Search: Vad Ruiz Right. Saan ka dadalhin ng curiousity mo, Chloe? Kinuha ko ang phone habang hinihintay na mag-loading ang f*******:. It's the weekend. Panibagong weekend na naman na nandito lang ako sa bahay at hindi nag-sho-shopping kung saan-saan. Nagyaya sila Leia na mag-Mall ngayon pero hindi ko napaunlakan dahil nga wala naman akong pera. Nagsabi nalang ako ng kung ano-anong dahilan para tumanggi. And now, I'm getting curious about Vad Ruiz. Kahapon kasi ay topic na naman siya ng mga kaibigan ko. And about Stella, okay na kami ngayon. Normal lang naman talaga na magka-initan kaming dalawa dahil pareho kaming wala sa mood. We never said sorry but we're now back to normal. Ibinaba ko ang cellphone saka muling kinuha ang laptop. There are numerous number of Vad Ruiz pages and accou