7

3475 Words
Cuddle... "Yep! I threw my pen on her face just so you know!" kwento ko sa kanya. I watch as Enzo's eyes widened, gulat na gulat sa aking sinabi. Magkausap kami ngayon via video call na hindi namin madalas magawa lately. Not that we didn't want to but because we can't. "You are such a brat." Nakangiti nitong sagot, kinamot kamot pa ang batok. Medyo blurred ang connection namin dahil narin merong bagyo ngayon ngunit hindi man lang niyon nabawasan ang kakisigang taglay niya. No blurry screen can hide how magestic his face looks. Parang mas lalo yatang umaliwalas ang kanyang mukha. I wonder what he's up to lately. Medyo nakaramdam ako ng lungkot, matagal tagal na din nuong last time na nakasama ko sya, and that was a year ago. Enzo is my best friend since way back. Lahat siguro ng mga bagay na una kong ginawa ay kasama siya. When I first smack someone's face because he was annoying me... When I accidentally broke my Dad's computer and I blamed it to Cinco... When Mom saw sneaking outside the house just so I can attend a rave party.... All those stupid memories I have, I was with him. "So... How's your friends?" Narinig kong turan niya sa kabilang linya. Bahagya naman akong nag iwas ng tingin sa kanyang tinuran. I know why he was asking, or who rather. He was asking about him, Aedree.  Enzo knew Aedree but I don't think Aedree even remembers him. Bakit nga ba niya maalala ang kaibigan ko e he's so full of himself when we were younger. To be honest, I have known Aedree since like, ten years ago. Kilala ang pamilya nila at nakakasama ko siya dati kapag nagpupunta ang kanyang ina sa mga gatherings at meetings sa subdivision na dati naming tinitirhan. Hindi ko na matandaan kung ano ba ang pinag uusapan nila but a lot of old people meet there at sa tuwina ay isinasama nila ang kanilang mga anak.  And everytime, me and Enzo would only watch those Puntavegas from afar. I'm not that really friendly at si Enzo lang ang nagtitiis na makasama ako.  Hindi din sila mahilig makipaglaro sa ibang mga bata at mukhang nakukuntento lamang na kasama ang isa't isa. Natatandaan ko na na palagi silang may kasamang dalawang batang babae. Yung isa ay palaging nakadress at iba't ibang kulay ng headband ang suot. Napakalikot niya at palagi siyang sinusundan noong mga kuya niya. Yung isang batang babae ay nakasakay lang lagi sa stroller.  "Kuya, tabi kami ni Gold magsleep mamaya!" "Aray ko Ulap! Tumatama yung puwetan mo sa mukha ko!" "Ay sorry Kuya Yelo, mukha pala yan-aray! kuya o!" Natawa naman ako ng magsimula silang maghabulan. Yung lalaking tinawag niyang Yelo ay may hawak ng pamalo at hinahabol ang lalaking may magandang ngiti, parang hugis box. "Hala, sali ako!" tapos nagtatakbo na din yung isa na tinawag na Gold nung Ulap kanina.  Mukha silang masaya kahit hindi sila nakikipaglaro sa ibang bata. Ngunit sa kanilang lahat ay yung pinakamatanda ang palagi kong napapansin, si Aedree. Enzo told me a lot of things about him. Apparently, they go to the same school before at kalaunan ay naging schoolmate ko din, how he is so smart and that a lot of kids admire him. I don't get it though. He doesn't look that appealing to me at all. Maputi lamang siya at sige, makinis ang balat but what's so special about him? Those were my initial thoughts noong natatanaw ko pa lang siya mula sa malayo. Ipinilig ko ang aking ulo at pilit kinalimutan ang alaala ng nakaraan. "They're fine," tipid kong sagot bago iniba ang aming usapan. I have to catch up with him dahil baka matagal tagal pa ulit bago kami magkausap.  "Promise, we'll do our movie night once I'm back," pangako niya.  Agad na napangiti ako sa sinabi niya. He sure knows how to make me smile. Hindi katulad noong iba. I sigh as I remember Aedree and tried my best not to be affected by my thoughts about him. "Promise mo yan ha. And don't forget yung mga books na pinabibili ko sayo!"  He just smiled at me at kung ano ano na lamang ang pinagkwentuhan namin. Hindi ko na namalayan kung ilang minuto pa kaming nagusap bago ako nakaidlip. Naalipungatan nalang ako ng marinig ko ang marahang pagkatok ng kung sino man sa pintuan ng kwarto ko.  Napakunot ang aking noo. Siguro si Cinco na naman ang kumakatok. Ano na naman kaya ang kailangan ng kulugo na iyon at binibisita ako? Lately ay hindi ko na siya nahahagilap. Ayaw niya pang umamin na may kinalolokohan lamang siyang babae. I saw him one time, may hickey siya! Kadiri. Baka nahawa na din siya kila Julio at Milan na walang ibang alam gawin kung hindi lumandi! I really don't think those two are a good influence. Isa din yang si Simon! Feeling ko ay sanay na sanay talaga siyang lumandi! Bumuga ako ng hangin nang makarinig muli ng katok. Sa totoo lamang ay pinilit ko lamang makipag usap kay Enzo dahil bihira kaming magkausap ngunit sa totoo lamang ay masama ang aking pakiramdam. Masakit ang ulo ko at kanina pa kumikirot ang aking sentido. Walang gana akong napabangon pero mabilis din akong nabalik sa higa ng makaramdam ako ng pagkahilo.  Fuck.  Malakas akong napaungol ng maramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko pabalik sa kama.  "Baby?" Narinig kong tawag sa akin ng napakapamilyar na boses na iyon kasabay ng malakas na pagsara ng pinto at saka ko naramdaman ang pag alog ng kama ko kasabay ng marahang pagdampi ng kanyang palad sa aking pisngi.  "Baby? Are you okay? What happen?" He worriedly asked, still checking if there's anything wrong with my body. Jusko, bukas naman pala. Masasampal ko din talaga tong si Aedree. Hindi ako masyadong nagpapanic na nandito siya dahil umalis na ulit kahapon sila Dad. We're on a safe zone. Yeah, I beleive my room is a safe zone except that it's enclosed and has four f*****g corners. Umikot ako ng bahagya at napapikit pang muli dahil sa sakit na nararamdaman. "Masakit..." Tangi ko na lamang nasabi, nakapikit pa din. Wala akong lakas para makipag diskusyon sa kaniya. Naubos na ang energy sa pakikipag usap kanina kay Enzo at pagpapanggap na maayos lamang ang pakiramdam ko. I don't want to worry him. Ano na naman kaya ang kailangan niya? Naramdaman ko ang maingat na pagbuhat niya sa akin. Iniayos niya ang pagkakapwesto ko sa kama. Nasa dulong gilid kasi ako nakatulog padapa.  Akala ko ay iyun lamang ang gagawin niya kaya napamulat ako bigla ng maramdaman ko ang marahang pagyugyog ng kama kasabay ng pagpihit niya sa akin palapit sa kanya. Naramdaman ko na lamang ang marahang pagpulupot ng kanyang mga braso sa aking beywang at maingat na pagayos ng aking ulo para maiunan ito sa kanyang braso. Napalunok ako. My body was pinned into him so closely, too close that I can clearly smell his masculine scent. Bakit ba palaging mabango ang lalaking ito? "Hindi ka pa daw kumakain sabi ng pinsan mo." May bahid ng inis at pag aalala ang boses niya. Napatitig pa ako sandali sa kanyang mga labi. Hindi ako agad makasagot. Ang boses kong datu ay handang sumita sa kanya ay para nang nagtatago sa kasuluksulukan ng lalamunan ko. Bakit?  Hindi pa ako naliligo, two days na at hindi pa din ako nakakapag toothbrush simula ng magising ako kaninang umaga.  Hindi ko alam pero bigla akong naconsious sa amoy ko, dati naman ay hindi. Wala akong paki kahit na dumarating siya at maabutan akong hindi pa nagsusuklay or nakakaligo. Because again, that's just Aedree. Paulit ulit kong sasabihin iyon sa utak ko. Si Aedree lang siya at wala dapat epekto sa akin ang maayos na pagkakabagsak nang kanyang buhok, ang mabango niyang amoy, ang mukha niyang makinis pa yata sa akin at ang mga mata niyang nangungusap na. Wala dapat. Wala! But today it's different. Ayokong huminga sa kaba na maamoy niya. Oh my God. What is happening to me? Shit. Baka mamatay ako nito bigla! Nakakahiya wlaa pa akong ligo! Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo kasabay ng paghigpit ng kanyang yakap. Oh my God. Parang may mga kung anong rumaragasa sa loob ng aking tiyan at halos mapaikot na ako sa sobrang kaba. "Simon, bitiwan mo ako.." mahina kong bulong, pero isiniksik ko muna ang mukha ko sa kanyang leeg. Ang bango talaga ng hayop na to. Nakakainis. "Bakit hindi ka kumakain Cait?" Nag-aalala pa din nitong tanong. "Gusto mo ba ipagluto kita baby?"  Oh God. Kill me. Just kill me now! Lumunok muna ako bago sumagot ulit ngunit siniguro kong mahina lamang iyon at iniwasang maglabas ng masyadong hangin mula sa aking bibig. These past few days, being with Aedree is shattering my confidence. Pakiramdam ko ay nababawasan ang ganda ko sa tuwing kasama ko siya. Like, hindi ako pangit pero kapag nakikita ko kung gaano kaperpekto ang pagmumukha ng hinayupak na ito ay nakoconscious ako bigla.  "Masakit ang lalamunan ko." Naramdaman ko ang muling paglapat ng kanyang palad sa aking noo. "Wala ka ng lagnat. Ininom mo ba yung mga gamot na pinadala ko kay Keso?" Malambing na tanong pa niya. Nakakainis, kahapon kasi ay may class siya kaya hindi siya nakapunta sa akin. Okay lang naman talaga kasi kahit na ganon eh every five minutes yata at text ng text sa akin tinatanong kung kamusta na ang pakiramdam ko. And everytime na matatapos ang class niya ay tumatawag naman.  Hindi ko naman inutos na lagi niya ako iupdate pero siya itong feelingero masyado. At ayon nga, mga bandang hapon ay nagulat nalang ako ng sumulpot sa kwarto ko si Andrea kasama si Keso dahil inutusan daw sila ni Aedree na dalhan ako ng gamot at wonton mami. Napakasiraulo talaga sobra. Buti nalang hindi na nagtanong pa sila Keso.  Busy kase sa pagiging malandi sa isa't isa. Do they don't get tired of being together? "Baby.." ungot niya at saka ko ulit naramdaman ang pagsinghot niya sa aking buhok, "..hindi ka pa naliligo ano?" Nakakalokong tanong nito.  Putangina. I feel that he's suppressing his laughter because I can feel his chest vibrating. Hayop talaga. "Wala kang pake." Inis kong sagot, saka ko sinubukang makawala sa yakap niya, na syempre failed dahil mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Yung braso niya na inuunanan ko kanina ngayon ay nakapulupot na din sa upper body ko at pinipigilan akong makawala. Mygad! Nasa lahi ba talaga nila ang pagiging clingy? "Let go of me! Diba mabaho ako? Bitiwan mo ko, kakagatin kita Simon nakakainis ka!" Sinubukan ko pa din siyang itulak ngunit bigo ako. "I was just joking baby!" Natatawa niyang sagot at mas lalo pa akong niyakap ng mahigpit. Tawang tawa siya sa kabwisitan niya. "Ang bango bango pa din ng Caitlin ko." Saka niya muling sininghot ang leeg ko na nakapag patigil sa pag galaw ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kilabot dahil sa simpleng ginawa niyang iyon. Para akong nakikiliti at ang aking katawan ay halos manigas na sa sobrang kaba. "Simon!" Impit kong saway sakanya. Tumigil naman siya saka ako ulit hinila palapit sakanya at iniayos muli ang pagkakayakap niya sa akin.  Nakakainis, nawiwili na itong si Simon sa pagyakap yakap sa akin. Hindi ko din maintindihan bakit hinahayaan ko ang sarili kong yakap yakapin ng tukmol na to sa totoo lang e.  "Cait, kahit hindi ka maligo mabango ka pa din para sa akin. You smell like pear and freesia kahit powder lang naman ang pabango mo."  "Heh! Tigilan mo sabi ako!" Saway ko sakanya. "Maliligo na ako, magluto ka kung gusto mo. Nag day off yung katulong namin, si Cinco baka nasa guest room or baka umalis, basta bitawan mo na ako, nanglalagkit ako lalo sayo." Dahilan ko nalang para bitawan niya ako. Please let go of me. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung patuloy niya pa din ako sininghot singhot. "Sige, I'll cook Sopas for you." Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya sa akin bago siya bumangon. Hindi ko alam kung bakit ngunit parang nakaramdam ako ng kaunting panlulumo nang dahan dahang kumawala ang kanyang kamay mula sa pagkakayapos sa akin. Akala ko tatayo na siya kaya ganoon nalang ang pagtili ko ng bigla niya akong buhatin ng pa-bridal style at naglakad papuntang banyo. "Simon ibaba mo ko! Walang hiya ka!" pinagoapadyak ko ang aking mga paa ngunit ang mga kamay ay nakakawit na sa kanyang leeg at takot na takot na malaglag. Wala na akong pakialam kung maamoy niya pa ang mabaho kong hininga. Baka nga mautot na din ako dito sa sobrang kawalanghiyaan niya e "Nooooo..." Pinahaba pa niya yung pagsabi niya ng simpleng word na yon, nang iinis talaga. "Sabi mo nahihilo ka, baka mamaya paglakad mahilo ka tapos mabagok ulo mo at makalimutan mong mahal mo ko." Naka-pout pang sabi nito. Agad namang namula ang aking pisngi sa simpleng lintanya niya lamang na iyon. "Sira ulo ka talaga!" bulyaw ko upang pagtakpan ang hiyang tuluyan ng umahon sa akin. Wala niya akong kahirap hirap na nabuhat papasok sa bathroom ko at simpleng inilapag paupo sa counter doon. Agad niyang hinagilap ang toothbrush ko na nasa counter at nilagyan iyon ng toothpaste.  Sinamaan ko naman siya agad ng tingin. Bwisit. Bahong baho na ba siya talaga sa hininga ko? "Simon, ano ba? Kaya ko na sabi." Pilit kong inagaw ang toothbrush sa kanya. "Ang kulit mo! Magluto ka na don please." inirapan ko siya at talagang pinataray na ang mukha. "Are you sure Caitlin?" Nagaalala pa din niyang tanong. Hays, grabe magpa-fall ang hayop. "Yes po. Go. Now. Please." May pagmamakaawa ko ng hiling sakanya. Yung puso ko kasi ang bilis na sobrang ng pagtibok, para na ngang mananalo sa karera kapag sinabak. Nakakainis! Bakit biglang ganito? Hindi naman ganito ang epekto sa akin dati ni Aedree pero bakit ngayon kulang nalang lumabas na yung puso ko sa dibdib ko at tumakbo papungantang race track sa Sta. Ana para doon makipag karera sa kabayo.  My God Xantha yan ang napapala mo sa hindi pagpasok sa iskul! Nahahawa ka na kay Dorothy, yung kaklase mong ubod ng rupok! Matagal pa niya akong tinitigan na para bang kinikilatis muna if totoo bang okay lang ako kaya tinitigan ko din siya pabalik, nakatingala tuloy ako.  Shit! ang gwapo rin talaga ng tukmol! Sobrang gwapo na parang ang sarap nang sapakin. Ang kinis ng mukha tinalo pa mukha ko na two days ng walang hila-hilamos.  "Sige. Pero kiss muna." he said, puckering his lips towards mine. Ha? Ano daw? Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko pero laking gulat ko ng bigla nalang niyang kabigin ang batok ko at mabilis na bumaba ang mukha niya palapit sa akin.  Nanlaki ang aking mga mata. Teka lang, hindi pa ako nagtutooth brush! Sigaw ng utak ko. But he still did it. Suddenly, I found myself closing my eyes as I feel his soft lips into tye side of my lips. Dampi lamang iyon at halos kumiskis lamang sa kakaunting parte ng aking labi ngunit parang may sumabog na yatang fireworks sa loob ko! It was just a peck, and it was so fast pero pakiramdam ko tumigil ng mga one second ang pagtibok ng puso ko. Fuck. This is just so wrong in so many levels! Napamulat akong bigla ng marinig ko ang mahinang niyang pagtawa. Fuck, nahuli niya ba akong nakapikit?  "Baby, mukha kang kamatis." Parang biglang umahon ang kung ano-anong emotion sa aking ulo at hindi ko na alam anong dapat maramdaman, halo halo na. Inis. Gulat. Saka meron pang isa na hindi ko mapangalanan. Pero ang nangingibabaw ay inis dahil sa pag ngisi niyang nakakaloka. Pero gwapo pa rin. "Walangya! Manyak!" Automatic ang kamay ko na humambalos sa braso niya ng paulit ulit. "Aray! Baby! Stop!" Tatawa-tawa pa talaga siya. Napakagago talaga kaya hindi ko tinigilan ang paghampas sakanya. " "Sorry na! Ang cute cute mo kasi Cait. Sorry na!" Tumatawa pa din siya. Hayop. Tumigil din ako sa paghampas sakanya kasi ako lang yata ang nasasaktan dahil hindi pa din siya tumitigil sa kakatawa. Napakawalanghiya. "Sorry, okay? Sorry for laughing. I just can't help it. Sobrang soft mong tignan kahit parang papatayin mo na ako. But please do know that I will never apologize for kissing you," nakita ko pa ang biglaan niyang pagngisi. "At appetizer pa lang yan, bahala ka nang mag isip kung makakaabot ka pa hanggang dessert," tumaas taas ang kanyang kilay at kulang na lamang ay hatawin ko siyang muli. "Fine! Lalabas na!" natatawa niyang turan. Hinuli niya pa ang aking kamay para hindi ko na siya mahampas. "Gusto sana kitang paliguan kaya lang baka bukas pa tayo matapos." Natatawa niyang sabi na mas lalong nakapainit ng aking pakiramdam. Lalagnatin nanaman yata ako sa kunsumisyon sa lalaking to. Napakabaliw! Niyakap niya ako ulit ng mahigpit bago lumabas ng banyo. Nang maisarado niya ang pinto ay mabilis akong napahawak sa aking dibdib at dinama ang mabilis na pagtibok ng aking puso.  Putangina, kumalma ka heart hindi pwede yan ginagawa mo. Taksil. Mabilis akong naligo, nag toothbrush at nagpalit ng maisusuot. Paglabas ko ng banyo ay agad akong bumaba at nagtungo sa kusina kung saan nakita ko siyang busy sa pagluluto.  Hindi niya ako napansin na nakapasok kaya malaya ko siyang napagmasdan habang nakatalikod siya at nagluluto. Dalawa ba ang puwet niya? Bakit parang ang tambok? Umupo ako sa isang stool sa kitchen island, nangalumbaba doon at nakabantay lang sa ginagawa niya. Hindi mo talaga malalaman na anak mayaman tong damuhong si Aedree dahil na din sa sobrang galing magluto. May pakanta kanta pa siyang nalalaman habang hinahalo yung niluluto niyang sopas daw. Napatawa naman ako ng pumiyok sya dahilan para mapansin na niya ako kaya iniayos ko ang ekspresyon ng aking mukha paseryoso. "Tumawa ka." Sabi niya, mababakasan ng pagkamangha ang kanyang mga mata. "Hindi ha." Seryoso kong sagot saka inungusan siyang muli. E ano naman kung tumawa ako? Epal talaga neto. "Sus. Indenial. Bakit wala pala mga katulong nyo?" Tanong niya muli. "Pinagbakasyon nila Mommy sa Hongkong." Napaangat naman ang kanyang kilay sa aking sinabi. "Wow. Sosyal." Natatawa niyang sagot. "Dapat yata pinasama ko si Manang," Hindi na ako nagpaliwanag pa. Ganon kasi sila Mommy, every year binibigyan ng bakasyon sa Hongkong or Singapore ang mga kasambahay namin. Natapos ang niluluto niya at kumain na kami ng payapa. Oo, payapa na sa akin ito kahit may mga banat pa din siya from time to time na kinaiismidan ko. Matapos kumain ay hinugasan na niya ang mga pinagkainan namin at bumalik kami sa aking kwarto. Mahirap na baka bigla dumating si Cinco at kung ano na naman ang sabihin. Napaka epal pa naman noon lately.  "Baby.." agaw niya sa aking atensyon. Nanunuod kami ngayon ng movie sa Netflix na naka connect sa Smart TV ko habang nakahiga sa aking kama. Ganto naman lagi if we don't go out. We stay in my room to watch movies. "Hmm?" Simpleng sagot ko at naramdaman kong pumaikot ang kanyang mga braso sa aking beywang bago ako maingat na hinila palapit sa kanya. Muli ay halos maghuramentado na ang aking puso sa loob ko. "Aedree, ano ba?" Saway ko dahil nararamdaman ko na naman nagsisimula ng magtakbuhan ang invincible kabayo sa dibdib ko. "What? I just want to cuddle." Malambing na sagot niya saka ako niyakap mula sa aking likuran. Ang kanyang mukha ay isiniksik pa sa aking leeg at inaamoy amoy na naman ako na kinapagpataas ng lahat ng balahibo sa aking katawan.  Wait lang, Xantha. Kaya mo yan.  Ilang segundo kong pinilit ituon ang aking atensyon sa pinapanood pero hindi ako nagtagumpay lalo na ng magsimulang gumapang ang kanyang kamay sa aking tyan at hinimas himas iyon. Napapikit ako ng wala sa oras. Putangina to the highest level.  "Aedree.." saway ko ulit pero hindi ko na din maintindihan ang sarili ko kasi bakit parang ang natutuwa sa ginagawa niya. "What? I'm watching." Mahina niyang sagot, Shit naman talaga  Hindi ko na nagawang mag focus sa pinapanood dahil ang tanging sentro na ng aking atensyon ay ang ginagawang paglikot likot ng kamay ni Aedree sa aking tyan. Andoon lamang ang kanyang kamay, paikot ikot iyon, tapos minsan ay pipisil pisil. Makapal naman ang sweater na suot ko pero bakit parang ramdam ko ang init ng kanyang palad? Hindi ko maiwasan mapapikit dahil sa banayad na pakiramdam na dulot ng ginagawa niya. I felt him kiss my forehead as he softly whispers "Sleep baby.." and then hugs me tighter. Then I just found myself succumb into sleep with a smile. If he continue to be like this, I don't know if I can still do what I was I intending to do. I don't know if I can still break his heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD