13

2232 Words
Pakialam... Mabilis ang naging paglipas ng mga araw. Sinasamahan pa din naman ako ni Enzo but there are times when we were in the middle of something pero bigla na lamang siyang aalis dahil nagmessage ang babae niya. It's so f*****g painful. Ang sakit sa pakiramdam ng iniiwan ka sa ere. Inisip ko kung may ginawa ba akong mali at bakit halos kalimutan na niya ako. But never once did I told him about it. Ayokong bigla siyang mag isip. I don't like making people choose. May mga araw na sobrang lungkot ko na lang talaga to the point that my Mom would visit me inside my room and ask if something is bothering me. Medyo busy sila ngayon dahil may relocation na nangyayari sa company kung saan executive si Dad. Hindi ko na din masyadong inintindi dahil sarili ko nga ngayon ay hindi ko na din maintindihan. Sinasabi ko na lamang na stressed lang ako sa mga lessons sa school kahit na sa totoo lang ay wala lang naman iyon sa akin. Iyong mga tao sa school ang totoong nakakastress. I am not used to this, yung binabalewala ako...yung hindi ako binibigyan ng atensyon lalo pa nga at nasanay ako na ako lang ang kasama niya. Ngayon ay parang pangalawa na lamang ako sa lahat ng bagay. And I hate that, I hate being the second best. I hate being an option. Hindi ko na lamang din pinapansin ang mabilis na pagkalat ng tsismis na kami ni Aedree. Wala akong pakialam sa bwisit na yun. Pero siya, he seems like he's enjoying it. Kapag nakakasalubong niya ako ay ginugulo niya ang aking buhok, bagay na ikinaiinis kong talaga. I know he's using me to stop his admirers na lapitan ang mga kapatid niya. Nung minsan kase na nakasabay ko na naman silang kumain ay pinapatahan ni Ice si Alexo dahil panay ang iyak nito. Sabi ni Ulap ay may pangit daw na babaeng lumapit kay Alexo at pilit na hinihingi ang number ni Aedree. "Tell them I already have a girl," Iyon ang naging turan ni Simon habang nakatingin sa akin. Pagkakita ko pa lang ng malawak na ngisi na nakapaskil sa pangit niyang mukha ay muntik ko na talagang natusok ng tinidor ang kamay niya. Alam kong iniinis niya lamang ako at lantarang ginagamit para tumahimik nag buhay nila sa magpipinsan. Ganyan siya, manggagamit. Madaming may alam na masama ang ugali ko though hindi naman lahat ay nag iingat sa akin. Wala pa naman akong tinutusok ng lapis dito, bagay na ipinagpapasalamat ni Mom. Ang ikinaiinis ko ay kila Ulap niya pa talaga sinabi ang bagay na iyon e parang lobo din ang utak ng bansot niyang pinsan. Iniyukyok ko ang aking pisngi sa pahina sa ng libro habang nandirito ako sa library. Naging routine ko na din ito, ang tumambay sa library dahil ayaw ko talagang sumasama kila Enzo kahit pa nga niyaya niya ako. I don't want to see him being all sweet with that girl at baka ano pa ang magawa ko sa babae niya. "I'm so bored..." bulong ko sa aking sarili. Wala ako sa mood na tumambay sa labas dahil siguradong makikita ko na naman iyang sila Ulap. Palagi kong nakakaaway ang bansot na iyon tsaka si Alexo. Gusto ko silang tirisin lagi at palagi din silang nagagalit dahil inaagaw ko daw ang kuya nilang pangit. There are times when I'm okay with being with them pero madalas ay gusto kong mapagisa. Like now. "Andito na naman siya? Feeling ko talaga totoo na yung tsismis na iniiwasan na siya ni Enzo. Crush niya iyon sabi ko sa inyo e!" Napapikit ako sa nadinig. Wala talaga ako sa mood magpapatol ngayon. Isa pa ay wala namang bago sa mga nadidinig ko. Ang tagal ko na yang nadidinig. "E ano ba sila ni Aedree? My God hindi naman siya kagandahan para malink sa dalawang sobrang gwapong lalaki!" "Oo nga, e wala naman siyang puwit!" Parang biglang may nagspark sa utak ko at gusto biglang magwala. Napalingon ako sa gawi nila sa nadinig at halos masamid ang isa sa sobrang sama ng aking naging tingin. Kung may gadget siguro na nakakakita ng evil enegry na lumalabas sa akin baka nagtatakbo na sila sa sobrnag takot. Mabilis pa sa alas kwatro na nakaliko sila at nawal sa aking paningin. Napaayos ako bigla ng upo at talagang malalim na agad ang iniisip. Wala daw akong puwit? Bigla akong naconscious sa sarili ko. Wala ba? Simula't sapol ay maalaga ako sa aking sarili lalo pa nga sa aking katawan. My Mom buys me all the necessitoes that I need. Hindi ko pinapabayaan ang aking katawan. Babad ako sa gatas minsan kapag naliligo lalo pa nga't ganoon ang gusto ni Mommy! Bigla akong napaisip. Kaya ba hindi ako gusto ni Enzo? Parang gusto ko biglang mag body check. Nung huling tingin ko sa salamin ay okay lang naman ang tingin ko ah. Una kong sinilip ang aking dibdib. "Meron namang konti ah? O kelangan ko bang maglagay ng padding? Pero wala akong mga ganoon!" hindi ko mapihilang ibulong sa aking sarili. Napahawak ako sa collar ng aking damit at talagang sinilip ang aking dibdib. May kaunti namang umbok ah? "Ay wait, yung puwitan ko," Tatayo na sana ako para naman silipin ang aking likuran nga may isang kamay na pwersahang itinulak ang aking ulo pababa kung kaya't napabalik ako sa pagkakaupo. Sa sobrang gulat ko ay napahawak ako agad sa lamesa. "Huwag mo ng silipin. Luka-luka ka ding babae ka e, ano?" parang bigla naman akong kilinlabutan at napalingon na agad sa aking kanan nang madinig ang boses ni Aedree. May bitbit siyang baunan at isang libro na ipinatong niya agad sa lamesa. Salubong na ang aking kilay at nadinig ko na naman ang bulungan ng ilang estudyante katulad ko ay sa library piniling mag lunch. Buti na lang din talaga ay hindi bawal sa eskuwelahan namin ang kumain sa loob ng library, basta iingatan lang namin ang mga libro. Sinimangtan ko siya at padarang na inalis ang kanyang kamay na hanggang ngayon ay nakapatong sa aking ulo. natawa naman siya sa aking inasal. "Bakit ka nandito? Don ka nga sa mga pinsan mong bansot," bulong ko bago inabot ang isa kong ballpen na nakapatong sa lamesa. Tusikin ko kaya tong pangit na to? Kahit one time lang, kahit makarating kami sa guidance. Sasabihin ko na lang kay mom na nagdilim ang paningin ko tapos hindi ko sinasadya. Oo, ganoon na lang. Nagulat ako ng kuhanin niya sa aking kamay ang ballpen kong hawak na tila ba alam ang aking iniisip. "Your face screams death. Pinag iisipan mo ba akong saksakin ng ballpen, ha, Caitlin?" Nanlaki agad ang aking mga mata. "Hala! Bakit mo alam?" natakpan ko pa ang aking labi sa gulat. May powers ba tong pangit na to? Napailing na lamang siya bago kinuha ang baunan at binuksan iyon. Sa kanyang bulsa ay ang lalagyanan niya ng cutleries. Ako naman ay muli na lamang ibinaling ang aking tingin sa librong hindi ko naman talaga alam kung ano at basta ko na lamang dinampot kanina. Wala din akong dalang baon ngayon dahil sinabihan ko ang kasambahay naming huwag na lamang dahil bibili na lang ako. Which is hindi ko din naman nagawa dahil wala naman akong gana. Nagulat ako ng biglang tumama sa likod ng aking kamay ang baunan ni Aedree. Napalingon ako agad sa kanya. "Eat, mangangayayat ka. Lalo kang magmumukhang pader kapag hindi ka kumain. Mauubos iyan, sige ka," pananakot niya. Umawang ang aking labi sa kanyang tinuran at para nang may kung anong biglang humalukay sa aking tiyan. Gosh, nadinig niya ba ying sinabi ko kanina? Napatakip ako sa aking mukha dahil sa sobrang hiya. Nakakainis! Siya na lang kaya ang una kong tirisin? Muli siyang tumawa at gusto ko lalong magwala dahil parang habang tumatahal ay nasasanay na akong pakingan ang tawa niya. Naramdaman ko ang pagbaba ng aking kamay mula sa kanyang pagkakahatak at ang kanyang ngisi ang tuluyang sumalubong sa akin. "Kakain ka ba o susubuan kita? Ikaw ang bahala, Caitlin. Sobrnag daming nakatingin mababalita ka na naman," "Matagal na akong nababalita dahil sa inyong magpipinsan. Hindi na iyon bago," "Oo nga, so kumain ka na," "Ayoko! Mamaya kung ano pa ang inilagay mo dyan!" Sinulyapan ko ang pagkain inilatag niya. So he's into Japanese Cuisine too? Napalunok ako. Japanese bento for lunch? Bakit parang bigla akpng nagutom. Naakit ako bigla sa amoy ng Onigiri rice balls na nakabilog lang nang katamtamang laki at para bang inisip talaga nito ang kakain. Sanay kase ako sa malalaking ganoon. Ang ganda din ng kulay ng pagkakaluto ng tonkatsu sa gilid niya. Meron ding dalawang malaking tonkatsu rice balls na diretso. I saw a few colorful side dishes but doon talaga ako natakam sa Onigiri rice balls natakam at sa tonkatsu. "I hope you lile sha-ke and tuna mayo. Yan lang ang ginamit ko sa onigiri rice balls. Kung hindi ka kumakain niyan ay yung tonkatsu na lamang ang kainin mo. Or anything, pwede tayong bumili ngayon para makakain ka," Halos tumulo na ang aking laway sa mga sinabi niya. Hindi ko ba alam kung itutuloy ko ang balak kong pagsaksak sa kanya ng ballpen o yayakapin ko soya dahil sa dala niyang biyaya ng langit. Hindi ko sigurado kung dala ng sobrang gutom o talagang wala na ako sa aking sarili pagkat nadampot ko na din agad amg apres ng chopsticks na mayroon sa tabi ng baunan at talagang walang pag aalinlangang kumuha ng onigiri balls. Nakakailang nguya pa lamang ako ay halos lumuwa na ang aking mga mata sa sobrang sarap. Napakamalasa noon ngunit hindi din naman ganoong kaalat. Tamang tama lang. Sa sobrang sarap ay napapikit pa ako ng kusa. Nang maubos ay dumampot pa ako ng isa at sumubong muli. Tinuhog ko agad ang isang slice ng tonkatsu at nilantakan din iyon. A soft moan escaped my lips as soon as its taste exploded on my taste buds. Sobrang gutom na pala yata talaga ako. Dadampot pa sana ako agad ng isa pa ng bigla niyang pigilan ang aking kamay, salubong ang kanyang kilay at tila ba may kung anong iniisip. "Slow down Caitlin. Sasama ang tiyan mo niyan. Hindi ka ba kumain kaninang break time?" taka niyang tanong at dumiretso lamang ako ng iling. Lalo.lamang kumunot ang kanyang noo. "Silly. Ubusin mo muna iyang nasa bibig mo bago ka sumubo," utos niya. Masyado na akong madaming iniisip kung kaya't hindi ko na nagawa pang magprotesta. Isa pa ay kanya naman itong pagkain. Baka magbago pa ang isip niya at bawiin ito bigla. Napansin ko naman ang pagtitig niya sa pagkain. Nilunok ko ang pagkaing kanina ko pa nginunguya. Shit. Baka hindi pa nga pala siya kumakain... He released his hand from mine at mas lalo akong nakonsensya. Bakit nga ba hindi ko agad naisip na lunch niya din at baka ito talaga ang lunch niya at shinare niya lang sa akin? Nakagat ko ang pang ibaba kong labi at napatitig na da kanya. He was now staring at the book in front of him and I was able to see how flawless his side profile is. Palagi kong sinasabing pangit siya pero kung sinabi ko siguro ang bagay na iyon sa ibang tao ay baka pagtawanan lamang ako. Napanguso ako. Bahala na nga. Dumampot ako ng isang onigiri rice ball at maingat na inilapit ito sa kanyang bibig. Mukhang nagulat naman siya sa aking inasal at napatingin pa sa akin. Tumaas ang kanyang kilay at halatang hindi makapaniwala. "Kainin mo na at nangangawit ako," kunwari ay pagsusungit ko upang mapagtakpan ang hiyang unti unti kpng nararamdama. Slowly, a beautiful smile formed on his lips. Naging malawak ang ngiting iyon na nakapagpatigil sa akin. What the hell? Sa sobra kong pagkatulala ay nanginig pa ang aking kamay ng lumapit siya at sinubo ang pagkaing kanina ko pa inilalapit sa kanya. At kung hindi pa sapat ang pagkagulat ko sa magandang ngiting kanyang pinakawalan, ang sumunod naman niyang ginawa ang halos makapagpanganga sa akin. Suddenly, his right hand reached for the side of my lips and brushes something on it. Wala na akong paki kung yung tuna mayo ba yon o kung may kanina ba na naiwan sa gilid ng labi ko. Ang nakakagulat ay ang biglang pagseryoso ng kanyang mukha habang sinisigurado nitong wala na ang kahit naong dumi sa mukha ko. He was looking at me in pure sincerity, walang halong pang iinis tulad ng aking nakasanayan. He was looking at me like...he cares... Bigla tuloy pumasok sa aking isipan kung paanong sa ilang linggo na hindi ko kasama si Enzo, sa mga panahong iniiwan niya akong mag isa ay si Aedree ang biglang sumusulpot para samahan ako. He's always the one who's there whenever I am alone. Bakit ganoon? Bakit para siyang may pakialam? His eyes caught mine. And for a moment, my heart stopped beating when a genuine smile took over his seripus expression. Aedree Simon Puntavega, may pakialam ka ba talaga sa akin? I was too engrossed with my own thoughts na halos mapatalon ako sa sobrang gulat ng may biglang sumigaw. "Huli kayo! Dito pa kayo nagdedate ha!" "Kuya penging Tonkatsu!" Halos magpanting ang tengga ko ng madinig ang dalawang bansot at ang boses ng librarian na pinagalitan sila dahil sa ginawa nilang pagsigaw. Mga walangya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD