Bakla...
"So she's not immune afterall. Sabagay, ang hot naman talaga ni Aedree,"
"Akala ko talaga si Enzo ang crush niya e,"
"Silly, I thought they were dating! Ang clingy niya doon di ba?"
"Ang ganda niya naman pero feeling ko hindi siya gusto ni Aedree. Ayaw noon sa masungit e,"
"I feel so bad. Kung hindi sila ni Enzo, mas malabo na maging sila ni Aedree. Ang perfect kaya ni Aedree!"
Nanggigigil akong nilamukos ang papel na kanina ko pa hawak. Halos manginig ang aking kalamnam sa galit at sobra na talaga akong naiinis.
Simula ng mabasa ni Aedree ang love letter na para naman sana kay Enzo ay kumalat na sa paaralan na may gusto daw ako sa kanya. Sigurado akong kasalan iyon ng lalaking may box na smile. Sobrang ibgay niya pati na iyong isa pang lalaki na palagi niyang kasama. Pipisain ko talaga ang kutong lupa na iyon!
Gigil na gigil ako at gusto ng isigaw na hindi ko type and dambuhalang pangit na iyon!
Sure he's handsome but in my eyes, walang lalaking makakapantay kay Enzo. At anong hindi ako magugustuhan? Ang ganda ko kaya! Baka nga siya pa ang magkacrush sa akin!
Speaking of Enzo, palagi niyang kasama lately ang kaklase kong may kasalanan ng lahat. If she didn't give me that damn letter ay hindi sana mangyayari lahat ng ito!
Ilang araw ko ng pinag iisipan kung paano sisirain ang pangit nilang relasyon. Hindi sila bagay! Pangit ang magiging anak nila!
"Pangit..." Nagngingitnit ako sa aking upuan at inis na inis na. Nang lumingon ako ay nakita ko pa ang babae ni Enzo na panay ang ngiti habang hawak ang cellphone niya.
Ano na naman ang pinag uusapan nila? Simula ng maging close sila ay hindi na kami nakakalabas ni Enzo.
It's so unfair! I had Enzo my whole life tapos bigla na lang siyang darating para agawain siya sa akin.
And Enzo, nakakatampo. Dati naman ay palagi lamang siyang nandyan para sakin. But the moment another girl catches her attention ay iiwan na lamang niya akong parang bula. Ganoon ba dapat?
"Catherine, susunduin ka ba ni Enzo mamaya?"
Napalingon ako ng madinig ang kaklase kong nagtatanong, isa ding pangit. Kalat na din sa paaralan na may namamagitan sa kanila. Siguro ay dahil halos sila na ang palaging magkasama.
Paano naman ako?
Nagtama ang mga mata namin ni Catherine bago bumalik ang tingin sa aming kaklase, " Siguro," nahihiya niyang turan. Muntik na akong mapairap sa sobrang pagiging pabebe niya. Kung hindi lang mahalaga sa akin si Enzo ay kanina ko pa siya naingudngod.
She knows that the letter Aedree saw was the one she asks me to give to Enzo. Nakita niya iyon pero wala siyang sinabi ng dumating sila. And it pisses me off! Dapat ay binanggit ko iyon pero pinigilan ko ang aking sarili. Ganoon pa din kase, malalaman din ni Enzo ang feelings niya. At least because of what happened, hindi ako nagmumukhang katawa tawa na nagkicling at broken hearted kay Enzo sa mga mata ng ilan.
Them knowing that I like someone lese kinda saves me from further embarrassment. Iyon lamang ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa katitohanang si Aedree ang parang sumasagip sa akin kahit pa nga wala oa talaga siyang ginagawa.
My eyes saw how she looks at me. I wasn't sure if it was just me but I really feel so indifferent about her. Hindi naman sa magaling akong kumilatis dahil ang tingin ko naman palagi sa mga taong nakapaligid sa akin ay pare-pareho lamang. Madalas ay lalapitan ka ng mga tao dahil may kailangan sila sayo. That's why I don't show people I am weak, dahil kapag mahina ka ay sasamantalahin ka nila.
Natapos ang klase ko na halos wala ako sa sarili.
You know that feeling when you are so down but you can't do anything about it? Ganoon kasakit ang aking pakiramdam. I felt betrayed.
Enzo is someone I cherish a lot at kahit pa nga guso kong sa akin lamang siya, I can't bear the fact that I would be the reason for his loneliness, kung kaya naman kahit pa nga gusto kong pilipitin ang leeg ng babae niya ay hindi ko magawa.
As much as I want him for myself, I don't want him to be sad because he's with me.
Malungkot man ay dumiretso akong muli sa library upang mapag isa. Sigurado naman akong hindi na naman ako sasabayan ni Enzo maglunch.
He's changed. Hindi na lang ako ang importante sa kanya. Parang wala na lang ako bigla sa kanya when he's almost my world to me.
Nang makarating ako sa library ay halos makunsumi ako bigla sa dami ng tao. May naggugroup study yata.
"Bakit sila nag aaral kung kelan lunch?" Napilitan tuloy akong lumabas at tumambay na lamang sa isang bakanteng lamesa sa labas. Tutal ay wala namang masyadong tumatambay dito.
Inilabas ko ang aking lunch box. My mom prepares my food dahil minsan ay wala siyang tiwala sa mga pagkain sa cafeteria. Kaya lang ay minsan ay doon din ako kumakain dahil wala namang baon si Enzo. I just don't want my mom to feel upset about it at masarap naman ang mga luto ni mommy kaya okay lang.
Tinusok ko ng tinidor ang ulam na niluto niya bago sinubo iyon. Inilipat ko na lamang ang atensyon sa librong binabasa ko.
I was too engrossed in the story that I was startled when I heard a few books getting dropped harshly on the table. Napaangat ako agad ng tingin at nakita ang dalawang lalaking parehong salubong ang mga kilay at masama na ang tingin sa akin.
"Kayo na naman?" naiinis kong turan. Why is my life always entangled with these kids?
"Crush mo talaga kuya ko? Ayaw ko sa'yo, mang aagaw ka ng pwesto!" singhal sa akin nong lalaking may maningning na nga mata. Katabi niya iyong madaldal na may boxy smile. Ito talaga, baka sila pwede kong ingudngod.
"Gusto mong tirisin ko kaya pareho?"
Nanlaki ang kanilang mga mata na bumakas sarado pareho ang mga labi.
"Bad ka talaga! Ang puti mo, para kang white lady!"
"Sige Kuya Ulap, awayin mo siya dali!"
"Ikaw naman mag isip Lexo, sumasakit ulo ko,"
"Maglaro na lang kayo Lexo at Ulap. Tigilan niyo siya, lagot kayo kay Kuya," nabaling ang aking tingin sa lalaking hugis puso ang labi. Kahit ilang beses ko na silang nakita ay nakakalimutan ko madalas ang kanilang pangalan, pwera siyempre kay Aedree dahil palagi na lamang siyang biglang sumusulpot sa amin ni Enzo. Napangiwi ako sa naisip. Come to think of it, palagi siyang lumalapit kapag kasama ko si Enzo, hindi kaya bakla siya?
Sa naisip ay bigla akong kinilabutan. Tamang tama naman na dumating siya at maingat na ibinaba ang nga gamit sa lamesa. Nang magtama ang aming mga mata ay agad niya akong nginitian. Napalunok ako.
I just noticed now but he really has a beautiful smile
"Kuya, alis ka dito. Crush ka niya aagawin ka lang niya sa amin," sa likod niya ay hinahatak siya ng lalaking tinawag kanina na Lexo. Tinutulungan din siya nung Ulap pero si Aedree ay hindi natinig. Sabagay ay ang tangkad tangkad niya habang yung dalawang kutong lupa ay hindi yata kumakain ng gulay. Ang sarap talagang pagtitirisin!
Nagsalubong ang aking mga kilay sa kanilang tinuran. Leche tong dalawa na to. Bakit palagi nilang pinapalabas na patay na patay ako sa kuya nila? Mga tyanak na to!
Yes he has a beautiful smile pero mas gwapo pa din si Enzo!
"Hindi ko crush kuya niyo no? Hindi naman siya gwapo!"
Nanlaki ang mga mata ni Lexo at binitawan ang kuya niya.
"Bawiin mo sinabi mo! Gwapo ang kuya ko! Gwapo siya sabi ni mommy! Isusumbong kita. Ate Grey di ba gwapo si kuya!" lumingon sa siya sa batang babae na kanina pa kumakain kasama noong lalaking halos wala ng mga mata kung ngumiti.
Dalawang lamesa kase palagi ang inooccuppy nila. Ngayon ko lang naalala na nandito din sila noong nakaraan.
"Sabi sayo Lexo pangit si Kuya Ae. Mas gwapo mga kuya ko,"
Nagulat ako ng parang maiiyak na si Lexo at nagsimula na silang mag away na dalawa.
Natawa naman si Aedree at umupo na lamang sa bakanteng upuan sa aking harapan.
Pinanuod ko siya habang inilalabas ang mga baunan sa lamesa.
