MUKHANG naging epektibo naman 'yon nang tuluyan nga siyang umayos. "Ha? Ano 'yon?"
"I said, are you the one who threw the ball on my student's face?" ulit ko, mas mariin sa pagkakataong ito.
"Ha?" mukhang nataranta siya. "Ah, hin-hindi ah!" Itinuro niya ang kasamang nasa kaliwa niya. "Siya! siya ang nagtapon ng bola!"
"Anong ako? Huwag mo nga'ng mapasa-pasa sa akin ang ginawa mo, Stanley!" kaagad na depensa ng itinuro.
Itinuro pa ng matangkad na lalaki (na nagngangalang Stanley) ang nasa kanan naman niya. "Ikaw, Noah! Ikaw ang nagsabi na ihagis yung bola!"
"Pero si Jude ang nakaisip nu'n, sinundan ko lang!" kaagad na depensa ng nasa kaliwa.
Hanggang sa nagkasisihan at nagturuan na silang tatlo na halos mag-away na sa harapan ko kaya maagap ko na pare-parehong pinatahimik dahil kung hindi ay siguradong gulo na naman ito. Panibagong gulo na reresolbahin, kung nagkataon. Sa mga ganitong klase pa lang ng mga estudyante, mukhang puro disaster na ang dala!
"Okay, enough of pointing who's who. The three of you, come with me to the Guidance Office. RIGHT NOW," mariin kong sinabi at inirapan silang tatlo bago muling sandaling binalingan ang mga estudyante ko. "I'll be back. Please, take care of Mr. Israel first," sabi ko sa mga babaeng estudyante kong nakatingin sa akin.
"Yes, Maam," sabay-sabay silang tumango.
Muli kong binalingan ang tatlo. "Let's go!" muli ko silang inirapan at pinasunod na sa akin papuntang Guidance.
Naririnig ko naman ang ingay ng mga sapatos nila mula sa likod ko habang naglalakad kami, indikasyon na sumusunod sila sa akin.
HUMANDA!
Katulad ng inaasahan ay sa Guidance nga ang naging diretso ng tatlong sira ulo at tulad din ng inaasahan ko ay nagpapalusot sila ng kung ano-anong mga rason para lang i-justify ang hindi naging magandang behavior and action nila.
"Ilang beses ko nang sasabihin, hindi ko nga sinasadyang matapon yung bola sa kanya. Ang sabi lang naman ni Jude no'ng napadaan kami sa classroom na 'yon, ihagis ko raw doon kaya hinagis ko naman, hindi ko naman inaakala at mas lalong hindi ko naman sinasadya na may tatamaan nu'n!"
Kahit medyo malayo pa ako sa pinto ng Guidance office ay naririnig ko na ang boses at mga pagdadahilan nung mga salarin ng naghagis ng bola sa isang estudyante ko.
"I won’t believe in that explanation of yours, Mr. Rhys. Knowing you? Masyado kang bully dito sa paaralang ito kaya itong kabulastugan mo ngayon? Hindi kapani-paniwalang hindi mo sinasadya."
"Oh? Ayaw naman pala ninyong maniwala! What's the point of explaining myself here? Kung ayaw ninyo akong paniwalaan, edi huwag! Kayo’ng bahala" sagot ng sutil!
That voice is familiar. Iyan yung boses nung parang timang kanina na nakatulala at ngiting-ngiti habang nagtatanong ako sa kanila ng mga kasama niya. If I'm not mistaken, Stanley ang pangalan niya. Yung pinakamatangkad sa tatlo at mukhang pinakamatanda.
Aba't kung sumabat pa pala sa Guidance Counsellor, akala mo kung nakikipag-usap lang sa katropa ah!
"Fine!" dinig kong frustrated na pagsuko ng Guidance. "Sige, kung ayaw mo, ayaw ninyong aminin ang mga kasalanan ninyo. Mag-sorry na lang kayo kay Mr. Israel na siyang nagdusa ng mga kalokohan ninyong tatlo."
"Mag-sorry? Tss. Alam ninyong wala iyon sa bokabularyo ko!"
"At bakit wala? Everybody has mouths to say sorry kaya bakit hindi mo magawa?" kaagad na utas ko nang makapasok nang tuluyan sa nakabukas na office.
Kagagaling ko lang kasi ng Clinic kung saan dinala ang estudyanteng si Delfin at pinauna na itong pumunta rito sa Guidance office para mag-testify ng mga nangyari. Hindi ako nakasabay kaagad kay Delfin kasi may mga sinabi at pinayo pa sa akin ang School Nurse kaya ngayon lang din ako nakasunod dito sa Guidance.
Nakita kong natigilan na naman bigla ang loko-lokong estudyante at natulala nang makita akong pumasok. Insane.
"Kung idadahilan mo namang hindi mo sinasadya ang nangyari kaya hindi ka magso-sorry, that's totally unacceptable. Kakasabi mo lang, 'diba? Hinagis mo yung bola sa loob ng RM301 dahil sinabi ng kaibigan mo, at do'n palang mali na iyon. Sinunod mo pa rin! Alam ninyong from the first place ay may nagkaklase sa room na iyon! Kaya bakit kayo maghahagis ng bola? That's the first offense." I explained wisely habang naglalakad patungo sa tabi ng Guidance Counsellor.
'Ni isa sa tatlong mga loko ay walang nagsalita o nagtangkang sumagot sa akin kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Second offense, alam ninyong may klase sa RM301 at kapag maghahagis kayo ng bola roon ay talagang may mga kapwa estudyante kayong matatamaan. Kahit sabihin pa ninyong hindi naman ninyo intensyong makapaminsala ng iba pero alam ninyong may matatamaan talaga kayo kaya parang sinadya pa rin talaga iyon."
Matamang nakikinig sa akin ang mga narito sa loob.
"Third offense, naghagis kayo ng bola sa classroom na alam na alam ninyong may klase. That's a way to obviously destruct and destroy the teaching-learning session!"
Naglakad-lakad ako at isa-isang pinagmamata ang tatlo. Ang dalawang nakaupo sa pinakadulo na mga upuan sa harap ng Counselor's table ay halos hindi makatingin sa akin sa hiya samantalang ang nasa pinakaunahan namang Stanley ang pangalan ay nakanganga, at ngiting-ngiti na naman habang nakatulala sa akin.
"Hey?" kinunutan ko ng noo ang huli at tiningnan ito ng masama dahilan kaya napukaw ko kaagad ang atensyon nito.
"Ha?" parang nabigla pa ito sa pagtawag ko.
See? I don't know if he's even listening to what I said a while ago or he's really listening yet nothing's absorbing in his mind! Hindi ko na uulitin pa ang mga sinabi ko kanina para lang sa kanya!
"You're not listening," hindi na ako nagtanong bagkus ay nagdeklara na ako.
"Nakikinig ako," kaagad na marahang depensa niya sa sarili.
"Sige, kung nakikinig ka; enumerate the first three offenses I said about your current actions," hamon ko saka nag-crossed arms pa.
"First offense, kahit hindi namin intensyong makapaminsala ng kapwa estudyante pero sa ginawa naming paghahagis ng bola sa classroom na iyon na alam naman naming may nagkaklase ay parang sinadya na rin iyon," walang kahirap-hirap niyang sinabi na para pa talagang na-memorized yung mga sinabi ko kanina.
I can't believe it! Akala ko hindi siya nakikinig sa lahat ng mga sinabi ko kanina pero mukhang mali ako. Memorized pa nga yata niya ang lahat ng detalye! Nagawa pang e-enumerate ang hanggang third offense.
Edi siya na! Okay fine, siya na talaga!