REN EMEIKO’S POV "Ren nasa baba na si Mican!” katok sabay sabi ng kapatid kong si Ran. "Saglit lang may inaayos lang.” nilagay ko ‘yung phone ko sa bulsa at inipit ang buhok ko sa kung ano na lang wala ng suklay suklay. Agad akong tumakbo pababa ng hagdan at humalik kay papa. "Pa alis na kami." "Mag ingat kayo ah, umuwi ng maaga.” tumango ako at humalik din kay Ran sa noo, nakita ko siyang namula at sabay punas sa noo niya. "Kadiri,” bulong niya, hahah nagsusungit na naman ang isang ito di kasi siya makakasama. Inaaya namin siya pero ayaw niya kasi si Shiro daw ang dadalawin malakas ang kutob niya na si Hiro ‘yun kaya ayaw niya talaga pumunta kahit kasama pa si Mican. Ang cute ng suot ni Mican ngayon, nakadress siyang yellow at black na sandals, ako naman pla