Enzo...
"Enzo! Let's play na lang kase! Look at me na!" naiinis kong turan. Ang aking mga kilay ay salubong na naman habang ang aking tingin ay nakatutok na muli sa pitong batang lalaki na naglalaro di kalayuan sa aming kinauupuan. Akay akay ng isang lalaki ang batang babae na para bang umiiyak. Tapos ang ingay pa noong dalawa habang naghahabulan!
"Lexo bilis! Ang bagal bagal mo!"
"Kuya Ulap shoes ko yan!"
"Huwag kayong magtakbuhan. Mamaya niyan mabubungi ka na naman Ulap,"
Napairap na lamang ako. I really hate those kids. Hindi naman sila nakikipaglaro sa ibang mga bata but they always come here.
"Wait lang Xantha. Mamaya na tayo mag play," ni hindi niya ako nilingon. Hindi niya nga pinansin ang bago kong dress na color pink. Pinabili ko pa to kay mommy nung sumama ako. Ipagmamayabang ko dapat kay Enzo because it has ribbons on it! Ang pretty pretty ko daw sabi ni Daddy at bagay na bagay daw to sa akin.
Why is he ignoring me ba?
Pasalampak akong umupo sa bench na kinauupuan din ni Enzo. He has a pen on his hand while he write something on the paper.
Palagi na lamang siyang ganyan, minsan ay hindi niya ako pinapansin. Sumasama tuloy ang aking pakiramdam.
Napanguso ako at gusto ng magmukmok. Sana umuwi na lang si Kuya Cinco dito so I have someone to play with.
"Enzo! Let's play na!" tawag ko sa kanya ulit habang ang pisngi ko ay nakadikit na sa lamesa. I was looking at him sideways.
Nakanguso pa din ako pero nag eenjoy naman akong tignan siya. Ang gwapo niya kase at sobrang tangos pa ng kanyang ilong. Feeling ko nga kung naging girl siya ay mas maganda pa siya sa akin.
Bagay talaga kami kase I'm pretty like mommy!
"Enzo..." tawag ko ulit sa kanya at nilingon niya naman ako agad. He smiled at me kaya napangiti na ako agad. Hindi na ako nagtatampo.
"What do you wanna play?" tanong niya sa akin.
I answered him at ounayag naman siya agad. In no time, we were simply playing, having our world. Ganito naman palagi, it's always just me and Enzo. Wala akong pakialam sa ibang mga bata because I don't think they deserve my attention. They are not Enzo and they are not even close to how perfect he is.
I was running, turning my head while looking for Enzo. Naglalaro na kami ng hide and seek.
Nasaan na ba siya?
"Enzo!" I called for his name but hindi siya sumasagot. The moment I turned, hindi ko napansin yung isang batang tumatakbo din pala kaya nasubsub kami pareho sa sahig.
"Awww!!!" napairit ako dahil sa pagkakagasgas ng aking tuhod sa magaspang na sahig.
Umayos ako ng kaunti ng upo at iniangat ng bahagya ang aking palda para makita ko ang aking tuhod. Hala may dugo!
Napalingon ako sa batang babae na nagsimula na ding umiyak. We look around the same age o baka mas bata siya sa akin. She was crying and I saw how her knees is bleeding too.
"Atlantis!" nadinig kong sigaw nung isang lalaki. Ano na nga ulit ang pangalan niya?
Mabilis itong tumakbo palapit sa batang tinawag niyang Atlantis at agad na itinayo iyon.
"Pumpkin, are you okay?"
Banayad ang kanyang tinig at tila ingat na ingat sa pagsasalita.
Pumpkin? Ang baho naman ng tawag niya. Tsaka bakit ba siya iyak ng iyak e siya naman ang tumakbo papunta sa akin?
May dumating pang isang batang lalaki na mukhang ubod ng sungit at sobrang puti pa. Mas maputi pa siya sa akin.
"Grey," tawag niya ulit sa bata. Akala ko ba Atlantis ang name niya?
Umawang ang aking labi ng agad na tumigil sa pag iyak ang batang babae sa simpleng pagtawag lamang nito.
"Kuya Ice..." tawag nito sa lalaki at walang anu ano siya nitong binuhat palayo. Ni hindi man lamang niya ako pinansin.
I was watching them walk away at nawala na sa isip ko ang lalaking kanina pa nasa aking harapan.
"Hey," pukaw niya sa aking atensyon at napatingin ako agad sa kanya. He was smiling at me, offering his big hand.
Kumunot naman ang aking noo.
"Let me help you," nagtangka siyang lumapit ngunit mabilis akong tumayo. Napaigtad ako sa kaunting sakit na aking naramdaman.
Mukhang nagulat siya sa aking inasal ngunit hindi na lamang nagsalita.
I don't like people touching me. Baka anong hinawakan nila at madumi pa. Sabi ni mommy dapat daw nag iingat ako dahil magkakasakit ako.
"Xantha!" napalingon ako ng madinig ang boses ni Enzo.
Humahangos siyang lumapit at agad akong hinawakan. Yumakap naman ako agad sa kanya at umiyak.
"Are you okay?"
Hindi ako nakasagot at umiyak pa din.
Nag usap silang dalawa pero wala akong pakialam. Ayoko nang maglaro ng hide and seek!
Inalalayan na din naman ako ni Enzo palayo at umupo na kami ulit. Hindi na ako gaanong umiiyak pero nakasimangot pa din ako.
My mom is still busy inside dahil sa mga meeting nila. Being an adult is hard. Ang daming ginagawa nila Mommy at Daddy palagi that's why I don't want to be an adult. Gusto ko ten years old lang ako palagi.
Nakalimutan ko na din ang nangyari at gumaling din naman agad ang akin sugat.
Things like these go on repeat. Enzo and I will always be together. Sometimes Kuya Cinco comes home from abroad but he pesters me a lot. Sobrang mean niya sa akin. I wonder kung bakit siya masungit e guy naman siya.
Fast forward and now I'm thirteen at katulad ng dati, magkasama kami ni Enzo habang nakaupo sa may malaking garden sa subdivision. May mga bata doon na palaging naglalaro pero ayaw kong makipaglaro sa kanila. Tsaka sabi ni Mommy ay dalaga na daw ako kaya dapat hindi na ako katulad dati na makulit.
"Enzo, sabay ulit tayong papasok sa school ha? Ayaw ko kase sumabay sa service. Ang baho ng katabi ko minsan, ang sakit sakit sa ilong!" reklamo ko sa kanya. Natawa naman siya agad bago iniabot sa akin ang drink in can na binili namin kanina.
It's vacation and we always hangout.
Enzo is the only friend I have. Though I know that I admire him more than a friend but he always treat me like his little sister. Kapag sinasabi ko sa kanya na gusto ko na siya ang pakakasalan ko when we grow up, tinatawanan niya lang ako. Hindi siya pwedeng magkaroon ng girlfriend! Sasabunutan ko talaga!
Napasimangot ako sa naisip. Enzo is just a few years older than me but he looks so mature. Sa school nga ay sobrang daming nagkakacrush sa kanya. Katulad din noong mga Puntavega. Lalo na dun sa pinakamatanda but I don't like him. Ni hindi ko pa nga iyon nakausap ever. Kapag nakikita ko siya ay palagi siyang nakangiti sa mga tao but I always make sure not to be close to where they are.
Ayaw ko sa kanila lalo na sa kanya. There is just something about him that I hate. Sabi ni Enzo mabait naman daw sila but I doubt. They look so troublesome lalo na yung dalawang lalaki na palaging naghahabulan. Ano na nga ulit name nila? Lex ba iyon at Ulap? So weird.
Umusod ako palapit kay Enzo at ikinawit ang aking braso sa kanya.
"Isn't it nice to stay like this forever? I mean, dapat palagi lang tayong magkasama," bulong ko sa kanya. He looked at me and smile.
"Once you're old enough, iiwan mo din ako. Makakahanap ka ng lalaking mamahalin at makakalimutan mong may Enzo ka na,"
Sumimangot naman ako sa kanyang sinabi at mas lalong hinigpitan ang kapit sa kanyang braso.
Ganito siya palagi. Sinasabi niya na hindi kami pwede. E kaunti lang naman ang tanda niya sa akin ah! I can act mature naman!
Kapag nasa legal age na ako, gusto ko si Enzo ang maging first boyfriend ko. Ayaw ko ng iba. Siya lang.
Si Enzo lang dapat.