Seven

1729 Words
Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang iced coffee na in-order ko habang iniisip ang nangyari. My fifty thousand... My damn savings. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha. Nag-iinit ang kalooban ko sa sobrang galit. Now, what? Ano nalang ang mangyayari sa akin? I gave them my everything. How... "Miss, ayos ka lang?" Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa gilid ko. The familiar face of Brandon Cervantes, the tall guy with naturally brunette curled hair, the hottest guy in UC. Tiningnan ko lang siya, blanko ang isip ko, hindi ko alam kung ano ang uunahing isipin. I'm afraid my mom would know what I've done with my extra money. I'm afraid I no longer have allowance for tomorrow because I fvcking paid for my car's gasoline and now I'm drinking a very, very expensive coffee. Brandon sat on the chair in front of me. Tiningnan ko ito at tinaasan ng kilay. He gave me a big smile on his face, he looks kind and friendly, but he might be just flirting and I have no time for that kind of drama. "Marami pang bakante na upuan," kalmado pero may pagsusungit na sabi ko rito. Nanliit ang mata niya at bigla nalang nag-offer ng handshake sa pagitan namin. "Brandon Cervantes, we're schoolmates." "You know me?" That wasn't a question but I asked it like it was. Tumango siya at bahagyang humalakhak habang ibinababa ang kamay na hindi ko tinanggap. I don't do shake hands with just anyone. May ilang babae na nakatingin sa gawi namin at natitiyak kong mamaya o bukas ay mayroon na namang balita na kakalat. The hottest guy in UC was caught dating with the blogger, Chloe Alexander "Sinong hindi nakakakilala sa'yo?" He smiled. "Of course I know the most gorgeous girl in my school." I hissed. Kahit ano pang pambobola niya ay hindi maaalis ang inis sa akin. At mas lalo lang akong naiirita dahil kinakausap niya ako gayong gusto kong mapag-isa. "Whatever. If you don't mind, I want to be alone," diretsahang sabi ko rito. Tinaas niya ang dalawang kamay na animo'y sumusuko. "Chill. Eto na, tatayo na." Tumayo siya at tumalikod pero humarap ulit. "Nice meeting you, Miss Alexander." Agad din siyang umalis at hindi na hinintay pa ang sasabihin ko, well, wala rin naman akong sasabihin. Dahil nakatingin pa rin ang mga babae roon sa akin ay napilitan akong tumayo nalang at umalis. Holding my iced coffee in a starbucks' packaging, I went to Burnham Park. Medyo kakaunti ang mga sasakyan dahil hindi pa naman oras ng uwian. Tiningnan ko ang relo at nakita na alas-tres palang. My parents will be home at five or probably later than that. May dalawang oras pa ako para mag-isip-isip. Hindi ako makapaniwalang naiinis ako kay dad dahil na-scam siya pero ako itong estupida na kung saan-saan nalang tumataya. Damn those scammers. Pasalamat sila at hindi ko pwedeng ilapit iyon sa parents ko para sana imbestigahan dahil ako ang unang mapaparusahan. Mom would kill me if she learned about it. I sat on the bench, overlooking the Burnham lake with some people enjoying their time boating on it. Bitterness crept all over my system. Bakit sila pwede maging masaya tapos ako hindi? Huminga ako ng malalim at ibinuga rin agad ang hangin. Uminom ako sa kape na dala-dala ko habang tinatangay ng hangin ang buhok. Medyo hindi maganda ang panahon at natitiyak ko na maya-maya lang ay bubuhos na ang ulan- sana lang ay nakauwi na ako mamaya. I don't wanna get sick. I'm already sick of my problems. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo ako para maglakad-lakad pero bago pa makalayo ay namataan ko na ang pamilyar na pigura ng isang lalaki na naka-side sa gawi ko. Black shirt, expensive male jeans, the familiar jet black messy hair... Lumapit ako at hinablot ang earphone na nakalagay sa kaliwang tainga niya upang maagaw ang atensyon niyo. Pagkaupo ay napansin ko na nagbabasa siya ng libro. Isang tingin palang sa makapal na libro na iyon ay alam ko na agad na nag-aaral siya. Sabagay, knowing na sa SLU siya nag-aaral, tiyak na mas istrikto sila sa grading system. I heard most of them are scholars. Siguro scholar din ang isang ito? But what is he doing at RPP that day? "Ikaw na naman?" Tiningnan niya ako ng masama. "Huwag mo akong guluhin," anito saka inilagay muli ang isang earphone na tinanggal ko kanina. Umirap ako saka nanatili sa tabi niya. Hindi ko naman siya ginulo dahil medyo lutang din talaga ang isipan ko sa mga nangyari sa akin ngayong araw. Pero maya-maya lang ay nagsalita na naman siya. "Humanap ka ng ibang pwesto. Nakikita mong nag-aaral yung tao, eh." Umirap ako saka tiningnan siya ng masama. "Ha! Sa dami ng oras ngayon ka lang mag-aaral tapos ako pa ngayon sisisihin mo?" He closed the book, leaving a bookmark on the page, and glared at me. "Nag-a-advance reading ako. Huwag mo nga akong itulad sa sarili mo na puro walang katuturan ang pinagkakaabalahan." "What?" sigaw ko sa mukha niya. "Anong walang katuturan sa ginagawa ko? I even invested--" Natigilan ako nang mabanggit ang bagay na iyon. Tumingin siya sa akin at bahagyang naningkit ang mata. "Nag-invest? Ikaw?" He laughed in the most sarcastic way possible. "Wala ka na ngang pera." Hinampas ko siya at luminga-linga sa paligid kung may posibleng nakarinig. This guy!! "Fine," iritang sambit ko. "Nag-invest ako pero hindi ko naman alam na scam pala iyon." He sighed. Itinaas niya ang libro sa mukha ko at tila walang pakielam sa sinabi kong scam-thingy sa kanya. "Umalis ka na at kailangan ko pang magbasa." "Promise mo muna na hindi ka magsasalita tungkol sa mga alam mo." Pinagkunutan niya ako ng noo. "Alam mo para kang kriminal na nanakot ng witness na nakakita sa'yo. Why don't you consider being one? Yayaman ka roon." Umusok ang ilong ko sa sinabi niya. Kinuyom ko ang dalawang kamao sa lap ko at pinipilit pigilan ang mga iyon na tumama sa mukha niya. "Alam mo, bwisit ka talaga!" Natawa siya sa sinabi ko, tawang hindi sarkastiko. Aba! At talagang nakakatawa pala na makita akong naiinis? "Treat me on a restaurant and I might consider," he uttered. Nanlaki ang mata ko at um-oo agad pero nang mamili na siya ng kakainan naming restaurant sa loob ng SM ay gusto ko biglang umatras. Ang natitirang pera ko ngayon at literal na talagang iyon nalang ang pera ko. Kailangan ko ba talaga na gastusin iyon para lang sa mokong na ito? He looked at the menu board and ordered his food on the waiter. Nang iabot niya sa akin ang menu ay agad akong umiling. I looked at the waiter. "I'll just have some water." "Diet sa pagkain o diet sa pera?" singit ng loko habang nakaharap pa ang waiter. Pinanlakihan ko siya ng mata. Bakit kailangan niya pang sabihin iyon sa harap ng ibang tao? I sighed in defeat. "I'll have fish fillet." "Noted, Ma'am. Will process your order right away." Pagkaalis nung lalaki ay agad kong sinipa sa ilalim ng mesa ang kasama ko. Nag-aray ito pero umakto rin agad na parang hindi naman masakit. "Konting-konti nalang talaga ang pasensya ko sa'yo," sambit ko sa mababang tinig. He jerked his head, slightly making fun of me. Pagkatapos ay sumandal siya sa sandalan ng upuan habang magkakrus ang dalawang braso. Wala masyadong tao sa restaurant na ito kaya medyo okay pa na mag-usap kami tungkol sa problema ko. "Ikaw ang humihingi ng favor sa lagay na iyan, huh?" I rolled my eyes. "So what now? Nilibre na kita so mananahimik ka na?" "Oh?" Umakto itong nagulat. "Did you? Akala ko bayad ito sa nilibre ko sa'yo noong nakaraan." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. This thick face creature! "Sinabi mo kanina na--" "I might consider. Hindi ko sinabi na ilibre mo ako at wala na akong sasabihin sa iba." Iritado akong sumandal sa upuan saka tiningnan pa siya lalo ng masama. Gustong-gusto ko ng hablutin ang buhok niya saka sampal-sampalin ang mukha nito. Ha! Who cares if he's good looking? Ang sama-sama naman ng ugali niya. Wala kaming imikan nang dumating na ang mga pagkain. Ang sama-sama na talaga ng loob ko. Anong pinagkaiba ng taong nasa tapat ko sa scammer na nanguha ng fifty thousand ko? Am I a scammer-magnet? O talagang malas lang ako ngayong araw? "How about this..." tumingin ako sa kanya pero hindi ako nagsalita. "I'll think of something you'll do for me in exchange of this secret?" Nagbaba ako ng tingin at patuloy na kumain, kunwari ay hindi interesado sa offer niya pero ang totoo ay pinag-iisipan ko na. A favor in return for a favor. Pwede na rin. Pagkatapos naming kumain ay um-order pa kami ng drinks pero siya na ang magbabayad. Aba! Ang laki-laki na ng gastos ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung ano na ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw dahil talagang mamumulubi na ako. "Anong gagawin ko?" I crossed my legs and leaned on the table. "Huwag mo akong mabigyan-bigyan ulit ng walang kwentang deal tapos hindi mo ulit tutuparin ha." "Huwag mo nga akong itulad sa nang-scam sa'yo." He sighed. "Give me your number." "Ha?" Tumingin siya sa labas kung saan kitang-kita ang ulap na medyo nagbabadya na ng hindi magandang panahon. My car is still at UC so I need to get there before the rain pours. Pagbalik ko ng tingin dito ay nakatingin na siya sa akin. "Wala na akong oras na mag-isip. Amin na ang number mo at ite-text kita kapag may naisip na ako." Wala na akong nagawa dahil kailangan na namin pareho na magmadali. Bagaman maliit ang Baguio ay wala naman kasiguraduhan na magmakasalubong nalang kami kung saan. Exchanging numbers, I think, is the best idea we can come up to. "Magco-commute ka?" he asked. "I can offer you a ride. On the way naman ang inyo sa amin." "How'd you know my house?" "I know Mr. Alexander's house," anito na para bang normal lang iyon. Yeah. He knew my dad like what he said weeks ago. "No thanks. Kaya kong umuwi mag-isa." Tumango siya. Hindi na umulit na nag-offer o nangulit. I can see that he lacks patience a lot. Bago makalayo ay lumingon itong muli at itinaas ang phone. "Mag-text ka kapag nakauwi ka ng maayos, Miss Alexander."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD