Isang malaking ginhawa ang naramdaman ko nang makarating sa bahay at wala pa ang sasakyan nila mommy. Agad kong inilagay ang sasakyan sa dati nitong pwesto at tinakpan ng tolda na nilagay nila mommy since ang alam nila ay matagal na 'di magagamit. Dumiretso ako sa kwarto at agad na nag-shower. Habang nasa CR ay bumabalik sa isip ko ang mga nangyari sa araw na ito. I woke up feeling light, happy, and excited. And then it turns out na hindi naman pala totoong company ang pinag-invest-an ko. And... ugh! What was the name of that guy again? Come on, Chloe, you didn't even ask his name? Yeah, basta, that guy whose name is whatever. Until know wala pa rin kaming maayos na deal. Ha! Dalawang beses na ako naloko nun, ah? Nilibre ko siya ng ice cream- well technically binayaran niya pero libre n