ANG tahimik ng silid klase ay napalitan ng ingay dahil sa sunod-sunod nang nagsipasok ang mga ka-klase ko. Tapos na kasi ng break time, kaya next subject na naman. Nasa labas ang tingin ko nang makita kong dumaan si L. Siguro galing siya kung saan kaya ngayon lang ito babalik sa silid niya. Ang lalaking 'yon. Kung makapag-demand, e, akala mo nobya na ang turing sa akin, e.. hindi naman. Usap-usapan na rin sa loob ng klase ng tungkol dun sa scholar na ibibigay ng Alcantara para sa mga interesado na mag-aral sa kolehiyo. Napapaisip tuloy ako kung magte-take ako ng exam for scholar ay sigurado ako mababawasan ang gastusin ni nanay sakin. Malaking tulong din ang ibibigay ng iskolar na iyon sa kung sino man ang makakapasa nito. Ang babait talaga ng mga Alcantara. I wondering why, Lord, hate