MEDYO mahaba-haba ang lalakarin ko ngayon dahil galing pa ako sa bahay ng ka-klase ko. Mabuti nalang at sanay na ako sa tuwing sabado ay pumapasyal ako doon sa nayon nila. Hindi naman kasi sumasama sa'kin si Menggay, maging si Lucresia. May kanya-kanya silang trip sa buhay, at dahil mas matanda ako sa kanila ay iba din ang gusto ko.
Sa kahabaan ng aking paglalakad ay napahinto ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil may boses akong naririnig at umiiyak iyon.
"Bata?"
Iginala ko ulit ang aking mga mata hanggang sa natagpuan ko kung saan galing iyon. Nasa matataas na damuhan siya at naka-upo. Yakap ang magkabilang tuhod at naka-tungong umiiyak.
"Bata? Bakit ka umiiyak?" Hindi niya ako sinagot, hindi rin umangat ang ulo nito. "Halika ka dito, ihahatid kita sa inyo. Taga saan ka ba? Huwag kang matakot mabait ako,"
Sa sinabi ko ay umangat na ang ulo niya at tumingin sa'kin. Napapa-singhot pa ito dahil sa iyak niya.
Nilapitan ko siya at pinunasan ang luha sa pisngi.
Ngumiti ako.
"Ako si Ate Caitlyn. Taga saan ka? Bakit nag-iisa ka dito?"
"I want to go home. But I do not know where the road is, i'm lost."
Anak ng mayaman! Englesero naman pala ang batang 'to.
"Ah? Where is your house? I mean, magtagalog ka dahil 'di ako fluen sa english."
Kumunot ang noo ng bata dahil sa sinabi ko.
"Marunong ka bang magtagalog bata?"
Tumango siya. Ayon naman pala, e. Pahihirapan pa talaga ako.
"Anong pangalan mo?"
"Caleb"
Tumango ako. "Okay, Caleb. Anong apelyido mo?"
"Alcantara"
Anak ka nga ng mayaman, bata ka!
"So, sa villa ka nakatira? Dahil ang sabi mo Alcantara ka?" Umiling siya. Ba't ang gulo ng batang 'to? May pinag-manahan nga naman. "E, taga saan ka? Sabi mo Alcantara ka? Ump... Ganito nalang... ihahatid kita sa villa, okay?"
Tumango siya.
Habang naglalakad kami ay hindi ko tinigilan ang pagtatanong sa kanya. Seems, maayos naman siyang kausap ay mabait pa.
"How old are you?"
Nagtaka ako bakit siya huminto sa paglalakad.
"Bakit?"
Kumunot ang noo niyang naka-nguso. Ang cute niya talaga.
"Sabi mo hindi ka marunong mag-english tapos ngayon nagsasalita ka ng english. Nakakalito ka po."
Napa-kagat labi akong naka-tingin sa kanya.
"Ah? Oo nga pala, sorry naman. Ilang taon ka na?" Ngumiti ako. "Oh? Ayos na?"
Hindi siya kumibo at nagpatuloy sa paglalakad. Aba! Ibang klase rin ang batang Alcantara na ito.
"Five"
Patango-tango lang ako. Mukhang matalino sa edad na lima.
"Sinong mga magulang mo?"
"Ah... Mommy and Daddy,"
"Ang ibig kong sabihin, pangalan pala nila. Hehehehe."
Huminto na naman siya sa paglalakad.
"Why?"
Aba! Kutusan ko kaya ang bubwit na'to? Nagtatanong ka, tapos magtatanong din siya.
Napa-buga ako ng hangin sa kawalan. Namewang sa harapan niya at tinaasan ko ng kilay.
"Señiorito Alcantara... Walang masama kung gustuhin kong malaman ang pangalan ng mga magulang mo. Paano kung nagsisinungaling ka lang na isa kang Alcantara? E, di... mapapahiya ako dahil dinala kita sa villa ng mga Alcantara. So, kung maaari lang po sana señiorito ay sabihin mo sa'kin kung sino, ano ang pangalan ng mga magulang mo?"
Sinayaw-sayaw pa niya ang katawan nito sa harapan ko. Nagda-dalawang isip kung sasabihin ba o hindi.
"Ano na? Sasabihin mo o hindi?"
"Caleb?!" Napa-baling kami pareho ng may tumawag sa kanya. Kunot noo ko siyang tinitigan habang papalapit siya sa'min.
"Kuya L" patakbong sinalubong ni Caleb si L. "You're here kuya L." Salita pa niya at nakapag-high five pa ito sa kuya niya.
"Where have you been little man? Kanina ka pa hinahanap ng mommy at daddy mo. Saan saan ka ba nagpupunta?"
Ngumiti lang ang bata sa kanya. Mayamaya ay bumaling si L sa'kin at pinagpatuloy ang paghakbang papalapit sa akin.
"Nakita ko 'yan sa damuhan, umiiyak at naligaw ata ng daan, kaya naman sinama ko na at ihahatid sana sa villa."
Ngumiti ako sa kanila pagkatapos kong magpaliwanag.. Tumango lang si L bilang ganti.
"Pasensya ka na kung binigyan ka pa niya ng trabaho,"
"Wala 'yon!" Agap ko. "Pauwi na rin kasi akl no'ng matagpuan ko siya sa damuhan na umiiyak."
Tumango siya ulit. "Where have you been? If you don't mind?"
"Ah... sa kaibigan ko lang," maiksi kong tugon. "Sige, uwi na ako tutal nasa sa'yo naman si Caleb. Ang cute niya, kaninong anak?"
Napakagat labi ako dahil sa tanong ko. Aist! Ano ka ba Cait! Maghinay-hinay ka naman.
"Sorry. Okay lang naman kung huwag nang sagu-"
"Curious ka 'no?" Ngumiti siya.
"H-hah? K-kwan... h-hindi naman. Hehehehe."
"He's Kid brother," bumaling siya kay Caleb. "Right, Caleb?" Kindat pa niya sa bata.
"Yes! Mommy Tasia and Daddy Lemuel Alcantara. My brother name is Kid Gabriel Alcantara. And I am, Caleb Alcantara."
Napatanga ako. Ba't ngayon ko lang nalaman na may kapatid ang tukmol na 'yon?
Tumikhim ako. "Ah? K-kapatid pala ni Kiddo 'yan, ba't mas pogi ang isang 'to? Saka, ang layo ng age gap nila. Hehehehe." Napa-labi at umiwas nalang ako ng tingin kay L, dahil titig na titig siya sa'kin. Makaka-tunaw na titig. Hype na Alcantara 'to!
Na curious tuloy ang bata sa'min. Palipat-lipat ang tingin sa'ming dalawa.
"Kuya? Why do you look at her? Do you like her?"
Pumaling muna ang ulo ni L kay Caleb. Ginulo ang buhok ng bata kaya naman naka-simangot na ito.
"Don't touch my hair!" Reklamo nito kay L.
"Sorry little man." Ngiting sabi niya sa bata.
"Tss... I'm asking you kung gusto mo ba siya?!" Tinuro pa talaga ako. "She's pretty, right? I like her,"
Napaawang ang labi sa binitawang salita ni Caleb kay L. Habang ang binatang kaharap niya ay bumaling ng tingin sa akin.
Hindi man lang nagawang ngumiti bagkus seryoso siyang naka-titig sa akin.
"Do not want her, little man. Yet, she's pretty like what you said, but do not want her or like her. Do you understand me little man?"
Napa-nguso ang bata sabat suntok sa tagiliran ni L.
"It's unfair! Ako ang unang nakakita sa kanya."
Bakit parang mas matanda pa ang Caleb na ito kung magsalita? Dinaig pa ang binata kung magbitaw ng salita. Tss!
"Hindi nga puwede, Caleb," sa'kin parin ang titig niya.
"And why? Give me five reason why I don't want or like her?"
Hanep! Makikipag-talo ba talaga si L sa batang 'yan?
"Hayaan mo nalang siya," sambit ko. "Bata 'yan, huwag mong patulan." Humakbang ako papalapit sa kanila.
Ngumiti ako matapos kong hawakan ang braso niya. Pinisil ko pa ang pisngi ni Caleb dahil sa subrang cute niya at gwapo na rin.
"You're mine, right?" Salubong ang kilay ng bata.
"You can call me ate Caitlyn or Cait. Yes, baby I am your's but you cannot take me," paliwanag ko. Gusto kong ipalinaw sa kanya ang mga bagay-bagay na puwedeng niyang matawag na kanya pero 'di niya puwedeng angkinin.
"Why?" Naka-tungo na ito at nilalaro ang maliliit na kamay.
"Parang laruan lang 'yan, e. Ang iyo, ay iyo at ang kanya, ay kanya. Huwag mong angkinin ang laruang hindi sa'yo habang bata ka pa. Dahil kapag lumaki ka na, hindi na laruan ang aagawin mo, kundi pati babae na rin,"
Umangat ang mukha ng bata at nagtatakang tumingin sa'kin.
"You're not a toy,"
bakit ang daming rason?
Magsasalita pa sana ako ng sumingit si L.
"Caleb, she's not a toy because she's a lady. Laruan lang puwede mong paglaruan pero hindi si ate mo Caitlyn. Naintindihan mo ba ako?"
"Dahil siya ay sa'yo? At ikaw ay sa kanya? Am I right, kuya L?"
Bigla akong kinabahan.
Napa-tingin ako sa kanya, na kanina pa pala naka-titig sa'kin.
"You know what I will answer."
"H-hah?" Usal ko. "Ano kamo?" Ulit ko.
Bumuga nalang siya ng hangin sa kawalan at nilipat ang tingin sa bata.
"Stop asking. Someday malalaman mo rin, okay? For now... enjoy your precious life, Caleb,"
Nagkibit balikat nalang ako nang bumaling su L sa'kin. Mayamaya ay hinawakan ni Caleb ang kamay ko at ganun din kay L.
"Let's go?" Aya niya sa'min nang mapagtanto ko nasa gitna pala namin ang batang ito.
"Okay, tara na!" Sagot ko nalang at diretsyo ang tingin sa daan.
Nang malapit na kami sa villa ay doon nalang nagkaroon ng ingay sa pagitan naming dalawa.
"The sun is down," rinig kong sabi ni L.
Kaswal akong ngumiti pero hindi ako bumaling sa kanya.
"Oo nga. Ang ganda ng ulap, kulay kahel na may halong rosas. Parang isang perpektong master piece. Ganun. Sabayan pa ng katamtaman lamig ng hangin at ang mga berdeng kulay sa paligid."
Dudugtungan ko pa sana ang sasabihin ko ng tumunog ang cellphone niya. Napa-hinto kami sa paglalakad.
Sa pagkakaalam ko kamag-anak niya rin ang kausap niya dahil bukang bibig niya si Caleb. Bumaba ang tingin ko sa bata. Kumunot ang noo ko ng ngumiti siya sa'kin.
"Bakit?"
"Can you be my girlfriend?" Naka-ngiti parin siya. "Please?"
"Stop, Caleb!" Sita ni L sa kanya. "I told you while ago, right?" Ginulo pa ang buhok ng bata.
Padabog pang umalis sa pagitan namin si Caleb. Binalingan ko ng tingin si L.
"Pati ba naman bata papatulan mo?"
"Mas maganda kasi habang bata pa ay turuan na... nang sa gayun ay alam niya kung ano ang sa kanya at hindi."
Inismiran ko nalang siya. Akma ko na sana siyang iwan at susundan ang bata nang hinuli niya ang palapulsuhan ko.
"Saan ka pupunta?"
Napa-buntong hininga ako.
"Susundan si Caleb, malayo na, oh?!" Turo ko sa bata.
"He can walk alone. Nagawa niya ngang gumala kung saan-saan tapos susundan mo kung saan malapit na sa villa."
Hinarap ko siya sabay halukipkip.
"Ano bang problema mo?"
"Ikaw ang problema ko!"
"E, di... huwag mo akong problemahin! Problema ba 'yon L?"
Pilit ko kalasin ang pagkakahawak niya sa pulsuhan subalit nabigo ako. Mas lalong humigpit iyon at sa 'di inaasahan ay hinila niya ako papalapit sa katawan niya. Dahil hindi ako handa ay napa-subsob ako sa dibdib nito.
"L, ano ba?!"
"Do not be in love with others."
"Ano bang pinag-sasabi mo?!"
Natagumpayan kong maitulak siya, kaya naman ay humakbang ako paatras papalayo sa kanya.
Ayan na naman ang ekspresyon niyang walang ka-kwenta kwenta.
"Oh? Ano?" Pagsusungit ko. "Kabanas!" At saka ko na siya tinalikuran. Pero ang totoo kinakabahan talaga ako.
"Caitlyn?!" Tawag niya sa'kin. "Hey! Stop!" Hindi ko siya sinunod. Bahala ka diyan! "I said, stop!" Bigla akong napa-hinto na parang nahipotismo sa huli niyang utos. Ni halos hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil lang do'n.
Naramdaman ko nalang ang presensya niya sa aking likuran. Ipinatong niya ang braso nito sa'king balikat at saka pumantay sa'kin.
"Ayaw kong magkaroon ng karibal sa'yo, even that little man ay hindi ako papayag, Caitlyn." Inalis niya ang braso nito sa pagkakaakbay at humarap sa'kin.
Humalukipkip siya sa'king harapan sabay tabingi ng ulo nito.
"Your eye, your nose, your eyelashes, you cheeck even your eyebrow and your kissable lips," huminto siya at saka napa-buntong hininga. Mayamaya ay nagsalita ulit siya. "It's driving me crazy. So, you know already what I mean, right?"
Iiwas pa sana ako ng tingin sa kanya ng mahawakan niya ang panga ko.
"Look at me, Cait," yumukod siya kunti at nilapit ang mukha sa harapan ko. "Remember this face. Iukit mo sa iyong isipan at mukhang 'to kahit magkalayo man tayo. Dalhin mo na rin sa panaginip mo at higit sa lahat..."
Nagulat nalang ako nang bigla niyang hinalikan ang dulo ng ilong ko.
"Chad?!"
Ang walang ka-kwenta kwentang ekspresyon niya kanina ay napalitan na naman ng maaliwalas at maamong mukha.
"Dalhin mo na rin ang mukhang 'to sa pangarap mo." At saka kumindat.
"Kuya L? Kuya L?" Bumalik ang wisyo ko ng marinig ko ang pagtawag ni Caleb. Bumaling si L sa bata na papalapit sa'min.
"That boy is reason why i'm jealous." Bumaling siya saglit sa'kin. "You know what I mean,"
At saka niya sinalubong si Caleb at hindi na binigyan ng pagkakataon ang batang lumapit sa'kin.
Nakaka-buang ang ganyang klaseng lalaki. Pati ba naman bata papatulan?
"Baliw ka talaga," sambit ko sumunod na sa kanila.