Babae...
"Ito, bagay sayo Jessa, sukat mo dali!" napapalundag pa si Andrea habang hawak hawak ang malaking cream na shirt na kakasya yata kay Julio sa sobrang laki, na agad din namang nahawi ni Bobbie. Sa laki ng pagkakangiwi niya, alam ko na agad kung ano ang naiisip ng loka.
Pangit.
"Huwag yan, ang pangit talaga ng taste mo Andeng, pang manang,"
Sabi na e.
"Try this instead. This looks classy," turan ni Dakota bago iniabot kay Ahyessa ang isang light blue ruffled dress na may bulaklak na design sa gitna. Elegante nga itong tignan at kung ako ang masusunod ay gugustuhin ko nang makita si Ahjessa na ito ang suot kaysa ang mga neon colors niyang damit na hindi ko alam kung saan niya ba binibili.
"Masyadong plain yan. This one will suit you the most!"
"Huwag yung kay Mattee, utang na loob! Kita na kuyukot mo dyan oh,"
"Oh God, you guys are exhausting to be with,
Napailing na lang ako sa naging pagrereklamo ni Ahyessa. Sambakol na ang kanyang mukha at parang nadedepress na sa sobrang gulo naming mga babae.
She's wearing a plain white shirt and a pair of black shorts na ipinilit pa namin sa kanya dahil ang walangya, nakasuot kanina ng neon green na pants. Muntik na talagang makulot ang bangs ko nang subukang magtago ng mga matanko sa lilim niya para makasurvive sa suot ni Ayhessa.
Nabinyagan niya tuloy ang kakabiling shorts ni Bobbie kanina na naunang nagshopping habang hinihintay kaming dumating. Nagkita kita lang din naman kase kami dito after ng class.
Kakain lang naman sana kaming mga babae ngunit ang naging ending ay ipinagshopping na lang namin itong si Ahjessa.
Okay na okay lang talaga sa akin dahil magkakacancer yata ako sa mata sa tuwing nakikita ko ang mga sinusuot niya.
"Matagal pa ba kayo?" napalingon ako ng magsalita si Cinco. Oo nga pala, nagpasundo ako sa suplado kong pinsan. Akala ko kase ay maaga kaming matatapos. Ayan tuloy nakanguso na, tapos pinagkukurot pa ni Andeng ang pisngi niya kanina. Muntik nang magwala ang tanga. Nagiging allergic na yata si Cinco kay Andeng dahil lately ay iba na din kung maggigil ang babaeng iyon.
He was leaning on the glass wall a few feet away from us. Magkakrus ang kanyang mga kamay at seryoso ang ekspresyon ng mukha. Kahit nakatayo lamang siya roon ay mahahalata mo pa din talaga ang pagiging suplado lalo pa't halos walang gusot ang white cotton shirt niyang suot na pinartneran niya ng itim na pants.
Aminin ko man o hindi ay mabilis talagang makahakot ng atensyon ang bwisit na mukha ng pinsan ko, kung kaya't hindi na ako nagtataka na madami ang napapahinto at panay ang lingon sa kanya.
Yeah right, wala rin naman kaseng pangit sa lahi namin.
"Huwag mo nga kaming minamadali Cinco. Gusto mo bilhan ka din namin ng clothes? Ang plain na din ng wardrobe mo e," si Mattee na nakangisi na sa pinsan ko. Napailing na lamang si Cinco at hindi na nagsalita pa. He knows he doesn't have a chance to argue with us. Mababaliw lamang siya. Sa halip ay dinukot nito ang teleponong nagriring. Probably one of the boys since walang nagsecellphone sa mga babae. Maalin sa kambal iyan na malamang ay hinahanap ang mga nobya nila.
Napasulyap akong muli sa aking telepono. Ten minutes nang lumipas simula ng matapos amg huling klase ni Aedree pero hindi pa din siya nagtetext.
Milagro.
Not that I'm complaining though. I'm just not used to it.
In our two months of being together, walang palya ang tukmol na yun sa pagbati sa akin ng goodmorning, goodnight, kain ka na, ano'ng ginagawa mo... Lahat yata ng messeges na pwedeng ikasimula ng conversation ay ginamit na sa akin ni Aedree.
Na madalas ay hindi ko din naman nirereplyan.
I don't like texting. Tamad ako. Literal na tamad na okay lamang talaga sa akin na itapon ni Cinco ang telepono ko nung nakaraan.
