CHAPTER 5

1841 Words
REN EMEIKO's POV "Okay ano na ngayon?” Tanong ko sa kaniya habang nakain ng fries ko. Andito kami sa Mcdo at kumakain ng dinner namin. 7pm na at mamayang 10pm ‘yung time ng punta ni Hiro sa K bar. "Pwede ka pa ba nga ganung time?” Umiling ako. "Uwi na ko mamayang 8pm kasi sesermunan ako ng kapatid ko.” sabay higop naman ng softdrinks ko. "Teka ubos mo na ‘yung kanin at manok mo?” Tumango ako at tumawa siya. "Ang bilis ah nginuya mo ba ‘yun?” Tumango ulit ako sabay subo ng fries ko. Tapos napansin ko siyang tumititig sa’kin at napatigtig din ako sa kaniya kaya sabay kaming namula. Anong mayroon bakit niya ko tinititigan ng ganun? "Matakaw ba ko? Pasensya na gutom eh.” umiling siya saka ngumiti. "Ayos lang ‘yan umorder ka pa treat ko.” umiling ako. "Hiyang hiya na ko sa kinain ko. Uuwian ko na lang kapatid ko at salamat sa treat, ah,” nagsmile na lang ako sa kaniya nakakahiya kasi kanina niya pa ko nililibre. May sasabihin sana ako ng mahuli ko na naman siyang nakatingin sa’kin. "Sabihin mo may dumi ako sa mukha no? Asan ba?” Kinuha ko ‘yung phone ko at binuksan ‘yung camera then prinont cam ko pero wala naman tapos pagpindot ko sa back cam. Nakita ko nakatitig na naman siya sa’kin kaya bigla akong nahiya at tinago na ‘yung phone ko. Anong problema ni Shiro? Pinapabilis niya ang t***k ng dibdib ko. Ayoko mag assume na nagagandahan siya sa pagmumukha ko more like baka naaasiwa siya sa mukha ko. "Ano may nahanap ka? Wala namang dumi haha may napansin lang ako sayo.” kumunot ang noo ko, siguro sasabihin niya ang dry ng skin ko. "Ano naman ‘yun?” Badtrip na ko. "Ang ganda mo pala." Putchang ama walang pasabi sabi ginugulat ako nito. "Ako wag mong pinagbibiro Shiro ah, kaya siguro madaming nagkakagusto sayo sa school kasi sa mga sweet talk mo at mga compliments mong pasok sa banga,” tumawa na naman siya ng malakas kaya nakahatak kami ng atensyon at kinahiya niya naman ‘yun. "Alam mo lakas mo magpatawa, hindi ko alam ‘yang sinasabi mo ah pero ang alam ko lang nagsasabi ako ng totoo.” ngumiti siya ng mala prince charming sa harap ko at feeling ko kumikinang siya. "Okay sige tatanggapin ko ‘yang compliment mo, kasi makapal ang mukha ko.” ngumiti lang ulit siya at tumitig na naman sa’kin. Medyo naiilang na ko ah kahit pogi siya sarap niyang sapakin. "Tapos na iiba ka pa sa kanila, kadalasan kasi ‘yung mga babae sa school parang pinaplastik lang nila ako haha ‘yung tipong ang bait sa harap mo tapos pagtalikod mo iba pala ugali nila.” bigla niyang sabi kaya napabuntong hininga lang ako. "Masisisi mo ba sila kung gusto nilang maging maganda at kaaya-aya sa harap mo?" "Bakit ikaw? Wala kang pake kung sino ang nasa harap mo? Basta ikaw ay ikaw.” tinapik ko siya. "Alam mo kasi gusto ka nila kaya ganun.” umiwas siya ng tingin sa’kin. "Edi hindi mo pala ko gusto?” Nanlaki naman ang mata ko. Ano na naman bang pinagsasabi niya? Bakit may feeling ako nakakaiba? kinikilig ata ako na ewan. Hirap pag wala ka talagang background sa pag-ibig ni hindi mo alam kung na fall ka na ba or crush mo lang as in humahanga ka lang. "Haha gusto pe--.” napatingin ulit siya sa’kin na parang nagulat. "Oh bakit may nasabi ba ko?” umiling siya tapos parang sumimangot. "Alam mo inggit nga ko sayo eh kasi madaming nagkakagusto sayo mapalalaki o babae hinahangaan ka sa school.” nakatingin lang siya sa inumin niya. "Hindi din masaya ‘yun, lahat ng mata nila nakafocus sayo kailangan maachieve mo ‘yung gusto nilang makita sayo at the same time parang special ang turing nila sayo kaya hindi ko alam kung sino ba ‘yung totoong nagmamalasakit sa’kin, lahat sila gusto ka kasi sa nagagawa mo. Eh pano pag-ayaw mo na? Ayaw na din ba nila sayo? Tinatamad na nga ko maging vice prisedent kasi daming ginagawa. Ayoko na din maging sikat kasi parang ang daming nakasubaybay sayo.” may point siya. Kung andito lang ‘yung kapatid ko siguro nasabi niya ang kitid ng utak ko kasi mahirap din pala talaga pagmadame kang obligasyon na hindi mo naman ginusto mapasayo. Madaming nagkakagusto sa kaniyang babae isa ba dun gusto niya? ‘yung grades niya mataas nga tapos vice pa siya nage-enjoy ba siya? "Lahat ng mayroon ka ngayon ayaw mo?” Napatingin siya sa’kin maige. "Hindi naman sa ganun, minsan kasi gusto mong maiba naman. ‘yung parang free ka lang, katulad mo wala ka syadong iniintindi hindi katulad ko tapos idagdag mo pa ‘yung Hiro na sumisira ng reputasyon ko.” Pinapahalagahan niya din naman pala ang mayroon siya katulad ngayon gusto niya malinis ang pangalan niya sa school para maging maayos din ang tingin sa kaniya ng mga teacher namin. "Okay! Sige dahil d’yan sasamahan kita hanggang 10pm kahit sermunan pa ko basta malinis natin ‘yang image mo.” napatitig na naman siya sa’kin na parang nagulat na ewan. Namula naman ako kasi ang cute niya. Este nakakahiya. "Salamat talaga Adelfa!” ngumuso ako "Ba’t ba adelfa?” Kasi hindi kami close? So dapat pala hindi ko na lang siya sinamahan kasi hindi pa kami close? "Ah nahihiya kasi akong tawagin kang Ren baka sabihin mo feeling close ako.” poker face lang ako. "Edi sana hindi na lang kita tinulungan kung ayaw kita maging kaibigan at maging close hindi ba? Ren na lang.” nagthumbs up ako sa kaniya. "Sige kapalan ko na mukha ko, emeiko na lang pwede ba?” ba’t parang may natusok sa puso ko? "Ha-ha sige kung trip mo.” babaeng babae ‘yung emeiko ah, walang tumatawag sa’kin niyan kundi si papa kinilig tuloy ako. "Okay habang wala pang 10pm mag gala muna tayo.” ngumiti siya at nilahad ang kamay niya sa’kin, nahihiya naman akong hawakan ‘yun kaso nakakahiya lalo kung hindi ko kunin ‘yun hindi ba? Kaya ‘yun sumama ako sa kaniya kung saan-saan, tingin-tingin ng mga damit, naglaro kami sa mga arcade, nagvideoke at kumain ng street foods sa labas. Nag-enjoy ako sa araw na ‘to akala ko nakakatakot siyang samahan kasi baka siya pala talaga si Hiro pero nung nakasama ko siya ngayon, nakilala ko ang tunay na Shiro at masasabi kong super layo ng ugali nila nung Hiro kaya kailangan talaga mahanap na namin ‘yung manyak na ‘yun at maayos na ‘yung reputasyon ni Shiro. ❦❦❦ 9:55pm K Bar "Inaantok na ko.” andito na kami sa loob nung bar at nakapasok agad kami dahil akala nila siya si Hiro. Andaming mga taong nagsasayawan at nag iinuman, first time kong makapunta dito at talagang kinakabahan ako. Tapos ‘tong kasama ko inaantok pa. "Oy Hiro aga natin ah.” bati nung bar tender sabay alok ng alak. "Dating order?” Tanong niya kay Shiro pero hindi na sagot ‘to, inuga uga ko siya at ginising. "Oy wag kang ganIyan, kinakabahan ako dito sa lugar na ito bantayan mo ko wag kang matulog,” bulong ko sa kaniya at umungol lang siya. Di naman nakainum ito bakit parang may tama? Pero dahil akala nila siya talaga si Hiro walang gumagambala sa’kin, nakatingin sila pero walang nagtatangkang lumapit or mambastos sa’kin. Kaya safe naman ako, pero ‘yung mata ko hindi na safe kasi ang dami kong nakikitang kababalaghan dito sa loob ng bar, may mga babaeng nagsasayaw na akala mo eh naubusan ng tela dahil wala na silang masuot kundi ‘yung kapirasong under wear na ‘yun at mayroon ding sa sulok na gumagawa na ng milagro. Jusco kumuha na lang sila ng kwarto wag nilang gawin sa harap ng madaming tao. Ayoko na talaga pumunta dito ulit. Tatapikin ko sana ‘yung katabi ko pero paglingon ko wala na siya. Kinabahan ako at agad na lumabas ng bar, wala pa naman akong contact ni Shiro. "Ow gad please help me,” bulong ko sa sarili ko dahil madaming malalaking lalaki ang nakatambay sa labas. Asan na ba ‘yun si Shiro? Nag CR? ba’t hindi nagpaalam? Baka naman hinostage na siya ng mga babaeng patay na patay sa kaniya at dinala siya sa hindi ko alam na lugar. Oh crap! Ran kapatid ko sana nakinig na lang ako sayo. "Pst oy ikaw ‘yung kasama ni Hiro tama?” Nagnod lang ako, tatlong malalaking katawan na lalaki ang pumapalibot sa’kin ngayon. "Asan na ‘yung prince charming mo? Iniwan ka na ba pagtapos ka niyang gamitin?” Ano bang pinagsasabi nila? "Nag banyo lang ‘yun hehe.” halos mag unahan na ‘yung t***k ng puso ko sa kaba dahil sa tatlong manong na ‘to. "Nag CR? Tara puntahan natin sa CR.” pagngisi nung isang kalbo. "Tara pasok ulit tayo bata.” hinawakan ako nung isang lalaki kaya naghesterikal na ko sa takot. "Ahhh ano ba binatawan niyo ko!” Pero parang wala silang naririnig. "High school ka palang no? Asan ka napulot ni Hiro? Classmate ba kayo haha.” nagtatawanan sila. "High school nga lang pala ‘yung Hiro na ‘yun ang lakas magyabang sarap durugin eh.” halatang galit na galit sila kay Hiro. "Alam mo bang iba ibang babae ang kasama noon kada gabi? Kaya kung ako sayo wag kanang umasa na babalikan ka nun, baka nga nakikipagsex na ‘yun sa taas,” sabay turo niya doon sa motel malapit sa bar. "Bitawan niyo ko! Uuwi na ko!” Nagsitawanan na naman sila. "Aww uuwi na ang bata kasi hindi binalikan ng syota niya, samin ka na lang sumama, Virgin ka pa ba?” adik ba ‘to? Malamang oo! "Hindi na virgin ‘yan si Hiro kasama eh malamang nagalaw na ‘yan.” nakakainsulto na ‘tong mga panget na ito ah, sa sobrang inis ko sinipa ko ‘yung private parts niya at napaluhod siya sa sakit. Kaso hawak pa ko nung kalbo kaya hindi ako makaalis kaya kinagat ko ang kamay at braso niya sabay takbo. Magtatago sana ako ng bigla akong mabungo at pagtingala ko. "Shiro!” Niyakap ko siya sa sobrang takot ko at kaba. Ngumisi siya at niyakap ako lalo, teka? "Shiro?” Nagsmirk siya. "Tsk! si Shiro na naman?” tumingin siya sa’kin sabay halik sa ilong ko. "Hiro nga pala at your service.” sabay hagis niya sa’kin at suntok niya doon sa lalaking isa, tumumba ito sa semento at may pinulot siya sa basurahan. Bote? Tama bote ‘yun at pinukpok niya sa ulo nung kalbo at sinipa niya sa tyan. Hawak pa din niya ‘yung basag na bote at itinuro sa natitirang nakatayong lalaki. "Gusto mo ‘to?” Sabi niya at napakagat ng labi ‘yung lalaki sa inis at umalis na. Tawa ng tawa ‘yung Hiro habang pinag-aapakan niya ‘yung lalaking nakahiga at sinisipa niya ‘yung kalbo. Nanginginig ako sa takot habang nakaupo pa din sa simento at tulalang pinapanood ang karahasan niya. Natatakot ako, para siyang demonyo tumawa. Sino ba siya? Bakit kamukha niya si Shiro? Lalong gumapang ang takot ko nung tumingin siya sa’kin at naglakad papalapit. Nanginginig ang tuhod ko kaya hindi ako makatakbo. Shiro asan ka ba? Umiiyak na ko sa takot at pagtingala ko nasa harap ko na siya nakangiti. Anong gagawin ko hahawakan niya ko. Sasaktan niya din ba ko? "Wag! Wag mo kong hawakan!” Nanginginig ako, umiiyak, natatakot. "Tsk, gusto mong marape d’yan?” Nakatungo lang ako at nagulat ako ng buhatin niya ko. Pinaghahampas ko siya sa likod pero parang wala lang sa kaniya. Saan niya ko dadalhin? Pagtingin ko sa ay sa motel na kami, ‘yung malapit sa bar kaya lalo akong nag hesterikal at nagsisigaw sa daan. Madaming nakakakita at halata kong naiirita na rin siya sa’kin at bigla na lang akong nakaramdam ng mabilis na suntok sa tyan ko. Muntikan na ko masukat at unti unting nagdidilim ang paningin ko. To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD