4

1586 Words
Sorry... "Hindi nga ako galit," sagot ko. "Isa pang tanong ay talagang hindi na kita kakausapin. Huwag mo akong kulitin Simon," Inilapag ko ang aking cellphone sa lamesa at tsaka tumayo upang magtungo sa kusina. Nauhaw akong bigla sa sobrang kakulitan ni Aedree. Kanina pa siya dito sa bahay namin at ayaw akong tigilan.  Pagkatapos naming mamili nila Bobbie ay umuwi din naman ako. Wala ako sa mood tumambay. Si Cinco naman ay umalis din agad at may aasikasuhin daw.  Wala pang sampung minuto ay sumulpot na din agad na parang kulugo ang lalaking ito sa harap nang aking pintuan, may bitbit na mga bulaklak at tsokolate. Napakabilis ding kumilos. Akala naman niya ay madadala niya ako sa paganyan ganyan niya.  Napaismid ako. What does he think of me, easy? Noong mapagbuksan ko siya kanina ay sinaraduhan ko siya agad ng pintuan. I don't want to see him. He's such an eyesore at pakiramdam ko ay napakadaming dumi na bumabalot sa katawan niya since yeah, someone dirty just cling into him not an hour ago. Hindi naman siya tumigil sa kakadoorbell. Kung hindi lamang ako nag aalala na baka may makakita sa kanya sa labas ay hindi ko talaga siya pagbubuksan.  I don't want to see him. Masyado siyang madumi ngayon sa paningin ko.  It's not that I am jealous with that girl name Xandria but I guess, this is one of those days that I really don't like seeing Aedree. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya.  Naramdaman ko ang pagkapit ng kanyang mga kamay sa aking baywang at niyakap ako patalikod habang umiinom ako ng tubig. Ang kanyang baba ay nakapatong na sa aking balikat at bahagya pa akong nakiliti doon. Pakiramdam ko ay may gumapang na kung ano sa buo kong katawan at muntik pa akong nasamid dahil doon. Mas lalo tuloy akong nainis! Nang maibaba ko ang baso sa counter ay inalis ko agad ang pagkakapulupot ng kanyang kamay sa aking baywang. Nadinig ko pa ang marahan niyang magbuntong hininga bago ako sinundan nang maglakad ako pabalik sa sala. "It was an accident. Nasagi niya ako sa hagdan at dirediretso sa baba ang cellphone ko. I said it was fine but she insisted," nadinig kong paliwanag niya. Whatever. "I wasn't asking," sagot ko bago umupo sa sofa. I don't care kung paano nadurog sa kamay ng babae niya ang cellphone niyang isa ding marumi. Madami daw bold doon sabi ni Lantis so it's a good thing na nasira. Umupo siya sa tabi ko at umusog ako palayo sa kanya.  "Ayaw kitang katabi," walang pag aalinlangan kong turan. Dumukwang ako at inabot ang remote sa lamesa tsaka binuksan ang tv. Manunuod na lang ako kaysa kausapin siya.  From the corner of my eyes, I saw how he brushes his long locks and sigh. Bahala siyang makunsumi sa akin.  Bahala siyang mapikon. Tignan ko lamang kung hanggang saan at kailan niya ako kayang tagalan. He turned a little at tumama ang kanyang tuhod sa aking hita na halos ikapitlag ko. Thank God I was able to control my reaction. "Cait..." tawag niya sa akin ngunit humalukikip lamang ako at ibinaling ang tingin sa nakabukas nang tv. "You're obviously jealous Caitlin. Bakit ba hindi ka marunong makinig sa paliwanag ko?" tila naiinis na niyang turan. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi.  Bakit parang pagod ang kanyang boses? Napalunok ako.  I hate Aedree. I like teasing him and making him angry and I also wants to be the person who runs this relationship. I told him that the very time I said yes to him. Kaya ngayon na makita siyang sobrang nanggigigil at tila frustrated na ay dapat ay natutuwa ako. Sapagkat ibig sabihin lamang nito ay ako ang nasusunod. Ako ang nakakalamang sa relasyon naming dalawa. Napabaling ako sa kanya ng natawa siya ng mahina.  "Why would you even listen? You don't care anyways," parang nahing bulong niya sa sarili niya.  Normally, I wouldn't react. Coz that's just how I am. I don't give too much reactions on whatever he does or say. Alam niya dapat iyan nung nagpumilit siyang mahing kami. Just then, the sound of his phone ringing caught my attention. Napatingin na din siya sa kanyang bulsa at ganoon din ako. Bahagyang nagkasalubong ang aming tingin at wala na siyang nagawa kung hindi dukutin iyon dahil wala iyong tigil sa pagtunog. And when he did, my eyebrow lifted a little. She calls him? Xandria calling... Her face was flashed on the screen at parang may kumirot bigla sa ulo ko, sa may bandang sentido. Para niya ito sagutin ay tumingin muna siya sa aking gawi. "She saved the number herself. Wala na akong nagawa," paliwanag niya bago sinagot ang tawag. "Hey..." Napabaling ako ng tingin, ang inis na kanina ko pa pinipigilan ay unti unti ng umaahon sa loob ko.  How many times does she calls him everyday? Magkausap ba sila palagi kapag hindi kami magkasama? Siya ba lagi ang tumatawag o si Aedree? My mind was started to be filled with weird thoughts. Baka kapag hindi kami magkasama ay lumalabas talaga sila.  "Sorry, I can't. But I promise I'll make it up to you," Napaangat lalo ang kilay ko sa kanyang tinuran.  I'll make it up to you ha? Sige, magsama kayong dalawa. "Saturday?" alanganin niyang turan. Napalingon pa si Aedree agad sa aking gawi at tinaasan ko siya ng kilay.  Saturday pala ha. Sige sumagot ka ngayon. Saturday is our day. We watch movies from the afternoon hanggang sa umuwi siya ng nine ng gabi. Sometimes we stay here in my room para iwas kay Cinco but sometimes we go places, like museum, coffee and tea houses, o sa kahit saang restaurant since we like to try different cuisines. Sige Aedree, make it up to her on Saturday, on our day. Nakita ko kung paano niya kinagat ang kanyang pang ibabang labi at tila ba nag iisip. Wow. So he's actually thinking about it? Nabigla ako sa kanyang naging sagot. "Sure. I'll just fetch you when you're ready,"  Napaawang ang aking labi at kahit pa natapos na ang kanilang pag uusap ay ni hindi ko nakuhang magsalita. Naikuyom ko ang aking palad at hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman.  Am I getting angry? Perhaps. Dahil kung hindi ako nagagalit ay hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko.  Ibinulsa niya lamang ang kanyang telepono at para bang walang nangyari.  Kumibot ang aking labi at para ng hinahalukay na ang aking tiyan.  Calm down Caitlin. Wala ka dapat pakialam. Napaharap ako agad at itinuon ang aking atensyon sa palabas ngunit hindi ko na maintindihan kung ano ba ang pinapanuod ko.  I never show that much of emotion when I'm with him. I don't care kung feeling niya ay bato ako but that's just me. Dapat ay tanggap niya iyon.  Bigla kong naalala ang pagkakapulupot nh kamay ni Xandria sa braso niya. Ganoon ba sila ulit sa Sabado? O baka naman magkahawak kamay silang maglalakad kung saan man sila pupunta. Manunuod ba sila ng sine? Or kakain lang sila sa labas? Ang dami ko na biglang naisip at hindi ko na maintindihan kung ano bang nangyayari sa akin.  Why am I even thinking about it samantalang wala naman akong pakialam sa kanila! "I'm going out on Saturday..." bungad niya habang nakaupo pa din sa tabi ko. Hindi ako nakapagsalita. Ni hindi ko makuhang magtaray. Kase paano ba? Hindi naman din siya nagpapaalam. Hindi niya kailangan dahil iyon din ang sinabi ko sa kanya dati. Na hindi niya ako nanay para magpaalam kung saan siya pupunta. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi at napahigpit na ang hawak sa remote. He's really going out on Saturday.... Ipinagpalit niya ang araw na palagi niya akong kasama para makasama ang ibang babae. He chose her over me.  Parang nanginig ang aking katawan at nagsimula biglang manlabo ang aking tingin. "Xantha, ju - are you crying?" bigla niyang tanong at ni hindi ko na napansin na nakaharap na pala siya sa akin.  Agad niyang hinatak ang aking kamay at ikinulong ang aking mukha sa kanyang dibdib, ang kanyang kamay ay nakapaikot na sa aking katawan. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Ang mga luha mula sa aking mga mata ay tuloy tuloy lamang sa pagdaloy. "Cait, saglit lamang iyon. Ihahatid ko lamang siya sa office ng mama niya dahil wala ang kanyang ama. Sa tanghali iyon at sa iyo agad ako didiretso," paliwanag niya. "E bakit hindi siya mag Grab?" sisinghot singhot pa ako at sobra na akong naiinis. Hindi naman siya driver bakit sa kanya nagpapahatid.  Natawa naman si Aedree sa inasal ko. "Sige, si Julio na lang ang uutusan ko. Huwag ka nang umiyak, sorry..." bulong niya na sinusuklay pa ng kanyang kamay ang aking buhok. "Doon ka. Ihatid mo siya. Magtawagan kayong dalawa kung gusto mo!"  Wala na akong pakialam kung para na akong bata na nagtatantrums. Hindi ko din maintindihan kung bakit ba ako umiiyak. Magkakaroon na yata ako kaya ako biglang sensitive. I felt his lips at the top of my head. "I won't call her. Tsaka hindi ko naman tinatawagan iyon. Mas gusto kong boses mo ang nadidinig ko..." bulong niya at napanguso naman ako. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at lalo akong napapikit.  Hindi siya aalis sa Sabado. Kapag talaga umalis siya ay ipapasok ko si Baby V sa incubator at bahala siyang magpaliwanag kay Ulap kung napano ang aso niyang may bra. Fuck. What the hell is happening to me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD