Smile....
"Ang kulit mo talaga!"
"Aray! Aray! Yung kili-kili ko naman Cait!"
Agad ko namang tinakpan ang kanyang bibig dahil baka may makarinig sa kanya. Nandirito pa naman sa bahay ang aking mga magulang. Ang bwisit na lalaking ito, bigla na lamang sumusulpot.
"Saan ka natutong umakyat akyat? Nagtraining ka ba para maging akyat bahay?" nanggigigil kong turan. Kinurot ko ulit siya sa kanyang braso hanggang sa makapasok siya sa loob ng aking kwarto.
Pinunasan ko pa ang aking noo na hindi ko na namalayan na pawisan na pala. Bwisit kase ang lalaki na ito. Paano na lamang kung makita siya nila Daddy? Sa tapat lang ng kwarto ko ang kwarto nila!
Nang masiguro kong nakasara muli ang pintuan ng aking balkonahe ay sunod ko namang tinakbo ang pinto ng mismong kwarto ko para sihuraduhing nakasarado iyon.
Doon lamang ako nakahinga ng maluwag nang masiguro kong safe na ang lahat.
My Dad is super strict. Kapag nalaman niyang may lalaki sa loob nang aking kwarto ay baka mapingot talaga ako. I remember back then when Enzo used to sneak into my room. Nahuli kami ni Dad at pareho pa kaming naparusahan. And we were kids back then. What more kung isang kasing laki ni Aedree ang makikita niya dito sa loob ng aking kwarto?
My God, ano bang naisipan ng lalaking ito? I clearly told him that my parents were home!
Galit ko siyang hinarap, ang aking mga kamay ay nakasabit na sa aking balakang. Lagot talaga sa akin ang damulag na ito!
"What?" he sheepishly answered. He was grinning at me like he didn't do anything wrong. I noticed how his biceps are suddenly showing. Bakit parang mas fit yata ang shirt na suot niya ngayon? And he wasn't even wearing any jacket!
Agad naman akong kinilabutan. Lately ay parang naninibago ako sa tuwing ngumingiti ngiti siya. Ipinilig ko ang aking ulo at sinikap panatilihin ang galit kong mukha.
Kumalma ka nga Caitlin!
He was sitting on my bed at sa hindi malamang dahilan ay parang bagay siya bigla sa kama ko.
Napailing akong muli.
Gutom na naman ba ako? Kung ano ano yata ang naiisip ko ngayong gabi!
Napalingon ako sa sa orasang nakasabit sa dingding ng aking silid. It's just eight in the evening.
Paglingon ko sa kanya ay agad na umangat ang aking kilay nang makita siyang nilalaro laro ng kanyang kanang kamay ang pang ibabang labi habang ang isa nuyang kamay ay nakatukod na sa aking higaan.
Napalunok akong muli at nagsimula nang paypayan ang aking mukha. Nag iwas ako ng tingin at pinilit huminga ng malalim.
Ang init talaga!
Nang mapakalma ang aking sarili ay muli ko siyang hinarap. Bakit pakiramdam ko ay nag eenjoy yata siya sa kanyang nakikita?
"Ano na naman iniisip mo dyan?" singhal ko sa kanya. Parang may hindi na naman siyang naiisip na maganda.
"Nothing, really," pag iling niya ngunit para naman akong kinilabutan ng mabilis na dunaan ang kanyang dila sa pang ibaba niyang labi. "I just realized na bagay pala sayo ang pink na loose shirt ko. Kelan mo kinuha sa kwarto ko yan?" nakaangat na ang kanyang kilay ngunit mababakas na ang ngisi sa kanyang mukha.
Wait, what?
Agad namang nanlaki ang aking mga mata at napatingin sa aking kabuuan.
Shit!
I totally forgot that I was wearing his shirt. Ang cute kase ng kulay kaya kinuha ko minsan ng gisingin ko siya sa kanyang kwarto! Malinis naman iyon at hindi ko talaga nilabhan dahil gusto ko ang amoy.
Walang sabi sabi ay naitakip ko sa aking harapan ang aking mga kamay.
"Bastos!" sigaw ko sa kanya bago ako nagmamadaling tumakbo papunta sa walk in closet ko at isinara iyon. Nadinig ko naman siyang tumatawa sa labas.
Mabuti na lamang ay soundproof ang loob ng aking kwarto at hindi siya madidinig kahit pa nga panay ang tawa niya doon!
Napasandal ako sa pinto, ang aking kamay ay sapo na ang aking dibdib. Ang bilis ng t***k niyon at parang gusto na niyang kumawala sa loob ko.
Hindi ko na din maintindihan ang nagiging reaksyon ko sa tuwing pinagtitripan ako ni Aedree. Palagi na lamang akong kinakabahan at hindi ko na maintindihan ang masyadong pagbilis ng t***k ng aking puso. Kinukulam yata ako ng Puntavega na yun!
Nakarinig naman ako ng sunod sunod sa katok sa pintuan ng walk-in closet ko.
"Cait, huwag kang magpapalit. Okay na yang suot mo. But wear shorts at least para safe tayo pareho," nadinig kong turan niya.
Safe? Anong safe?
Napahinga ako ng malalim bago mabilis na naglakad sa loob at naghagilap ng shorts na maisusuot ko.
God, I can't believe he just saw me like this! Wala akong suot na shorts at hanggang gitna lamang ng aking hita ang t-shirt niya!
Makukurot na naman siya sa akin!
Nang makapagsuot ako ng shorts ay lumabas na din naman ako agad. I tried keeping my face serious. Ayaw kong makita niya na naapektuhan ako sa mga nangyari kanina.
God, it wasn't even five minutes at nagugulo na agad ang sistema ko sa kanya.
Nang makalabas ako ay sinalubong ko siya ng tingin.
"Again, what are you doing here?" pagalit kong tanong. He was now sitting on my bed at parang sobra talaga siyang komportable doon.
"Why? Can't I visit the girl who's making it hard for me to sleep these days?"
Napaawang naman ang aking labi sa kanyang sinabi. Again, my heart started beating erratically. Papatayin niya ba talaga ako?
Ano bang nakain ng animal na ito at napakalandi?
Napalunok ako at pinilit ang sarili na huwag magpakita ng masyafong reaksyon. Naikuyom ko ang aking mga kamay at hirap na hirap na ang kalooban.
Why can't I fight these changes? Nafufrustrate na ako.
Nagseryosos naman siya bigla at mas lalo yata akong kinabahan. Titig na titig aiya sa akin at parang gusto ko biglang mag iwas ng tingin.
"Huwag ka nang sumimangot. You don't even know how your smile keeps making me fall deeper," bigla niyang turan na ikinaluksong muli ng aking puso. Pinanuod ko siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa aking kama at dahan dahang naglakad patungo sa aking direksyon.
"But come to think of it, kahit yata ang pagsimangot mo ay sapat na para mahulog ako. Because now, kahit pa nga nakasimangot ka, pakiramdam ko ay hulog na hulog na ako. God I'd fallen for you so bad baka hindi ko kayanin kapag nawala ka sa akin,"
Napaawang ang aking labi sa kanyang tinuran at parang may nabuhay na kung ano sa aking loob.
Why does he have to say those words? Ngayon ay halos kapusin na yata ako ng hininga sa hindi malamang dahilan.
And it didn't took him three seconds and his arms were already engulfing me into the warmest hug I have ever had.
Parang nabingi naman ang aking tengga at halos manghina na ang akin tuhod sa simpleng pagyakap niya lamang.
God damn it Aedree Simon Puntavega. What the heck are you doing with my heart?