CHAPTER 3

1146 Words
REN EMEIKO's POV Sabay kaming kumain ni Mican kaso hindi sa canteen kasi puno na, kumain na lang kami sa garden at nagkwentuhan. Hindi naman pala siya totally transferee dito din siya nag-aral lumipat lang siya ng section kasi ayaw niya daw sa ugali ng mga classmate niya. "Masyado kasi silang mayayabang, isa pa walang totoong kaibigan sa kanila kasi naglalabanan sila maige sa grades plastikan lang." napakagat na lang ako sa sandwich ko. "Hirap din pagfirst section labanan talaga, pero sana naman hindi sila ganun takam na takam sa pagiging top one." tumango tango siya. Ang taray pala ng mukha niya pag hindi siya nagsasalita or umiimik. 'yung ganda niya parang korean model tas ang kinis niya nakakaingit. Bigla siyang nagulat "may dumi ba ko sa mukha?" umuling ako. "Nah! Wala napatingin lang ako sa mukha mo mukha ka palang koreana." namula siya. siya 'yung tipo ng girl na super girly samantalang ako ito parang bakla magsalita tomboyin kumilos at burara. Sorry na hindi kasi bagay sa'kin 'yung mga pabebe act or pagkademure na 'yan. Pero gusto ko din maging kasing hinhin niya at sing ganda niya. "Thank you, pero madami na namang ganitong mukha masyado na daw common 'yung ayos ko." napanguso naman ako. "Di naman uso lang pero hindi common." ngumiti siya sa'kin, at binalot na kami ng katahimikan medyo nagkakahiyaan pa din kasi kami pero nagulat ako nung nagsalita ulit siya. "Kilala mo ba si Shiro?" Umiling lang ako kasi puno ang bibig ko. "Sikat siya sa school, matalino at mabait kasi medyo Prince Charming ang dating pero madalang magsmile or sabihin na natin mukha siyang seryoso pag hindi nagsasalita pero ang dami pa ring nagkakagusto sa kaniya, alam mo ba nagulat ako nung narinig ko na tinaw--" "Hephephep! Wait kalma lang. Mukhang may crush ka din sa kaniya ah haha." namula siya. "Dati pero may bf na ko." ngumuso ako "Buti ka pa may BF na, bilang isang high school student gusto ko din maranasan 'yan." natawa siya sa'kin at pinat ang likod ko. "Malay mo time mo na ito ngayon." nagsmile siya tumango na lang ako. "Pero balik tayo sa topic bakit mo siya sinabihang manyak?" Tinakpan ko ang bibig niya. "Lower your voice, ikaw na din nagsabi sikat siya dito mamaya may umaway sa'kin eh." tumango tango siya tas binitawan ko na siya. "Kasi last month, may na encounter akong lalaki na kamukhang kamukha niya. As in parang siya iba lang pumorma at magsalita tas manyak siya grabe talaga." nanlaki ang mata niya. "You mean 'yung bali-balita na si Hiro?" Naconfuse naman ako. "At sino naman 'yun aber?" Binabaan niya pa lalo 'yung boses niya para na kaming mga timang dito. "Kasi madaming nakakakita sa kaniya tuwing gabi na may kasamang ibat-ibang babae tapos syempre ikagugulat ng nakakakita. One time may nagtanong na girl kung si Shiro nga 'yun or twin niya sabi naman nung guy hindi daw siya si Shiro at ang pangalan niya daw ay Hiro. So lahat kami alam twin sila pero walang umaamin na kambal sila. At saka iisang anak lang si Shiro eh." kung hindi sila kambal ba't magkamukha? "Baka magpinsan?" She shrugged. "Or split personality?" kumunot naman ang noo niya. "Naniniwala ka dun?" Natawa na lang ako. "Malay naman natin hindi ba dunno." tumayo ako ng makita ko si Ran. "Ran!" Nagtinginan ang mga tao sa paligid at nahiya naman ako tas 'yung kapatid ko patay malisya ayaw mapahiya. "Sino tinatawag mo?" Sabi ni Mican. "Yun oh 'yung lalaking grade 8 na nakaheadset at mayhawak na coke." hinanap niya naman. "Iyon? ba't hindi ka pinansin eh hindi naman nakasuot ang headset niya alangan hindi ka pa niya narinig sa sigaw mo." ngumuso ako "Kinahihiya niya kasi ako." natawa na lang siya. Inaya niya na kong pumasok na sa room, wala daw 'yung isa naming teacher kasi wala pa naman daw gagawin. Tignan mo 'yun unang araw ng school tinamad? So vacant time na naman, dahil sa close ko na si Mican nagchichikahan na kami at nakaupo ako kaharap nung katabi ko sa gilid. Kinilabutan ako nung naalala ko 'yung kanina niyang tingin, mukha siyang may galit sa'kin kahit kinausap niya na naman ako kanina. Patay malisya na lang ako. "Ren pwede ka bang makausap?" Nagsalita 'yung lalaki na katabi ko sa gilid. "Ah eh." ano bang trip ng maingay na 'to? "Ah Ren andiyan ka na pala tara dito saglit may kailangan lang ako sayo." nagulat ako ng hinila ako ni Shiro sa kamay, JUSCO! ang lambot ng kamay niya saka biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit ganito? "Mican right? Peram muna si Adelfa saglit," sabi niya at hinila na ko palabas ng room. Nasa corridor lang kami at madaming na daan na studyante. "Ah, Ren may tatanong lang ako." jusco bakit may prinsepe sa harap ko pigilan niyo ko! "Ah haha ano 'yun?" hindi ako mapakali, may mga masasamang tingin na kasi ang sumusubaybay samin. hindi ako komportable at nahalata naman 'yun ni Shiro. "Tara sa ibang lugar tayo mag usap." sumunod lang ako sa kaniya, medyo cold din pala siya tama 'yung sinabi ni Mican medyo expressionless ang mukha niya at mukhang seryoso. Dinala niya ko sa likod ng building, walang katao tao. Teka? Walang tao? Masama ito ako lang at siya? Omg jusco baka siya talaga si Hiro at sasabihin niya sa'kin na ihilim ang nalaman ko kundi kukunin niya ang puri ko. Oh gad please. "Ren." lumapit siya at napalayo ako. "Uy bakit? May itatanong lang ako wag ka mag alala." lumunok ako at huminga. "Ano 'yun?" Seryoso siya. "Sinabihan mo ko ng manyak kasi nakita mo 'yung Hiro no?" "Oo Hiro nga daw ang pangalan noon sorry if napagkamalan kita kamukhang kamukha mo kasi eh." nabigla siya. "As in lahat-lahat kamukha ko pati boses ko?" tumitig ako sa kaniya at sinuri siya, napansin ko naman na namula siya kaya nahiya din ako sa ginagawa ko. "Oo kamukha mo talaga pati boses niyo iisa pero 'yung ugali iba masyadong bastos 'yun." naalala ko na naman 'yung manyak na 'yun. "Alam mo gustong gusto kong malaman kung sino 'yun, pano ko siya naging kamukha eh wala naman akong kambal or kamag anak na Hiro." nakakunot na ang noo niya. "Nung nakaraan teacher na ang nakakita sa kaniya at bigla akong pinatawag sa guidance napagkamalan nila ako iyon at dahil dun nag iba tingin sa'kin ng mga teacher ko at naapektuhan ang grades ko." nagkukwento na siya kahit hindi ko naman tinatanong. Sorry na epal talaga ako eh. "Sana sinabi mo na si Hiro 'yun." nagbuntong hininga siya. "Wala akong proof na ipapakita sa kanila eh kaya nagtatanong ako sayo. Ilang beses mo na siyang nakita?" "Isa lang at simula noon hindi na ko lumabas ng gabi hahah," napatawa siya. "Hahaha ah ganun ba sige salamat Ren." cute niya pagnatawa, alam mo 'yung seryosong mukha tapos priceless pagnakita mo nang ngumiti or tumawa. Ako lang ba nakakita nito? Or madami na? Siguro kaya madaming na pofall sa kaniya kasi ganito siya. "Tara na?" tumango na lang ako kasi namumula na siguro ang mukha ko at naglakad na kami pabalik sa room pero bigla siyang lumingon at sinabing. "Ah Teka gusto mo bang lumabas tayo sa sabado?" "Ha?" To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD