2- "Nakatulala..."

1046 Words
AYOKO nang humantong pa sa tatanungin naman nila ako kung nagka-boyfriend na ba ako kaya hangga't maaari ay ayokong sagutin ang tinatanong nila ngayon. Bukod kasi sa nahihiya naman talaga akong amining NBSB ako dahil alam ko namang karamihan sa kanila ngayon ay well-experienced at mga eksperto na pagdating sa larangang iyon, alam ko ring mapapahaba pa ang interview portion na 'to sa akin at doon na lang iikot ang topiko hanggang sa matapos ang time namin. I don't want to be just the center of the talk right now, I also want to know about them. Each and every one of them. "Okay. Since tapos na akong magpakilala, kayo naman ang magpakilala sa akin," sabi ko. Lahat sila ay halos nanghinayang dahil hindi ko sinagot ang gusto nilang marinig pero hindi ko na lamang binigyang pansin ang panghihinayang nila. After all, ako pa rin naman ang teacher dito at ako pa rin ang masusunod. Kung may tinatanong man sila tungkol sa akin ay choice ko nang sagutin o hindi dahil personal ko din namang buhay ang pinag-uusapan. "Introduce yourselves to me and to the class then tell me your expectations to me as your PE3 teacher." I gave the instructions. Wala nga silang ibang nagawa kundi ang tantanan ako sa pangungulit nila at nagpakilala ng kani-kanilang mga sarili sa harap ng klase. "Hello. I am Rizza Macaranag, 18 years old. I expect you to be kind to us, Maam," simpleng pakilala ng babae mula sa pinakaunang chair. "I expect you to be kind also, Maam, and of course, generous din sa Grades!" nagbibiro namang sunod na pakilala ng baklang estudyante. Nagtawanan sila ng mga kaklase niya at karamihan pa sa mga iyon ay nagsisang-ayon. Ako rin ay bahagyang natawa. "Your Grades will, of course, depend on your performance. How will you participate in our class will reflect on your Grades. Kayo naman ang gagawa ng Grades ninyo, class, at hindi ako. Taga-record at taga-guide lang ninyo ako." Marami pang mga sumunod na nagpakilala ng kani-kanilang mga sarili. Mayroon din sa kanila na iba-iba ang expectations sa akin bilang PE3 teacher nila at mayroon ding magkakapareho lang. Minsan matatawa na lang ako kasabay ng mga estudyante ko, minsan mata-touch, at minsan pa'y mapapasang-ayon kasi ilan sa mga expectations nila ay siya ring inaasahan kong magiging performance ko sa klase bilang teacher nila. "Delfin Israel. I'm 17 and what I expect from you, Maam, is that you will be good to us and you will also give me a chance to reach for your heart." Isa pa 'tong maloko ang laman ng expectation! Sa muli ay naghiyawan at nagkantiyaw ang mga estudyante ko. Wala naman akong ibang nagawa o nasabi kundi natawa na lamang. Mga kabataan nga naman talaga! Nagpatuloy pa ito. "And also, Maam, I expect you to answer me ‘Yes’ if I am going to hit on you because you are so beautiful and- ARAY!" "HALA!" Kaagad akong nag-panic at tumakbo sa estudyanteng iyon na napatigil sa kanyang sinasabi at napasigaw pa ng ARAY dahil sa tumamang bola ng basketball galing sa labas sa mismong mukha niya. "Are you okay, Mr. Delfin?" I asked worriedly. God, what is this! It's my first time and first day of class tapos may ganitong insidente na kaagad! Hinawakan ko siya sa balikat at tiningnan ang mukha niya kung nagkapasa siya o nagmarka ang bola sa mukha niya. Parang malakas pa naman yung pagkakatama ng bola kanina sa kanya, kitang-kita ko! Imbes na sumagot ay dumaing lamang sa sakit si Delfin. "Aray!" Nagsilapitan na rin ang iba niyang mga kaklase sa kanya para mang-usisa at dumalo. Halos palibutan na namin siya ngayon. "Hahaha! Nice one, Stanley!" narinig ko ang halakhakan sa may bantang pinto ng classroom. Nang iginiya ko ang aking mga mata roon ay nakita ko ang tatlong lalaking nagtatawanan habang nag-a-apiran at mukhang may malaking accomplishment na nagawa. Nilapitan ko ang mga ito na mukhang hindi pa yata napansin ang presensya ko dahil busy sa katatawa. "Kayo ba ang naghagis ng bola kay Mr. Israel?" matigas kong tanong sa kanila. Kung sila nga, they should get the right sanction for their rude action! We, or any school, do not tolerate these kind of students! They're bullies! Mukhang nakuha ko naman kaagad ang atensyon nila nang tumingin sila sa akin. "Whooow! Nasa heaven na ba ako?" bigla ay tumawa ang lalaking nasa gitna na mukhang pinakamatanda sa kanila. Pinakamatangkad din ito sa kanilang tatlo at sa sobrang tangkad nito ay nahiya bigla ang height ko bilang isang teacher sa isang estudyanteng dinaig ang mala-MVP player sa basketball dahil sa tangkad nito! Mukha rin itong mas matanda sa akin ng ilang taon lang naman. Higit sa lahat, mukhang hindi katiwa-tiwala ang pagmumukha nito! "Uulitin ko, kayo ba ang naghagis ng bola rito sa RM301?" madiin kong tanong. Binalewala ko na lang ang tawa nung lalaking matangkad. "Ano naman sayo ngayon kung kami nga?" sabat ng nasa kanang gilid. Nagulat ako roon. How could he talk to a teacher that way? Nasaan ang manners? Nasaan ang respeto? "As a teacher, I am not going to tolerate your action against your schoolmate." Mukhang sila naman ngayon ang nagulat sa sinabi ko. So, hindi sila aware na teacher ako? This is definitely one of the cons of being a teacher at a young age! "Sorry po, Maam," kaagad namang paghingi ng paumanhin ng dalawang lalaking mga nasa gilid. Napakunot ang noo ko nang makita ang pinakamatangkad na lalaking nasa gitna. Nakatulala siya sa aking mukha habang nakanganga at ngiting-ngiti na para siyang timang. Hindi ko na lamang pinansin. "Now, tell me. Sino ang may pasimuno nito at sino sa inyong tatlo ang naghagis ng bola sa estudyante ko?" tanong ko sa tatlo. "Siya!" sabay ang dalawang lalaking mga nasa gilid na itinuro ang kasama nilang lalaking nasa gitna. Binalingan at tiningnan ko ng masama ang lalaking parang timang kung makatitig sa mukha ko. "Is it true? Are you the one who threw the ball to my student?" Hindi ito sumagot. 'Ni hindi nga yata nakarinig man lang. Gano'n lang pa din siya, nakatulala na nakanganga at nakangiti na parang timang! "Are you the one?" naiinis na ulit ko. "Hey!" I even waved my hand to his eyes to wake him up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD