Foul...
"Mali. Mali. Mali. This is just so wrong," naiinis kong turan bago ko ibinalik ang notebook na pinatignan sa akin ng isa kong kagrupo. May group activity na naman kami kaya tuloy nag iinit na naman ang aking ulo.
Group activity na naman e wala namang magandang dulot sa akin ang mga ganito. Nabubwisit lamang ako at naiirita.
Napangiwi naman ang kaklase ko at halata na ang nerbyos sa kanyang itsura. I think she's kinda scared.
Of me?
So what? I don't have to deal with her anyway.
"Sorry Xantha. Uulitin ko na lang ulit," bulong niya na napayuko na naman. Napatingin naman sa gawi ko ang dalawa ko pang kasama - sila Dorothy at Mark. Surprisingly, I can remember their names, except for the girl in front of me na mali mali naman ang ginagawa.
Bahagya akong napairap at itinuong muli ang atensyon sa aking ginagawa. Nandito kami ngayon sa tinatambayan namin nila Andrea sa quadrangle but since nobody is in it because people usually knew we occupy it, dito ko na lang niyaya ang mga kaklase ko. Tutal ay wala din namang pasok ang iba at may iba din silang tinatambayan na mas liblib pa dito.
"Okay ka lang Xantha?" narinig kong tanong ni Dorothy. May pag-aalala sa kanyang ekspresyon at hindi ko napigilang magtaas ng kilay.
"None of your business," bulong ko na ikinakunot ng kanyang noo. These past few days, people frustrate me. Kahit mga simpleng bagay ay talaga namang nakapagpapainit ng aking ulo at hindi ko na mapigilan ang magtaray. Nung minsan nga ay natarayan ko si Lexo nang hindi ko namamalayan. Kung hindi ko lamang napansin ang biglang pagtalim ng tingin ni Lantis ay hindi ako kakalma.
Napahinga ako ng malalim. I'm stressed. Sa lahat - sa sarili ko,sa kung ano ba ang dapat kong gawin., sa hindi ko dapat na gawin. Nagsisimula na akong mag isip kung bakit ko ba ginagawa lahat ng ito... Si Aedree...
At higit sa lahat, maya't maya ko nang iniisip kung ano ba ang nararamdaman ko para sa kanya. Kase hindi naman ako yung tipong matalino sa klase pero tanga pagdating sa pag-ibig. I know I'm starting to feel something. At itong pagpapain ko sa sarili ko para lang masaktan siya, I was trying to see if it was really worth it? If it's still worth the risk, the hate I know I am about to get if I do that and the pain I may cause to him and everybody...
Bago ko sinimulan to, inisip ko na ang mga posibilidad na baka mahulog nga ako sa kanya. Kase kahit noon pa naman, hindi naman ako ganoong kabulag para hindi man lang mabigyan ng atensyon ang kanyang itsura dahil imposible mo namang hindi mapansin iyon. Ngunit katulad ng paulit ulit kong sinasabi at pilit na pinapaniwala sa aking sarili, si Aedree lang iyan.
He's not someone I like. Hindi siya katulad ng pagkagusto ko kay Enzo na noon pa ay ay itinangi ko simula pa aking pagkabata.
So why am I still doing this?
Naramdaman ko ang pag upo ng kung sino sa tapat ng aking inuupuan. I lifted my gaze and my eyes met his. Bahagya pa akong nagulat dahil parang ilang sigundo pa lamang ang lumilipas ng guluhin niya ang aking isipan.
And here he is, gracing his handsome face before me.
Isang ngiti ang kumawala sa kanyang mga labi at pigilan kong mapasinghap. Kitang kita ko ang mapuputi niyang ngipin at halos masilaw ako sa aliwalas ng kanyang mukha na pawra bang walang anumang bagay na iniintindi. Hindi katulad ko na grabe na ang pagkabagabag ng isipan.
"Matagal ka pa?"
Damn, even his voice sounded different now. Para na ako biglang dinuduyan sa simpleng pag alala niya pa lamang sa akin. And it scares me. It scares me that one day, I'd see myself getting all drowned by all of these.
Imbes na sumagot ay tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagsusulat. That fact that he is now in front of me tests my focus.
Pilit kong itinuon ang aking atensyon sa ginagawa at hindi na nag angat ng tingin para masulyapan siya.
And I did it.
Halos ilang minuto din akong engrossed na engrossed sa aking ginagawa habang siya ay nakaupo lamang sa aking harapan. Until how long he will do that, hindi ko alam at ayaw ko na sanang malaman dahil sa sarili ko ay hindi na ako sigurado kng gusto kong malayo siya tulad ng nakasanayan ko dati, o mas gusto ko bang nandito lamang siya sa malapit para alam ko kung nasaan siya.
Nang bigla siyang tumayo ay napaangat ako agad ng tingin at napatayo din bigla. Parang nagulat siya at maging ako ay nanlaki ang mga mata sa ikinilos.
"Where are you going?" mabilis kong tanong. Ang bilis bigla ng t***k ng aking puso at kinakabahan na ako sa aking inaasal.
"I'll just buy you a drink," nakangiti niyang turan at parang may kung anong nakapagpakalma sa akin. Iniangat niya ang kanan niyang kamay at inabot ang kaunting buhok na humarang sa aking mukha tsaka ikinawit iyon sa likod ng aking tengga.
Relax Xantha.
Napatingin naman ako sa aking paligid at napansin pa ang pagngiti ng akig mga kagrupo. My cheeks flushed red in instant.
Fuck. Am I really blushing now? And in front of other people? Sita ko sa aking sarili.
Mabilis naman akong umupo at nagpanggap na parang walang nangyari.
I focused back on what I was doing at napansin ko na naman ang isa ko pang babaeng kagrupo na lumapit sa aking gawi.
"Ah, Xantha, tama na ba to?" tanong niya at muling iniabot sa akin ang notebook na hawak niya. Parang kinakabahan na naman siya at wala nang naging ekspresyon ang aking mukha.
Inabot ko naman ito at muling binasa. We were supposed to report about Freud and his concept about unconscious mind. Para sa akin ay madali lang naman sana iyon. Madami namang hand outs at oakiramdam ko ay madali lang naman sana ang pag iinterpret ngunit dahil aligaga nga ako at siguro ay kinakabahan sila ay hindi kami matapos tapos. We decided to share parts kng kaya't sila na ang nag aasikaso ng iba ngunit ako pa din ang titingin kung tama ba iyon at aligned ang reports namin sa isa't isa.
Napansin ko pa ang pagbalik ni Aedree at paglapag din niya ng drinks sa lamesa nila Dorothy. Ngumiti naman sila ni Mark at nagpasalamat. Nakuha pa silang kamustahin ni Aedree.
Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa notebook na aking binabasa.
"Here, have a drink too,"
"Hala, salamat po,"
"It's fine. I hope you guys are doing well in your reports,"
My hands started to shake as I hear him talk with her at naiirita na ako. Naiinis ako at hindi ko na maintindihan kung bakit.
"Aedree!" muli akong napalingon ng may madinig na tumawag sa kanya at mas lalong kumunot ang aking noo ng mamataan ang babaeng kumapit kapit noon sa braso ni Aedree. Kaklase niya pala iyon ayon na din sa sabi niya sa akin noong minsan. Sobrang lawak ng ngiti nito at panay na naman ang kaway kay Aedree.
Tumango lamang si Aedree at bahagya pa akong nilingon.
"This is fine," matigas kong tugon tsaka ito iniabot muli sa aking kagrupo. Mukhang nasiyahan naman siya sa aking sinabi at ngumiti.
"Talaga, Xantha? May kailangan pa ba akong idagdag?" her notebook is now pressed on her chest while she wait for my answer.
Why is she smiling? Mas lalo lamang akong naiinis.
"Wag mo nang galawin yan at baka kung ano ano pang mali na naman ang mailagay mo," naiinis kong turan na agad ikinaalis ng ngiti sa kanyang mga labi. Napayuko naman ito at kitang kita ko pa ang pagtayo ni Dorothy at hinatak palayo sa akin ang isa naming kagrupo.
"Caitlin," nadinig kong saway sa akin ni Aedree ngunit pinangningkitan ko lamang siya ng mga mata. Lalong umahon ang inis na aking nararamdaman. Nanggigigil talaga ako.
"What? I'm just telling the truth. Puro mali na lamang ang ginagawa niya at naiinis na din ko," sagot ko. Kmukulo na ang aking dugo lalo na't parang pinapagalitan niya ako. Seryoso na ang kanyang mukha at ni hindi na ngumingiti hindi katulad kanina.
"Hindi lang ikaw ang naiinis, Xantha," napalingon ako ng madinig ang boses ni Dorothy.
"See?" bigla kong turan at nanunuya na ang ngiti.
"Yeah, we're also pissed off. Totoong hindi kami kasing galing at talino mo but that doesn't give you the right para maya't maya kaming bastusin. You may be our leader but I want you to know that you're not a good one," inis niyang turan tsaka kinuha ang kanyang mga gamit. Nilingon pa nila si Aedree na tila nagpapaalam tsaka umalis. Maging si Mark ay umalis na din.
Napaawang ang aking labi sa kanyang sinabi at natawa ng mahina.
I can't believe this. Are they mad at me?
Napatingin namana ako kay Simon ng madinig siyang bumuntong hininga.
"Wala ka ng klase hindi ba? Ihahatid na kita," seryoso niyang turan. Iniwasan niya ako ng tingin at para akong kinilabutan. Mali din ba ako para sa kanya?
"What did I do wrong?" Naiinis kong tanong. Nagdadabog na akong kinuha ang aking mga gamit at tumayo na. Hinakot niya din naman iyon pero naiinis pa din ako. "They're stupid and they are not helping," bulong ko at hindi na siya nagsalita.
Mabilis kaming nakarating sa kanyang sasakyan at hindi kami nag uusap kahit pa nga nang makarating kami sa bahay. Nang mabksan ko ang pintuan ay mabilis na aking pumasok doon ngunit agad ding napahinto nang mapansing hindi siya sumusunod.
Agad ko siyang nilingon at nakita ko pa ang pagbalik niya ng kanyang telepono sa kanyang bulsa.
"Hindi ka papasok?" taka kong tanong. Umiling lamang siya at nilapitan ako.
"I need to do something," aniya na ikinakunot ng aking noo. Bigla ko tuloy naalala ang naging pagtawag sa kanya ni Xandria.
"Why, you're going to meet that girl?" tanong ko. "Ano, ikaw naman ang nakasira ng phone niya?" nakangisi kong tanong. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Everything just pisses me off at gusto ko na lang ilabas ang galit ko sa lahat.
Bumuntong hininga siya, "I need to pick up my sister. Isasabay ko sana kaya lang mukhang wala ka sa mood kanina kaya dumiretso na ako,"
Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. Pakiramdam ko ay nagdadahilan lamang siya. "Bakit hindi mo na lang iutos sa mga kapatid or pinsan mo? Busy ba sila? Baka nagdadahilan ka lang sa akin," hindi ko na napigilang itanong.
Biglang dumilim ang ekspresyon ng kanyang mukha at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang isa niyang kamay.
Natawa siya ng mahina at tila hindi makapaniwala.
"Matanda naman na si Grey. She can manage. May sakit lang siya but she's not ignorant," dagdag ko pa.
Napansin ko ang pagyuko niya at pagtapik tapik ng kanyang paa sa sahig na tila ba pinipigilan ang sarili.
"You know what, let's talk some other time. Kapag okay ka na at kapag hindi na ganyan ang takbo ng utak mo,"
Ni hindi siya lumapit sa akin at humalik para magpaalam tlad ng kanyang nakagawian.
Tinawag ko siya ngunit hindi siya lumingon. Dire-diretso lamang siyang tumalikod at iniwan akong takang taka. May umahon na kung ano sa aking dibdib at hindi ko alam kung bakit para akong biglang kinabahan.
Did I say something wrong?
Naglat na lamang ako nang may madinig akong pumalatak. gayon na lamang ang gulat ko ng makita si Cinco na nakasandal sa may pintuan patungong kusina, nakakrus ang mga kamay at iba na ang inginingisi ng mukha.
Para siyang may nakitang nakakatawa na ewan. Nainis na naman ako.
"What?" paangil kong tanong bago nagsimulang maglakad patungo sa sala. Initsa ko ang bag ko doon at padabog na umupo.
Naiirita ako kay Aedree! Hindi ko talag siya kakausapin!
"Old habits really die hard, huh,"
Nakita ko pa ang pag upo niya sa upuan sa tapat ko, nagdekwatro at isinandal ang mga kamay sa armrest na akala mo hari siya.
"Shut up!"
Tumawa naman siya ng mahina. "You need to apologize to him," saad niya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Why should I do that for?" Ako nga itong naiinis sa kanya. Bakit ako magsosorry? Anong ginwa ko?
"Apologize for being a b***h because you were bitching about his sister. Do you even realize what you said? Parang sinabi mo sa kanyang wala lang si Grey," sagot niya. Nakatitig siya sa aking mukha at hindi ko alam kung bakit mas lalo akong kinabahan. Ano banag ipinupunto niya?
"You just showed him how little you care about the person they've been protecting their whole life, their princess, and more importantly, your supposed friend. I don't know exactly what your relationship is but I'm guessing you are in one. And you went overboard Xantha. Foul ka. Hindi dapat finafoul ang pamilya," dagdag niya bago siya tumayo at iniwan akong naguguluhan sa kanyang sinabi.
Napatitig na ako sa aking telepono. Dati ay may message agad si Aedree doon kahit kakaalis niya pa lang sa bahay.
Did I really go overboard?