1- “Typical.”

1053 Words
(Jasmine) "GOOD Morning, maam!" I smiled and waved a little sa bawat estudyanteng nadaraanan ko sa building ng BSBA Department. "Maam, good morning po!" anang isang estudyante pang lalaki na mukhang mapilyo at yumuko pa talaga sa harapan ko para lang batiin ako. Narinig ko kaagad yung tawanan ng mga nakakita sa ginawa niya. Siguro yung iba mga kaklase niya o yung iba mga kaibigan at kakilala niya. "Good morning." I just greeted back nicely. "Yieee! Uuyy!" Dinig ko pang tuksuhan at kantiyawan ng mga estudyante. Napailing na lamang ako nang nilagpasan sila. Mga kabataan nga naman. This is a University so, hindi na ako magugulat kung maraming mga ganyang klaseng mag-aaral ang mayroon sa paaralang ito. Well, in fact, kahit saan naman, marami talaga. Yung tipo ng mga estudyanteng parang wala lang. Mag-aaral just for fun o kaya nama'y mag-aaral dahil bored lang sa bahay, at yung iba pa'y mag-aaral lang para makahanap ng mapaglilibangan. That's life. A reality. And no one could ever deny that fact especially in today's generation. "Nandito na teacher natin, guys! Umayos na kayo!" Dinig ko pang sigaw ng isang babae sa loob ng RM301 kung saan ang unang klase ko ngayong semester. Pagkapasok ko ay mga bati kaagad yung sinalubong ng mga magiging estudyante ko sa akin. "Hello, maam!" bati ng isang babaeng estudyante. "Good morning, maam!" bati naman ng isang lalaking estudyante. "Maam beautiful, good morning!" sunod pa ng isa pang estudyante. I gave my nicest smile to all of them. They will be my students for PE3 for this semester and I am really excited to treasure this class. Marami pa silang mga bumati sa akin, especially boys. That's why panay din ang bati ko pabalik sa kanila, kaway, at ngiti. To all of them. Boys and Girls. "Hi, maam! Ikaw teacher namin sa PE3, maam?" a boy asked. I smiled and nodded. "Whooow! Ganda! Ang swerte-swerte natin!" may biglang kumantiyaw sa likuran. As expected. The typical college guys. "Naman! Ang swerte talaga!" may isa pang sumunod. Hanggang sa nagtuksuhan ulit sila at halos lahat ng mga kalalakihang mga nakaupo do'n sa pinakadulo ay nagpa-party na. Ang mga nasa harapan naman ay nakikitawa lang din. Yung ibang girls ay nakikitawa habang yung iba naman ay nakikipag-chismisan sa kaklase at yung iba ay busy sa kani-kanilang business like texting, gaming, browsing, etc. What do I expect? Students are always students. "Class, pwedeng ako naman muna?" nakangiti kong tanong sa kanila. "Uy, manahimik na kayo! Respeto naman sa bagong teacher!" saway na ng isa sa mga babaeng estudyante na pinagsabihan ang mga kaklaseng maiingay sa likuran. "Oo nga! Respeto nga diyan, mga boys!" sunod ng isa pang lalaki na kunwaring seryoso pero halata namang nanggo-goodtime pa rin kasama ng mga kaibigan. Hindi nagtagal ay tumahimik na rin naman sila. Good thing at madali lang namang kausap 'tong mga taong ito. Mukhang kaya ko naman yatang pakisamahan sila. Mukha kasi silang maiingay pero mukhang alam din naman nila ang limitasyon nila. Nakakatuwa. "I am Jasmine Marie Silvestre. I will be your PE3 teacher for this Semester so I really hope na makakasundo ko kayong lahat, class," hopeful kong sinabi sa kanila. Siyempre, gusto ko talaga iyon. Ang makasundo ang mga estudyante ko. Magkaklase ng maayos kapag oras ng klase pero gusto ko ring maging kaibigan nila kapag nasa labas na kami ng classroom. I really want to get along with my students. Gusto kong maging makahulugan ang first experience of teaching ko since I'm a fresh graduate. "Maam Jasmine, ilang taon na po ba kayo? You look so young pa po kasi, maam eh," a girl asked. "I am 20 years old and a fresh graduate, class. I graduated just last March 2016 so it is really my first ever experience in teaching as a degree holder." "Wow! Kaya pala!" Marami sila ang mga tumango-tango at parang namangha. "Fresh grad pala si Maam!" "Kaya pala ang bata pa!" Yeah. Alam kong bata pa nga naman talaga ako. They are 2nd year BSBA (Business Administration, to be exact) students so I guess their ages are only around 18, or 19, o yung iba pa nga siguro mga kaedad ko na rin. Hindi talaga nalalayo ang edad ko sa mga edad nila kaya hindi ko rin tuloy maiwasang mapaisip kung dapat ba akong ma-pressure o ma-overwhelmed sa maliliit naming gap. Pressure kasi baka hindi ko maabot yung expectations nila, 'di tulad ng mga previous teachers nilang talagang mayroon nang mga narating at napatunayan sa pagtuturo, experienced and expert na, kumbaga. Overwhelmed, at the same time, kasi maraming aspect na magkakaintindihan kami since magkakalapit nga lang yung mga edad namin. "Major in PE ka po talaga, Maam?" another student asked. "No. I am actually an English major." Yeah. I'm not a PE major but rather an English major. Wala nga lang akong naging choice no'ng makita sa record subjects ko na maliban sa English ay magiging PE instructor din pala ako sa 1st years and 2nd years ng BSBA. By the way, TTH sched lang naman ito. "Wow!" parang namangha ulit sila. Ngumiti lang ako. What's with the English majors at mukhang lagi na lang namamangha yung mga tao sa major na ito? "Eh, Maam, may boyfriend ka na po ba?" mapilyong tanong naman ng isa sa mga lalaking naroon sa likuran. Here we go again. Typical questions of the boys to their new teacher! "Hmm..." nagpakapilya na rin ako. "Secret!" "Aww!" parang nanghihinayang sila at gusto talaga akong mapaamin. I will not tell them! "Maam, sabihin mo na kasi!" "Oo nga, Maam, para alam naman namin kung may pag-asa pa kami sayo o wala na!" Sa muli ay nagkantiyawan silang lahat dahil sa sinabi ng isang iyon at mukhang 'yon na naman ang tuksuhan ngayon! "Maam, oo o wala lang naman eh, kaya sabihin mo na." anang isang babae sa harapan. "Oo nga naman, Maam! Share-share din 'pagmay time!" sunod pa ng isang bakla. Tumawa na lamang ako't umiling-iling. "Basta!" Ang totoo niyan ay wala akong boyfriend at hindi pa ako nagkakaroon no'n since then. Meaning, I am an NBSB. Hindi ko muna kasi iyon iniisip habang nag-aaral pa ako no'n eh. Masyado akong naging busy sa studies kaya kahit mag-entertain ng mga manliligaw ay hindi ko ginawa kahit pa marami rin naman ang mga nagtangka noon at nagparamdam…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD