Tumatawa siya habang nagkakamot pa ng ulo pero hindi naman sinasaway o pinatitigil sa panunukso ang mga kaklase niya.
Pakiramdam ko'y nag-iinit ang pisngi ko sa lakas ng hiyawan nila at sa tawa ni Stanley habang nakatingin sa akin. Halos hindi na rin s'ya makapagsalita dahil sa ingay ng mga kaklase niya.
"Class, class, please keep quiet now!" saway ko sa kanila pero parang hindi nila naririnig dahil patuloy pa rin sila.
"Class, please." hirap ko nang sinasabi kasi hindi na nila ako naririnig sa sobrang ingay nila.
"Guys, quiet na raw." tinulungan na ako ni Stanley sa pananaway sa maiingay niyang mga kaklase at kinuyom na niya ang isang kamay simbolo na seryoso na siya sa pagpapatahimik sa kanila.
Unti-unti nga namang humupa ang ingaysa classroom hanggang sa wala na ulit nagsasalita. He's effective, maybe because he is the oldest among of them all kaya sinusunod s'ya nila. In fairness!
"So, my name is Stanley Rhys, the oldest dog in this class sa edad kong 22." marahang nagtawanan ulit ang mga kaklase niya marahil ay dahil sa oldest dog na kanyang sinabi.
"Bull dog!" singit pa ni Jude.
"Bull frog!" singit din nung kaibigan nilang sa harapan nila na marahil ay si Noah.
Hindi na pinansin pa ni Stanley ang dalawang mga kaibigan bagkus ay nagpatuloy na lamang sa pagsasalita habang diretsong nakatingin sa akin. "What I expect from you, Maam, is..."
Kita ko yung excitement sa mukha ng mga kaklase niya habang naghihintay ng susunod niyang sasabihin.
Ako nama'y hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong kinabahan, basta naramdaman ko na lamang. Nag-iwas ako ng tingin sa kanyang mga mata dahil pakiramdam ko hindi ko kayang salubungin ang mga iyon ngayon. I don't even know why I am feeling this way right now or what was this for, all I know is I don't want to think of it furthermore. I don't like this feeling and I don't want to embrace this kind of feeling.
"What I expect from you, Maam, is we can be friends here at the classroom. Iyong tipong makakasundo ka po naming lahat, at makakasundo kita..." sinadya niyang hinayaan yung pinakahuling tatlong mga salita para hindi na marinig pa ng iba pero ako, narinig ko iyon.
Nakita ko naman ang pagkadismaya at panghihiyang ng mga classmates niya sa simpleng pahayag niya. Siguro, inakala ng mga ito na may sasabihin na naman siyang kung anong kalokohan para umingay ulit sila at magtuksuhan o kaya naman ay magtawanan.
"I'm Noah Marco and my expectation from you, Maam, is just like the common. Kindness and high grades for us."
Natawa lang ako do'n sa pagbibigay ni Noah ng expectation sa akin. Yeah, really, his expection is just like the common expectation of students to their teachers.
"I'm Lea Lacson and my expectation from you, Maam..."
Natapos ang buong one hour session sa introduction ng bawat isa sa kanila.
Nang matapos ang lahat ng klase ko sa umaga at mag-lunch na, habang pumipila ako para bumili ng packed lunch sa canteen ay naabutan ko pa ang tatlong sina Jude, Noah, at Stanley na kahit kumakain ay panay pa rin ang tawanan.
"So, ano na naman ngayon ang binabalak mo sa kanya?" dinig kong salita ng isang estudyante mula sa malapit na table sa gilid hindi kalayuan dito sa pilahan.
At first I was not be able to notice that it's Jude's voice but yeah, I know, it's familiar.
"Don't tell me, binabalak mo ring i-bully s'ya, Stanley, tulad ng kadalasang ginagawa mo!"
Doon lang ako tuluyang napalingon nang marinig ang pangalan ng isang estudyante ko. Now, I totally recognized na yung unang narinig kong nagsasalita kanina ay si Jude at yung pangalawa ay si Noah.
Nakita ko namang ngingisi-ngisi lang si Stanley habang kumakain at tila naghihintay ng kasagutan ang dalawang mga kaibigan niya.
Tuluyan akong nakaabot sa counter at madaling nakabili ng packed lunch pagkatapos ay tumungo na ako.
"Yung mga gano'n kagandang babae, hindi 'yon binu-bully, mag-isip nga kayo! Pinapatay iyon... NG PAGMAMAHAL!" humirit pa si Stanley dahilan kaya kumantiyaw at napamura nang wala sa oras ang mga kaibigan niya.
"s**t! Sinasabi ko na nga ba, may binabalak ang isang ito!" mura ni Jude.
"Lakas mo, pre!" tumatawa naman si Noah.
Ngingisi-ngisi lang naman si Stanley sa dalawa.
"In love ka yata, Mr. Rhys?" bigla ay sumulpot na ako sa likuran nila para mang-asar din.
"Oh? Maam, nandiyan ka pala!" lingon sa akin ni Noah.
"Kain po tayo, Maam!" pagyayaya naman ni Jude at ipinaghila pa talaga ako ng upuan sa tabi nila.
Agaran naman ang pag-iling ko. "Ah, no thanks. Don't bother. Napadaan lang naman saglit ako para bumili ng packed lunch pero do'n ako kakain sa Faculty."
"Gano'n po ba, Maam?"
I smiled and nodded then I suddenly get back to the topic kung bakit bigla akong napasingit sa kanila. "So, in love yata si Mr. Rhys ah?"
Tumatawa si Stanley nang nilingon ako. "Na-love at first sight lang, Maam!"
Kumantiyaw at nanukso ulit sa kanya ang dalawang mga kaibigan niya.
"Tinamaan bigla ng pana ni Kupido!" ani Noah.
"Ang ganda kasi niya, Maam, at parang kay sarap niyang mahalin!" magiliw na sinabi ni Stanley.
"You know his ideal girl, Maam?" nakangisi namang tanong ni Jude.
Ngumisi na rin ako. Minsan talaga, nakakatuwa ring makipag-get along sa mga estudyanteng mukhang masisiyahin at mga pilyo! "What?"
"Gusto niya iyong mas bata sa kanya, iyong may inosenteng ganda, mahinhin, at hanggang kili-kili ang haba ng kulay itim na buhok na straight na straight." paliwanag ni Jude.
Whoever he's reffering to, I know that the chick that Stanley's hitting on is really beautiful. Sa dami ba namang nagkakagusto sa kanya at sa daming nagpapapansin makuha lang ang atensyon niya, alam ko na talaga na hindi basta-basta ang babaeng tanging nakahuli sa puso niya.
She must be very lucky, at mukhang malakas ang tama ng isang ito sa kanya kung sino man nga siya.
"You wanna know her name, Maam?" ngiti ni Stanley.