PARA AKONG lasing na naglalakd sa daan habang pabalik ng silid aralan. Daig ko na rin ata ang naka-druga dahil sa halik na iyon.
Bakit habang tumatagal ay mas lalo akong nasasarapan? Ano ang ibig sabihin non?
"Alcantara kiss Syndrome"
Bigla akong napahinto at naalala ang huling sinabi ni L sa'kin.
Umiling-iling ako.
"Hindi! Wala 'yon. Oo. Tama. Wala 'yon!"
"Nag momonologue ka ba? Sinong kausap mo?"
Napalingon ako mula sa aking likuran ng marinig ko ang boses ni L.
Nasa loob ng magkabilang bulsa ang mga kamay niya habang papalapit sa'kin.
"What are you thinking?" Salita pa niya ng nakalapit na siya sa akin.
"W-wala..." Umiwas ako ng tingin. "Bakit ka ba sunod ng sunod?" Agap ko pang tanong at nagpatuloy sa paglalakad.
"Bakit? Bawal ka na bang sundan? Saka iisa lang tayo ng daan."
Oo nga pala. Pabalik na rin pala siya sa silid niya.
Mayamaya ay huminto ako at saka ko siya hinarap. Napa-tigil din siya at kunot noo niya akong tiningnan.
"Pwede ba?! Huwag mo na akong halikan! Nakakainis!" Napalabi tuloy ako dahil masyado akong obssesed sa nangyari. "Ano?! Sagot?!"
Wala sa mukha niya ang pagkagulat, imbes ay mas lalo pang kumunot ang noo niya sa sinabi ko sa kanya.
"Okay!"
Napa-awang ang labi ko sa maiksi niyang sagot.
"Hah?"
"I said, okay! Tapos!"
At saka niya ako nilampasan.
Teka! Bakit nakaka-badtrip ang sagot na 'yon? Diba dapat masaya ako dahil hihinto na siya?
Hinabol ko siya. "Hoy! Sandali!"
Sadyang tanga ba ako para habulin siya at sa katangahn ko ay napa-subsob ako sa likuran niya. Paano naman kasi bigla-bigla siyang humihinto.
"Aray! Ano ba 'yang likod mo, bakal? Sakit sa ilong!"
"Ano bang gusto mo? Titigilan kita diba? Tapos, tatawagin mo ako?"
"Ganun lang 'yon? Ang ibig kong sabihin, hindi ka man lang hihingi ng sorry sa'kin dahil sa ginawa mo?"
Napa-atras ako ng sumeryoso ang mukha niya.
"Why would I do that? Sa pagkakaalam ko, nag enjoy ka naman, 'di ba? Gumanti ka pa nga!"
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Bakit ang ingay? Ugh! Hindi ko na sana siya kinausap!
Kinuha niya ang kamay ko sa nakatakip niyang bibig. Mahigpit niya iyon hinawakan at tinapat sa puso nito.
Ang lakas nang kabog ng puso niya. Parang hinahabol.
"Bitawan mo nga ang kamay ko!"
Hindi naman siya nagprotesta. Agad niyang binitawan ang kamay ko at saka niya ako tinalikuran. Bago pa siya nagpatuloy sa paglalakad ay may sinabi pa siya.
"Don't take me to the things I want to do. I will do what i want without requiring me."
Problema niya?
Napa-buntong hininga nalang akong naka-sunod sa likuran niya.
Kung noon hanggang tingin lang ako sa kanya, hanggang sulyap lang. Isa siyang Alcantara. Paano ko ba ilulugar ang sarili ko—ngayong magkalapit na kami?
Pagkatapos ng klase no'ng hapon na iyon ay napag-pasyahan kong umuwi na agad. Medyo masama ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Siguro... dahil na naman sa nangyari? Bakit ganito nalang palagi ang nararamdaman ko sa tuwing may ginagawa si L sa akin.
"Anak, kakain na," agad akong napahinto sa aking ginagawang asignatura ng tawagin ako ni nanay para sa hapunan. Tiniklop ko ang kwaderno ko, saka ko iyon ibinalik sa loob ng aking bag.
Bago pa ako lumabas ng aking silid ay napa-silip ako sa aking telepono. May dalawang mensahe mula sa 'di kilalang numero. Naka-silent ang cellphone ko dahil ayaw kong maistorbo sa aking ginagawa.
Binasa ko.
+639278255891
Save my number. This is L.
Textback when you're free.
Si L? Paano niya nalaman ang number ko?
Biglang kumabog ang puso ko dahil siya mismo ang unang nag text sa akin.
"Cait? Kakain na!" Tawag ulit sa akin ni nanay.
"Palabas na po!" Tugon ko at napa-titig ulit sa screen ng aking cellphone.
Mag re-reply ba ako? Anong sasabihin ko?
Bahala na!
Naka-ilang bura pa ako bago napasyahan ipadala ang mensahe. Nakaka-tense naman kasi.
Ako
Hi? Amp... pasensya ka na kung ngayon lang ako nakapag-reply. Naka-silent mode kasi ang phone ko, kaya 'di ko napansin ang text mo sa'kin. Ikaw pala 'to.
Matapos kong e-sent ay agad ako naka-tanggap ng reply mula sa kanya.
Aba! Ang bilis. Hindi naman siya nagmamadali?
Save ko muna ang number niya bago ko binasa ang reply sa akin.
-Lord-
It's okay. How are you?
Isang reply muna, lalabas na talaga ako ng kwarto ko.
Ako
Okay naman ako. Hmp... L, maya nalang, hah? Tinatawag na kasi ako ni nanay para maghapunan. Hmp... Text nalang kita mamaya?
Agad-agad ang reply. Napapa-ngiti ako.
-Lord-
Okay! Eatwell.
Bakit kinikilig ako?
"Tsk! Iba talaga ang dating mo, L."
Salita ko at saka ko iniwan ang cellphone sa loob ng kwarto.
"Nay? Makakapag-aral po ba ako sa koliheyo? Gusto ko po talagang makapag-tapos nang maka-bawi din ako sa inyo."
Bumaling si nanay sa akin ng tingin at saka nagsalita.
"Makakapag-aral ka, Cait, basta pagbutihan mo lang,"
Napa-ngiti ako sabay hawak sa kamay niya.
"Pangako po, 'nay,"
Masaya ako sa aking narinig mula sa kanya. Biyaya sa'kin na may mabait akong ina na walang ibang ginawa kundi ang suportahan ako.
Matapos ang masayang hapunan namin ay ako na naghugas ng mga pinag-gamitan sa hapag. Nagpaalam na rin ako sa kanya na matutulog dahil may pasok pa kinabukasan.
Huli ko na naalala ang cellphone ko
"Hala!" Dali-dali ako bumangon at saka ko hinablot ang cellphone na nasa itaas ng study table ko.
Hindi na pala nababaliwala ang cellphone ko ngayon dahil may isang tao na nagte-text sa akin, maliban sa mga kaibigan at ka-klase.
May limang mensahe, at galing iyon sa kanya.
-Lord-
Busy?
Can I call you, Cait?
Maybe next time.
Good night.
Sweet dream.
Kuripot ang isang 'to. Huling text niya sa akin ay kaninang alas-otso, at nasa alas-nwebe na ng gabi.
Nagdadalawang isip ako na gantihan ang mga text niya, pero naisip ko na baka tulog na iyon at baka maistorbo ko pa siya.
Ibabalik ko na sana ang ang cellphone ko nang mag vibrate ito.
Calling from Lord
"Gising pa?"
Napa-labi akong sinagot ang tawag niya.
"H-hello?" Salita ko na medyo kabado pa. "Akala ko tulog ka na... kaya 'di ko na inabala pang mag reply," agap ko.
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Siguro ay naghahanap din ng sasabihin.
"L?" Untag ko at doon na siya nagsalita.
"I just want to check you. You alright?"
Check? Bakit niya pa akong aksayahan ng panahon? Para saan?
Tumikhim ako. "Oo. Ayos lang ako. Hmp... hindi ka na sana tumawag pa,"
"Why? Ayaw mo ba?"
Ang boses niya talaga ang nagpapayanig sa sistema ko ngayon. At kapag nakikita ko naman siya, nanghihina mga tuhod ko. At kung hahawakan niya ako, daig pa na may zoo ang tiyan ko. At kung hahalikan niya naman ako, nawawala na talaga ako sa sarili ko. Nakaka-baliw ang bawat anggulo ng halik niya. Naghahabol ako ng hangin habang napapahawak ng mahigpit sa kanyang mga braso.
"Hah? Naku! Hindi. I mean, ayos lang na tumawag. Hehehehe."
Bakit ba kailangan kong mailang? E, sa telepono lang naman kami nag-uusap, saka nagtatanong lang naman siya... so, dapat ko lang sagutin.
"Ano pala ang kailangan mo?"
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
May problema ba siya?
"Ayos ka lang ba?"
Mayamaya ay nagsalita siya.
"Can you do me a favor?"
Favor? Anong pabor na naman kaya 'yon? Ba't ang hilig-hilig nila humingi ng pabor?
"Hah? Ano ba 'yon?"
Matagal bago nakasagot.
"Stay away from my brother. Can you do that for me?"
Brother? Sino?
Nag-isip ako saglit. Mayamaya ay naalala ko na kung sino ang tinutukoy nito.
Si Celtic.
Anong problema do'n? Okay naman si Celtic, at mukhang mabait naman. Palaging naka-ngiti at palaging nang-aasar. Cool kumbaga, pero alam kong may tinatago itong pag-uugali na 'di mo dapat esmulin.
"Do you hear me?"
"Hah? Ah, oo. Sige." Napa-labi ako dahil sa sagot ko.
"Good! That's all, good night, Caitlyn,"
Good night, sige... matutulog na ako,"
Hinintay kong putulin niya ang linya, subalit inabot nalang ng sampung segundo ay hindi niya parin ito binaba.
"Bakit? Akala ko ba good night na? Hang up mo na, sayang ang load."
"Okay! Good night,"
Buti naman at binaba niya na.
Naka-ngiti akong humiga sa aking kama. Tinabi ko na ang cellphone ko sa pagtulog ng sa gayun ay pagising matingnan ko kaagad kong may mensahe ba ako na galing sa kanya.
Bakit ang bilis ng pangyayari?
Naiwan ang ngiti sa labi na nakatulog nang gabing iyon. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam. Isang Alcantara ang nakausap ko ngayong gabi at siya 'yong taong gusto ko. Pero hindi parin ako mag a-assume na maging kami, dahil malabo pa sa malabong mata na mangyari iyon.
Iyong halik? Siguro hanggang doon nalang talaga iyon.
Bahala na. Ayaw ko mang isipin na pampalipas oras niya lang ako pero iyon siguro ang totoo.
Us usual maaga ang gising ko. Alas-cinco 'y media. Antok man ay kailangan ko talagang gumising, subalit pinukaw ako ng isang tunog mula sa aking telepono.
Naalala ko na, nasa tabi ko pala ang aking cellphone. Kinuha ko iyon at binasa ang isang mensahe galing kay L.
Napa-ngiti ako.
-Lord-
See you later. Good morning!
Hindi na ako nag-abala pang mag reply bagkus bumangon na ako at saka dumiretso ng banyo. Hindi ko rin kailangan magtagal sa loob dahil walang rason na magtagal doon.
Nag suot lang muna ako ng unipormeng palda at saka white t-shirt. Hindi pa naman ako aalis dahi magluluto pa ako ng agahan namin ni nanay. Mamaya pa ang gising niya, kaya ako na muna ng gagawa ng gawaing bahay.
Nakalipas ang kalahating oras y nakapag-luto na ako. Hinanda ko na ang lahat maging ang babaunin kong tanghalian.
Saktong pagising ni nanay ay saka naman ko aalis.
"'Nay? Alis na po ko, huwag niyo po kalimutan ang almusal niyo."
Sinalubong ko siya at saka ako nagmano.
"Mag-iingat ka Caitlyn,"
"Sige po nanay,"
HABANG nag aabang ng masasakyan ay kumunot agad ang noo ko dahil may humintong itim na sasakyan sa harap ko. Sport car at open ang hood ng kotseng iyon.
Si Celtic.
Nasa black shades na suot at kinulayan ang buhok. Naka-ngiti siya sa kin habang naghihintay ng magiging reaksyon ko.
"Get in... ihahatid na kita sa school niyo,"
Bumaling ako sa kaliwa, at bumaling naman ako sa kanan. Mabuti nalang at kakaunti lang dumadaan dito.
"Cait? Ano? Sakay na,"
Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni L sa akin.
Iiwasan ko raw ang kapatid niyang si Celtic. At ito na nga iyon. Si Celtic ang nasa harap ko at gamit ang mamahaling sasakyan.
Mag-sasalita pa sana ako ng biglang may humili ng pala-pulsuhan ko. Napa-tingin ako sa gawing iyon hanggang sa umangat ang tingin ko sa kanya.
"Lord?"
Humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko dahil sa halakhak ng kapatid niya.
"The prince charming just now arrive!" Binalingan ko si Celtic na ngayon ay naka-upo na sa headrest ng upuan nito. "Palakpakan!" Umaksyon pa siya ng pagbunyi sa kapatid. Mayamaya ay someryoso ang mukha nito at nakipag-titigan sa kapatid.
Dahil ayaw ko ng gulo sa umaga, ay humarang ako sa gitna.
"Kayong dalawa! Alis!" Humalukipkip ako. "Hindi ako sasakay sa kotse mo!" Turo kay Celtic. "At hindi rin ako sasama sa'yo!" Inaatas ko ng kilay si L. Subalit tila 'di umepekto ang pagtataray ko sa kanya.
Sumama pa lalo ang tingin sa akin.
Umiwas na ako at bumaling ulit kay Celtic. Uminyas na umalis na siya para sa ikakatahimik ng lahat.
"Fine! I'll go ahead!" Ngumiti siya sa akin. Bumaling ang tingin sa kapatid. "Bra? See you nextweek."
Mabuti naman at nakausap ko ng maayos. Paano nalang kaya kung pati siya ay beastmode? Tsk! Sirang sira na talaga ang araw ko sa dalawang Alcantara na ito!
Ang ipinagtataka ko lang kasi ay bakit nasa grade 12 palang si L, gayun ang mga kapatid niya ay nasa kolehiyo na? Siguro nga ay ayaw pang mag-aral noon, kaya nahuli siya. Ang mga kasabay niya sana ngayong kolehiyo ay sina Celtic, Cloud, Codie, Clyde, Blake na anak ng isang dalubhasang manggagamot sa maynila, si Iñigo na anak ng isang kilala ding abogado. Pero mabuti nalang at kasama niyang naiwan sina Bars at X. Ewan ko ba sa mga ito! Hirap intindihin minsan.
"Let's go!"
Hinila niya na ako patungo sa kotse niya. Ayaw ko man ay wala na akong magagawa. Quarter to seven na at kailangan ko ng magmadali.
Akma na akong papasok sa loob ng hinuli niya ulit ang palapulsuhan ko.
"Bakit?"
Naka-titig siya sa akin. Iyong titig na akala mo'y kakainin kang buhay. Napa-lunok ako dahil bigla na naman akong kinabahan.
Baka naman kasi manghahalik na naman ang mukong na ito.
"Do you like him?"
Kunot noo ko siyang tiningnan.
"Ano?!"
Si Celtic ang tinutukoy niya na gusto ko raw.
"Do not try to like him because i'm a jealous person and can easily get angry."
Napa-tanga ako sa sinabi niya at hindi na kaagad nakapag-salita.