1

1856 Words
Patawad... "I don't like your idea. It's so pangit so let's use mine instead," napaangat ang aking kilay sa sinabi ng aking kagrupo. Ang bahagyang pagpilantik ng kanyang mga daliri ay hindi naman nakaligtas sa matalas kong paningin. Maging ang ang kulay green niyang nail polish na medyo lampas pa ay hagip na hagip ng aking mga mata.  Ah green... Bagay sa kanya, mukha siyang alien. I gritted my teeth a little. Hapon na at sobra akong napagod sa dami ng subject ko ngayong araw. Bakit ba bigla yata silang sinipag magsipasok ngayon samantalang noong nakaraang lingo ay halos wala naman kaming klase. "This is borderline ordinary. Tiyak na mababa lang ang makukuha nating grades diyan! Don't you agree?" maarte niyang tanong sa aming mga kasama. Ang lakas ng loob mag galing galingan e tres naman ang grade nung Prelims. Pasalamat pa nga siya at pumayag ako na makasama siya sa grupo. Kulang pa kase kami ng isa. Atribida. Gusto ko sana siyang batuhin ng ballpen kaya lang naisip ko na pasalubong pa ito nila mama sa akin galing Paris. Sayang naman kung sa kanya lang lilipad. Mouthwash na lang kaya ang ibalibag ko sa kanya tutal naman ay mukhang kailangan niya iyon? Alanganin namang napatingin sa akin ang isa pa naming kagrupo. Ano na nga ulit pangalan nito, Mark? Naging kaklase ko din yata siya last sem sa ibang subject. Pamilyar kase ang itsura niya. Hindi ko lang sigurado dahil si Andrea lang naman ang talagang kinilala ko noon pa. The rest on my class looks like aliens to me. Ako kase ang leader sa grupo dahil ako naman ang matalino.  Oo, matalino ako. Matalino ako kumpara sa kanilang lahat na puro pagpapacute ang alam. Panay make up at pabebe hindi naman maganda. Yeah, I'm smarter than most of my classmates. Hindi ko ipinagyayabang dahil kahit sila ay alam ang bagay na iyon. And since I am the leader at siguradong ako naman ang gagawa lahat ng outputs sa huli, dapat ako pa din ang masusunod.  Because that's just how it should be. Ako dapat ang nasusunod - si Xantha lang. "Find your own group then," walang kalatoy latoy kong sagot tsaka muling ibinaling ang aking tingin sa laptop at nagsimulang magtipa doon. I don't like wasting time with people who doesn't deserve even a second of my time. Sayang sa oras, walang ambag sa magulo ko nang buhay, walang dulot. Nadinig ko naman ang kanyang pagsinghap at pagtahimik ng mga kagrupo ko. Lima kami lahat ay mayroong dalawang lalaki. Sa totoo lamang ay wala naman akong pakialam kung sino ang mga makakasama ko. As long as I can do my job, it doesn't matter. Yeah, it's basically my job to finish everything. Parang display lang ang names nila sa harapan ng output kapag pinasa na.  That's how everything works in school. Kapag leader ka, basag ka. Gagamitin ka ng mga tao sa paligid mo. Kakapit sila para makasurvive. Pauulit ulit na cycle kaya tinanggap ko na lamang. Napagod na din ako na umasa na may tutulong sa akin kaya gagawin ko na lang para hindi na lang ako mabwisit.  Less stress, less reason for me to be sad.  "Masyado ka naman yatang nagmamagaling? Magkakagrupo tayo dito! And as a leader, it's your job to hear the opinion of your members," Hindi ko siya pinansin. Ano bang opinyon ang pinagsasasabi niya e parang sa tanda ko ang sabi niya ay hindi niya daw nagustuhan ang idea ko at kanya na lamang ang gamitin. Borderline ordinary? Pinapalabas niya bang simple lamang akong mag isip? Mas simple kumpara sa utak niyang isang diretso lamang yata ang takbo.  "Tutal naman ay feeling mo ordinaryo lamang ang naisip ko, go find another group. I don't care," saad ko. Walang kaekspre-ekspresyon ang aking mukha na sanay na sa mga ganitong scenario pag may groupings. Ganito naman palagi. Walang bago, ngunit sa huli ay ako pa din ang masusunod. Opinion my ass. Isaksak niya sa kilay niyang mukhang rainbow yung opinyon niya. Napapalatak naman ito sa kakulangan ko ng reaction. Kahit hindi ako tumingin ay alam kong nakatingin na sa amin ang iba naming mga kaklase.  Another show for them to talk about - mga peste. But I don't care. Kanina pa umalis ang prof at kahit pa nandiyan siya ay walang makakapagpabago ng isipan ko. "Unbelievable! Hey you, little girl with your ugly glasses!" bahagya siyang yumuko at hinampas ang lamesa ng aking upuan. Nagbounce pa ng kaunti ang laptop ko sa lakas ng kanyang naging hataw.  "Kate, tama na," nadinig kong awat sa kanya ng isa pa naming kagrupo. Wala pa din akong kibo.  Pansin ko ang panay nilang pagsulyap sa aking direksyon. "Bitawan mo nga ako!" sigaw niya. Nag angat ako ng tingin at nahagip pa ng aking mga mata ang naging pagtulak niya sa kagrupo naming babae. Pathetic. Nanlilisik ang kanyang mga mata at lantaran na ang galit na gustong gusto niyang pakawalan sa akin.  "Just because you have famous friends doesn't mean na pwede kang mag galing galingan," napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. I know what she's talking about - ang mga Puntavega at si Dakota.  Dakota is a known force in this school. She doesn't have to say a word but any student would run away kapag nasulyapan ka niya ng matagal. She doesn't like talking with others at dahil sa natural na ganda at yamang mayroon ang kanilang pamilya ay marami talaga ang humahanga sa kanya. Idagdag mo pa na ang intimidating niya talagang tignan minsan. But behind that image, I knew how caring and loving she is especially with Chaese.  And I'm kinda glad I had the chance to be her friend, their friend, even the Puntavegas. Of course minus Aedree. That guy is a total pain in the ass. Para siyang asong panay ang buntot sa akin. And I don't even understand why. It's not that he likes me. Imposible. Besides, even if he likes me ay mababaog muna siguro ako bago ko siya magustuhan pabalik.  "I don't even understand why they are friends with you. Porke malapit ka sa girlfriend ni Chase ay feeling mo belong ka na? That girl too, she looks so plain I wonder kung ganoon lang talaga kababa ang taste ng mga Pu-" Bago pa siya matapos sa kanyang sasabihin ay dirediretso nang tumama sa kanyang mukha hawak kong ballpen. Wala akong pakialam kung saan tumama ag tulis noon. Basta sapol ang pangit niyang mukha ay okay na sa akin.  From the corner of my eyes I can see everyone in panic. Dahil ako, si Xantha Montano ay hindi kailanman pumatol sa kahit na sino. I'm known to be well reserved and I don't like getting too much attention. So yeah, what I did probably went out as a surprise for them.  Napangiwi ako ng pumailanlang ang nakakabinging ingay sa looib ng kwarto. Isang tili ang kumawala sa mabaho niyang bibig at ang mga kamay ay nakabuka na at hindi makapaniwala sa nangyari. Nanlalaki ang kanyang mga mata at bumukas sarado ang kanyang labi. Ang pangit talaga.  Napatingin ako sa ballpen kong lumipad na sa malayo.  Sayang naman. Madumi na tuloy.  Napapikit pa ako ng bahagya ng bigla na naman siyang tumili ng sobrang lakas. Nanlisik lalo ang kanyang mga mata.  Napailing ako. Bahala siya, mapapasma yung mata niya kakaganoon.  "Are you crazy?! Why did you do that?! I'm going to report you, you ugly freak! Wala ka talagang class! Bwisit ka! Oh my God, paano kung nagkasugat ang maganda kong mukha?" Panay ang hawak niya sa pangit niyang mukha at para naman siyang biglang nagpanic at agad naghanap ng kung ano sa kanyang bag. Magsasalamin pa siya? Hindi siya natatakot makita ang mukha niyang mukhang ruler sa sobrang tuwid? "Oh God! Paano na ako magugustuhan ni Aedree nito?" naiiyak niyang turan na panay ang tingin sa salamin. Kawawang salamin, walang magawa kung hindi magtiis sa mukha niyang wala ng pag asa.  Napaangat naman ang aking kilay ng tumingin ulit siya sa aking direksyon.  I'm a woman with few words. Kay Chaese lamang ako natutong mag open up nung minsang makatabi ko siya. I don't know why but her presence makes me feel so comfortable. And this ugly duck had the decency to call her ordinary. She's not ordinary at all. She's beyond that.  She can call me names or anything she wants but she can't say anything bad about my friends dahil sasabog ako. Sasabog din ang mukha niya dahil sa akin.  "You! You're doing this on purpose! You're sabotaging me para hindi magkagusto sakin si Aedree! Siguro ay patay na patay ka sa kanya kaya ganyan ka!"  Nagkibit naman ako ng balikat.  "Alin, yang mukha mong puro kanto? Isasabotage ko yan?" tanong ko sa kanya. Napasinghap naman siya ng ubod ng lakas at akma ng lalapit sa akin ng isang pamilyar na boses ang pumaibabaw sa pangit na boses na babaeng ito.  "Caitlin," Napalingon ang lahat sa simpleng pagtawag niya lamang sa pangalan ko. Ang seryoso niyang mukha ay sinalubong ang seryoso ko ding tingin. What is he doing here in my class? Napaangat naman ang aking kilay ng mapansin si Mark na hinihingal na sa kanyang likuran. Did he run to Aedree because of what I did? Napairap ako ng bahagya. Sumbungero. At bakit naman si Aedree ang tinawag niya? Sinimangutan ko si Mark na nag iwas naman agad sa akin ng tingin.  "If your class is done, let's go. Hinihintay na tayo nila Mattee," seryoso niyang turan. Unline how he usually is, ni hindi siya ngumiti ng sinasabi iyon. Galit ba siya? Napanguso ako.  "We're still talking here. Susunod na lamang ako,"  Nabuntong hininga ako ng hindi niya pakingan ang aking tinuran at tuloy tuloy na pumasok sa loob. Kitang kita ko pa ang pagbubulungan ng mga kaklase ko lalo na ng mga babaeng kilig na kilig habang nakatingin sa kanya. Ang rurupok.  "No. Binilin ka ni Andrea. Ang lakas ng tama ng baabeng iyon ngayon kaya hindi pwedeng hindi ka kasama. Isa pa ay dadaanan pa natin si Ayhessa na tulad mo ay ang tigas din ng ulo. Mga pasaway," turan niya tsaka dinampot ang aking mga gamit maging ang laptop na nakapaong sa ibabaw ng aking lamesa.  Napansin niya yata ang ballpen ko sa sahig at akmang dadamputin iyon ng pgigilan ko siya.  "Hayaan mo na yan. I don't keep dirty things with me,"  Natawa naman ang ilan kong mga kaklase na marahil ay naintindihan ang ibig kong sabihin.  I know I'm mean but I don't care. Naiinis ako sa kanya at naiinis din ako kay Aedree dahil bigla na lamang siyang sumusulpot na parang asungot sa buhay ko.   Nagkibit na lamang si Aedree ng kanyang balikat tsaka lumapit sa akin at iginiya ako palabas. But just right when we are about to pass the crazy girl, she called Ae's name.  "Aedree..."  Hindi naman siya pinansin ni Aedre at tuloy tuloy lamang na lumakad. Kawawa naman ang babaeng ruler.   Bago kami makalabas ay nilingon ko siya ulit at bahagyang ngumiti. "Fine, let's use your idea. Ikaw ang gumawa tutal naman ay mukhang ikaw ang magaling,"  Naiwan siyang nakaawang ang mga labi habang si Aedree naman ay hinatak na ako sa kaing kamay bago pa ako makapagsalita ng ikasasakit ng kalooban ng iba.  "Wala ka talagang patawad," umiiling niyang turan.  And so? Masama talaga ang ugali ko. Sa sobrang sama ng ugali ko, kahit nakukuha na kitang pakisamahan ay hindi pa din kita napapatawad. Hinding hindi kita mapapatawad Aedree Simon Puntavega. Not after what you did.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD