REN EMEIKO's POV
Tulala iyan ako ngayon, bangag at lutang ang utak ko matapos ko marinig ang mga sinabi niya kanina. Oo kanina pa ‘yun at uwian na pero hindi pa din matanggal sa utak ko ‘yung sinabi niya.
FLASH BACK
"Ah Teka gusto mo bang lumabas tayo sa sabado?” Inaaya niya ba ko sa isang date?
Di pa din ako nagsasalita at feeling ko nakabukas ang bibig ko sa sobrang gulat kaya napatawa siya.
"Don't get me wrong, kung pwede mo ba kong samahan sa sabado? Ikaw lang kasi ang maasahan ko dito.” nagkamot siya ng ulo.
"Samahan mo kong hulihin si Hiro at kumuha ng mga pruweba para matapos na ‘tong issue na ‘to.” OO ikaw na paasa hayop ka.
"Ah hahaha ito naman hindi sinabi agad nakakagulat ka hahaha.” ngumiti lang siya at nilahad ang kamay niya.
"Tara na?"
END OF FLASHBACK
Napahiya ako ng bonga doon, eh ako naman kasi ‘tong si tanga kinilig agad ‘yun pala magpapasama lang.
Napanguso tuloy ako at buntong hininga.
"Ren tara na uwi na tayo,” aya ni Mican at tumayo na kami kaso nagkukumpulan ‘yung mga classmate kong babae sa kabilang pinto kaya dadaan sana kami sa kabila pang pinto ng bigla akong hinila ni Mican.
"Ano ‘yung tinitignan nila?” Nakichismiss na din kami at sinilip ko kung ano ‘yun tinitignan nila.
"Sino iniintay mo? Ang cute mo naman,” sabi nung Ann ba ‘yun?
"Aww ang cute, blue ang pants mo grade eight ka no?” grade eight? Nakisiksik na ko sa kanila at tumambad ang nakasimangot kong kapatid.
"Ran?” Inirapan niya ko.
"Kapatid mo Adelfa? Awww ang cute.” napakamot na lang ako.
"Ah hahaha oo cute talaga ‘yan menopause nga lang.” nakita kong ng on ang death glare ng kapatid ko kaya kinabahan na ko.
"Ah Hahaha alis na kami, Mican tara na! Bye ~.” nagwave na ko sa mga classmate ko at sila nagpaalam sa kapatid ko.
"Anong problema nila?” Natawa na lang ako kay Ran at pinakilala ko siya kay Mican.
"Ang cute-cute mo naman sana kapatid kita,” sabi ni Mican habang tinatap ang ulo ni Ran na halatang imbyernang imbyerna na.
"Cute talaga ‘yan mana sa ate eh hoho.” proud na proud kong sabi at nagtawanan lang kami ni Mican samantalang siya nauuna na maglakad.
"Dalian mo maglakad Ren,” sigaw niya sabay bulong ni Mican.
"Bakit hindi ka niya tinatawag na ate?"
Nagbikit balikat ako. "malay ko sa bata na ‘yan, isip bata daw kasi ako.” natawa na lang siya.
"Magkamukha kayo hahaha mataray lang siyang tignan kaya bagay sa kaniya.” eh?
"Edi pag nagtaray ako cute na din ba ko katulad ng kapatid ko hahaha?” Tumawa siya.
"Ano ka ba bagay na sayo ‘yan actually kanina ka pa nga nila tinitignan eh.” sabay pasimpleng nguso niya at sinundan ko naman ng tingin.
Mga lalaki magtotropa ata ‘yun nasabay samin sa paglalakad.
"Baka naman ikaw ang type.” tumawa siya.
"Kilala ko ‘yang mga ‘yan at masasabi kong na attract sila sayo.” lumaki lang butas ng ilong ko. Hindi ako makapaniwala na may nagkakagusto sa itsura ko. Pero kung kamukha ko ang kapatid ko na habulin ng chix eh baka sakaling may pag-asa ang babae version ng mukha niya at ako ‘yun.
Pero ayoko sa mga lalaking tinuro niya kahit type pa nila ako masyadong mataas ang standards ko kahit chaka ako. Pano na lang ang magiging anak ko kung chaka na ang nanay chaka pa ang tatay hindi ba?
"Oy ano ba nagmomodel ka ba d’yan ang bagal niyo maglakad.” sabay tingin ni Ran sa mga lalaking sumasabay samin maglakad.
Tinitigan niya ito ng masama at hinila na ko sa paglalakad, ito na naman ang kapatid ko over protected sa ate niya.
Nang makarating kami sa gate,
"Dito na kami sasakay Mican ikaw?” Tinuro niya ‘yung sakayan ng jeep.
"Mag jejeep ako, babye ingat kayong dalawa.” nagwave na ko sa kaniya at sumakay na kami sa tricycle.
Habang nasa loob kami ng tricycle kinuwento ko lahat-lahat ng nangyari sa’kin sa room kanina kay Ran kaso parang wala siyang pake.
"Nakikinig ka ba? Tapos kamo inaya niya ko sa sabado.” nagulat siya at napatingin sa’kin.
"Ano sasama ka sa lalaking kamukha ng lalaking nang bastos sayo? Tanga ka ba o bobo?” Binatukan ko siya.
"Pareho lang ‘yun at isa pa ate mo ko hunghang ‘to.” napasambakol na lang ako dahil sa kapatid ko. May point na naman kasi siya.
"Pano kung nagbabalat anyo lang pala ‘yun? What if pag kayo na lang dalawa bigla niyang sasabihin na siya pala si Hiro? Alam mo Ren utak munggo ka.” Ahh buraot
"Napaka mo sa’kin ba’t ganiyan ka sa ate mo?"
"Eh kasi hindi ka marunong mag-ingat napakadali mong mauto masyado ka kasing mabait.” compliment ba ‘yun?
"Oo na ako na mabait.” sumama na naman ang tingin niya sa’kin.
"Oo na! oo na sasabihin ko na lang na hindi ako pupunta.”
❦❦❦
Saturday
"Saan ka pupunta at bihis na bihis ka?” nagkamot ako ng ulo ko.
"Ahahah gagala kami ni Mican.” tinitigan niya kong maige sabay pindot na naman ng PSP niya.
"Ang kulit mo talaga bahala ka pag umuwi ka dito ng walang damit ah.” exaggerated?
"Over ka naman kala Mican nga ko pupunta.” kahit si Shiro ang katagpo ko.
"Tsk hindi uuwi si daddy ngayon magsaing ka muna bago umalis.” hindi siya tumitingin sa’kin at panay lang ang pindot.
"Pwede pag-aralan mo mag saing? Bwisit ‘to.” nagsaing muna ko at inayos ang ulam niya.
"Iinit mo na lang ‘to, aalis na ko.” palabas na ko ng pinto nag salita siya.
"Ingat ka.” napalingon ako bigla, nabibinge na ba ko?
"Ansabe mo Ran?” Nakatingin lang siya sa nilalaro niya.
"Umalis kana wag kang babalik.” natawa ako at niyakap siya.
"Bye bunso papasalubungan ka na lang ni ate bantayan mo ang bahay ha wag magpapapasok ng babae hahaha.” masyado akong natuwa sa kapatid ko at masayang umalis sa bahay.
Nang makita ko si Shiro sa mall kung saan ang usapan namin ay todo tago siya sa mukha niya.
"Uy ba’t ganiyan ang porma mo? May tinataguan ka ba?” Bumulong siya sa’kin.
"Kanina kasi habang inaantay kita may babaeng lumapit sa’kin at alam mo ba ang sabi?"Lumapit pa siya sa’kin at binulong.
"s*x daw kami.” nanlaki ang mata ko.
"HA?” Nagtinginan na naman ang mga tao at kunwari na lang kami na walang nangyari.
"Haha ang ingay mo talaga Adelfa.” ba’t apilyido ang tawag nila sa’kin?
"Pero sino daw ‘yung babae na ‘yun?” Nagshrug lang siya.
"Ewan basta tinawag niya kong Hiro."
"Grabe sikat talaga ‘yung Hiro na ‘yun sa kamanyakan no?” Sumimangot siya at nagbuntong hininga.
"Pano na ‘yan ano na lang iisipin ng ibang tao pagnakita nila si Hiro tas akalain nilang ako.” natawa na lang ako sa kaniya at tinapik siya sa balikat.
"Kaya nga tayo andito hindi ba para hanapin siya."
Tumango siya at naglakad lakad na kami, kung tutuosin parang date na din ‘tong ginagawa namin kulang na lang eh ‘yung sweet moments naming dalawa.
Yung holding hands tapos pagkakain kayo magkukwentuhan about sa isa’t isa parang ang saya magkaboyfriend. Katulad na lang nung mga nababasa ko at napapanood ko sa mga movie.
Ano nga bang feeling ng magkaboyfriend at malunod sa love?
"Uy okay ka lang? Saan ba tayo unang pupunta?” Nabalik ako sa ulirat ng tanungin niya ko, actually saan nga ba kami pupunta? Wala pa nga kaming plano pano makikita ‘yung lalaki na ‘yun.
"Ano ba talagang plano?” Sumeryoso siya at hinila ako papunta sa hagdan para umupo saglit.
"May plano sana ako kaso parang delikado sayo.” ano naman kaya ‘yun?
"Ano ba ‘yun?” Lumapit na naman siya sa’kin para bumulong at parang nakakaramdam ako ng ibang feelings. ‘yung ang bilis ng t***k ng puso mo at hindi ka mapakali.
"Magpapanggap akong Hiro at pupunta tayo sa mga lugar na madalas niyang puntahan para maintay siya doon.” Sumeryoso na ko, maya ko na isipin ‘tong kakaibang feelings na ‘to.
"Pano natin magagawa ‘yun?” tinuro niya ‘yung isang babae.
"Yun ‘yung lumapit sa’kin kanina.” Nakita ko ‘yung girl maganda siya at sexy hindi ka tulad ko flat.
"Pano ako? Anong gagawin ko?” Hinawakan niya ko sa balikat, parang akbay? Jusco ano ba ito bumibilis ang t***k ng puso ko.
"Tutal flirt lang naman ang habol nung babae, siguro na inform na siyang playboy si Hiro kaya kunwari panibago kitang GF.” napalunok ako.
"Su--sure k-ka? Pano pagnagalit siya?” Umiling siya at nagsmile.
"Kung nagalit siya edi sana kanina niya pa tayo sinugod dito, kanina pa niya ko tinitignan eh at saka mukhang bagong lalaki niya ‘yung kasama niya.” grabe naman papalit-palit sila ng relasyon.
"Ano game?” Tumango na lang ako ay kinabahan sabay akbay niya sa’kin at sabay kami naglakad papunta dun sa babae.
Medyo awkward ‘yung feeling dahil sa akbay niya at sobrang close namin, pano kung may makakita samin dito na tiga school? Jusco dapat pala sinunod ko na lang si Ran.
"Yo!” Tinaas niya ang isa niyang kamay at nagsmile na ‘yung girl.
"Hiro!” nagulat kami pareho kasi niyakap niya si Shiro kahit nakaakbay ito sa’kin. Ano babae andito ‘yung Gf oh! Este fake GF.
"Punta kami mamaya sa K bar sasama ka ba?” sabi niya agad, hello andito ako at may kasama ka pang boy hindi ba?
"What time?” Nagtinginan ‘yung dalawa. Gad nakakahalata na ba sila?
"Gosh always 10pm naman andun ka, intayan ‘yun hindi ba.” nakita kong kinakabahan na din si Shiro.
"Ah haha but I think malelelate ako kasi,” sabay turo niya sa’kin.
"Oww. So sawa ka na pala sa mga sexy na katulad ko at type mo na ‘yung common at plain na katawan katulad n’yan?” pigilan niyo ko.
"Haha yeah. Gusto ko naman kasi ng virgin.” napapangiwe na ko sa usapan nila at halata kong nainis na din si Shiro sa mga sinasabi niya.
"What? Tsk eh wala ka namang ginagalaw samin puro half lang.” nagkatinginan kami ni Shiro.
"I want to be safe baka kasi mag ka HIV or Aids pa ko haha.” tumaas ang kilay nung babae at pumulupot kay Shiro.
"Oww really baka naman maliit ‘yang alaga mo?” Namumula na ko sa hiya sa mga pinag-uusapan nila ah.
Di alam ni Shiro ang isasagot nang biglang sumingit ‘yung isang lalaki.
"Damn you Angel hahha baka pagpinasok ka ni Hiro mabasag ang perlas mo haha kahit maluwag kana sisikip ka pa din hindi ba bro?” Jusco hindi ko na alam mga sinasabi nila at napahawak na din si Shiro sa kamay ko ng sobrang higpit na para bang hindi niya na kaya ‘yung usapan.
"Ahaha nakita mo bro?” Hinampas siya nung lalaki.
"Ga*o ka ba pinagmamalaki mo samin sa CR ‘yan hahhaa.” nagkatinginan kami ni Shiro at parang nahihiya na siyang maige sa’kin.
"Haha osige na alis na ko, may gagawin pa kami eh hindi ba bae,” sabi niya sabay dantay niya ng ulo niya sa balikat ko at sinubsob niya ang ulo niya sa leeg ko saka ako tumango kasi hindi na ko makapagsalita.
Jusco po! Hindi ko na kaya to.
"Haha if you done with her pwede ako naman,” sabi nung lalaki sabay tingin sa’kin. Ano ako gamit na pwedeng paghiram hiraman?
Sinamaan ko sila ng tingin.
"Sorry pero kay Hiro lang ako, hindi ako bayaran! Tara na nga.” hinila ko siya sabay irap sa babae at doon sa lalaki.
Di pa kami nakakalayo narinig ko ‘yung lalaki.
"Trip ko ‘yung mga ganun, pakipot haha.” halos kilabutan ako sa buong katawan sa narinig ko.
To be continued