MEDYO napahiya ako but instead of taking it negatively, I chose to look at the brighter side of it. Positive in a way na at least, pinakinggan ako ng estudyanteng ito at naintindihan ako.
"Fourth and the last offense." ako na ulit ang nagsalita. "Pa'no kapag hindi lang isang estudyante ko ang tinamaan ninyo ng bola ninyo? Pa'no kung dalawa o tatlo sila? Edi doble-dobleng reklamo ang papataw sa inyong tatlo. Or worst, pa'no kapag ako mismo na teacher ay natamaan? Maaatim ba ng mga kunsensya ninyo na sa harap ng mga estudyante ko ay mapapahiya ako dahil natapunan ako ng bola sa mukha?"
Nakita ko ang pag-ismid ng lalaking nasa pinakadulo. Maybe, his answer is yes, maaatim niya at wala siyang pakialam! The thought offended me for a second.
"Wag ka nang magulat pa, maam, kung ganyan 'yan sila sa mga guro natin dito sa paaralan. Palagi nilang sinasabotahe at ginagawa ang lahat para kusang mapaalis ang isang teacher kapag ayaw nila sa teacher na 'to. Marami na silang mga teachers na napatalsik dito dahil sa hindi makaing mga pag-uugali nila." the Guidance Counselor told me.
Nagulat ako at parang nanikip bigla ang dibdib ko dahil sa sinabi ng huli. So, marami na silang mga teachers na napaalis dahil ayaw nila? Kusang sumu-surrender ang mga teachers dahil sinasabotahe nila?
Ginawa ba nila iyong paghahagis ng bola kanina sa klase ko dahil gusto na nila kaagad akong isabotahe sa first day of class ko kasi ayaw nila sa akin? Pero wala naman akong ginagawa sa kanila ah? 'Ni hindi ko pa nga sila nakikilala at ngayon ko palang din sila nakita! How could these people dislike and destroy other people na 'ni wala namang ginagawang masama sa kanila! I couldn't stop feeling this way.
"Kaya ba ginawa n'yo 'to dahil gusto kaagad ninyo akong paalisin sa Paaralang ito? You dislike me? You want me gone?" hindi ko naitago ang pait at pagkabigo sa aking tono.
As a first time teacher, masakit naman talagang malaman na hindi ka gusto ng mga estudyante at ang pinakamasaklap pa'y 'ni hindi mo pa sila nagiging estudyante sa kahit na anong designated subjects mo ay ayaw na nila sayo.
"No!" kaagad na tanggi ng estudyanteng Stanley ang pangalan. "Of course not. How could we dislike you if we don't even know you that much yet!"
Hindi ako nakasagot. Nalulungkot ako't naaawa sa mga teachers na minsan nang napatalsik ng tatlong ito.
"You know very well, sir, na bully kaming tatlo. Bully as always, pero alam n'yo rin na hindi kami nambubully ng mga taong hindi namin kilala o wala namang anumang ginagawa sa amin, unless nalang kung may ginawa nga'ng hindi namin nagustuhan. 'Yon lang, we bully, yes, but we don't bully people we don't know." baling pa niya sa Guidance Counselor at mukhang seryoso na talaga s'ya sa pagpapaliwanag ngayon.
"I know that, Mr. Rhys." tumatangong sang-ayon ng Guidance Counselor.
Mr. Rhys? Did he just call Stanley a Mr. Rhys? Kung gano'n, how is he related to this school's owner? They have the same last names! He is Stanley Rhys while this school is named University of Rhys.
"You should know that too, Maam." baling ulit ni Stanley sa akin at ngayon ay nakikita ko sa mga mata niya ang pakikiusap na paniwalaan ko ang sinasabi niya. "We don't dislike you. I don't dislike you."
May kung ano sa bilugan niyang mga mata na may mahahabang pilik ang nagsasabi sa akin na paniwalaan s'ya kasi hindi naman s'ya mukhang nagsisinungaling.
"If you don't dislike me or you do not have any plan of plotting against me, then you'll say sorry to my student na ginulo pa ninyo." I commanded.
Tumayo si Stanley at saka lumapit sa estudyante kong si Delfin na tahimik lang namang nakaupo sa katapat nilang upuan.
Tuluyan akong naniwala sa mga sinabi niya nang makitang seryoso at sincere siyang nag-abot ng kamay sa huli para makipag-shake hands. "I'm sorry."
"Stanley?"
"What the heck, Stan?"
Kitang-kita ko pa ang pagkagulat sa mukha ng mga kaibigan niya. So, kagulat-gulat na pala ngayon ang pagso-sorry sa taong nagawan mo ng hindi maganda? Mga kabataan nga naman ngayon, oo!
Malugod na tinanggap naman ni Delfin ang kamay ni Stanley at nag-shake hands sila. It's good to see that Delfin is forgiveful.
Binalingan ni Stanley ang dalawang mga kaibigan niya. "Jude, mag-sorry kayo."
"Dude, naman! Alam mo namang hindi talaga kami nag-"
"Mag-sorry kayo." matigas at maawtoridad na utos na niya sa dalawa.
Kapwa nagtataka namang nagkatinginan ang dalawa at hindi kalaunan ay sinunod din ang gusto ni Stanley. Nag-sorry din ang mga ito kay Delfin.
"Sorry." plain na anang isa.
Ang isa nama'y lumapit din sa estudyante ko at tinapik pa ito sa braso. "Sorry, pare."
"Kahit pa nagpakumbaba na sila, the decision is still in your hands, Mr. Israel. Kung tatanggapin mo ang paumanhin nila, then we can release them right now at wala nang suspension ang magaganap. Kung sa tingin mo naman kailangan nilang pagbayaran ang atraso nila sayo, then we can give them immediate disciplinary action." paliwanag ng Guidance Couselor kay Delfin.
"Wag na po, sir, since nagsorry naman na silang tatlo. Okay na po, tinatanggap ko ang paumanhin nila." mabait na sagot ng huli.
Buti nalang! Buti nalang talaga! Pasalamat talaga 'tong ng tatlong ito dahil mabait ang estudyante kong si Delfin.
"Okay, so I guess everything is already fixed. I hope this will be the last time I'll be seeing your faces here Stanley, Jude, and Noah. You may now go." matagumpay na saad ng Guidance Counselor saka nakipagkamay na sa tatlo.
"We'll try our very best, sir!" natatawa pang sagot ni Stanley habang nakikipagkamay sa Counselor.
Napangiti na rin ako habang pinagmamasdan silang nakikipagkamay sa huli. Sana nga hindi na ito mauulit pa.
"Maam!"
Nabigla pa ako nang walang paalam at basta na lamang na inabot ni Stanley ang isang kamay ko para ipag-shake hands ito sa kanya.
Nang tingnan ko s'ya ay ang ganda-ganda na ng ngiti niya. Napangiti nalang din ako.