2

1608 Words
Bwisita...  My eyes drifted away from my laptop when I heard the sound of my ringtone blaring. A long sigh escaping my lips.  Whatever.  Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lamang sa pagtipa habang nakadapa ako sa aking kama, ang dalawa kong paa ay nakaangat pa at sumasayaw sa ere.  "Put it on silent mode if you don't wanna answer. Better yet, just throw that f*****g phone outta window!" I heard my cousin snarled.   Nilingon ko si Cinco na busy sa paglalaro sa kanyang cellphone. He's getting addicted to online games these days. Ang pakialamero pero busy din naman sa kung anu-ano. Umalis na naman kase sila mama kaya tambay na naman siya dito. He doesn't have a choice. He needs to look after me or he's dead to my dad. Muli kong ibinalik ang aking tingin sa cellphone kong kanina pa tumutunog.  Ano na naman kase ang kailangan ng lalaking ito at kanina pa panay ang tawag? "You know what? You should just date him. You like him, don't you?"  Nadinig ko na naman ang boses ni Cinco. Napaismid ako sa sinabi niya. Ako, magkakagusto na lalaking yon?  Tsk. Like him my butt. Baka pumatol na lang ako sa lalaking may putok kung papatol lang din naman ako sa kanya.  "Stop muttering nonsense," Maikli kong sagot. Bored na naman siya at ako ang gustong inisin.  "What? Para mo nang anino si Aedree, Kung nasaan ka ay bigla na lamang ding sumusulpot. Why don't you just date him? Hindi ba't crush mo naman iyon ng mga bata pa tayo?" muntik na akong masamid sa katarantaduhang sinabi nya. Sinamaan ko siya agad ng tingin. I grab the pillow on my right side at buong lakas na iniitsa iyon sa kanya. Ang walangya, sinalo lamang ang unan at iniitsa sa kabilang upuan.  "I don't like him!" inis kong turan. Ang sarap talagang hatawin ng mukha ni Cinco minsan e.  Nakita ko naman na pinagtaasan niya ako ng kilay. "Tsk. Huwag kang magmataas ng standard diyan Caitlin. Pasalamat ka pa nga at nagtitiyaga iyon na lumapit sa'yo e para ka ng dragon na palaging bumubuga ng apoy. Feeling ko nga tatanda kang dalaga e," nang iinis niyang turan. Nahawi niya pa ang kanyang buhok palikod at bumuga ng hangin. Sarap niyang itapon sa labas.  "E ano ngayon? Hindi ko naman siya pinipilit na lapitan ako. Isa pa, bakit mo ba pinapakialam ang ugali ko e samantalang yang pagsusungit mo naman ay hindi ko pinapakialaman. Napagkakamalan ka na ngang broken hearted sa school e. If I don't know any better, tinamaan ka kay Andeng no?" Ganti ko. Ngumuso naman siya at tinaliman ako ng tingin. Butthurt ang gago sa tuwing inaasar ko kay Andrea.  Sa totoo lamang ay hindi naman ako sigrado sa bagay na iyon dahil kahit kailan ay hindi naman siya umamin. Besides, he never did anything to pursue Andrea even those times when Chase and her had problems. Gustong gusto ko lamang talaga siyang iniinis tungkol doon.  ""Wala akong gusto sa iyakin na iyon. Baka ikaw dyan ang may gusto kay Aedree at padrama mo lang iyang pagpapakipot mo. Tigilan mo yan, hindi ka ganoong kaganda para umarte arte," Nanggigil naman ako sa kanyang sinabi.  Bago pa ako makapagsalitang muli ay nagring na naman ang aking telepono. Napakaleche talaga nitong si Aedree. Siya lang naman ang tumatawag dahil nag assign talaga akong ringtone para sa kanya ng alam ko na wala namang kwenta yung tumatawag.  "Throw  my phone," sabi ko. Pwede naman akong bumili ng bago. O kahit huwag na lang muna akong mag cellphone. Tutal ay pwede naman akong makausap nila mama gamit ang phone ni Cinco.  Kahit hindi ako tumingin ay alam kong natigilan siya sa aking sinabi. Cinco knows me a lot. I don't need to tell him things to understand what I mean. He gets it, though most of the times I don't understand what he thinks. Cinco - as much as I want to know what he thinks, he isn't an open book to me.  I brushed my hair to the side, hindi ko makita  ng maayos ang tinatype ko. Iniadjust ko ng bahagya ang suot kong salamin. HIndi naman ganoong kalabo ang mg mata ko but I am comfortable wearing glasses.   As expected, ako din ang gumagawa ng project namin. Babaeng ruler came to me the other day apologizing. Yung kulay green niyang nail polish ay napalitan na ng bright pink jusko napakasakit niya talaga sa mata. Parang gusot na gusot yung noo niya hindi ko talaga maintindihan.  I'm not fond of long talks kaya tumango na lang ako. Baka mabato ko na naman siya ng ballpen e masyado na siyang importante kung ganoon.  Napangiti ako ng mapansin ang pagtayo niya mula sa couch. He was inside my room. Ayaw na ayaw niya sa guest room at hindi ko alam kung bakit. He went on my bedside table and grab my phone. Alam kong itatapon niya talaga iyon.  Mabuti at nang wala nang mang istorbo sa akin.  HIndi pa lang siya nakakalayo sa akin ay nadinig ko na naman siyang nagsalita, "Just know that I won't lend my phone in case your beloved friend calls," he uttered as he walks past me. Agad nanlaki ang aking mga mata sa kanyang tinuran.  Oo nga pala! Si Enzo! f**k! I totally forgot about him. Itong number ko lang na ito ang point of contact niya since he doesn't have any social media available.  "No!" Napabalingwas ako ng bangon at halos maiitsa na ang laptop sa aking harapan. Akma na niya itong itatapon sa may bintana. Sira ulo, paao kung may matamaan siya sa labas? "Akin na nga yan!" Hinablot ko sa kanya iyon tska siya kinurot sa tagiliran. Nadinig ko naman siyang umaray. Buti nga.  "Abnormal ka talga," bulong niya tsaka umiling iling at nagtungo muli pabalik sa couch. Ang kanyang mukha ay lukot na, pwede ng sabitan ng sapatos sa sobrang haba ng inginunguso.  Nang silipin ko ang aking telepono ay nakita ko kung ilang missed call na ang narereceive ko from Aedree.  23 missed calls.  Ano na naman ba ang trip niya? "Oh look, your guy is calling me," napangisi si Cinco at ipinakita pa sa akin ang kanyang cellphone. Ang sarap wasakin.  "Don't answer him!"  "Hey," Napanguso ako ng sagutin ni Cinco ang tawag tsaka naglakad patungo sa pintuan ng aking kwarto. Lumingon pa siya sa gawi ko tsaka ngumisi.  "Bwisit ka talaga," I whisper-shouted. I rolled my eyes in annoyance at bumalik na lamang sa pagkakadapa sa aking kama. Whatever, they can talk with each other. Wala akong pakialam.  Focusing back to where I stopped, I started typing once again. Gustong gusto ko ito, iyong inilalabas lahat ng naiisip ng utak ko. Because when I was typing, it's like the words were coming out as fluid as the current. And it calms me. It calms my heart.  I was too focused on what I was doing that I didn't even realize it when the door suddenly opened. May narinig akong kumatok pero hindi ko naman pinansin. It was probably Cinco again trying to piss me.  I heard the sound of the door closing but I still didn't look. I was just really in the zone. I was in the middle of typing when I heard him spoke. "Am I really that unimportant na ni hindi mo man lang masabi sa akin na busy ka para hindi na lang kita inistorbo?"  Napangat ang aking tingin ng madinig ang boses ng lalaking kanina lamang ay bukambibig ng aking pinsan. Agad na nagtama ang aming mga tingin at sinalubong ang nanunumbat niyang titig.  I bit my lower lip at the sight of him. He was simply wearing a white sweatshirt and blackpants pero hindi ko pa rin maitangi na nakapaperpekto niyang tignan. Pawisan ang kanyang noo at parang hinihingal pa. Ano bang ginawa niya? Napalunok ako.  He's mad. Mukhang nagtatampo na naman. Napasilip ako sa likuran niya at hindi mahanap ang pinsan kong walanghiya. Lagot talaga sakin ang mga aso niya. Sasabihan ko ng pangit tulad ng amo nila.  My shoulders lumped a little. Wala na. Siguradong hindi ko na matatapos ang ginagawa ko dahil mayroon na naman akong bwisita. I'm really going to kill Cinco.  He looked around and shake his head. Dahan dahan naman akong napaayos ng puwesto sa kama hanggang sa nakaupo na ako, ang aking mga paa ay nakasayad na sa sahig. I'm still wearing my pajamas. Hapon na kase ako nagising at wala namang pasok.  I heard him sigh. "What, tititigan mo na lang ako Caitlin? Hindi mo man lang ako yayakapin?" kanyang turan. Kahit sino siguro ang makarinig noon ay mahahalata ang pait sa tono ng kanyang boses.  Galit nga.  Slowly, I stood up from my seat and started walking towards him, his arms slowly spreading hanggang sa makalapit ako. I didn't have to move that much because he did it for me. He reached for my hand and pulled me closer until my face is now buried in his chest.  Napapikit ako ng marahan, the smell of his perfume waking up my system. Sobrang bango niya. Napakaunfair talaga ng Diyos. Akala ko ba ay hindi binibigay sa tao lahat? Naramdaman ko ang kanyang kamay na dahan dahang pumulupot sa aking baywang habang ang isa naman ay nasa aking uluhan.  He buried his face on the crook of my neck at naramdaman ko pa ang pagtama ng kanyang hininga sa aking leeg. Mas lalo yatang humigpit ang kanyang yakap.  "Nag alala ako. Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko?" bulong niya. He was swaying our body back and forth.  I felt guilty for a moment.  Nasaktan ko ba siya? "Sa susunod na hindi mo sagutin ang tawag ko, mag aalsa balutan talaga ako at dito na titira sa bahay niyo," bulong niya. Pinigilan ko namang matawa. Hindi ko akalain na ganito siyang klaseng nobyo, sobrang clingy.  Yeah, Aedree Simon Puntavega is my boyfriend, and for two months, we've been dating in secret.  I'm dating the man who annoys me. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD