Four

2139 Words
Buong gabi yata na lutang ang isipan ko dahil sa sinabi nung lalaki na lumapit sa akin kanina. Kung alam niya, ibig sabihin lang nito ay marami-rami na rin ang nakakarinig ng ganoong balita. I'm very worried to the point that I can't enjoy the night. I was supposed to be happy tonight and not as upset as I am feeling now. "Problema nito?" I heard Alexa asked. Maya-maya lang ay sumagot si Leia habang nilalaro ang wine sa wine glass na hawak niya. "Kanina pa iyan ganyan. Na-inlove na yata sa lalaking kausap niya kanina." Awtomatikong umikot ang mata ko sa narinig. Kung alam lang nila. It's not love, it's the opposite. Sana nga na-inlove nalang ako kaysa iniisip ang ganitong problema. Bitterness filled my system, I can't imagine that a day like this would come, that I'll be lying to my friends and even to myself. "That won't happen. I don't like jerks." "Sino ba iyon?" Kuryosong humarap sa akin si Alexa, partner sila ng damit ng kambal niya. I saw them two together earlier. Not to mention they are the most popular twin who attends RPP every year. "Nandito rin? Anong itsura?" "Malay ko," iritado kong sagot. "I-try nalang natin yung mga foods kaysa pinag-uusapan ang mga gago na tulad ng lalaking iyon." "She sounds bitter," Alexa whispered to Leia. Natitiyak kong sinasadya nitong iparinig iyon sa akin. "I know right," Leia seconded. Hindi ako napipikon dahil sa pang-aasar nila. Siguro kinakabahan lang talaga ako na baka ipagsabi ng lalaking iyon ang alam niya at doon ako hindi pa handa. Hindi pa ako handang harapin ang samutsaring opinyon ng nga tao lalo na ng mga natitiyak kong may inis na nararamdaman sa akin. That guy should shut his mouth up or he'll destroy me in a second. And speaking of that guy, parang ngayon ko lang siya nakita na um-attend ng RPP, ah? I shrugged. So what? Baka nga nag-gate crash lang iyon. Magdamag na sina Leia at Alexa ang kasama ko habang abala sila mommy sa pakikipag-usap sa iba't ibang businessman. Nakipagkilala rin kaming tatlo sa ilang mga ka-edaran namin na um-attend. A few ones from UC and may mga galing ng Manila. Pagkauwi namin sa bahay ay agad akong nagbihis saka nag-edit ng pictures to post on my i********: account. Sunod-sunod na rin ang mga post ng mga um-attend at hindi ko na naisa-isa iyon at agad na nakatulog. Nang sumunod na araw ay nagkulong lang ako sa loob ng kwarto. I badly wanted to cry. This is so not me. Dapat ay nasa mall ako ngayon at mag-uuwi ng maraming gamit na mostly ay hindi ko rin naman talaga magagamit. Binuksan ko ang laptop at nag-concentrate nalang sa paggawa ng bagong content. After kong magsulat ay kinunan ko ng larawan yung bag at nilista ang mga maliliit na detalye no'n. It's a bag review by the way. The same day, I published it and turned my laptop off. "Chloe?" Tumingin ako sa pintuan ng kwarto. I'm sure it's mom. "Pwede bang pumasok, anak?" I let out a small smile and sighed before letting her come in. Basa ang buhok nito kaya alam kong katatapos niya lang maligo. Hawak niya ang suklay sa isang kamay at nakangiting lumapit sa akin. Huminto si mommy sa tapat ko at maya-maya ay umupo sa kama, sa tabi ko. "How are you, darling?" Her sweet voice is what I missed the most. My mom is the sweetest human in the earth next to dad. Pero nitong mga nakaraan, kasabay ng lahat ng mga g**o na nangyari sa buhay namin ay hindi na rin kami nakakapag-usap ng maayos. All three of us have battles to deal with and it's messing with our relationship. "I don't know, mom," malungkot na sambit ko saka muling nagbuga ng hininga. All these things are terrifying me to death but what can I do? Kung may paraan lang para lagpasan ang parteng ito ng buhay ko ay ginawa ko na. Dahan-dahan niyang sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya. She stare at me like I am still a baby. "Kapit lang, anak, malalagpasan din natin ito. I'm sorry you have to experience this." Niyakap niya ako at doon na ako naiyak. Alam ko naman na walang may gusto nitong nangyayari pero gusto ko lang na may masisisi. It was so hard to let go all the things that's keeping me sane for years. Pakiramdam ko kapag wala na akong ipo-post o ipapakita sa kanila na mga bago kong gamit ay wala na akong kwenta. It feels like the only purpose I have is to show them luxuries, to show them I got new things, to show them I have enough money to buy something normal people cannot afford. I used to be that girl that everyone looked up to. And now I feel so fvcked up. Pagkatapos ni mommy ay sumunod si daddy. Sumunod din ito sa kwarto ko at nakangiting nakatunghay sa amin ni mommy habang nagyayakapan kami kanina. He emotionally hugged me. "Sorry, anak, promise gagawan ni daddy ng paraan para bumalik tayo sa dati." "Sorry rin, dad..." Medyo gumaan ang pakiramdam ko lalo na nang sabay-sabay kaming kumain ng hapunan sa araw na iyon. Pero bumalik lahat ng dalahin ko nang makabalik ako ng kwarto. Tons of notification was sent to me. Karamihan doon ay puro magagandang comment pero iyon ang nagbibigay ng sakit sa kalooban ko ngayon. What if after this, I won't post anymore? What if malaman nila yung status ko ngayon? What if... What ifs. From: Leia Nice content. I love the bag, girl. Btw, ang dami agad reads. Congrats! And what if pati mga kaibigan ko ay mawala? Ibinaba ko ang cellphone saka nahiga sa kama. Nakipagtitigan ako sa ceiling na plain beige lang ang kulay. This time, walang luhang lumalabas pero puno ng takot ang puso ko. Anytime soon, they will know about it. May nakakaalam na nga eh. And speaking of that guy... Who the heck is he? ~~~~~~~~~~~~~~ Monday morning. At campus. "Haven't seen your car for a while now, Chloe." Sumandal sa pader si Stella sa tabi ng vending machine kung saan ako kumukuha ng inumin. I was a bit stunned with her statement. Wala namang halong pang-uuyam o panghuhuli ang sinabi niya pero kinabahan pa rin ako. Gayunpaman ay pinilit kong ngumiti ng matamis sa kanya na parang wala lang ang tanong nito. "A bit grounded for weeks now," palusot ko. Iyon lang din naman kasi ang alam kong dahilan na paniniwalaan niya. Tumango si Stella na mukhang disappointed sa naging sagot ko. Sometimes I feel like she wanted to pull me down. Tiningnan ko siya ng maigi hanggang sa umalis ito at mawala sa paningin ko. Sa circle of friends namin dito, sa kanya ako hindi sigurado, hindi panatag. It feels like anytime na may mahanapan siyang hindi maganda sa akin ay hihilahin niya ako pababa. I need to be vigilant around her. "What's up?" Napatalon ako at napahawak sa dibdib sa gulat nang bigla nalang dumating si Paris. Kalmado lang siyang tumingin sa akin, tumango, saka agad ding kumaway at umalis. She's a bit weird but I know I can trust her. May pagka-introvert din kasi ang isang iyon kaya ganoon. Pagkaalis niya ay naglakad na rin ako patungo sa room ko. Audrey and Alexa are already inside, lagi naman silang nauuna sa akin. "Ano? Nahanap mo na?" Kunot-noo kong tiningnan si Alexa. "Pinagsasabi mo?" "Si Mr. jerk ng buhay mo," nangingiting aniya na nagpangiwi sa akin. She's obviously referring to the guy from Rich People Party. Ilang minuto ko lang naman nakita at nakausap iyon. Maliban sa naiinis ako sa kanya ay wala na akong ibang nararamdaman pa. Ni hindi ko na nga ma-imagine ang mukha niya bagaman sigurado akong makikilala ko siya kung sakali na magtatagpong muli ang landas namin. "Whatever, Alexa." After morning class, all seven of us: me, Leia, Alexa, Paris, Audrey, Stella, and Andrea meet each other at the school's cafeteria. Lagi namang puno roon but we have our own table. Why? I don't know. It just happened. "Oh my gosh!" tili ni Stella saka nagturo ng isang freshman na naglalakad patungo sa counter. "Clean my table. Bakit may dumi diyan?" Tiningnan ko ang mesa niya at hindi nalang umimik dahil medyo madumi nga naman talaga iyon. However, hindi ko gusto ang ginagawa niyang pag-utos utos sa kung sino-sino. Nagkamot ng ulo ang lalaki pero sumunod din. I'm sure he just doesn't want to cause trouble. Kung tutuusin ay kaya niya namang patulan ang babae na ito. "She's obviously pathetic," Alexa murmured beside me. Maya-maya lang ay umayos na rin ang lahat. Nakaupo na kami at kumakain. And then Stella brought up a topic. "Are you guys up for mall shopping this weekend?" Agad akong na-excite sa ideya na iyon pero agad ding nawalan ng kulay ang mukha ko nang mapagtanto na wala akong budget para roon. Or maybe I have, probably less than ten thousand and if I'm going with these people, baka pagkain lang ang kakayanin ng budget na iyon. And it would be weird if I'll go home without buying anything. Tiyak na magtataka sila. Chloe isn't Chloe without the word shopping. Hindi agad ako sumagot at lihim na humiling na sana ay may mag-decline sa kanila. Please! Kahit isa lang. But on my dismay, everyone agreed, everyone uttered the word yes, and even nodded in agreement. "Chloe?" Andrea looked at me and I have no choice but to nod. "Great!" Lumapit ng kaunti si Audrey at nagtanong kung ayos lang ba ako. "Kanina ka pa parang wala sa sarili." "Nako!" Alexa laughed and I knew it already. She's probably thinking about her stupid speculation that I like the guy from RPP. "Na-inlove na yata iyan." Hindi ko na pinansin ang pang-aasar niya. Sana nga iyon nalang ang totoo kaysa namomroblema ako kung paano ang dapat kong gawin para hindi nila mahalata na nagtitipid ako. And I can't just say no when they asked about shopping because duh! Like I said, Chloe isn't Chloe without shopping. Pagkauwi ko ng bahay ay tiningnan ko agad sa aking mobile banking up kung magkano pa ang pera ko excluding the savings because I can't use that up. So far, mula nang ibaba nila mommy ang allowance ko ay wala pa akong naiipon. I almost tear up when I figured out that the only thing I can do is not to spend anything for the rest of the week. Pero hindi naging madali iyon. "Chloe, Starbucks after class?" "Girl, look! May bagong item." "Chloe, people are mentioning you on this post, oh. New shoes from Nike." And then the day of my nightmare came. Friday and I only have five thousand plus my supposedly allowance for the weekend. Nang dumating sila mommy ay agad akong lumapit, umaasa na nakakahingi ng pera sa kanila kahit kaunting dagdag lang. Ayaw kong mapahiya sa mga tao lalo na sa mga kaibigan ko. "Mom, nagkayayaan na pumunta ng Mall tomorrow and..." Cross fingers, "I need money." She went poker-faced. Agad namuo ang kaba sa dibdib ko. Si dad ay dumiretso sa kwarto para makapagbihis. I think it's a not-so-good day for them. Dapat pala ay noong nakaraan ko pa ito sinabi, dapat ay sinakto ko sa araw na nasa mood silang pareho. Wrong move. "Huwag mo ng sirain pa lalo ang araw ko, Chloe Shae," mariing aniya at tinalikuran ako pero agad akong humabol na parang empleyado na nasesante at nagmamakaawa para sa pangalawang pagkakataon. "Mom, please! Hindi naman pwedeng hindi ako sumama--" "Then just tell them you don't have money. What's so hard with that?" Her expression hardened even more. Masama ang tingin niya sa akin at nahalata ko ng hindi maayos ang naging takbo ng araw para sa kanya. Aside sa kanila ni dad ay wala na akong mapupuntahan pa o mahihingian ng tulong sa pagkakataong ito. "Mom," nagpapaawang sambit ko, medyo naiiyak na dahil hindi ko na alam ang gagawin. "You don't understand..." "Kung ipipilit mo ang gusto mo, lumipat ka ng ibang school na mas mababa ang tuition at gawing allowance ang dapat na pang-tuition mo." "Mom--" "Don't talk to me about unnecessary things again." Nanlulumo akong napaupo sa upuan. Ipinatong ko ang dalawang siko sa mesa at inihilamos ang dalawang palad sa mukha. Damn. Why was it so hard? Bakit ba kasi sa amin pa kailangang mangyari ito? I swear that I will slap the scammer once the police traced and catched him. Problemado akong tumayo pagkatapos ng ilang minutong pag-upo ko sa kusina. I don't know where to go and whom to talk anymore. Dumiretso ako sa kwarto saka nagmukmok doon habang abala ang isipan sa pag-iisip kung ano ang dapat kong gawin. This is the worse. Super ultra mega definitely the worse!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD