"What the fvck!?" Maarte niyang pinunasan ang kaunting juice na natapon sa damit niya. "Are you blind or are you just plain stupid?"
I rolled my tongue on my lips as I look at the scene in front of me. Nasa cafeteria kami ngayon at medyo madami-daming tao. Takot na takot at mangiyak-ngiyak ang nerd na babae habang sorry ng sorry kay Stella.
Stella Uy is UC students' nightmare. Hindi lang sa pelikula mayroong mean girl na kinatatakutan ng lahat. We have our own version of mean girl in the body of Stella. Sa likod nito ay si Andrea Conor, her friend who always sticks with her.
"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo, huh? Kaya mo bang bayaran ang damit ko?"
Mula sa pwesto ko ay nakikita kong nanginginig na sa takot ang babae. "M-magkano po b-ba?"
Stella laughed evilly. She was insulted. "Are you seriously asking me that? Can you pay me fifty thousand? Huh?"
I smirked. Fifty thousand... that blouse costs five thousand at most. The audacity of her to shout the price when it's obvious she just got it for a much much cheaper price. Patuloy na nag-so-sorry ang babae at nagpatuloy rin sa pang-aapi si Stella. Nasa kanila na ang atensyon ng lahat.
"Palibhasa ay hindi nakatanggap ng invitation sa RPP ngayon kaya ganyan," bulong ni Alexa sa tabi ko. Oh, that's the reason.
Bakit hindi siya nakatanggap? Baka nga mas mayaman na siya ngayon kaysa sa akin. Oh, right. In the world of business, power and connection matters more than money. And for the info, RPP gives a limited access only and you can't just enter the place.
"Sorry po, Miss Stella... s-sorry po talaga."
I clapped my hands and leaned comfortably on my chair. Natahimik silang lahat at napatingin sa akin. "What a good show for our first day."
"This b***h stained my blouse, Chloe," pagsusumbong ni Stella na para bang may pakielam ako roon. "She should pay for it."
"Come on, Stella, don't make it such a big deal."
Stella rolled her eyes at the girl before going to our table. She's one of my so-called friends in school. Along with her is Andrea Conor, whom her loyalty is always with Stella. Obvious namang wala siya sa mood. RPP is an important event for us at ngayong taon tatlo lang sa aming magkakaibigan ang na-invite: Leia, Alexa, and me.
Sinundo rin ako nila Daddy pagkatapos ng last class ko. Leia asked about my car and Alexa answered it for me. Kumaway ako sa kanila bago sinara ang pinto at bumuntong-hininga nang tuluyan ng mawala ang mga tao sa paningin ko.
"How's school?" Dad asked. Nagi-guilty pa rin ako sa mga nasabi ko pero hindi ko alam kung paanong sasabihin sa kanya.
"Fine," tipid kong sagot. Gusto kong sabihin na nahihiya ako sa mga nandoon pero baka ang sunod nilang gawin ay i-transfer ako ng school. Ayaw ko ng madagdagan pa ang problema ko.
"We'll pick up your dress for RPP today," pag-imporma ni Mommy na ikinabigla ko. Dress for what?
She's not kidding. Huminto ang sasakyan sa isang shop ng designer na kaibigan ni Mommy. Sabay kaming pumasok at sinalubong kami ng matangkad at medyo malaman na babae.
"Sheryll," bati nito kay Mommy at bumeso pa. Then her eyes darted at me. "Ang laki na pala ng anak mo. Wow! She's gorgeous!"
Tipid akong ngumiti sa kanya habang nililibot ng tingin ang loob ng shop. Medyo na-excite ako dahil matapos lahat ng nangyari, hindi ko inaasahan na magkakaroon pa ako ng bagong dress para sa party.
The lady showed me a silver dress with slit. Fit na fit iyon sa katawan ko and I love how shiny the beads and glitters are.
"Wow!" Kinuha ko iyon at tinignan ang repleksyon ko sa salamin. "Ang ganda."
Unti-unting lumapad ang ngisi ko saka natutuwang niyakap si Mommy. Mom tapped my shoulder while chuckling. "Isukat mo na."
Walang mapaglagyan ang kasiyahan ko habang sinusuot ang silver na dress na iyon. Very simple but very classy. Local brand lang siya pero hindi naman nila malalaman. Ka-level niya ang mga chanel na dress at siguradong pagtitinginan ako sa party dito.
The RPP will happen this weekend. Halos usap-usapan na iyon sa school nang mag-tuesday. Stella's not happy with it, at ang dami niya ng napaiyak ngayon.
"She's annoying," inis na sambit ni Alexa habang nakatingin kami kay Stella na nag-iinarte na naman. "Pasikat masyado."
"Kalma, Alexa." Natatawang sabi ni Leia habang busy kaka-scroll sa sss. "Just let her be. Anyway, may dress na kayo for RPP?" Nag-angat siya ng tingin.
"Anong theme ng RPP this year?" Tanong ni Audrey na hindi rin makakasama sa event. Audrey's rich but not so rich. Never pa siya naka-attend ng RPP kaya kinukwento lang namin sa kanya.
"Classic," si Leia ang sumagot. "Pabonggahan na naman ng dress for sure."
"Sounds normal to me," sabat ni Paris na ngayon lang nagsalita mula kanina. Paris Sandoval is one of our friends. Siya ang pinakatahimik sa amin. Bihira nga lang namin makasabay kumain dahil ang layo ng room niya sa amin at naiiba siya ng schedule. She's taking up architecture.
Kinakabahan akong um-attend ng RPP sa totoo lang. Paano kung malaman nina Alexa at Leia roon yung nangyari sa amin? For sure someone will open up about it especially when they'll see us.
Tinignan ko ang repleksyon sa salamin. Nakataas ang buhok ko at naka-bun. May ilang strands na natira na siyang kinulot ko sa gilid. I wore my silver earrings and my ring with a diamond on it. Tonight is one of the biggest event of my year.
"Ready?"
Tumango ako kay Daddy na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko. I took my purse before going out, following him to our car.
Naka-champagne gown si Mommy at naka-tuxedo si Dad, as usual.
Sa isang five star hotel gaganapin ang party. It took us fifteen minutes to arrive at the place. Marami ng tao at isa-isa na silang naglalakad sa red carpet. Nakahinga ako nang maluwag nang may mga bumabati sa amin.
"I'll just find my friends, Dad," paalam ko saka iniwan sila ni Mommy roon. Sobrang boring kapag nakikipag-usap sila sa mga businessman na kakilala.
Pumasok ako sa hall at na-amaze kung gaano kaganda ang ginawa nila para sa party na ito. Everyone's holding their wine glasses and chitchatting with anyone.
Nasaan na ba sila Leia? Kinuha ko ang phone ko pero walang signal dito sa loob. I decided to go out for a while to call either Leia or Alexa.
Huminto ako sa tapat ng malaking fountain. Kakaunti lang ang tao rito at tahimik hindi kagaya sa loob. I checked my phone and texted the two asking where they are. Wala pang dalawang minuto ay nag-reply si Alexa na on the way palang daw.
"Chloe," a deep voice said behind me.
Nagtaas ako ng kilay bago ito nilingon. He smirked and raised his wine glass before taking a small step so he can stand beside me.
Hindi ko maaninag ng maayos ang itsura niya dahil medyo madilim sa parteng ito. But from the side, I can see how lovely his eyelashes are. Paanong ang kapal ng kanya at sa akin manipis lang? His hair is also messy, just enough to make him look so hot.
Wait... who is this guy?
"How did you know my name?" Naningkit ang mga mata ko habang pinapanood ang bawat galaw niya na kulang nalang ay maski paghinga nito ay bilangin ko.
He's wearing a beautiful suit and a rolex watch. Lumingon ito sa gawi ko at saka ngumiti.
"I'm talking about your perfume. You're wearing Chloe EDP, right?" Nahigit ko ang hininga nang banggitin niya ang bagay na iyon. How come he knew about my perfume? "I didn't know Chloe's your name."
"Who are you?"
He shrugged. "Just someone. I heard about what happened to your businesses."
Kumalabog ang dibdib ko at naiiritang tumingin sa kanya.
"Akala ko ba hindi mo ako kilala?"
"I don't know your name but I know you're the daughter of Mr. Alexander."
"Anong narinig mo tungkol sa business namin?"
Nagkibit-balikat ulit siya habang nakatingin sa fountain at hindi sa akin. "You're close to getting bankrupt."
"What the fvck!?" Tinamaan ako ng matinding iritasyon sa sinabi niya. He just doesn't know when to shut up, does he?
Kalmado siyang tumingin sa akin na para bang hindi kainsu-insulto ang sinabi niya. "Such a dirty mouth."
"Hindi kami naba-bankrupt. How could you say something so absurd!" Sobrang sama na ng tingin ko sa kanya. I gritted my teeth in anger as I'm also afraid that someone might hear us.
"Chill. Tinanong mo kung anong narinig ko, eh, iyon nga ang narinig ko. Do I need to sugarcoat it?"
I rolled my tongue inside my cheeks as I tried to hold my anger.
"Chloe!"
Ngumisi siya sa akin. Ngisi na maayos naman pero para sa akin ay nakakainsulto.
"See you around, Miss!" He waved his hand before entering the hall.
Tumambad sa harap ko si Leia na nagtatakang sinundan ng tingin yung lalaki bago ako binalingan. "Sino iyon?"
"Some jerk," I mumbled. "Teka, saan ka galing?"
"Sa loob. Kanina ko pa kayo hinahanap. Tara..."
Hinila niya ang kamay ko papasok sa hall. My hands are cold and I feel so nervous and mad at the same time. Who the heck is that guy? Sinira niya ang gabi ko kahit hindi pa man nagsisimula.
Bankrupt, my a*s.