Plus, if Aedree wants to talk to me, hanapin niya ako.
Out of habit ay napasulyap ako ditong muli. Hindi naman sa hinihintay ko siyang magtext o tumawag pero naweweirduhan lamang talaga ako.
What is he doing?
Napakunot ang aking noo. Bakit parnag bigla akong naiinis?
Napapikit ako ng marahan. Hindi ko magawang makihalubilo ng maayos saa babae dahil iniisip ko kung anong ginagawa ng siraulong iyon.
"Kumalma ka Xantha. Huwag kang clingy, hindi ikaw ang patay na patay sa kanya," bulong ko sa sarili ko.
"Caitlin," napalingon ako ng tawagin ako ni Cinco. Nakakunot ang kanyang noo at napaayos ako ng bahagya ng tayo ng makita ang kanyang itsura. Kanina pa ba siya nakatingin?
"What?"
"Yung bunso ng mga tukmol pinapatanong kung alam mo daw ba kung nasaan ang kuya nila," nakapamaywang na ang isa niyang kamay habang ang isa ay hawak pa din ang kanyang telepono.
Napasulyap naman ako kaagad sa sarili kong phone.
Wala pa din.
Tuminin ako kay Cinco. "Bakit mo sakin hahanapin ang lalaking iyon e wala naman akong pakialam sa kanya?" naiinis kong sagot. Hinahanap din siya si Lexo? Nasaan na ang walanghiyang lalaki na iyan at nawawala.
Kapag nalaman kong may ginagawa siyang kagaguhan ay may pupuntahan talaga ang mukha niya sa akin.
Tumango tango lamang ang pinsan ko na dahan dahan nang lumalaki ang ngisi.
"Hindi ka naman naiinis masyado niyan?"
Tumalim ang aking tingin at nag angat naman siya agad ng mga kamay bilang pagsuko.
"Chill! Init masyado ng ulo akala mo nawalan ng dyowa," nakakaloko niyang asar.
Lalo tuloy kumulo ang aking dugo. He can't possibly know about my relationship with Aedree. Sa paraan ng pakikitungo ko sa lalaking iyon at imposibleng malaman nila. Not that I was acting whenever I show how much I hate him but, hindi sila normal kung malalaman nila. Ganoon ba ang magnobyo?
"Hindi ka titigil?"
"What? I was just teasing. You know, masyadong mainit lagi ang ulo mo kapag siya na ang pinag uusapan. Dala ba yan ng pagkasawi mo sa kanya sa una mong pag-ibig?" his brows were wiggling at umigting ang aking pangga sa inis na bumabangon sa aking katawan.
"I.don't.like.him" sagot ko sa halos magkadikit na mga ngipin. Napipikon na nan ako at hindi na ako natutuwa.
"Okay," he answered but the glint in his eyes makes me wanna ho and hit his face. Bwisit na Cinco! Huwag ka lang talagang magkakaroon ng babae at guguluhin ko talaga.
"Oh, I guess I already know why he can't be reached," bigla niyang turan. Ang ngisi sa kanyang mukha ay bahagya pang nakakakilabot at hindi ko nagugustuhan ang bagay na iyon.
"Kuya Ae!"
Parang biglang may lumundag sa loob ko ng madinig ako ang isinigaw ni Bobbie. Nadinig ko na din ang pagbati ng iba at halos lumabas ang puso ko sa aking dibdib sa sobrang lakas ng naging kabog nito. Napalunok ako agad at nag iwas ng tingin kay Cinco. He was raising his eyebrow as if trying to read my reaction.
I hate him.
"Caitlin," nadinig kong tawag ni Aedree ng hindi pa din ako lumilingon at wala din naman akong balak dahil lalo akong nainis sa kanya. Bakit siya biglang susulpot dito?
"Girlfriend mo yan Aedree?" tanong ni Cinco na sa akin pa din nakatingin. Para akong kinilabutan nang may madinig akong tumawa na ibang babae. Hindi sila Dakota iyon dahil hindi ako maiinis ng ganito kung pamilyar ang tawa niya.
Nagtama ang paningin namin ni Cinco na nakangisi pa din. Kung nakakasugat lamang ang aking tingin ay baka puro hiwa na ang kanyang mukha sa sobrang talim ng tingin ko sa kanya.
Bago pa ako nakapagprotesta ay hinawakan na ni Cinco ang aking balikat at walang kahirap hirap akong naiikot paharap sa kanila. Ang una kong napansin ay muling pagkakagulo ng mga babae sa pamimili ng damit, ang sumunod ay ang pagkakakapit ng kamay ng babaeng iyon sa braso ni Aedree. Kapit na kapit iyon na akala mo siya bata na mawawala dito sa mall kung bibitaw siya.
Ano, two years ka?
Napasulyap ako pataas hanggang sa magtama ang mga tingin namin ng babaeng kasama niya.
She was wearing a navy blue dress na humahapit sa balingkinitan niyang katawan. It was simple, something Dakota would wear pero siyempre mas bagay kay Dee iyon. Masyadong maiksi sa paningin ko ang suot niya lalo pa nga't masyadong maraming balat akong nakikita. Her face was okay. Maliit ang hugis ng kanyang mukha at bahagyang singkit ang mga mata. Her lips were a little plump that complimenta her pointed nose.
In short, may itsura.
But not prettier than me para mainsecure ako sa kanya.
"Hi, are you his friends?"
At malambing pa ang boses.
Yeah, I don't like her. Not one bit.
"Yeah, friends..." nadinig ko pang tumatawa si Cinco sa likuran ko and my hands balled into a fist. May masasapak talaga ako mamaya.
Napatingin naman ako sa direction ni Aedree na kanina pa yata nakatingin sa akin. Inayos ko ang ekspresyon ko at sinalubong ang kanyang titig.
Seryoso ang kanyang mukha na tila ba may hinahanap sa akin. Napaangat ang aking kilay.
"What?" I can't help but ask. Kaya pala di makatext dahil naglalandi. O sige, lumandi ka lang.
Ganito naman, I don't give any reaction kapag may kasama siya. I don't care. Kung gusto niyang maglandi, aba o de galingan niya. I won't let him break me. But I won't break up with him now.
"We're just here to buy a new phone. Aksidente niyang nalaglag ang akin at nasira. Sabi ko ay okay lang but she insisted," paliwanag niya na hindi ko naman sinagot dahil naagaw na ang atensyon ko ng paghaplos nung babae sa braso niya.
"Silly, I should do it for you. Besides, hindi pa ako nakakabawi sa ginawa mo last time. I enjoyed the chocolates," mahinhin niyang turan.
Napatingin ako agad kay Aedree na napahaplos sa kanyang batok, ang tawa ni Cinco sa aking likuran ay lalo yatang lumalakas.
Napahinga ako ng malalim.
Xantha, kalma. Huwag kang magagalit. Never kang nagalit.
Hindi ko alam kung bakit parang iba ang reaksyon ko sa babaeng ito. E ano ngayon kung binigyan siya ni Aedree ng chocolate? Dati naman ay wala akong pakialam kapag may nakakasama siya. O baka dahil hindi ko gusto ang kasama niya?
Oo tama. Ganoon naman ako, if I don't like the person, mainit talaga ang dugo ko.
Napatango ako at nginitian siya ng pilit.
"Oh, by the way, how rude of me. I forgot to introduce myself. My name is Xandria," bati niya tsaka iniabot ang kamay sa akin para makipagshake hand.
Napatingin ako doon bago inilipat ang tingin kay Aedree na hindi na yata mapakali sa kanyang pagkakatayo doon.
I stared back at the girl in front of me. Tuwang tuwa pa siya sa pagkakangiti niya sa akin. Napatingin ako ulit sa kanyang kamay na kanina pa nakaabot at naghihintay na kamayan ko.
Napangiti ako ng malapad bago siya tinignan.
"Xantha, nice meeting you," sagot ko bago humakbang at dirediretso silang nilampasan. Ang kamay niyang nakabinbin sa ere ay ni hindi ko pinagkaabalahang kunin. Nadinig ko si Cinco na panay na ang tawa sa likuran ko. Parang nakakarami na siya masyado ng tawa at kelangan ng bawasan.
Nadinig ko pa si Aedree na tinatawag amg pangalan pero hindi ko siya nilingon at tuloy tuloy lang sa paglalakad. Dumiretso ako sa mga babae na ang layo na pala ng narating at magugulo pa din.
I don't care kung maoffend siya sa akin. Hindi ako plastik at hindi ko ipipilit ang makitungo ng maayos sa mga taong ayaw ko.
And I don't like her.
Not one bit.
Magsama sila ni Simon.