REN EMEIKO’S POV Monday na, pumasok na si Shiro at bumalik na sa dati ang mga bagay, ganun pa rin siya todo aral, magalang at pinagkakatiwalaan ng mga teacher. Parang walang nangyari, paghapon naman na punta siya sa bahay bilang Hiro at bubwesitin ako buong gabi. Nagiging less na din ang kabastusan niya, minsan nga nakikita ko na si Shiro sa pagkatao ni Hiro. Lalo na pagtinutulungan niya ko sa mga assigment ko. Minsan naman si Shiro talaga ang kasama ko, naninibago nga si papa pag ganun siya ba’t daw naging mahiyain at tahimik hindi kasi katulad ni Hiro na napakadaldal at maligalig sa bahay. Nasanay na ko sa existence niya sa buhay namin, minsan nga hinahanap hanap ko na din ‘yung presence niya sa bahay eh, ilang buwan na ba ang lumipas? "Ren ano sabi ni tito sasama ka daw?” Lumingo