Napanganga ako ng mapansin halos puro pink ang mga iyon.
"Kuya pengi ako," lumapit ang isa pang lalaki sa amin at nginitian lang siya ni Aedree.
"Hindi ka ipinagluto ni tita, Julio?"
"Pinagluto pero kinain kanina ni Milan sa klase," dumampot siya ng tatlong hotdogs at binuksan pa ang ibang mga lalagyan. Bakit ang dami nilang pagkain? Parang fiesta, anim na putahe ng mga ulam ang nakalatag sa lamesa
Mabilis ding nakalapit ang babae kanina at umupo na lamang basta sa tabi ko. Ni hindi niya ako tinignan at nagsimula na lamang kumain.
"Grey, dahan dahan," saway dito ni Ae pero ni hindi siya sumagot. "Nasaan si Yelo?"
"Lumabas ng school kuya. Hinatidan sila Dakota ng food sa kabilang school. Bakit ba hindi pa sila dito nila Mattee nag aral? Kawawa naman si Kuya palagi naghahatid ng pagkain," ungot ni Ulap.
Napaangat ako ng kilay. Sa kabilang school? May all girls school kase sa kabila. Paano nakakapasok doon iyong Yelo?
Oh well, mukhang kailangan kong maghanap ng ibang pwesto. It looks like they won't leave this place.
Isinara ko ang aking libro ngunit nagulat ako ng bigla na lamang niyang lagyan ng ulam ang aking baunan.
"Try that. Masarap si manang magluto," nakangiti niyang turan. He was smiling at me so brightly like he did something special.
Anong trip ng lalaking ito? Feeling niya ba ay mauuto niya ako sa pagngiti ngiti niya?
Nagsalubong ang aking kilay at tinignan siya ng masama.
"What are you doing?" naiinis kong tanong. Feeling niya ba ay may gusto talaga ako sa kanya? Pinagtaasan ko siya ng kilay at sinimangutan.
"Feeding you? There's nothing wrong in sharing what you have. Marami naman kaming pagkain,"
"No thanks. Sa ibang lugar na lang ako kakain. I don't like the ambiance here, ang baho,"
"Ayan Ulap! Sabi sayo palagi kang maligo huwag wisik wisik lang!"
"Naligo ako kuya Julio! Ikaw nga hindi ka naligo nung isang araw. Pareho pa din suot mong brief!"
"Hoy naligo ako! Pareho lang kulay ng briefs ko, tukmol ka!"
Napaawang ang aking labi sa sobrang foul ng mga bibig nila. Oh my God!
Mukhang napansin naman ni Ae ang pagiging uncomfortable ko at itinaboy ang dalawa.
"Pasensya ka na sa mga pinsan ko. Ganyan talaga kami. We tell each other things,
Napangiwi ako, "I noticed,"
Nagulat ako ng biglang dumampot ng ulam sa lalagyanan ko ang babaeng katabi ko.
Natawa naman si Ae, "Grey, magpaalam ka muna,"
Nag angat ng tingin ang tinawag niyang Grey, "I like her food. Palit na lang kami," mabilis niyang nadampot ang ulam ko at inilapat ang baon nila sa aking harapan. Ni hindi na ako nakakibo at gulat na gulat na.
What's with this family?
Napatingin ako sa mga babaeng dumadaan na agad nanlaki ang mga mata ng makitang kasama ko sila Aedree. Nakilala ko pa ang isa na kaklase ko.
"Hala, kasama nila si Xantha!"
"Oh my God, they're eating together!"
Hindi ki na sila nilingon at hinayaan na lamang silang tanawin kami. I don't want to look like kawawa dahil I'm sure magkasamang kumakain sila Enzo at Catherine. I'll stay here instead at pagtityagaan ang mga kutong lupa na to. Besides, it doesn't kook like they care that much. Mukhang wala silang pakialam sa paligid nila.
Imbes na umalis ay napilitan na din akong manatili dahil nasa babaeng tinatawag nilang Grey ang baunan ko. And I was a little hungry so I just decided to eat too. Hindi ko na lamang sila kinausap at nagfocus na lamang din sa binabasa ko.
The entire time I was with them ay kung ano ano na din ang napansin ko. Ulap ang Lexo always plays together at palagi silang binabantayan noong si Chase na kakambal pala ni Ulap. Iyong Julio ay nakaupo lamang at nagbabasa habang si Grey ay nakaupo lang katabi ni Chase. Aedree sat silently in front of me, eating heartily. Ang takaw niya pala. Buti hindi siya tumataba.
Sitting here so close to him gives me the chance to study his face. Matangos ang kanyang ilong at maningning ang kanyang mga mata. Bagsak ang kulay itim niyang buhok at kahit hindi ko hawakan ay halatang napakakinis ng kanyang balat at halos mamula mula na din iyon, mukhang hindi sanay ng pinapawisan. And his lips, they are so plump and red, na parang palagi pang basa na sobrnag moist.
How does he maintain that kind of look?
Hindi kaya bakla talaga siya kaya maalaga siya sa kanyang sarili? Isa pa ay nadinig ko na hindi siya nanliligaw dito sa school.
"Are you gay?" hindi ko napigilang itanong. Napaangat siya agad ng tingin at napaawang ang mga labi. Parang gulat na gulat sa aking sinabi.
Napapalatak ako. Siguro nga ay bakla siya. Napalingon ako sa paligid at nagkibit ng balikat.
"Wala namang nakarinig so it's okay," bulong ko bago nagsimula muling kumain. Okay lang naman kung bakla siya. I don't judge people's s****l orientation.
Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang natawa.
"What made you think that I am gay?"
Nag angat ako ng tingin at sinalubong ang mapanghusga niyang titig. Sa hindi malamang dahilan ay para akong kinabahan. Masyadong malalim ang kanyang tingin, taliwas sa nakasanayan kong nakangiti niyang awra kapag nakikita ko siya.
Napalunok ako.
"Ju-just my guts," nauutal kong turan. Pinagalitan ko ang aking sarili. Bakit ba ako nauutal?
He tilted his head but looked down on his food once again. "Kung ganoon ay hindi ka magaling kumilatis," bulong niya. I saw the corner of his lip twitch. Is he smiling?
He lifted his gaze and our eyes met. Nagulat ako ng bigla na lamang niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at para akong nanigas at hindi man lang nakuhang gumalaw para lumayo sa kanya.
Bigla akong pinagpawisan, ang malakas at mabilis na t***k ng aking puso ay halos makapagpabingi na sa akin!
"If I kiss you right now, will that prove my masculinity?" paos niyang turan. Ang kanyang tinig ay para nang nang aakit at sa aking paningin ay parang namumungay na ang kanyang nga mata. His expression softened at hindi ko na maintindihan ang nangyayari.
What the hell is happening to me?
I watch as his other hand reaches for the corner of my lips and brushes whatever is on it.
Kitang kita ko ang naging pagkagat niya ng kanyang mga labi at nagpapasalamat ako dahil nakaupo ako dahil pakiramdam ko ay nanghihina na ang aking tuhod sa sobrang kaba.
"Just because I don't date doesn't mean I'm not interested with girls. I just know what my priority is. Bata ka pa Xantha, you'd undertanstand soon..." bulong niya at halos mapatid ang aking hininga ng ikawit niya sa likod ng aking tengga ang ilang hibla ng aking buhok na kanina ay nagsasayaw lamang sa gilig ng aking mukha.
With a cheeky smile on his face, he sat back down and started eating again. Parang wala siyang ginawa at ako itong basta na lamang niyang pinaglaruan.
Napahawa ako sa aking dibdib at ramdam pa din ang malakas na t***k nito.
I saw him smirk after seeing what I am doing at parang umahon lahat ng dugo sa aking ulo.
Is he playing with me?
"Jerk!" naiinis kong turan bago ko pinagdadampot na ang aking mga gamit. Pati ang baunan ko na kanina pa walang lamang dahil iniwan na lamang iyon ni Grey ng maubos niya iyon.
Babalik na ako sa room tutal naman ay matatapos na ang lunch time.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata ng mapansin na pinapanuod niya ang aking ginagawa.
"Gusto mo bang ihatid kita? You know, coz those people probably thought something is going on between us. Kanina pa sila kumukuha ng picture," inginuso niya ang mga babeng kanina pa pala nasa amin ang mga atensyon at parang mas lalo akong nainis. Napansin ko pa na nandoon na din si Catherine at lantaran kaming tinitignan.
Nilingon ko siya muli tsaka inirapan. "Don't bother. Hindi kita type. Ang baho ng hininga mo!" nanggigigil kong turan sa kanya bago siya tinalikuran. Dinig na dinig ko pa ang malutong niyang tawa na parang musika sa aking pandinig.
Nakakainis, bakit pati ang tawa niya ay ang sarap pakinggan?
Baon ang ngitngit sa Puntavega na iyon ay mabibigat ang hakbang na bumalik ako sa loob ng classroom.
Bwisit. May araw ka din sa akin Aedree Puntavega!