REN EMEIKO’S POV Hindi ako makatayo sa kinauupuan ko, nanlalamig ako na parang kinakabahan na ewan, hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Naririnig ko ang mga hikbi niya at pilit na tinatago ang pag-iyak niya. "Shiro.” ‘yun na lang ang nasambit ko. "Alam mo bang ang daming kiss mark sa katawan ko gabi-gabi, nung mga nakaraang buwan napansin ko ‘yun pero patay malisya lang ako.” Hinawakan niya ‘yung noo niya. "Hindi ko alam kung saan galing ‘yun, mukhang napakalaya niyang gawin lahat ng gusto niya. Sana ako na lang siya.” lalo akong nagulat sa sinabi niya. "Hahaha ang gulo ko no? Baliw na siguro ako, kasi kung ano-ano naiisip ko at nagagawa ko" "Hiro tanda mo ba ko?” Out of know where kong tanong sa kaniya, nanlalambot ako pero humugot ako ng lakas para tanungin siya. Napabalikwas s