Huli...
"Aray! Ang sakit ha!"
"Usod ka kase Gold! Tabi kami ni Bobbie mamaya dito kapag dumating siya!"
"Ang luwag luwag sa kabila oh! Puro ka na Bobbie kuya. Dati naman ako lagi katabi mo! Ayoko! Hindi ako aalis dito!" Nakapout na si Lexo na nakuha pang pagkrusin ang kanyang mga braso, ang biceps niya mapapatingin ka na lang.
Napailing ako. Grabe din ang bunso ng mga Puntavega. Parang baby ng lahat pero napakamanly ng katawan.
"Alis sabi e!"
"Ayaw sabi e!"
Pinanuod ko kung paanong magtulakan si Ulap at Lexo na parang mga bata. They really are so childish. Mamaya naman ay sila din ang magkayakap kapag may nagtampo nang isa.
"Sa akin tatabi si Bobbie, huwag na kayong mag away diyan. Lipat ka nga dun Chase dali!
Napaangat ang dulo ng aking labi ng madinig ang tinuran ni Andrea. Napaungol naman agad si Keso sa inis pero tulad ng dati ay wala din naman itong magagawa.
"Si Cinco na lang palipatin mo. Hoy Emmanuel, lipat ka doon. Bakit andyan ka sa tabi ni Andeng?"
Nangalumbaba si Cinco bago bored na tinignan ang magkasingtahan. Ang kamay ni Chase ay nakasampay na sa balikat ni Andrea.
"Ako ang nauna dito. Siya ang tumabi sa akin. Bakit hindi kayong dalawa ang lumayas nang matuwa ako sa inyo?
Natawa naman ako sa sagot ni Cinco, sanay na sanay na sa mga pasimpleng banat ni Chase sa kanya. Napakaseloso din minsan nitong si Chase e. Hindi na din naman niya maaawat iyong si Andrea na dumikit dikit kay Cinco minsan. Literally speaking, Cinco and Andrea had really become the best of friends, na kahit anong gawing tulak ni Cinco kay Andeng, parang tukong kakapit si gaga sa pinsan ko.
"Huwag mong awaying si Cinco, baby! Nakita ko may katext yan baka tarayan niya din!"
"Hala binata na si Lima?"
Agad namang binalibag ng papel ni Cinco si Milan na natawa ng malakas bago umilag. Nagawa pa nitong magtago sa likod ni Dakota na busy sa kanyang phone. May binabasa. Napansin ko pa ang bahagyang pag ayos ni Milan ng kanyang buhok na hinayaan lang din ni Dakota.
These two, they act like they are lovers but they are not. O baka naman tulad lang din namin sila ni Aedree at nililihim kung ano ang mayroon sa kanila? Pero kung ganoon ay bakit?
"Basta umusog ka na,"
"Alam mo Keso, may tawag diyan sa kaartehan mo, sakit yan." hindi ko na napigilang sumagot dahil nakakawawa na ang pinsan ko. Inis naman na tumingin si Keso sa gawi ko.
"Ano?"
"Selos, punta ka Spotify, daming kanta about diyan, baka bilyon na,"
"Jealousy is a b***h, dude. Labanan mo 'yan," dagdag ni Cinco.
Si Keso parang bata na umingos naman. Ayan tuloy, niyakap agad ni Andrea.
Ang rupok talaga.
I know Chase is not worried dahil kahit naman inaasar ko si Cinco, I know he doesn't like Andrea that way. And Andrea is madly in love kay Chase na minsan ay nakakasuka na din. I'm guessing that Andrea keeps being with Cinco dahil masyadong aloof ang pinsan ko sa mga tao.
"Huwag mo nga awayin baby ko, Xantha! Ayan si Kuya Ae o, siya na lang awayin mo,"
"Babe..." napabaling ako ng may bumulong bigla sa aking tengga. And like what has been happening lately ay tila may tumawid na kuryente pagapang sa buo kong katawan nang tumama ang kanyang hininga sa aking balat.
Napaingos ako saglit bago siya sinamaan kunwari ng tingin, ang biglaang pagbilis ng t***k ng aking puso ay nakakapagpastress na din sa akin.
Why do I feel like something weird is happening to me whenever Aedree is with me? Dati ay sanay naman ako.
"Lumayo ka nga! naiinis kong turan bago hinawi ang kanyang mukha na ikinatawa niya lamang bago umupo sa tabi ko.
Sa totoo lamang ay nakagawian na yata nilang hindi umupo sa tabi ko dahil dati ay pinapaalis talaga sila ni Aedree. Yun ay iyung mga panahong wala siyang alam gawin kung hindi ang bwisitin ako.
Napalingon pa ako sa paligid. Nasa tambayan kami ulit na nakasanayan na namin. Minsan talaga ay napakapasaway ni Aedree. Sabi ko na sa kanya na huwag siya masyado malandi kapag kasama namin ang mga kaibigan namin. Pero ayan. minsan gaganyan pa din at bubulungan pa ako ng kung ano.
Nang muli kong iginala ang aking paningin ay nagtama ang mga mata namin ni Ahyessa. She was looking at me intently at bigla akong kinabahan. Napansin ko ang pag angat niya bigla ng isang kilay at nakita ko na lang ang aking sarili na nag iiwas sa kanya ng tingin.
Fuck. Nakakahalata na ba siya?
"Hey..."
Napalingon akong muli ng ipatong ni Aedree sa ibabaw ng aking kamay ang kanyang palad. "You okay?" taka niyang tanong at muli akong napalingon kay Ahyessa na napansin kong nakangisi na bago nag iwas ng tingin.
Shit.
Sa sobrang inis ay agad kong tinapakan ang paa ni Aedree sa ilalim ng lamesa.
"Aray!!!" Napaismid ako ng mabitawan niya ang amay ko at mabilis na napayuko. Sapo sapo na niya agad ang kanyang paa. Alam ko namang hindi iyon masyadong masakit dahil nakasapatos naman siya.
Padrama na naman ito.
"Grabe nang pagmamahal yan Cait ha?" Natatawa niyang sita sa akin.
This is what I hate the most about our situation. Dahil sanay na ang lahat sa pagbibiro niya ay malaya niya lanag akong nalalambing kahit pa nga kasama ang mga kaibigan namin. But with me. hindi ako makakilos ng hindi natatakot na baka mahalata kami. And I dont want that. Masyado na silang importante sa akin na ayaw kong masira kami kung sakaling malaman nila ang itinatago ko.
They'll still hate you... bulong ng aking konsensya.
Napalunok ako.
Imbes na magsalita ay napabaling ang aming atensyon sa dalawang bata na nagsimula na namang mag away. Pinag aawayan naman nila ngayon kung sino ang maghuhugas mamaya ng plato. Bawal daw si Manang kase magpaplantsa ng damit.
I was too focused on what the others were doing kung kaya't agad akong napaigtang nang ang kamay ni Aedree ay nagsimulang gumapang na sa aking likuran.
Pakiramdam ko ay may libo libong langgam na nag uunahan sa aking likuran. Nakakakiliti iyon at gusto kong mapaungol sa di malamang dahilan.
Sinipa ko ang kanyang hita para sana patigilin siya pero ang walanghiya, tumawa lang. Ipinatong niya ang kanyang braso sa ibabaw ng lamesa. Pinigilan ko ang aking sarili na bulyawan siya ng maramdaman ko siyang pinipisil pisil na ang taba sa aking likod.
Bumaling ako agad sa kanya at sinamaan ito ng tingin.
"What?"
Maang maangan niyang turan bago ko maramdaman ang pagkurot na naman niya sa likod ko.
Nag igting ang aking pangga at handa na siyang sipain muli nang magsalita si Dakota.
"Kuya Ae, nasa Rkive na naman ba si Julio?"
Napabaling naman tuloy ang atensyon niya kila Dakota. Napansin ko agad ang biglang pagsimangot ni Milan.
"I think so? Yeah, parang naaadik na nga si Julio sa Rkive. Baka may itinatago na talagang babae yung tukmol na yun!" may pagtawa pa siya, ang kanyang kamay ay naglalakbay pa din sa aking likuran. Nakakainis dahil wala man lang nakakapansin na iba. Napakamaparaan din ng lalaking ito,
Namula agad ang aking pisngi ng mapansin pa ang kanyang pagngisi, ang kanyang kamay ay muli na namang gumalaw galaw.
Ah ganyan ha?
"Kuya, surprise kaya natin si Kuya Julio? Baka madami siyang pagkain doon!"
Natawa naman ako sa sinabi ni Lexo. Si Aedree, nakafocus na sa bunsong kapatid.
"Maglalaro ka lang kamo, palusot ka pa," sagot ni Chase.
"E bakit ikaw, naglalaro ka din naman doon kuya ah. Tsaka ayaw mo ba kami kasamang kalaro?"
"Gusto kase niyan naglalarong mag-isa," makahulugang turan ni Milan na ikinangisi na agad ni Keso.
"Nilaro ko na to kanina, nakadalawang beses pa," nakangisi niyang turan habang si Dakota ay binulyawan agad si Keso.
Ano daw iyon?
"Siraulo ka talaga Keso. May mga bata dito puro ka ka-" pinigilan kong matawa ng bigla siyang mapasinghap at hindi na natapos ang kanyang sinasabi, ang kanyang mata ay bigla na lamang nanlaki.
Kitang kita ko ang paglunok na kanyang ginawa habang ang aking kanang kamay ay muli nang naglandas sa pagitan ng kanyang mga hita.
A smirk form on my lips. Akala mo ha.
Hindi pa ako nakuntento sa aking ginawa at pinisil pa ang kanyang tuhod. Nadinig ko naman siyang dumaing.
"Napano ka Kuya? Natatae ka?" tanong ni Ulap.
Tumingin naman si Aedree sa gawi ko at pinaningkitan ako ng mga mata.
"What?" balik tanong ko, ang aking kilay ay bahagya na ding nakataas.
Lintik lang ang walang ganti.
BInasa niya ang pang ibaba niyang labi bago muling ibinalik ang tingin sa mga pinsan at kapatid. Ang kanyang kamay sa aking likod ay ramdam ko na ang paninigas.
Parang may nagspark sa utak ko at naenganyo na lalo pa siyang inisin.
"Kuya ang pula ng mukha mo. Kadiri ka, malayo ang CR dito! Umalis ka na bago ka magpasabog. Hindi ko na kakayanin kapag nagaya ka kay Julio!" turan ni Milan. Nag uusap na silang lahat ngunit ako ay busy lamang sa kalokohang ginagawa.
Muling naglandas paitaas ang aking kamay. It was traveling in a painfully slow speed at ramdam na ramdam ko ang paninigas ng kanyang hita. It was flexing so hard within my grasp at lalo akong napangisi.
"Cait..." I heard him mutter. May pagbabanta na sa kanyang boses, his eyes closing a little at gusto ko na lamang tumawa ng sobrang lakas. He was breathing slowly and I am enjoying what I am seeing.
Hindi pa ako nakuntento at pinagapang na muli ang aking kamay pataas. My hand is almost at the middle of his thigh. Balak ko pa sanang itaas lalo iyon para mas lalong asarin ang lalaking ito.
"What are you two doing?"
"Wahhhh!" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang dumukwang si Lantis mula sa aming likuran, ang kanyang mukha ay nasa pagitan na namin ni Aedree.
"Ouch..." napaungol ako ng kaunti ng tumama ang aking kamay sa lamesa dahil sa sobrang gulat. Ang aking puso ay para nang nakikipagkarera sa aking dibdib.
Napahawak ako sa aking kamay na agad ding kinuha ni Aedree at bahagyang hinimas himas. Pansin na pansin ko ang paghinga niya ng malalim na akala mo nakahinga bigla ng maluwag.
Bahagya namang itinulak ni Lantis si Aedree at umupo sa pagitan namin.
"Aray, aray! Ang luwag luwag doon Lantis!" sita ni Ae sa kanya habang ako ay pulang pula na ag pisngi. Napansin ko pa ang pagngiti ng makahulugan ni Lantis sa akin na tila ipinapahiwatig sa akin na nakita niya ang aking ginagawa.
Oh God.
Nadinig ko pa siyang bumulong sa akin na halos ikahinto na nang aking paghinga.
"Huli..."