” wika pagkuwan ni Rika. Nakakunot noo ito habang idinuduro sa kanya ang isang maliit na bagay. “Hey! What is that?” “This is a palette knife!” “Is that dangerous?” “N-No… but—” “Good! Pwede kitang lapitan kung ganoon.”  Umakto siyang hahakbang ngunit naging matalim ang mga mata ng babae pagkuwan ay pinalitan nito ang hawak. “Stay where you are! Kundi itatarak ko sayo `to!” “Oh come on! How could you hurt me with a paint brush?” natatawang tanong niya. “Hindi ako nagbibiro. Huwag mo kong lalapitan!” “But I want to get close to you. I’ve missed you so much, you know?” “Stop flirting with me Dylan! I had enough of that already!” “Really? Pero kulang pa `yon para sa akin. Bitin pa ako.” Gumuhit ang mapanudyong ngiti sa labi niya nang  makita niya ang biglang pamumula ng mukha nito. Alam niyang naintindihan nito ang ibig niyang sabihin. Pilyo ka, Dylan! Sabihin mo nalang kasi ang totoong pakay mo, bago pa iyan matauhan aat bawiin ang sinabi niya sayo kanina. “Stop messing around, please? I can’t handle it at the moment.” “Fine.” Bumuntong-hininga siya saka sinuklay ang kanyang buhok. “Wait, iisipin ko muna ang sasabihin ko. Ilang beses kong inensayo sa utak ko ang linya ko pero biglang naglaho ang lahat `nung halikan mo ako…” “Hoy! Ang kapal mo! Ikaw ang unang humalik sa akin!” “Oo nga. Then you kissed me back. Suddenly, everything I have in mind went poof! Now, I’m back to square one.” “So kasalanan ko pa ngayon na wala kang masabi? Edi umalis ka na! Bumalik ka nalang kapag naalala mo na ang mga sasabihin mo.” “Teka! Ang bilis mo namang mainip. Pagbigyan mo naman ako kahit ilang minuto. Kokolektahin ko lang ang nagkawatak-watak kong katinuan.” “Fine. You have ten seconds. Kapag hindi ka pa nagsalita, sisipain na kita palabas.” “Ten seconds?! Grabe naman! Kulang pang pambwelo `yon eh…” “Nine.” “Geez! Bibilangan mo talaga ako?” “Eight.” Nataranta si Dylan. Mukhang seryoso nga ang babae sa ultimatum nito. “Eto na, eto na! Huwag ka nang magbilang! Natataranta ako lalo eh!” “Seven. Your time is running out.” “Then, stop counting.” “Six.” ““Can’t you be a little patient? I thought you love me?” Mukhang tumalab ang hirit niyang iyon dahil natigilan ang dalaga. Nakita rin niya ang muling pamumula ng pisngi nito. “If I weren’t patient, I should not have wasted my time painting all of these!” “Ah… speaking of which.  I love the way you captured my face in every canvass. Especially that one,” turo niya sa larawan niya kung saan nakasuklay ang daliri niya sa kanyang buhok. “Is that how obvious I am back in the hotel?” “P-Paano mo nasabing sa hotel `yan?” “I only rake my fingers to my hair when I am faced to a nerve-wracking situation.  Liban ngayon, doon sa hotel ko lang naaalala na ginawa ko ang mannerism kong iyon.” “Nerve-wracking situation?” “Why, controlling myself not to jump on you while you are sleeping is a nerve-wracking situation you know. See? Kanina rin, ganyan din ang dilemma ko eh.” “Manyak ka lang kamo. Tama nga si Candice! Nasa loob ang kulo mo!” “Believe me, wala pa akong ibang ‘minanyak’ kundi ikaw.” Napatalon siya nang bigla nitong ihagis sa kanya ang nadampot nitong maliliit na lata ng pintura. “What?! That’s true! Kahit kay Riza, hindi ko naramdaman `to!”  “p*****t! Hindi ikaw ang Dylan na gentleman nagustuhan ko!” “Sinasabi mo lang `yan. Pero naibuko ka na ng paintings mo!” Nakalapit na siya rito bago pa  nito mamalayan. “Lalo na ng abstract painting mo…” “Y-You mean…A-Alam mo na ang ibig sabihin `non?” Ngumiti ng malapad si Dylan. Pagkuwan ay hinawi niya ang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito. “I may not now exactly what it meant, but I felt it. All the emotions that you have. The shock, the excitement, the thrill! I felt all of that, even your fear…” “But you said, you feel the assurance when you look at it.” “That’s because deep inside. Something tells me, that behind all those negative emotions is the sweetest and most pleasurable feeling I could ever get—your love.” “So assumero ka ganoon? Inisip mo na agad na mahal kita, kahit na hindi mo pa ako tinatanong?” “Assumera ka rin naman. Inisip mo na agad na si Riza ang gusto ko kaya wala kang ginawa noon kundi ang magtago at iudyok ako sa kakambal mo.” “Kayo kasi ang palaging magkasama simula’t sapol. And you two suited for each other. Sino ba ako para makihati sa limelight niyong dalawa” “Kami nga palagi ang magkasama noong college, pero hindi ‘simula’t sapol’. And just so you know, mas nauna kitang makasama sa limelight. Hindi si Riza. Which reminds me…”   DINUKOT  NI DYLAN mula sa wallet nito ang larawang ipinagmamalaki nito sa kanya. It is the same picture that Riza showed to her yesterday—her being kissed by Dylan on the swing!      “Ipinagtapat na sakin ni Riza ang totoo tungkol sa picture na `to…” sabi ni Dylan. “Hindi ka ba nadisappoint na hindi ‘siya’ ang batang nasa picture na `yan?” “Bakit naman ako madidisappoint? In fact, it all made sense to me when she told me the truth… Even my instinct is giving me a hint. Remember what I told you back in the hotel? About you and the picture?” “Yung tungkol sa aura?” “Yes. Although pangalan niya ang nakatatak sa isip ko habang nakatingin ako sa picture na `to, ikaw pa rin ang batang iyon na naaalala ko…”      “But I heard you say to your cousin that Riza is your first love.” “The girl in this picture is my first love. That’s you, Rika.” Nangilid bigla ang luha sa mga mata ni Rika. “Are you telling me that you have never been in love with my sister?” Bumuntong-hininga si Dylan. “I will lie to you if I say I never had feelings for her. Matagal din kaming nagkasama sa ibang bansa, and somehow, having that closeness with Riza made me feel strong connection with her…” “So you do love her.” “That’s what I’ve been telling myself for the longest time. Muntik pa kaming mag-away ni Candice dahil sa pangengealam niya sa totoong  nararamdaman ko. But it turned out… hindi siya ang kinukumbinsi ko… kundi ang sarili ko.” Dylan slowly moves closer and finally able to gently touch her face. Hinayaan lang ni Rika ang binata sa masuyo nitong paghaplos sa kanyang mukha. “I heard you say you love her. You have no idea how—uhhhm!”  Hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil bigla na naman nitong sinakop ng buong-buo ang mga labi niya! Sa kabila ng pagdaramdam ng kanyang kalooban ay hindi magawang ipagsawalag-ahala ni Rika ang matinding sensaysyong dulot ng mga nakaw na halik ni Dylan! Their lips perfectly melded as if they are used to kissing each other…but still cannot get enough!  Then their innocent moment just turned into an incredible kissing interlude. Kumawala ang muting ungol ng pagtutol sa bibig ni Rika nang tapusin ni Dylan ang halik. He then cupped her face and rested his forehead to hers. At sa kabila ng paghingal, nagawa nito nitong masuyong bumulong sa kanya. “I know what I said, but I didn’t mean it as much as I said it. Kung ano mang naramdaman ko para kay Riza noon, that’s merely a diversion for my real feelings for you. Because the truth of the matter is…I am in love with you all along, Rika. You are trully my first  love.” Parang malakas na unos na uti-uting humuhupa ang bigat sa dibdib na nararamdaman ni Rika. Tila binura ng halik ni Dylan ang agam-agam niya sa katawan! “Maybe that’s the assurance I’ve been waiting to hear. You telling me that I am your first love…” Nahihiyang nag-iwas siya  ng tingin. “You see? I have lived my life being the second best to Riza. Kahit pa nga ako ang mas matanda sa kanya. Nasanay nalang akong si Riza ang priority sa lahat. So obviously, hinding-hindi ko iisiping magugustuhan mo ako, more than her—ay kabayo!” Napahiyaw siya nang bigla siyang hinila ni Dylan paupo sa isang bean bag na nasa sulok ng silid na iyon. Ito ang unang bumagsak sa malambot na upuan kaya ang siste, siya ang napaupo rito. “Ano ba! Nagsasalita pa ako!” “I know about all your insecurities you know? I have loved you before you even realized you have one. I learned to love you even more when you decided to drown yourself into it. And I will not stop loving you until you cease putting yourself down just to let others go up.” Naramdaman niyang ipinulupot ni Dylan sa bewang niya ang mga braso nito at niyakap siya mula sa likod. She can also feel his warm breath touching her neck as he speaks. Hayun na naman at unti-unting gumagapang ang mainit na sensyasyong pinukaw niya kanina. “I will always be here to remind you that you are more special than anybody else. That is how much I love you, Erika Martinez.” “I love you too, Dylan.” “Mabuti nalang talaga at pumayag kang mapasa-akin ang abstract painting mo. Kung hindi, para pa rin akong hilong-talilong sa pag-iisip kong anong totoong nararamdaman mo para sa akin.” “Mabuti at nagawa mong i-decode ang hidden message ko `don.” “That’s the power of love!” “Which reminds me, sabi nga pala sakin ni Vina, babayaran mo `yong painting kapag nagkita na uli tayo. Oh, akin na ang bayad.” “Pagmamahal ko ang kabayaran.” “That’s sweet, but I need cash, Mr. Delavine. I need to earn money to live.” “You can just marry me then.” Napasinghap si Rika. “Are you proposing to me?!” “Ahm… yes?” “Stop kidding!” “I’m not.” Bago pa makahuma si Rika, may kung ano nang hinugot si Dylan mula sa bulsa ng pantalon nito at inilapit sa kanya. Nangilid na naman ang masaganang luha ni Rika nang buksan ng binata ang itim na kaheta na naglalaman ng isang singsing na napapamulamutian ng kumikinang na bato. “Oh Dylan!” “I always knew I would marry that little girl that I met in the swing. And for the longest time, I’ve been carrying this ring. And now, it’s about time to serve its purpose…” Marahang kumilos si Dylan upang humarap kay Rika.  With his both knees clamped against the cold floor of her rugged studio, he carefuly yet so lovingly asked her… “Will you accept me and be my wife?” Panay na ang pag-agos ng luha ni Rika. Hindi niya akalaing may ganoong karaming luha na naipon sa tearduct niya. Hindi siya kaagad nakapagsalita at tila ikinabahala iyon ni Dylan. “Don’t you like the ring? Pwede naman akong magpagawa ng bago. `Yung mas malaki ang diamond sa gitna… Ilang carat ba ang gusto mo?  24k? 28k? Mayaman ako! I’ll afford it for you!” Natatawang  binatukan niya ito sa kabila  ng kayang pagluha. “Sira! I didn’t love you for your money! Kahit cheese ring lang ang i-offer mong  singsing sa akin ngayon, pakakasalan  pa rin kita `no!” Agad nagliwanag ang mukha ni Dylan. “Is that a ‘yes’?” Parang batang tumango si Rika. Humiyaw naman ng napakalakas ni Dylan. “It’s a yes!” Dali-dali nitong isinuot ang singsing sa kanyang daliri at  mabilis siyang ginawaran ng halik sa labi. She kissed him back whole-heartedly—without doubts, without inhibitions and most especially, no more limitation! Kanyang-kanya na si Dylan! Ngunit bago pa mapunta sa kungsaan ang kanilang matamis na paghahalikan ay minabuti ni Rika na putulin ang maiit na tagpo. Marahas na napaugol si Dylan na tila hayop na sugatan. “Teka lang!” “Uhhg! You’re killing me, love! What now?!” “Kanina ka pa nakakarami ng halik, Mister. Quota ka na!” “Kulang pa `yon!” “Tama  na muna `yon! Magliligo na ako!” Gaya ng inaasahan, biglang sumilay ang pilyong  ngiti sa labi ni Dylan a sinabaya ag pagkinang ng  mga mata. “Bakit ngayon mo lang sinabi? Halika! Samahan na kita! Doon na rin natin tapusin ang nabitin nating ‘paglalambingan’.” Tumayo si Rika at dinutdot ang noo ng kanyang ‘finace’.  “Sorry, pero hanggang second base ka lang muna, Mister Delavine…” “What?!” Mabilis niya itong kinintalan ng halik at tatawa-tawang umalis. Yes. For now, they should settle for the second base. Afterall, they have all the time in the world to reach the third, fourth and whatever bases there is in the relationship jargon! Sapat na ang eksenang meron sila ngayon upang lumutang siya sa alapaap. Paano’y ang dating kasinungalingan niya, ngayon ay totohanan na! Bongga! WAKAS  

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD