11

1718 Words
Transfer.... "Enzo, let's go na!" nakasimangot kong tawag sa kanya. Kanina pa siya nagsecellphone at naiinis na ako. Hindi niya ako sinamahan kanina sa bahay so I had to cross a few blocks para siya na ang sunduin ko. It's Sunday kaya pupunta kami dapat sa park sa subdivision like how we always do. But he is acting so weird lately. He was sitting on the couch, eyes still focused on his phone. Nakabusangot na ang aking mukha. "Why are you so busy with your phone ba? It's not like you have friends to chat with. Tayo lang ang friends di ba?" naiinis kong turan. I was sitting beside him pero nakaslant ng bahagya ang kanyang phone so hindi ko makita kung anong ginagawa. Is he watching p**n? Nanlaki naman agad ang aking mga mata sa naisip. Oh my God, hindi pa ako ready sa mga ganoong topic! Nag iwas ako agad ng tingin at nilaro laro na ang aking mga daliri.  But he's really busy. Imposible naman na any kausap siyang girl dahil wala namang lalapit sa kanya sa school because everyone knows he's always with me. And they don't usually talk to people associated to me. "Who are you texting ba?" hindi ko na napigilang itanong. Mukhang ngayon niya lang yata narinig ang sinasabi ko dahil noon lamang siya napatingin sa aking gawi.  And when he did, my eyes caught a glimpse of his phone. Facebook? And is that a profile of a girl? Parang biglang may lumukso sa loob ng aking tiyan at bigla na lamang akong kinabahan. Parang kilala ko iyon. Kaklase ko yata iyon ah! "Sorry, I was chatting with someone," nakangiti niyang turan. Agad akong napanguso. Kailan pa siya nahilig sa pagchachat? "Why? Do you have a project? It's weekend. No school activities tayo di ba?" ungot ko sa kanya.  I don't like this feeling. Parang nagiging ibang tao siya. Lately ay napapansin ko ang pagiging busy niya sa kung ano anong mga bagay at parang wala na siya na din siyang panahon para sa akin. Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na para bang wala na lang ako sa kanya.  Hindi na ba ako mahalaga sa kanya? Is there another girl in her life? Nangilid ang mga luha sa aking mga mata at halos manikip na ang aking dibdib sa sama ng loob.  Wala dapat ibang babaeng umagaw ng atensyon ni Enzo sa akin.  He's mine. Sa akin lang dapat siya. Akin lang. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at nagsimula ng umiyak. Para naman siyang biglang nataranta at nabitawan ang hawak na phone. Sisirain ko talaga iyang cellphone na yan! "Bakit ka umiiyak? Tahan na..." napalapit siya agad sa aking inuupuan at mabilis na pinunasan ang mga luhang mabilis ang naging pagpatak sa aking mga mata.  "Sorry na," ako niya kaagad sa akin tulad ng madalas niyang ginagawa kapag umiiyak ako. "Ayaw! Di ako tatahan!" away ko sa kanya at patuloy pa din sa pag iyak. Hindi na kami nakalabas dahil puro pagdadrama lang ang inatupag ko hanggang sa maiuwi niya ako sa bahay namin. Nagtaka ang mommy ko dahil namumugto daw ang aking mga mata. What's even worse is that Kuya Cinco came. Baka ba iba ang bakasyon sa US?  Pagkakita niya pa lang sa itsura ko ay nilait niya ako agad. Ang bad niya!  Sa kakaisip na mayroon ng ibang babae si Enzo ay halos hindi ako nakatulog kagabi. Kaya tuloy parang pinisa ng kabayo ang mata ko nang pumasok ako sa school. Inabutan na ako ng lunch ng wala halos pumasok sa isipan ko kung hindi ang babae ni Enzo. Tama ako, kaklase ko nga ang nakita ko sa phone ni Enzo. Hindi ko nga matandaan ang pangalan noon! Mabuti na lang at wala kaming naging quiz kung hindi ay masisira ang buhay ko!  May matutusok na talaga ako ng lapis Imbes na pumunta sa cafeteria tulad ng aking nakagawian ay tumambay ako sa library. Mahirap na. Kaklase ko pa naman iyon. Baka masakal ko lang. Isinubsob ko ang aking mukha sa libro at doon ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Sasakalin ko talaga ang sinumang lalapit kay Enzo. I was so busy thinking of ways on how to dissect that girls eye when I heard the sound of my phone ringing. Napanguso ako ng makita ang pangalan ni Enzo.  Ano namimiss mo ko no? Napanguso ako bago sinagot ang tawag. "En-" "Cait, hindi kita masasabayan umuwi mamaya ha," putol niya agad sa akin. Parang may tumambol na ubod ng lakas sa loob ko at para na akong nauubusan ng lakas. Nanginig agad ang aking labi at para na naman akong maiiyak.  I felt betrayed.  Bakit? Bakit hindi siya sasabay sa akin? Bago pa ako nakapagsalita ay namatay bigla ang tawag. Pag tingin ko ay nalobat na pala ang phone ko. Hindi ko kase naicharge kagabi kakaisip. Tatayo na sana ako ng may biglang kumalabit sa akin. Paglingon ko ay halos manggigil ako ng makilala ang kaklase kong kanina ko pa iniisip kung paano gigilitan sa leeg. "Hi..." nahihiya niyang turan. Her sweet smile made me tilt my head for a moment. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay at gusto kong magtaas ng kilay.  Huwag kang magpasweet sakin at baka talaga mag init ang ulo ko. "O?" sinikap kong maging normal ang aking boses pero para talagang gusto ko siyang tirisin. At nakangiti pa din siya! Dumako ang aking tingin sa kanyang kamay, isang pink na sobra ang tumambad sa aking mga mata.  "Xantha, alam ko kase na close kayo ni Enzo, pwede bang pakibigay sa kanya?" nahihiya niyang turan. And what, namumula ba ang pisngi niya?  Parang umahon ang dugo sa aking ulo at gusto ko ng sumabog. Inabot ko iyon mula sa kanya at pinigilan ang aking sarili na sabunutan ito.  Nginitian niya ako ng ubod ng tamis at nagpasalamat. Isang tipid na ngiti ang aking iginawad at para na siyang nanalo sa Lotto at mabilis na nakaalis sa harapan ko. Bwisit na yun. Hinanap niya pa ba ako dito sa library. Tinitigan ko ang pink envelope na bigay niya sa akin.  "Bwisit ka. Ginawa mo pa akong messenger. Hintayin mo talaga sasakalin kita!" nanggigigik kong turan. Nanginginig ang aking kamay at gusto ng punitin ang hawak. A smirk came out of my lips. Akala mo naman ay ibibigay ko ito kay Enzo? Manigas yang kilay mong babae ka. Nilukot ko sa aking kamay ang envelope na hawak at nagmartsa palabas ng library. Titig na titig pa din ako doon at gusto na talagang punitin.  Itatapon ko na lang pala! Nang makalabas sa building ay agad akong lumiko sa pathway pabalik sa classroom ko. "How dare her! Akala niya ba bagay sila ni Enzo? Hindi sila bagay! No!" Himinto ako sa paglalakad at nagpapadyak sa sobrang inis. "No!!!!" sigaw ko bago ihinagis ng malakas ang envelope na hawak. Hinihingal ako sa sobrang galit. Sa sobrang inis ay umupo ako sa sahig at ikinukong ang aking mukha sa aking mga kamay. Iiyak ako dito! "Aww, binato mo ba ako Ulap?" "Wow kuya, galing mambintang. Paninirang puri kaya yan!" "Huwag kang ambisyon Ulap, wala kang puri. Putok baka meron," "Damit mo kaya suot ko minsan kuya Julio. So may putok ka?" "Your smile filters my mood, like a galaxy my eyes are full of stars because of you..." "Love letter yata to kuya.  Baka para sayo, sayo tumama e," Napakunot ang aking noo sa nadinig. Love letter? Yun bang itinapon ko iyon? "Kuya Ae siya nagtapon o! Bad siya, nagkakalat," "Gold huwag ka ngang magbounce nahihilo na ko sayong lintik ka. Dun ka nga sa tabi ng kambal mo!" "Kuya Ice di ko bati," Napasulyap ako sa kanilang gawi at bahagyang natigilan.  Sila na naman, yung mga Puntavega na hindi mahilig makihalubilo sa iba.  "Xantha?" natingin ako sa gawi nung si Aedree. Nakatingin na siya sa akin at sa kanyang kamay ay ang pink envelope na itinapon ko kanina. He lazily walked towards my direction, eyes focused on my form. Nakaupo pa din kase ako at mayroon pa ding luha sa mga mata. Napalunok ako sa kanyang naging paglapit. Mabuti na lamang ay hindi sumunod ang mga pinsan niya kung hindi ay madaming makakapansin sa itsura ko. Nagulat ako ng umupo din siya sa aking harqaan upang kami ay magpantay. He smiled at me and I was at a loss for words.  Bakit ang ganda niya yatang ngumiti? Ang puti puti niya at sobrang tangos pa ng ilong. Come to think of it, he really is handsome but I was too focused on Enzo that I fail to acknowledge the good looks their family has. Wala naman talagang maitulak kabigin sa kanilang magpipinsan. "May umaway ba sayo?"  Nakagat ko ang pang ibaba kong labi sa kanyang naging tanong. Bakit ganoon? Bakit parang nag aalala siya sa akin? "Cait?" napalingon ako ng may biglang tumawag sa aking pangalan.  Napatayo ako bigla ng makita si Enzo. He was smiling at me as he walk towards my direction. Mabilis kong napunasan ang aking mga pinsgi na may bakas pa din ng nga luha. "Umiyak ka?" nag aalala niyang tanong. Napatingin ito agad kay Aedree at napayuko naman ako. Paano ko ba sasabihin na umiyak ako dahil sa kanya? "Did he do something?" tanong niya agad at nadinig ko namang napaubo si Aedree. "Binasted siya ng kuya ko kaya siya umiiyak. Ang pangit naman ng love letter niya mas maganda pa akong gumawa!" nadinig kong turan nung lalaking tinawag nilang Ulap. Ngumiti pa siya at parang gusto kong hilahin ang kanyang ngala ngala.  E ano ngayon kung parang box yung smile niya? "Oh, did my baby just experienced her first heartbreak?" Parang biglang nalaglag sa sahig ang aking puso at nabingi ako sa pagkakabasag nito.  Napatingin ako agad sa kanya, at para na akong hihimatayin sa sobrnag frustration. Naniwala ba siya sa sinabi ni Ulap? Ako, babastedin nitong lalaking to? Ako? Napalingon ako kay Aedree at napansin ang bahagyang pagngiti nito.  "Sorry Xantha ha, may hinihintay pa kase ako," nakangiti niyang turan. Sinabi niya talaga iyon sa harap ni Enzo?  Mapapatay ko siya.  Hindi ko na napigilan ang aking sarili at lalo ng napaiyak.  Ayoko na sa kanila. Magtatransfer na ako. Ipapakulam ko talaga yung pangit na mag anak na yan! I hate them. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD