IGINALA ko ang aking paningin sa kabuuang lawak ng villa.
Grabe! Ganito pala sila ka yaman. Unang pasok ko dito ay gabi, no'ng gabing may okasyon at iyon din ang gabing nagkaroon ako ng pilay. Ngayon gumagabi na din pero nakikita ko pa ang ganda ng paligid, lalo na ang ganda sa loob ng villa.
Ilang bahay ba ang nandito? Pwede bilangin? Ang laki ng angkan nila.
"Ate Cait? Ate Cait?"
Si Caleb na patakbong papalapit sa akin dahil hinahabol siya nito ni Celtic. Si Celtic na kapatid ni L sa ama.
"Hoy! Manila boy bumalik ka dito!"
Napa-yakap ang bata sa'kin at saka nagtago sa aking likuran.
"I hate you! Bad ka! Bad!"
Napa-titig ako kay Celtic dahil sa pagmumukha niyang inis na inis sa bata.
"Oh? Pati ba naman ikaw papatulan mo ang bata?"
Lumapit siya at nagulat nalang ako ng bigla niya ako inakbayan. Si Caleb naman ay tinutulak papalayo si Celtic sa akin.
"Hey! She's mine! Kuya Cel hands off!"
Humalakhak lang ang binata.
"Kutusan kaya kita diyan? Ki bata-bata mo pa marunong ka na makipag-syota?!"
Tinulak ko si Celtic. Hindi naman siya pumalag at lumayo na rin siya ng kusa. Si Caleb naman ay lumapit kay Cel at sinuntok-suntok siya nito sa balakang.
Humahalakhak lang si Cel kay Caleb. Napapa-iling akong naka-tingin sa dalawa.
Panggulo talaga.
"Bakit ka nandito? I mean, sinong kasama mo?" Tanong ni Cel at saka niya binuhat si Caleb.
"Hinatid ko ang batang 'yan dito, kasama na rin si L, 'yong kapatid mo,"
Tumango siya. "Si Bra? Nasa loob ng bahay ni Nicolo, kinakausap siya."
Nicolo? Tatay niya tapos Nicolo lang ang itatawag niya?
Hindi na ako nagtanong kung bakit. Baka kung ano pa ang masabi niya sa ama nito.
"Ganun ba? Sige, uuwi na ako tutal naka-bantay ka naman kay Caleb,"
Nagpaalam na ako pagkatapos. Hindi pa ako nakalayo ay nagulat nalang ako nang nasa tabi ko na ang dalawa.
"Ihahatid ka namin!"
Sabay pa talaga ang dalawang 'to!
Napa-hinto ako.
"Kayong dalawa, balik! Caleb, Celtic... hindi niyo naman ako kailangan ihatid, kaya ko na ang sarili ko."
Matagal bago nagsalita ang binata.
"Oh? Go back inside little man, babalik na kayo ng maynila with your mom and dad. Ako naman ay uuwi na rin sa amin, okay?"
Naka-simangot ang bata.
"Ayaw! I want ate Caitlyn. You! You go back to your house!"
Bakit ba ang daldal ng batang 'to? Limang taon ba talaga siya? Matured na kasi kung magsalita. Nasasabayan na ang mga matatanda.
"Hindi ako nakatira diyan! Bahay 'yan ng tito mo, si Nicolo."
Ang sarap niyang batukan!
Napa-buntong hininga sabay papailing nalang sa kanilang dalawa.
"Cait, ako na maghahatid sa'yo sa labas ng villa," si Celtic.
"Ate Cait, ako na maghahatid sa'yo sa labas ng villa," napa-ngiwi ako.
"Psst! Sino nagturo niyan sa'yo? Tuli ka na ba?"
"When I was baby... Yes!"
Ibang klase din ang dalawang 'to.
"Really? Patingin nga?"
Sa kalokohan ng pinsan ay hinampas ko sa braso si Celtic.
"Puro kayo kalokohan!" Sita ko sa kanila.
Mayamaya lang ay nakita kong papalapit si L sa'min.
"Oh? Andiyan na pala si Bra, siya na maghahatid sa'yo, may lakad pa pala ako." Sambit ni Celtic sabay haplos ng ulo ko. "Little man, go back inside, at baka mawala ka na naman. I'll go ahead, see you sa mansiyon niyo."
Bago pa siya tuluyang umalis ay hinintay niya munang makalapit si L.
"Bra, alis na ako." Paalam sa kapatid. "E-kumusta mo nalang ako sa kay Nicolo,"
Hindi siya sinagot ni L, bagkus tinanguan lang siya ng kapatid.
Bakit ba hindi magkaka-sundo ang mga ito?
Sinundan ng aking nga mata ang pag-alis ni Celtic sa villa hanggang sa nawala na siya sa'king paningin. Napa-tungo ako ng hinihila ni Caleb ang laylayan ng aking damit.
Ngumiti ako nang makita ko ang maamo nitong mukha.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Uwi ka na ate? Hindi na ba kita makikita? Babalik ka pa ba dito? Magiging girlfriend na ba kita?"
Kakatwang sa murang edad niya ay ang dami niy ng alam. Hinaplos ko ang ulo niya at hinalikan sa noo.
"Nasa labas lang ng villa na ito ang bahay namin. Saka... magkikita pa naman tayo kung babalik ka dito galing ng maynila." Kunwari ay nag-isip pa sa huling tanong niya. "Hmp... papayag na ako na maging girlfriend mo, basta mag aral ka muna, ayos ba?"
Pinasadahan ko ng tingin si L dahil sa narinig ko ang pagtikhim ni L sa sinabi ko.
Ano na naman kaya ang iniisip ng lalaking 'to? Pati bata pinapatulan.
Bumaba ulit ang tingin ko sa bata, na ngayon ay kitang-kita ang pagkinang ng mga mata.
"Really?" Naka-bungisngis na siya.
Tumango ako. "Oo. Basta mag-aral ka muna Caleb, hah? Naintindihan mo ba ang sinasabi ko?"
Mabilis siyang tumango sabay yakap sa'kin. Ang babaw ng kaligayahan ng mga bata para hindi pagbigyan.
Bago mag alas-siete ng gabi ay naihatid na ako ni L sa bahay. Hindi rin siya tumagal dahil ang sabi niya may pupuntahan pa raw ito. Hindi ko na rin tinanong kung saan, dahil may mga limitasyon din.
Dalawang araw ang nakalipas ng huli kaming nagkita. Hindi naman iyin big deal para sa'kin na hanapin ko siya dahil, wala naman talaga.
"Cait? Can you do me a favor?"
Umangat ang mukha ko ng may babaeng nakatayo sa aking harapan at humihingi ng pabor.
Hindi ko magawang ngumiti dahil hindi ko naman lubos na kaibigan si Lorelei, na anak ni madam Lindsay, na pinsan ni L sa ama.
Mabait na may pagka-mataray si Lorelei na katulad din ng kapatid niyang si Daniella. Naka-depende pa rin 'yan sa mga mood nila ang kanilang ugali. At dahil kilala ang angkan nila, marami ang naiilang sa kanila, lalo na ako, na 'di ko naman lubos na kaibigan.
"Depende sa pabor na hinihingi mo," sagot ko.
Napansin ko ang pagtaas ng kilay niya.
Against ba siya sa gusto ko?
Pero totoo. Naka-depende talaga sa pabor na gusto niya. May limitasyon din ako na dapat gawin.
"Sige na nga! Punta ka ng swim gym."
Kumunot ang noo ko. "Anong gagawin ko doon? Diba puro lalaki ang mga nandun?"
Bumuntong hininga siya sabay tango.
Anong iniisip ng babaeng 'to?
"Kaibigan mo naman si Lord, diba? Sabihin mo sa kanya na pinapatawag siya ng ama nito,"
"Bakit hindi mo nalang tawagan at ikaw na magsabi?"
May mga kanya-kanyang cellphone naman sila bakit ipauutos pa talaga! Saka, dalawang araw na hindi kami nagkita ni L simula no'ng hinatid niya ako sa bahay.
May problema ba?
"Cait? Ano? Payag ka ba? Cannot be reach ang lalaking 'yon! Ewan ko ba bakit hindi nakatira 'yon sa bahay ni Tito Nicolo. Hays!"
Napa-titig nalang ako sa kanya.
"Ang werdo nilang mag a-ama! Bakit kasing ang daming anak ni Tito, tapos panganay pa lahat. Tsk!"
Kinalabit ko siya. Napa-baling agad siya sa'kin. Iibahin ko nalang ang usapan dahil ayaw kong pasukin ang buhay nila. Sapat na sa'kin ang malaman na may limang panganay ang tiyuhin niya. Ang maganda lang kasi doon ay hindi tinalikdan ni sir Nicolo ang obligasyon niya sa mga anak nito. Hindi niya pinabayaan bagkus bawat isa sa kanila ay may kanya kanyang suporta galing sa ama.
"Ano ba 'yon?"
Agad kuminang ang mga mata ni Lorelei sa sinabi ko.
"Really?" Hinawakan niya ng kamay ko. "Sabihin mo lang na pinapatawag siya ni Tito Nicolo, after class ngayong hapon, okay? Thank you!"
Iyon lang naman pala, e.
"Sige!" Agap ko at ngumiti.
Iniisip ko nalang na inuuto ako ng Lorelei na iyon. Kelan pa ba nauubusan ng load ang mga mayayaman? Pero, ayos lang, wala namang masama sa inutos ni Lorelei sa'kin, saka mabuti na rin 'yong sa'kin niya inutos kesa naman aa iba.
Pagpasok ko ng swim gym ay tahimik ang loob. Hindi ko alam kung may practice ba ang mga swimmer ngayon o wala. Hindi naman ako updated sa mga activity dito sa school, dahil tanging pag-aaral lang talaga ang alam ko. Magtatapos na ako sa susunod na taon, hindi ko pa alam kung magko-kolehiyo pa ba ako nito dahil sa kakulangan ng financial.
Iginala ko ang aking paningin.
"Sabi ni Lorelei nandito, bakit walang katao-tao?"
Naglakad-lakad ako sa loob.
Ang ganda pala dito tapos ang linis ng pool. Nakakatakot lang dahil hindi ako marunong lumangoy.
"Ah!"
Tumabingi ang aking ulo sabay nguso.
"Ano 'yon?"
Boses ng babae 'yon, ah?
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa locker. Hindi ako nagkakamali na doon ko talaga narinig ang ingay na 'yon.
"Ah! M-masakit!"
Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. Ano ba 'yon? Bakit may ganun? Humakbang pa ako papalapit upang makita kung ano ba talaga iyon. Napatutop ako ng aking bibig ng makita mismo ng dalawa kong mata ang ginagawa ng babae at ng lalaki.
Si Akiko at Tavis.
Si Tavis na nakaka-tandang kapatid ni Lorelei at Daniella.
Bigla akong nanginig dahil sa aking nakita. Humakbang ako paatras ng biglang may humila sa'kin.
Kamuntik pa akong sumigaw dahil doon. Buti nalang at tinakpan agad ng humila sa'kin ang aking bibig.
"Sshh..."
"L?"
Tumango lang siya at saka niya ako hinila papalayo sa lugar na iyon. Nang nasa isang tagong lugar na kami ay napa-sandal ako sa puting pader.
Napa-titig ako sa kanya dahil ilang pulgada lang ang lapit namin.
"What the hell are you going here?" Mahinang tanong niya.
Sasagot na sana ako ng bigla niya akong yakapin. "Ssshh... may paparating," sambit niya at isubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
Wala akong ibang nagawa kundi ang sundin siya. Alam ko kung ang ginagawa niya dahil may tiwala ako sa kanya.
"Ah? May tao pala dito?"
Tama nga siya, may paparating at ang boses na iyon ay kilala ko.
Si Tavis.
"Babe? Let's go. I'm starving!" Rinig kong sabi ng babae kay Tavis.
"Let's go, babe! Mukhang nakaka-istorbo tayo sa kanila. Hahahaha!"
Anak ka ng Alcantara-Monteverde! Mali ang iniisip mo. Tsk!
Nang makumperm na wala na si Tavis at Akiko, saka lang kumalas si L sa'kin. Habol ang hininga't 'di makapaniwala sa aking nakita.
"Okay ka lang?"
Tumango ako. "A-ayos lang a-ako,"
Kagat labi akong umiwas ng tingin niya sa'kin. Pakiramdam ko kasi ang parang kasing pula na ng kamatis ang mukha ko.
"Next time huwag kang pupunta dito,"
Ngumuso ako. "Malay ko ba na 'yon ang makikita ko! Saka, bawal 'yon! Bakit? Asawa na ba ni Tavis ang Akiko na 'yon?!"
Napa-hilamos nalang siya ng mukha sabay paling sa'kin.
"Hindi lang mag-asawa ang gumagawa ng ganun ngayon. Saka, wala ka ng pakialam sa kung anon ang ginagawa nila! Hayaan mo sila, may sariling pag-iisip na ang mga iyon!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"At kakampihan mo pa talaga ang pinsan mo!? Mga lalaki nga kayo! Kahapon lang si Grace ang kasama niya, tapos ngayon si Akiko naman. Bukas kaya sino nam-"
Napa-tigil nalang ako ng bigla niyang hapitin ang baywang ko. Sa kaba ay hindi ko alam kung ano ang ere-react ko sa kanya.
"Why are you here?"
"H-hinahanap ka..."
Napalunok ako ng lumapit na naman ang mukha niya sa mukha ko.
"Why? What do you want to me?"
Iiwas pa sana ako ng mahawakan niya ang panga ko. Tutungo nalang sana subalit pinigilan niya ang baba ko.
"Answer me. Anong kailangan mo sa'kin at bakit mo ako hinahanap?"
"Inuutusan lang naman ako ng pinsan mong si Lorelei."
Kununot ang noo niya sa sagot ko. "S-sabihin ko raw sa'yo na pinapatawag ka ng ama. Punta ka raw ng bahay niyo pagkatapos ng klase."
Gamit ang dalawang palad ay ginawa kong panangga sa dibdib niya iyon. Ramdam ko na kasi ang namumukol niya sa ibaba. Nakaka-tensyon naman kasi ang lalaking 'to.
"That's it?"
Tumango ako sabay tulak ng pahina sa kanya. Napansin niya iyon kaya naman nagparaya siyang itulak ko siya.
"You're trembling," ngumisi siya. "Dahil ba sa nakita mo? O, dahil sa'kin?"
"W-wala 'no! I mean, h-hindi!"
Mas lalong lumawak ang ngisi niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya, na ganun nalang ang pagka-lawak ng ngiti.
"Next time kung ako ang hahanapin mo, ako lang ang hahanapin mo."
"Lintik kasi 'yang pinsan mo! Sa dinami-daming lugar sa locker pa talaga!"
"Ignore! They just play. Tavis is Tavis. You know him,"
Umiling ako. "Mga lalaki talaga, walang may pinipiling lugar! Kung saan-saan nalang talaga!"
"Really?" He evil grin.
"Oo! Parang ikaw din! Walang may pinipiling luga-"
Sa hindi ko inaasahan ay nagulat nalang ako ng bigka niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at walang paalam na siniilan ako ng halik sa labi. Hindi ko siya magawang itulak dahil napa-sandal ulit ako sa puting pader.
"L-"
"Sssh... huwag kang maingay kung ayaw mong may makakita at makahuli sa'tin dito."
Hindi ko na nagawang magsalita bagkus mas dumiin pa ang mga halik niya sa labi ko.