6- "Sweet twenty-two."

1021 Words
Pumunta ako sa harapan at ramdam ko kaagad ang mainit na pagtanggap sa akin ng mga estudyante dahil may ilan pa sa kanilang nagpresinta na tulungan ako sa pagdadala ng laptop bag at mga gamit ko saka inilapag do'n sa harapan. Nang nasa harapan na ako ay nakita ko kaagad yung kaibahan ng mga estudyante sa bawat isa. May mga estudyanteng tahimik, meron ding magugulo, at mayroong parang wala lang. Just like the usual type in a classroom setting. "Uy, gising na! Nandiyan na ang teacher!" narinig at nakita ko pang ginigising ng isang babae ang seatmate niyang lalaki na mukhang himbing na himbing pa sa pagkakatulog. "Hmmn, talaga?" unti-unti namang nag-angat ng ulo yung lalaki saka nagkusot-kusot pa ng mga mata. Parang namumukhaan ko ang isang ito. Jude? Noah? Nakita ko rin ang pagkabigla nito nang mag-angat ng tingin sa akin at kinusot ulit ang mga mata para lang makasigurado sa nakikita. "Maam?" aniya. I nodded. Alam ko kung anong tumatakbo sa isip niya. He's thinking if I'll be their teacher for this subject for this semester. Napansin ko naman kaagad yung dalawang bakante pang seats sa likuran niya. Hindi lang roon, marami pang ibang bakanteng seats. "Is everyone around?" I asked. "May mga absents, Maam, at may iba ring mga late." sagot ng nasa harap na estudyante. Tumango ako. When I was about to introduce myself, saka pa may pumasok na dalawang mga lalaking estudyante na malalakas ang tawanan. "Gago! Hindi mo nakita? Maniwala ako sayo!" tawa ng lalaking naunang pumasok at nagmumura pa sa nakasunod sa kanya. That was when I realized na isa rin ito sa tatlong loko-loko kahapon. Parang hindi pa nito nakita ang presensya ko at tawa pa rin nang tawa habang papunta sa dalawang bakanteng upuan sa likod ng kaibigang natutulog kanina. "Eh, sa hindi ko nga nakita! Bahala s'ya kung umiyak s'ya dahil hindi ko s'ya napansin! Tss." sunod pa ng isang kapapasok lang. Si Stanley! "Hoy! Ang iingay ninyo, may teacher na sa harapan!" saway na ng isa sa mga kaklase nilang doon lang din banda nakaupo malapit sa kanila sa likod. Nag-angat ng tingin sa akin ang dalawang estudyanteng kapapasok lang at pareho silang gulat ang reaksyon nang makita ako. "Maam, ikaw pala 'yan? Nice to see you again, Maam!" jolly na sinabi nung isa tapos kumaway pa sa akin. I just nod. Nang binalingan ko si Stanley ay naroon pa rin ito sa kinatatayuan nito at ngayon ay nakatulala dito sa aking gawi. "Yes, sir? Care to take a seat, first?" I asked him gently tapos itinuro ko ang upuan sa tabi nung kaibigan niyang kasabay niyang pumasok. "Ah, yes." masiglang tumango-tango s'ya at tuluyang naupo sa kanyang upuan. "Ikaw magiging teacher namin ngayon, Maam?" Simpleng tumango lamang ako at nakita kong nag-aja pa talaga s'ya sabay sabing, "Yes!" "I'll be your teacher in Basic Grammar every MWF, 8-9 AM. I am Jasmine Marie Silvestre or you can just call me Maam Jasmine or Maam Jas if you want." "Yes, Maam Jas!" sabay-sabay silang sumang-ayon lahat. "How old are you, Maam?" may isang nagtanong. "I'm just 20 and a fresh graduate of Bachelor of Secondary Education Major in English." "Wow!" tulad ng ibang mga klase ay namangha rin ang mga estudyante ko ngayon pagkapasabi ko kung ilang taong gulang lamang ako. "Wow naman, Maam! Kaya pala ang ganda-ganda n'yo kasi mas matanda pa ako sa inyo!" bigla ay malakas na sinabi ni Stanley mula sa likuran dahilan para maagaw ang atensyon ng buong klase at magtawanan silang lahat. Ako rin ay natawa sa kanyang sinabi. "Bakit? Ilang taon ka na ba, Mr. Rhys?" "Sweet 22, Maam!" proud na proud niyang sagot. Muling nagtawanan ang lahat dahil sa idinugtong niyang 'sweet' sa 22 niyang edad. Kaya pala no'ng una palang ay nahalata ko nang pinakamatanda s'ya sa kanilang tatlong magkakaibigan at mas matanda s'ya sa akin kasi 22 na pala s'ya. "Balik-bayan kasi no'ng high school kami, Maam, kaya hayan! Matanda na't first year college pa rin!" sagot ng kaibigang katabi niya dahilan para pagtawanan pa siya lalo ng kanyang mga kaklase. Bigla naman niyang inupakan ang kaibigan niya. "Nagsalita ang hindi balik-bayan!" "At least, ako, one year lang akong bumalik no'ng high school at hindi na 'yon nasundan pa!" depensa nito habang tumatawa pa rin at binalewala lang ang pamamatok ni Stanley. "Ang sabihin mo, puro ka Shabu!" "Nag-quit na ako, gago!" "That's enough." naiirita ko nang saway sa dalawa. Hindi na nakakatuwa ang biruan nilang may murahan pa sa harap pa mismo ng teacher. "Since I'm already done introducing myself, it's your turn now to introduce yourselves to me." I instructed the class. Kaagad namang nag-raise ng kanyang kamay ang walang hiyang si Stanley Rhys. "Ako mauuna, Maam!" "We'll start at the back." sabi ko habang hindi na lamang siya binigyang pansin. Sa buhay pagiging teacher, alam kong hindi naman talaga maiiwasang magkaroon ng mga estudyanteng KSP pero ang isang ito, parang to the highest level ang pagiging attention-seeker! "Si Maam beautiful talaga, ayaw akong paunahin!" kunwari pang nagtatampo niyang utas. "Hindi ka raw niya kasi type, Stan!" tawa nung kaibigan niya sa harapan niya. "Nahihiya lang s'ya!" mahina niyang singhal sa kaibigan niya. Umiling na lamang ako at hindi na sila pinansin pa. "I am Beatrice Salas. What I expect from you, Maam, is to simply teach us what we need to learn for this subject. 'Yon lang po." Umaabot na ang introduction hanggang sa kina Stanley, pero bago sa kanya ay sa kaibigan muna niya. "Hello, everyone, I am Jude Reyes. What I expect from you, Maam, is for you to just stay pretty for the whole semester na magiging teacher ka namin para mas masaya at para mas inspired lalo si Stanley!" tumatawa niyang sinabi. "Yieeh!" bigla ay nanukso ang buong klase kay Stanley para sa akin. "Gago!" tumatawang anang huli at bahagya pang sinuntok ang katabing si Jude pero mukhang hindi naman sinaway ito o kumontra sa ipinahayag nito. Nang siya na ang tumayo upang magpakilala ay tumodo na ang hiyawan sa loob ng classroom. "Yieeh! Binata na si Stanley at crush si Maam Jasmine!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD