Five

1618 Words
"Naikot na natin halos lahat ng stalls, wala ka pa rin bang napipili?" Leia worriedly turned to me. "That's not so you, Chloe." My cheeks burned. Huminga ako ng malalim saka naglabas ng isang normal na ngiti at bumuntong-hininga na para bang disappointed na wala nga akong napili. "I don't like the designs." "Right," segunda ni Stella. "The new stocks aren't that pretty." "Oo nga," ani Andrea na halatang um-oo lang dahil sa opinyon ni Stella. She looks and sounds like a PA that a friend most of the time. Tumikhim si Alexa. "Let's grab some lunch guys." Ito ang unang gastos ko ngayong araw: Lunch. Medyo nag-alangan pa ako dahil halos two thousand ang isang meal. Hindi ako makapaniwalang tipid na tipid ko pa pati itong dalawang libo. Nang mai-serve ang pagkain ay kanya-kanya silang kuha ng picture. I didn't though. Ayaw ko naman na magkakapareho kami ng picture na ipo-post. So instead, I check my blog site to read some comments. Karamihan doon ay nagtatanong kung kailan ang next post ko, at ang ilan ay nag-u-update kapag may mga bagong release na design sa mga designer items. Recently, hindi na ako masyadong nakakapag-post. Bukod sa wala naman akong mai-content, walang bagong gamit, ay wala rin talaga ako sa mood na magsulat. Mahahalata mo kasi kapag napipilitan lang ako na mag-update and ayaw ko naman na ma-feel nila iyon. I want to be as lively and happy like before para maipapasa rin sa kanila yung excitement ko sa lahat ng sinusulat. "Yeah, nakakapagtaka nga na hindi nag-UC si Vad. I mean... Vad's the real son and not Brandon." Binaba ko na ang phone at nagsimulang kumain. Hindi ko na alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero narinig ko ang pangalan ni Brandon. I know him by name and by face but I really don't know much about him. "Brandon looks nicer though," sambit ni Stella. "Pero aminin na natin, Vad has better genetics." "Mabait din si Vad," pagtatanggol naman ni Alexa. "Baka hindi sila in good terms na magkapatid?" Nilunok ko ang kinakain saka sumabat sa sumabat sa usapan nila. "Who's Vad anyway?" Wala agad sumagot sa akin pero kitang-kita ko ang masamang tingin ng ilan at pagbilog ng mata ng iba. It was as if I just dropped something unreasonable and impossible. "Oh my gosh, girl, you don't know Vad Ruiz?" "Ruiz?" nagtataka kong tanong. "Brandon is a Cervantes, right? Then how come..." natigilan ako. Are they step brothers? Wala pa man akong nababanggit ay tumango na sila agad. I was left in awe. I didn't know Brandon has a step brother, well, wala naman talaga ako masyadong alam sa kanya. But come to think of it, the fact na pinag-uusapan ng mga babaeng ito, it means mga kilalang tao sila? "Buti nalang kamo hindi nag-aral si Vad sa UC. For sure na dadami ang girl enrollees kapag nangyari iyon." Bahagya akong natawa sa sinabi ni Leia. "Marami rin namang gwapo sa UC, ah? Anong pagkakaiba nila sa Vad na iyan?" Si Andrea ang sumagot. Ngayon lang yata siya naunang magsalita kay Stella? Bihira kasi ito na magpahayag ng opinyon na hindi related sa opinyon ng kaibigan. "Chloe, kapag nakita mo iyon, for sure wala pang limang minuto, in love ka na." I don't think so. Hindi rin naman ako tumitingin sa itsura when it comes to guys. Pagkauwi ko ay nag-search agad ako ng mga stalls na may mga cheap items. Hindi naman siguro nila malalaman, right? Iyon nga lang, halos laging crowded ang mga place na nahahanap ko. I ate dinner with my parents that saturday night. "May nabili ka?" Mom sounded concern. Ngumuso ako ng kaunti. I can't be disrespectful in front of the food. "Wala naman akong mabibili sa pera na hawak ko." "Bakit hindi mo i-try mag-ukay-ukay?" Dad said. Tumango si mommy. "Iyon nga rin sana ang sasabihin ko. You should look for second-hand items if you really want new things for yourself." Ngumiwi ako at umiling. "Second hand, mom? Are you kidding me?" She shrugged. "Hindi ka bubuhayin ng kaartehan mo, Chloe." "May alam akong ukay-ukay store na magaganda ang mga tinda," sambit ni daddy na para bang interesado naman ako roon. "Kung gusto mo ay pwede kitang ihatid doon bukas." "No--" "Those are branded things, too, Chloe," ani mommy na mukhang hindi palalagpasin ang gabi na hindi ako napipilit magpunta sa ganoong lugar. "So what kung second hand? Hindi ka naman mamamatay kung magsusuot ka ng nagamit na ng iba." "Mom, I'm a fashion enthusiast so how can--" "Kung talagang fashion ang topic natin dito, hindi naman kailangang mamahalin ang damit mo. If you're a real fashionista, you can pull it up with just anything." Natigilan ako at nag-isip. What's fashion anyway? Ang totoo hindi naman iyon ang dahilan. Ayaw ko lang na may makaalam na nagpupunta ako sa ganoong lugar at mas lalong ayaw kong malaman nila na nagsusuot ako ng second-hand. I don't even know anymore the whole point of this conversation. Kinabukasan ay napilit din ako nila mommy na magpunta sa ukay-ukay store na iyon. Mas maganda daw na umaga para wala pa masyadong tao. And I said fine. Pagbibigyan ko sila para sa susunod ay tatanggi na ako. I wore a comfy outfit for Sunday. Nagsuot ako ng hoodie just in case may kailangan akong taguan. Dahil nga hindi naman na ako nakakapag-drive ng sarili kong sasakyan dahil ayon sa kanila ay magastos ang gasolina, hinatid ako ni daddy. May meeting silang dalawa with an investor kaya talagang kailangan kong maging maaga. It was five minutes before nine when we arrived at the place. Hindi nga siya crowded but damn, the place is too small. Nasa tabi mismo ng daan ang tinutukoy ni dad na ukay-ukay. Sa isang malaking mesa ay naroon ang mga damit at hindi man lang nakatupi. I looked around. Nahiya ako bigla sa suot ko, pakiramdam ko tuloy ay pinagtitinginan ako kahit na kakaunti naman ang tao sa paligid at mukha namang wala silang pakielam. "Pili ka, hija, bagong bukas lang iyan," ani tindera sa akin. Napangiwi ako. Malamang bagong bukas dahil umaga palang. Alangan namang 24/7 sila na naka-open, 'di ba? Duh! Muli kong sinilip ang papalayong sasakyan ni dad. I can't believe he really left me here. Bahala na. Nandito na lang din ako kaya ipu-push ko na ito. Sinimulan kong tingnan ang mga damit na naroon at maya't maya rin ang pag-a-alcohol ko dahil aware naman ako na kung sino-sino na ang humawak dito. "You don't do that here." Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita. Tinuro niya ang alcohol na hawak ko gamit ang nguso pagkatapos ay ngumiti, not a friendly one. "Akala ko ba hindi pa kayo bankrupt? Bakit ka nandito?" I can hear him mocking me with his words. Mula sa salamin sa side nung lalaki ay kitang-kita ko ang pagbalandra ng gulat sa mukha ko nang rumehistro sa isipan ang mukha niya. "The jerk from RPP," sambit ko. He chuckled. "At least not bankrupt, right?" Tiningnan niya ang mga damit sa harap ko. "Don't worry, some of those clothes are branded. You can still brag about it without them knowing." Laglag ang panga na tiningnan ko siya ng masama. "What the fvck!?" Hininaan ko ang boses nang mapansin ang ilang mga dumadaan na napapatingin sa amin. "Ano'ng ginagawa mo rito?" mahinang tanong ko habang nagngingitngit na ang kalooban sa inis. "My school is right there." May tinuro siya pero hindi ko na iyon tiningnan pa. Nanghihina akong napaatras at humawak nalang sa mesa kung saan nakapatong ang mga damit. Bakit ba pakiramdam ko ito na ang huli? Anytime now people would know the real status of our business. Nang matauhan ay muli akong tumingin sa lalaki. He's now readying to leave. Hinawakan ko ang braso niya na agad niya namang iniiwas na para bang nandidiri. Ha! The nerve of this guy. "I-zi-zipper mo naman ang bibig mo, 'di ba?" I asked with hopeful eyes. Nagtaas siya ng kilay. "We'll see." Umayos siya ng tayo saka ako tinalikuran at nagsimulang maglakad. Tumingin ako sa ukay-ukay-an at pikit-mata na tumalikod at humabol sa kanya. I can't just let go of him without keeping his mouth shut about this. Ayaw ko naman na sirain niya ang reputasyon na ilang taon kong binuo. "Assure me na hindi mo ipagsasabi sa kahit na sino ang nakita at nalaman mo," sabi ko habang naglalakad kami. Damn. Hinihingal na ako, bakit ba ang bilis niyang maglakad? Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong nainis. At sa sobrang inis ko ay iniharang ko ang paa ko habang malalaki ang hakbang na ginagawa niya. Natisod ito pero hindi naman totally na natumba. He glared at me after and in return I shrugged. "Ganyan ka ba humingi ng favor?" inis na tanong niya, masama pa rin ang tingin sa akin. "Aba! Maayos akong nakikiusap sa'yo, ikaw itong walang kwentang kausap na hindi namamansin o hindi sumasagot ng mayos." He crossed his arms in front of his chest. "Hindi ako tsismoso." "Paano ako magiging sure na maski sa mga kaibigan ay hindi mo sasabihin?" "Ang alin ba?" "That ukay-ukay thing--" "Oh?" Lines were now visible on bis forehead. "Hindi naman masama mag-ukay-ukay, ah? Huwag kang magsalita na para bang illegal ang bagay na iyon." "I didn't say that," pagtatanggol ko sa sarili. Inirapan niya ako. Lalaki ba talaga ito? At teka! Kung makairap siya ay parang ako pa ang nanggugulo sa kanya samantalang siya itong kung saan-saan nalang sumusulpot. Humarang ako sa harap niya nang magsimula na naman siyang maglakad. "Ililibre kita ng ice cream." Hinila ko ang kamay niya patungo sa paborito kong ice cream parlor at nagpatianod naman ito at hindi na kumontra pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD