Nagsisimula palang ang araw ay inaabangan ko na ang uwian. Gusto ko ng malaman kung ano ba ang magiging deal namin at sana matino na iyon this time. "Ano iyon? Naubusan ka ng load kaya 'di naka-reply?" Iyon ang bungad na tanong ni Leia nang dumating siya sa table namin sa cafeteria. Ngumiti pa ito ng pagkalaki-laki na para bang may naiisip na kalokohan. I rolled my eyes. Gusto kong sabihin na dahil sa kanya ay napahamak ako at na-wrong send sa kumag na iyon pero baka mas lalo pa itong mag-isip ng kung ano. Sinegundahan naman ni Alexa ang pang-aasar ni Leia kaya nalilitong tumingin sa amin ang mga kasama. "Don't mind them," sabi ko nalang habang namumula ang mukha- please note na hindi dahil sa kilig kung hindi dahil isa inis at kahihiyan. That Vad-thing went out until our last period.